Talambuhay ni Francisco Balagtas By Rhodilee
Ang kilalang kuwento ni Florante at Laura ay likha ni Francisco Balagtas, isang magaling na manunulang Pilipino. Narito ang isang maikling talambuhay ni Francisco Balagtas sa tagalog: Buod ng talambuhay ni Francisco Balagtas Si Francisco Baltazar, o mas kilala sa pangalang Francisco Balagtas ay sinilang noong Abril 2, 1788 sa lalawigan ng Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana dela Cruz. Si Francisco Balagtas ay pinagaral ng isang mayamang kamag-anak sa Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose at natutong sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz na kilala ding Huseng Sisiw, ang tinuturing na pinakakilalang makata sa Tondo. Ang buhay ni Francisco Balagtas ay nagtapos noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Nakilala siya bilang Prinsipe ng mga Manunulang Pilipino. Mga akda at tula ni Francisco Balagtas: Florante at Laura Mahomet at Constanza Bayaseto at Dorsalica Rodolfo at Rosamunda
Padre Jose Ma. Burgos
priest-reformist
one of the GOMBURZA martyrs executed by Spain, on suspicion of rebellion
taught Rizal at the Ateneo de Manila
born February 9, 1837
died February 28, 1872 at Bagumbayan by execution
Padre Jose Ma. Burgos studied in San Juan de Letran. He sought equal treatment for browns and whites. He was busy seeking reforms when the Cavite Revolt broke out in 1872. Padre Burgos was suspected to be one of those inciting the people to revolt. On February 15, 1872, during a secret trial, three Filipino priests were sentenced to die at the gallows. The three priests, Fathers Gomez, Burgos and Zamora were executed at the gallows in Bagumbayan on February 28, 1872. The three martyred priests were collectively called the GOMBURZA. Excerpts from Talambuhay ng mga Bayani by Rene Alba
The GOMBURZA priests were executed in Bagumbayan in 1872, and buried in an unknown location at the Paco Cemetery. This Centennial year, bones believed to be the missing bones of the Gomburza martyrs were accidentally found at the Paco Park Cemetery by the Manila City Engineers Office.
The youngest among the three Filipino Martyr Priests(Fathers Mariano Gomez, Jose Burgos, and Jacinto Zamora), Father Jose Burgos was born in Vigan, Ilocos Sur on February 9, 1837. His parents were Jose Burgos and Florencia Garcia. Young Jose's first teacher was his mother who taught him to read and write. After finishing his elementary grades in Vigan in 1849, he went to Manila and enrolled at the San Juan de Letran College where he excelled in all subjects. At the age of 17, he finished Bachiller en Artes with honors. He studied priesthood at the University of Santo Tomas and said his first mass at the Parroquia del Sagrario de Intramuros. For his courageous defense of the cause of Filipino priesthood, Father Burgos earned for himself the name "Champion of the Cause of the Filipino Clergy" but incurred the hatred of the Spanish friars. Thus, when the Cavite mutiny broke out in 1872, the Spanish authorities arrested him together with Father Gomes and Father Zamora, charging them of having incited the revolution. After a mock trial at Fort Santiago on February 15, 1872, they were sentenced to die by means of the garrote, a Spanish strangulation by an iron collar tightened by a screw. On February 17, 1872, they were executed in Bagumbayan, now the Luneta.
Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora, Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua sinulat ni HONORIO LÓPEZ, 1911 Periodistang Tagalog, Director artístico sa Kapisanan ng mga autores lírico-dramático La Juventud Filipina at Autor ng maraming kasulatan: Kalendario, istoria, biografia, atbp. IKA-2 PAGKAHAYAG. MAYNILA:1912. IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA NI J. MARTINEZ.
Plaza Moraga 34-36, Plaza Calderón 108 at Estraude 7, Binundok.
Alaalang handóg kina Padre José Burgós (30 taón), Padre Jacinto Zamora (35 taón), Padre Mariano Gómez (85 taón) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubós na dinaya ng mga fraile. Inihahandóg ko itong abang alaala sa kanilang pagkamatay sa bitayáng itinayó sa Bagumbayan nuong iká-28 ng Febrero 1872. -- Honorio Lopez FERNANDO AMORSOLO, 1892-1972
Ang Pintor Ng Ginintuang Pilipino “Mabilis magbago ang liwanag ng araw, at kailangang mabilis ka upang mahuli mo sa larawan ang damdamin nuong nagsimula ka...” --Fernando Amorsolo, ukol sa paggamit niya ng natural ng liwanag sa pagpinta. “Ang kanyang mga larawan ay sumasabog sa dilaw at mapulang liwanag ng araw kaya nabihag niya ang lubusang ganda ng kalikasang Pilipino...” --Eloisa May P. Hernandez, The American and Contemporary Traditions in Philippine Visual Arts “Itinanghal niya ang magbubukid sa isang sukdulang paraiso, kung saan laging mapagbiyaya ang kalikasan, at walang nakakaranas ng gutom o gulo. Inibig ng lahat ang kanyang dalagang Pilipina, nakangiti, maputi, nakabihis ng lumang gawing damit na hindi kumukupas sa araw o nasisira sa paggawa sa bukid...” -Thinkquest
SA PACO, Manila isinilang si Fernando Cueto Amorsolo nuong Mayo 30, 1892, kina Bonifacia Cueto at Pedro Amorsolo, isang bookkeeper, subalit lumaki siya sa Daet, Camarines Norte. Nang 13 taon gulang si Amorsolo, namatay ang ama at inilipat ni Bonifacia ang familia sa Manila upang
Amorsolo nuong 17 taon gulang. Habang nag-aaral, nakisukob siya sa isang upahang accesoria (apartment) at upang kumita, sumali siya sa mga paligsahan at gumuhit nang upahan, gaya ng “Parusa ng Diyos,” ang unang nobela ni Severino Reyes. Nagdesign pa siya ng mga upuan (sillas, chairs)
matulungan ng pinsang-buo, si Fabian dela Rosa, isang kilalang pintor. Nagsilbi sa kanya si Amorsolo, at upang makadagdag sa bahay, nagpinta pa ng mga postcards sa watercolor at ipinagbili sa isang tindahan ng aklat, 10 sentimos bawat isa, samantalang nag-borda (embroider) ang kanyang ina. Nuong 1909, nag-aral si Amorsolo sa Liceo de Manila, kung saan kinilala ang galing niya sa pagguhit (drawing) at pagpinta (painting), at nakatapos sa kahit gaanong hirap. Sa paaralan ng sining (School of Fine Arts) ng University of the Philippines (UP) nagtuturo nuon si Dela Rosa, kaya duon pumasok si
para sa Bureau of Public Works, kung saan siya nakapasok bilang tagapag-guhit (draftsman). Nakatapos siya nuong 1914, isa siya sa mga unang graduate ng UP, nagkamit pa ng mga medalla na parangal. Nuong 1916, nabigyan siya ng pabuya (grant) ni Enrique Zobel de Ayala upang mag-aral sa Escuela de San Fernando sa Madrid, España, at dumaan siya sa New York, sa America upang magsuri ng iba’t ibang hilig (styles) sa pagpinta. Nakahiligan niya ang pagpinta ng lipas nang maestro, si Diego de Velazquez, at iba pang dating bihasa sa Europa at America. Patuloy siyang namasukan sa Public Works kahit nuong nagsimula siyang nagturo sa paaralan ng sining ng UP, - tumagal nang 38 taon. Tulad ng kanyang Tio Fabian, naging director rin siya ng paaralan, mula nuong 1938 hanggang 1952.
Napangasawa niya si Salud Jorge nuong 1916. Nagkaruon sila ng 6 anak bago namatay si Salud nuong 1931. Sunod napangasawa ni Amorsolo si Maria del Carmen, at nagka-8 anak sila. Nuong 1922 natapos ni Amorsolo ang unang sikat niyang larawan, ang “Rice Planting,” natanyag sa buong kapuluan at America, at nalathala sa mga calendario, mga karatola (carteleras, billboards) at mga lathalang pang-turista. Sumikat siya at nagmistulang gigante ng pagpinta sa Pilipinas mula nuong 1930s hanggang 1950s nang gumihit siya ng marami, at iba’t ibang larawan ng mga tao, kalikasan at mga yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Umabot ang palabas ng kanyang mga guhit hanggang sa New York, sa America, at sa Belgium, sa Europa. Gumuhit din siya para sa mga aklat paaralan, mga nobela, mga disenyo (designs) para sa mga bahay kalakal (comerciantes, companies), at mga cartoon para sa mga pahayagan at magazine, tulad ng The Independent, Philippine Magazine, Telembang, Renacimiento Filipino at Excelsior. Siya ang unang naglarawan at nagpalawak ng pagpinta ng mga gawi ng mga Pilipino, - fiesta, pangisda, pagtanim at pag-ani, pamimili, paglalaba, pagluluto. Ginuhit din niya ang mga kabanata sa kasaysayan ng bayan, tulad ng Sikatuna, Early Filipino State Wedding, First Mass in the Philippines, The Building of Intramuros at ang Burning of the Idols. Hindi mabilang ang dami ng kanyang mga katha kahit ngayon. Ang kanyang mga paglarawan ay nalathala sa maraming aklat paaralan at mga calendario, at kinagisnan ng maraming bata bilang sining ng Pilipinas.
Itinangi si Amorsolo dahil ‘nabihag’ niya ang uri ng liwanag sa Pilipinas. Gumamit pa siya ng paraang tinawag na ‘backlighting,’ - sa likuran ng tao inilagak ang araw kaya naguhit sila sa ginintuang liwanag. Naging favorito siya ng mga Amerkano na nais ipakita sa mga nasa America ang anyo ng kanilang sakop na kapuluan. Marami ang nagbayad nang mahal upang magkaruon ng kanyang mga larawan, o ipaguhit ang kanilang mga larawan sa kanya. Sapat na ang kita niya mula nuong 1930 kaya hindi na siya tumanggap ng trabajo mula sa mga bahay kalakal. Naging napaka-tatag ang sining ni Amorsolo, kaya nang mag-iba ng hilig (style) ang mga sumunod na pintor, ang mga tinawag na mga Moderno, tinawag itong “aklasan,” o mistulang “paghimagsik” laban sa tinawag na Amorsolo school of painting. Silang dalawa ni Guillermo Tolentino, ng UP rin, ang tinaguriang maka-luma (conservatives) ng mga “naghimagsik” na kinabilangan nina Victorio Edades, Galo B. Ocampo at Carlos ‘Botong’ Francisco. Subalit walang bawas ang paghanga at parangal kay Amorsolo tanang buhay niya, lalo na’t dinaan niya sa dami dahil napaka-sipag at napaka-bilis niyang magpinta. Karaniwan, 10 larawan ang natatapos niya buwan-buwan. Para sa pavilion ng Pilipinas sa Exposition sa Paris nuong 1931, nakatapos siya ng 3 likha, kasing-laki ng tao, nang wala pang isang buwan. Bumagal lamang ang gawa niya nuong bandang huli, nang dapuan siya ng diabetes at kulaba (cataract) sa mata; namatay pa mandin ang 2 anak na lalaki. Yumao si Amorsolo sa Manila nuong Febrero 26, 1972. Nuong 1973, siya ang kauna-unahang hinirang ng pamahalaan na Taga-likha ng Pilipinas (National Artist of the Philippines). Kung daan-daan ang mga larawang pininta niya, marami ay nawala na o hindi na matunton, libu-libo naman ang mga drawing at sketches na ginawa niya. Buong buhay, walang tigil ng pagguhit si Amorsolo - kamay, paa, kampay ng bisig, tungo ng ulo, pihit ng leeg. Marami ay pag-aaral ng paglarawan ng mga karaniwang gawain sa bahay at bukid - dose-dosena ang mga larawan niya ng pagtanim at pag-ani. Makaluma ang hilig sa pagpinta, makaluma din ang kilos at anyo ni Amorsolo. Pinarangalan niya ng ‘po’ kahit ang mga estudiante niya. Aninaw ito sa kanyang mga larawan. Mahinahon at marangal ang kanyang mga larawan, kahit na ang mga babaing naglalaba, naliligo at nagpapaligo ng mga anak sa ilog, o nakababad sa putik at nagtatanim sa bukid. Magalang at tahimik, bihira magsalita, tinangka niya, maniwaring matagumpay, na maunawaan ang kanyang larawan sa una at isang tingin. Tinanggihan niya ang ‘ganda’ na tanghal sa Europa at ibang bayan. Humugis siya ng sariling wari ng ‘gandang’ Pilipina: Bilugan, hindi pahaba ang mukha. Buhay, hindi mapungay ang mga mata. Maigsi subalit pansinin ang ilong. Matambok, hindi nakausli, ang mga labi. Hindi maputi ang balat tulad ng taga-Europa, hindi madilim na kayumanggi ng karaniwang Malay,
kundi makinis at malinaw na hambing sa mga pisnging namumula sa hinhin. Walang galit o pangit sa mga larawan ni Amorsolo, ang nagbigay buhay sa ‘ginintuang’ Pilipino.