MGA MANUNULAT NG MAIKLING KWENTO SA PILIPINAS Katrina Paras Leones 9 - St. Ambrose
Genoveva Matute Ay isang premyadong kuwentistang Pilipino. Siya ay isa ring guro at mayakda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon. “Kuwento ni Mabuti” “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”
Lualhati Bautista Ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula. “Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra” “Hulugan mo Ako ng Sundang”
Deogracias Rosario Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. “Walang Panginoon” “Aloha”
Amado Hernandez Ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. “Kulang sa Dilig” “Langaw sa Isang basong Gatas”
Lamberto Cabual Guro at brodkaster sa Pilipinas si Lamberto B. Cabual, bago nangibayongdagat. Awtor siya ng “Pangingibang-Lupa,” isang aklat na katipunan ng mga tula na inilathala sa London. “Si Mang Etsong” “Isang Libo’t isang Halik”
Liwayway Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago niya ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ngayon ay tinatawag na panitikang popular. “Uhaw ang Tigang na Lupa” “Maybahay,Anak at iba pa”
Elena Patron Mas una siyang nahilig sa pagsusulat ng mga tula, dula, at sanaysay. Noong nagsimula siyang sumulat para sa Liwayway, napasabak siya sa pagsusulat ng maiikling kwento. Siya nama’y nakitaan ng potensyal bilang isang magaling na manunulat ng mga patnugot ng magasin. Nang magsara ang Liwayway, napilitang pasukin ni Elena ang mundo ng komiks. “Lord, Give Me a Lover” “Kislap sa Dilim”
Macario Pineda Namasukan siya bilang isang telephone lineman. Ngunit di siya nagtagal sa trabahong ito. Dahil ipinagbawal ng mga Hapon ang paglalathala sa wikang Ingles, maraming manunulat ay napilitang magsulat sa wikang Filipino. Isa na doon si Pineda, na ang kwentong “Suyuan sa Tubigan” ay itinuring sa pinakamahusay na akda ng magasin na Liwayway noong 1944. “Five Minutes” “Nila”
Rogello Sikat Ay isang Pilipinong piksyonista,mandudula,tagasalinwika at tagapagturo. Nakapagtapos siya ng may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula ng Santo Tomas at isang Unibersidad sa pilipinas. “Living and Dying as a Water” “Moses, Moses”
Alejandro Roces ay manunulat ng maikling kuwento, sanaysay at kritika sa sining. Siya ay naging bantog dahil sa kaniyang antolohiyang "My Brother's Peculiar Chicken." “ We Filipinos are Mild Drinkers” “ Book Fiesta, 1980