Maikling Talambuhay ni Macario G. Pineda 1912 – 1950 Si Macario Pineda ay ipinanganak sa Malolos, Bulakan, noong ika10 ng Abril, 1912. Siya’y nagtapos sa Bulakan High School. Naging tagaingat-yaman ng Pandi, Bulakan. Katulad ng buhay-nayong lagi niyang inilala-rawan, ang buhay ni Pineda ay hindi makulay na katulad ng buhay ng mga manunulat na nahirating umuwi ng hatinggabi at magpalipas ng mga sandali sa mga kapihan. Ipinagmamalaki ng nasirang Salvador R. Barros na siya ang nakatuklas kay Pineda nang ipadala nito sa panlinggo ng Mabuhay ang kuwentong “Walang Maliw and mga Bituin.” Buhat noon, Si Macario Pineda ay nakilala ng tanang mangunguwento hindi lamang dahil sa kanyang kanais-nais na mga akda kundi dahil sa madali siyang makilala at makita: siya kung nakatungo, ay may anim na talampakan ang taas. Ayon kay Gunigundo, nang minsang naglalakad siya sa sabana ng Bulakan ay nakakita siya ng kapre, nguni’t nang sipating mabuti ay si MP pala! Si MP ay mabuting kaibigan, at karaniwan ng maririnig sa kanya ang mga salitang pabulalas na “Ang damuho!” Ilan sa kanyang mga kilalang akda ang mga sumusunod: “Suyuan sa Tubigan,” [Liwayway, Nobyembre 27, 1943], nagkamit ng Unang gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards “Ang Langit ni Ka Martin” “Kasalan sa Malaking Bahay” “Sinag sa Dakong Silangan,” [Liwayway, Agosto 28, 1943] “Ang Ginto sa Makiling” “Talambuhay sa Aming Nayon” “Ang Siste Nito” “Boda de Plata.” Namatay siya noong ika-2 ng Agosto, 1950.