Kwento Ng Red Na Cap

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kwento Ng Red Na Cap as PDF for free.

More details

  • Words: 738
  • Pages: 2
"kwento ng red na cap" ni sycophant By: 2nd Year Level Representative of Publishing Committee "Sana malaman niya, kahit pangalan ko lang.." Sakto lang! Hindi ko talaga alam kung ano'ng pangalan niya. Hindi ko nga rin alam kung ano'ng nagustuhan ko sa kanya. Basta dumaan ang mga araw na natatanaw ko siya sa bintana ng classroom namin kasama ng mga tropa niyang may iba't ibang personalidad. Pare-pareho silang makukulit at parehas ng trip. Pero ewan kung bakit sa kanya lang nabaling yung pagtingin ko. Eto ang unang beses na makita ko siya: Isang lalaking may red na cap (Cap is a covering for the head according to tropang Webster). Nagtataka nga lang ako kung bakit lagi siyang nakasumbrero (partida! Pula pa ang kulay!) sa tuwing mang-gugoodtime sila ng mga barkada niya sa corridor ng admin bldg (oy! may clue na!). Pero, nangibabaw ang "paghanga" kaysa "pagtataka". Walang espesyal sa pagkatao niya pero alam kong may iba akong nararamdaman. May iba akong nakikita sa kanya. Hindi ko alam pero pag tinitignan ko siya, napakasimple ng personalidad niya ( Kalog.. Maharot.. Praning..) Medyo nahirapan nga lang ako dahil hindi ko alam kung paano ko malalaman ang pangalan niya (at kung paano niya malalaman na may isang "DA WHO" rito na may pagtingin sa kanya). Ilang buwan na naging ganito ang sitwasyon. Pasilip-silip.. Pasulyap-sulyap.. Patingin-tingin.. Kasabay ng napakababaw na kaligayahan na nagdudulot ng simple ngunit napakatamis na ngiti mula sa puso (NAKS! Gumaganon! PIL102). Hanggang sa isang kaibigan ang lumapit sa akin. Nag-usap kami ng may halong "kilig factor". Naichismis kong may hinahanagaan akong lalaki sa kabilang classroom pero hindi ko alam ang pangalan. Nagbigay lang ako ng palatandaan: Laging naka-red na cap. "SUS! Baliw ka talaga! Kilala ko yun!" Sabay sampal niya sa akin na nagdulot ng pagkagulat with full shock! (HUWAW!) Magkakilala sila,tropapipz pa nga! Nagmistulang Fairy Godmother ang tropa ko dahil siya ang nagsabi ng pangalan ng lalaking naka-red cap. Napanatag ang loob ko. Kumbaga sa reyalidad ng buhay,na-reduce ang anxiety ko (PHASE 1:mission accomplished). Pero hindi rito nagtapos ang lahat. May isa pa akong iniisip: "paano kaya niya malalaman na nag-eexist ako?" "Sana malaman niya, kahit pangalan ko lang.." Ewan ko ba kung bakit nasabi ko ito sa tropa. at ewan ko rin kung bakit sinabi niyang wag daw akong mag-alala dahil malalaman niya rin ang pangalan ko (huh?ASA!) Lumipas ang Piyestang Patay,Birthday ko,Pasko,Bagong Taon..Wlang Nangyari. Hanggang inabot na ng Valentine's Day. (C'mon!C'mon). Sabi nga nila,minsan lang sa buhay ang dumalo sa JS Prom(para sa mga High School). Wala akong planong pumunta pero pinilit ako ng tropa kong mala-fairy godmother! Ewan pero napa-Oo ako. Wlang choice kundi magsuot ng evening gown,magpapuit ng mukha,magpapula ng lips, at magparebond(Competitive!). This is it! Nagsimula na ang soundtrip at ilaw na pang-disco sa venue ng prom night(actually ung pinakamaalikabok na part ng schook yun). Matagal na sayawan,kulitan,kaina, at tawanan, hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod. Wla na akong kailangan pa kaya nag-redi na akong umuwi. paalis na ako nang niyaya ako ng jowa ni tropang fairy godmother na

magsayaw(Sulutan na to!). Biro lang! at iyon na nga,nagsayaw kami pero may halong kaba dahil mukhang may plano ang magjowang kumag! Natapos ang walng kalatuy-latoy naming sayaw nang biglang lumapit si tropang fairy godmother,kasama ang lalaking lagi kong sinusulyapan(Pero sa pagkakataong ito,wala siyang cap). oh my gosh! i'm gonna die! Iniwan kami ng magjowang kumag. At siyempre,isinayaw niya ako(sayaw lang! Sayang!) Ewan,siguro nagkataon na pinatugtog yung isang mahabang kanta para makasama ko siya ng mas matagal kahit isang gabi lang. Siguro itatanong mo kung ano'ng pakiramdam? Basta masaya. Lalo na pag ikaw ang nasa lugar ko at kasama mo ang taong espesyal sa'yo. "Sana malaman niya, kahit pangalan ko lang.." Natapos ang kanta pero hindi pa siya nagpaalam agad. Nagpakilala siya.. "ako nga pala si...." Sabay itinanong ang pangalan ko.. "......." Nakipagkamay siya (a sign that he's grateful to meet me). Nagpasalamat pa siya with smiling face( NAKS!). Siguro nga bihira yung mga ganitong panayayari sa buhay natin. Pero atleast mararanasan mo rin ito, o malay mo, naranasan mo na pala. Kung iisipin, napakasaya talaga. Hindi ko alam kung mauulit pa ang ganitong pagkakataon. pero malay mo, sa iyo naman manggaling ang susunod na kewnto,sa sarili mong batayan. Hindi man sa red cap o kung sa anupamang bagay. Ang mahalaga ay magdudulot ito ng simple ngunit napakatamis na alalaa na mula sa puso. Tulad ng kwento ng Red cap ko. Da end.

Related Documents