Banghay-aralin sa ESP 9 Modyul 16: Paghahanda sa Minimithing uri ng Pamumuhay
I.
LAYUNIN A. PAMANATAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Paghahanda sa Minimithing uri ng Pamumuhay. B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nagtatakda ang mag-aaral ng sariling tunguhin pagtapos ng haiskul na naayon sa taglay na mga talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang ekonomiya. C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO KP 16:3 Nakapipili ng track o kurso na kukunin sa Senior High School batay sa kanyang minimithing uri ng pamumuhay. KP 16:4 Nakapipili ng track o kurso na kukunin sa Senior High School at mga posisyon, trabaho, at pagsasanay na maaaring pagdaanan upang makarating sa mnimithing uri ng pamumuhay.
II.
NILALAMAN Modyul 16: Paghahanda sa Minimithing uri ng Pamumuhay Batayang Konsepto: Nakakapili ng track o kurso na kukunin sa Senior High School batay sa kanyang minimithing uri ng pamumuhay.
III.
KAGAMITAN SA PAGTUTURO A. SANGGUNIAN: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 (Gabay sa pagtuturo pahina 283-289) B. IBA PANG GAMIT PANGKAGAMITAN SA PAGTUTURO: Laptop (Powerpoint Presentation)
IV.
PAMAMARAAN A. PAGBABALIK ARAL SA NAKARAANG ARALIN AT O/ PAGSISISMULA NG BAGONG ARALIN -Panalangin -Attendance -Pagbabalik aral sa pinakamahalagang mensahe/kosepto ng nakalipas ng aralin, sa pamamagitan ng (Question and Answer).
B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG ARALIN -Pagpapakilala at paglalahad ng mga layunin ng aralin (KP 16:3 at KP 16:4)
C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN
D. PAGTATALAKAY NG PAGPAPALALIM “MODYUL 16: Paghahanda sa Minimithing uri ng Pamumuhay.” pahina 284-289.
Balangkas ng Lektura Pansariling Salik (Self-Assessment) Pagpili ng kurso o trabaho Paggawa ng mabuting pasiya sa pagpili ng kuso o trabaho
E. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG ARAW-ARAW NA BUHAY (PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY) Sagutin ang tanong: Sa paggawa ng mabuting pagpapasiya, ano ang dapat mong isaalang-alang sa pagpili ng kurso o trabaho? Ipaliwanag.
F. PAGLALAHAT NG ARALIN (ABSTRAKSYON) Papasagutan sa mag-aaral ang katanungan na: Bakit mahalaga ang mga tamang pagpili ng track o kurso sa Senior High School sa paghahanda para sa minimithing uri ng pamumuhay sa lipunan?
Paghinuha ng Batayang Konsepto Matapos ang iyong naging mga pag-aaral. Subukan mo muling sagutin ang mahalagang tanong: Bakit mahalaga ang tamang pagpili ng track o kurso sa Senior High School?
G. PAGTATAYA NG ARALIN (Summative test 4)
H. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG ARALIN/REMEDIATION Paggawa ng isang pagbabalangkas ng iyong Career Path patungo sa minimithing uri ng buhay sa hinaharap pahina 294-295
V.
PAGNINILAY A. B. C. D. E.
VI.
Nakamit ng kasanayang pagkatuto sa araling ito. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy ng remediation
MGA TALA -Ang bahagi ng Pagninilay ay mapupunan pagkatapos ng summative test ng aralin
Inihanda ni:
_____________________________ Jan Lawrence R. Panganiban Student-Teacher Edukasyon sa Pagpapakatao