Kwento Ng Katutubong Kulay.docx

  • Uploaded by: Won Chae
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kwento Ng Katutubong Kulay.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 3,526
  • Pages: 12
(KWENTO NG KATUTUBONG KULAY) Impeng Negro Rogelio Sikat Sa giray na batalan ay naghuhugas ang maglalabing-anim na taong gulang na si Impeng ay natigilan nang dahil sa pangangaral ng nanay niya sa kanya.Baka mapaaway na naman siya.Sa apat na magkakapatid ay tanging si Impeng lamang ang maputi sapagkat sina Kano,Boyet at DingDing ay mapuputi lalo na si Kano.Pag-alis niya ay isinuot niya ang kamisetang dati ay masikip ngayo'y maluwag na.

Parating sinasabi ng kanyang ina na huwag na lamang pansinin si Ogor dahil ito ay basagulero talaga sa kanilang lugar.Laging tinatandaan ni Impeng ang sinabe ng kanyang ngunit hindi niya matagalan ang panlalait nito sa kanya.Si Ogor ay hindi itinuring na kaibigan si Impeng.Siya ang malakas na agwador sa kanilang lugar.Di nagtagal ay tinanggap niya na lamang dahil yun naman talaga ang totoo. Pagkadating sa niya sa may gripo ay agad siyang pumila.Sa paglipas ng oras, ay nakaipob na agad siya ng sisenta sentimos at may isa pang nagpapa- igib sa kanya.Kahit naiinitan siya ay hindi nalang siya sumilong sapagkat sina Ogor at iba pa nitong kasama.Nang si Ogor naman ang iigib ay biglang siyang sumingit,dahilan iyan upang umuwi na lamang ngunit bigla siyang pinatid nito.Dahil dyan ay dumugo ang pisngi ni Impeng. Pagkatapos ay sinipa siya at gumulong siya sa mga balde.Nagtawanan ang mga tao.Sinipa ulit siya at sa akmang sisipa ay kinagat ni Impeng ang paa kaya't pumailalim si Ogor at si Impeng ang nasa ibabaw.Pinaulanan niya ito ng mga suntok dahilan upang humina at sumuko.Tumayo at tinignan ang mga tao, ang mga ito ay nahihiya na sa

kanya.Dahil dito ay natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at nadama ang tibay,katatagan at kapangyarihan.Sa gitna ng sikat ng araw, siya'y naging sugatang mandirigma na ang tangning hiling ay ang kapayapaan kahit na siya ay iba sa lahat.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/874862#readmore

(KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI) Biag ni Lam-ang

Noong unang panahon, may mag-asawang nag ngangalang Juan at Namongan. Ang mag asawa ay nakatira sa baryo ng Nalbuan. Noong magbuntis si Namongan ay umalis ang asawang si Juan upang parusahan ang isang grupo ng igorot. Habang wala si Juan ay isinilang ni Namongan ang kanilang anak na lalake. Lubos na kahanga hanga ang sanggol sapagkat pagkapanganak pa lamang ay marunong na itong magsalita. Ang pangalang "Lam-ang" ay sya mismo ang pumili. Maging ang mga ninong at ninang ay sya ring nagtalaga. Isang araw, nagtanong si Lam-ang kung nasaan ang kanyang ama. "Nasa bundok ito upang parusahan ang mga igorot" na saad naman ng ina. Nalungkot si Lam-ang sapagkat matagal na nyang di nakikita ang ama buhat ng sya ay isilang. Isang araw ay nanaginip si Lam-ang na ang kanyang ama ay pinatay ng mga igorot. Sa galit nito ay nagpunta sya sa kabundukan at pinatay lahat ng igorot doon. Ang batang si Lam-ang ay syam na taong gulang pa lamang noon.

Sa kanyang paguwi sa kanilang lugar sa Nalbuan ay napadaan si Lam-ang sa ilog ng Amburayan. Doon ay pinaliguan sya ng mga kabigang babae. Ang mga dumi at dugo sa katawan ni Lam-ang ay naging tila lason na pumatay sa mga isdang nasa ilog. Nang nasa wastong gulang na si Lam-ang ay nakilala nya si Ines Kannoyan. Sya ay umibig dito. Nagpasyang manligaw si Lam-ang sa magandang si Ines. Dala ang kanyang tandang at paboritong aso. Lubos na nainis si Lam-ang nang makitang maraming nakapalibot na manliligaw sa bahay ni Ines kaya't inutusan nya ang kanyang tandang na tumilaok. Sa tinalok ng manok ay agad na nasira ang bahay ni Ines at namatay ang lahat ng manliligaw. Agad namang inutusan ni Lam-ang na kumahol ang aso at tumahol nga ito. Sa tahol naman ng kanyang aso ay tila himalang bumalik sa dati ang gumuhong bahay ni Ines. Lumabas si Ines at ang magulang nito upang harapin si Lam-ang. Hiningi ni Lam-ang ang kamay ni Ines upang pakasalan. Hindi naman tumanggi ang mga magulang ni Ines sa isang kondisyon. Tapatan lamang ang kanilang kayamanan. Hindi naman ito naging hadlang kay Lam-ang. Umuwi si Lam-ang at bumalik na may dalang bangka na puno ng ginto. At kalaunay ikinasal din sila ni Ines. Lumipas ang maraming taon ay dumating ang pagkakataon upang manghuli si Lam-ang ng isdang "Rarang". Isang obligasyon sa mga lalaking may asawa ang humuli nito. Ngunit may pangitain na si Lam-ang na mapapatay sya ng isdang "Berkahan". Ito ay isang isda na kalahi ng mga pating. Sa kabila nito ay di pa rin nagbago ang isip ni Lam-ang na hulihin ang isdang Rarang. Ngunit nangyari nga ang pangitain ni Lam-ang at sya ay napatay ng Berkahan. Lubhang nagtangis si Ines at agad na umupa ng mga maninisid upang makuha ang mga buto ni Lam-ang. Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang. Kasama ni Ines ang tandang at aso ni Lam-ang, kanilang dinasalan gabi-gabi ang mga buto ng asawa. Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay. Mula noon ay namuhay sila ng masaya.

(KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN) PANGARAP AT TAGUMPAY ni Emmar C. Flojo Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Mabel na dati-rati’y wala silang inaalalang suliranin. Maayos sana ang buhay nila noon, nakahit anong hilingin niya ay agad-agad masususnod. Subalit dumating ang pagkakataong nagkasakit ng malalang karamdaman ang kanyang ama na ngayo’y paralitiko dahil sa ‘di agad naagapan karamdaman. Isa pa roon ay pagkasara ng pinapasukan ng kanyang inay. Wala silang magawa ng kanyang kapatid kundi ang tumigil na lamang sa kanilang pag-aaral. Bitbit sana na niya ang diplomang dapat sanay mukukuha na niya ng kasalukuyang taon. Gunita niya ang mga masasayang araw na gusto niyang maging abugasiya ngunit ang sisidlang pangarap ay napunta sa paghihintay. Panganay siya sa dalawa niyang kapatid na mula ng magkasakit ang kanyang tatay ay siya na ang kumakalinga rito dahil wala ng panahon ang kanyang nanay sa pag-aasikaso rito. Simula noon ay tumutulong pa siya sa pagtitinda ngkakanin sa lansangan. “Inay makakapagtapos pa kaya ako?” tanong niya sa kanyang inay. “Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin ang Diyos basta’t maniwala lang tayo sa kanya, Dahil ang bawat pagsubok ay may kaakibat na kaginhawaan kung itoy iyong malalagpasan,” tugon ng kanyang Inay sa kanya. “Ano na lang kaya kung mamasukan na lang ako bilang katulong? Para naman makatulong ako sa gastusin dito sa bahay at sa pambili ng gamot ni Itay.”“Salamat anak! Pero bata ka pa para magbanat ng buto, hayaan mo na lamang ako magpuno ng pangangailangan natin.” Isang araw, “Inay… Inay si itay!” Pabulyaw at humahagulgol na sabi. Hikbi ni Mabel habang nakaratay ang kanyang Itay na wala ng buhay. Iyon na marahil ang pinakamabigat na nangyari sa buhay ng kanyang Pamilya—ang mawalan ng Padre de Pamelia sa kanilang bahay. Tulala at wari malayo ang kanyang iniisip habang nagsisipagiyakan ang kanyang dalawang kapatid. Isang linggong nagluksa ang Pamilya Dela Cruz, pagkatapos ng pagluluksang yaon ay kasunod ng pagbabago sa estado ng kanilang pamumuhay. Kung dati-rati’y naglalako siya ng kakanin sa lansangan ay namasukan siya bilang kasambahay. Samantalang ang dati niyang ginagawa ay pinagpatuloy ng kanyang kapatid. Simula noon ay nahirapan siyang makibagay sa takbo ng kapalaran. Natuto siyang makipamuhay sa mura niyang gulang at doon niya naranasan ang hirap ng kanyang napasukan. Minsan na rin siyang inalok upang sumayaw sa lilim ng ilaw ngunit inisip niya ang nararapat na hindi niya gagawin ang bagay na iyon. Ang pagkakataong makapag-aral ay minsan na rin sumagi sa kanyang isipan na sa kanyang pagtatrabaho’y inalok ng kanyang amo. “Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” tanong nito sa dalaga. Biglang napatingin si Mabel sa kanyang amo subalit ang bagay na iyon ay parang napakaimposible sa katayuan niya. Iniisip niya na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. “Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” ulit nitong sambit. Ngunit sa pagkakataong yaon, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong uli’y makapag-

aral siya. Tumangon na lamang siya “Oho…!” tugon niya dito. “Simula bukas pupunta ako sa eskuwelahang papasukan mo, gabe ka na lang pumasok para naman ‘di maantala ang pagtatrabaho mo,” usisa ng kanyang amo. “Maraming Salamat po.” Sa kanyang kinikita sa kanyang sweldo ay doon niya kinukuha ang panggastos niya sa pagpapaaral sa kanyang mga kapatid. Isang gabi tinanong niya ang amo niya kung bakit ganito na lamang ang ipinapakita sa kanya nito. At doon na niya nalaman na may anak na pala ang kanyang amo. Na dapat sanay katulad nang gulang niya pero sadyang binawian ito ng buhay sa murang edad dahil sa aksidenting yaon. Nakikita ni Don Pedro sa kanya ang buhay ng namayapang anak kaya maganda ang pakikitungo nito kay Mabel. Tinuturing ni Don Pedro si Mabel na parang tunay niyang anak.. “Eh Sir asan po si Maam?”tanong niya rito. “Simula nong namatay ang aming anak, sinisisi niya ang lahat sa akin, lumayas siya na wala man lang paalam.” “Diko nga mabatid kung bakit iniwan niya ako, siguro tama nga ang maam mo na dapat ako managot sa lahat.” Pagkatapos ng usapang iyon doon niya nalaman ang lahat ng mga bagay na waring itinatanong sa kanyang sarili na kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo ng kanyang amo. Ganun pa man, kahit mahirap hatiin ang oras bilang katulong ay umaasa pa rin siyang mapagtapos niya ang kanyang mgakapatid at makakuha siya ng titulo sa kolehiyo. Lumipas nga ang mga panahonng natakda niyang kapalaran ay natupad niya ang mga bagay na matagal na niyang pangarap sa buhay. Sa pagkakataong iyon ay inaalay niya ang deploma’t medalyong nataggap sa kanyang minamahal—sa kanyang inay at mga kapatid at sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Dahil sa pagsubok na dumating sa kanilang pamilya ay nakamit niya ang matagal na niyang inaasam-asam. Ang makapagtapos sa pag-aaral. Nabago ang lahat dahil sa mga bagay na di niya inaasahan. Ang pagkamatay ng kanyang itay ay natuto siyang kumilos para lamang mabuhay ang kanyang pamilya.

(KWENTO NG KABABALAGHAN) Sumama Ka Na Hindi maintindihan ni Rosa ang kanyang nararamdaman. Nanlamig at parang kinikilabutan siya habang naglalakad sa kalsada ng gabing iyon. Naglalakad na lamang siya dahil hindi siya sinundo ng kanilang driver. Sa sobrang inis niya ay nilakad na lamang niya ang patungo sa bahay nila. Naiinis siya dahil sa sobra niyang paghihintay, ni hindi man lang siya sinabihan na hindi siya masusundo. Kung kaya sa sobra niyang inis ay nakaya niyang lakarin ang kalagitnaan ng gabi.

Malapit na niyang marating ang bahay nila ay napansin niyang parang mas lumala pa ang kanyang nararamdaman. Tumatayo ang kanyang mga balahibo at biglang lumakas ang hangin sa pagdaan niya sa isang malkaing puno ng mangga, kung kaya’y binilisan niya ang paglakad hanggang nakarating siya sa kanilang bahay. “Oh, bakit nagmamadali ka? At bakit kaw lang mag-isang umuwi? Pinasundo kita sa daddy mo, nasaan na siya? Ang tanong ng kanyang ina. Dahil nga galit siya na hindi siya nasundo ay hindi niya pinansin ang tanog ng kanyang ina at dali-daling umakyat sa taas. Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Rosa sa kakaisip sa nangyari sa kanyang paglalakad kanina. Sa tanang buhay niya ay hindi pa naranasan ang ganoong pangyayari, ngayon lang. Napabangon siya sa kanyang pagkakahiga nang biglang may tumawag ng kanyang pangalan. Tiningnan niya ang paligid ng kanyang silid baka tinig lamang iyon ng kanyang mommy. Ngunit sa paghahanap niya ay wala siyang makita. Tumigil siya at naupo sa kanyang higaan. Tinawag na naman ulit ang kanyang pangalan ng makatatlong beses. At doon ay nagsimula na siyang kinabahan, malakas ang kaba ng kanyang dibdib at kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan. Matagal siyang nakatulog ng gabing iyon dahil sa mga di kanais-nais niyang napapansin. Dahil sa kanyang takot ay hindi na siya nagpatay pa ng ilaw hanggang sa makatulog na. At kinaumagahan ay matagal siyang nakagising at hindi na lamang siya pumasok sa kanyang klase dahil masyado na siyang late. Kung kaya’y nagtataka ang kanyang ina kung bakit hindi pumasok. Nagdahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam. Nang mga sumunod pang mga araw ay ganoon parin ang napapansin niya. Parang may palaging sumusunod sa kanya, palaging nakatingin at nagmamasid sa bawat gagawin niya. Ngunit hindi niya malaman at maintindihan kung ano ang di kanais-nais na pangyayaring iyon. At ni minsan ay hindi niya ito piagtapat sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay mas lalo pang lumala ang kanyang nakakakilabot na nararamdamn. Hindi na niya kinaya pang itago ito sa kanyang mga magulang kaya’t ipinagtapat na niya ito. Mula noon ay takot narin ang kanyang mag magulang sa maaaring mangyari sa kanilang anak. Biyernes iyon ng gabi ng galing pa sa paaralan ay pagod na pagod si Rosa kaya maagang nagpahinga at humiga sa kanyang higaan nang biglang may narinig niya ang isang boses. “Rosa, Rosa…” tinig na nanggagaling sa loob mismo ng kanyang silid. Bumangon siya at tinatagan ang sarili na hindi siya matatakot. Hindi niya pinahalata na takot siya sa tinig na kanyang narinig. “Sino yan? Anong kailangan mo sa’kin? Bakit ka nakapasok? Takot na tanong ni Rosa sa boses. Bigla itong nagpakita kay Rosa. “Halika Rosa, lumapit ka. Sumama ka sa akin” Sumigaw siya at narinig naman ito ng kanyang ina. Pagpasok ni Aling Condring sa silid ng anak ay bigla na lamang nawala ang lalaki. “Bakit anak? Anong nangyari sayo? At bakit ka sumisigaw?” Ang akala ni Aling Condring ay may napanaginipan lamang ng masama ang anak kaya ito napasigaw. Pinagtapat ni Rosa ang lahat sa kanyang ina na may nagpapakita sa kanyang isang lalaki na

nakasuot ng itim ngunit maamo ang mukha nito, at gusto siyang isama. Sa kwento ng anak ay natatakot si Aling Condring dahil ilang araw na palang ganito ang mga pangyayaring naganap sa kanyang anak. Malaki ang kanyang paniniwala na ang kanyang anak ay sinusundan ng isang masamang nilalang. Hinala niya na baka nagkakagusto ito sa kanyang anak dahil marami na rin siyang narinig na mga ganitong kwento. Kaya kinabukasan ay pumunta sila sa isang manggagamot para malaman kung sino ang taong may gusting kunin si Rosa. Pinatingin na rin nila ang anak dahil palagi itong nawawalan ng malay. Minsan na rin nila itong pinakunsulta sa doctor ngunit wala paring pagbabagong nagaganap. Sa pagpapatingin nila sa isang manggagamot ay hindi nga nagkamali si Aling Condring sa kanyang hinala, na ang kanyang anak ay nagustuhan ng isang masamang espiritu kaya siya gustong isama nito. At iyon nga ang hula ng isang manggagamot na may isang maitim na lalaking nagkakagusto sa kanya. Isang nilalang na tulad sa’tin. Matagal din nilang pinagagamot si Rosa sa manggagamot ngunit pabalik-balik pa rin ito. Isang umaga ay gumagawa si Rosa ng kanyang asaynment nang biglang lumitaw ang lalaki sa kanyang harapan mismo. Gulat na gulat at takot na takot siya dahil hinawakan nito ang kanyang kamay sabay sabi na sumama na daw ito sa kanya. Doon sa kahariang sinabi niya. Nagtataka si Rosa dahil ang lalaking dati niyang nakita ay maamo ang mukha, ngunit ang nakita niya ngayon ay isang pangit at namumula ang mga mata. Parang gusto na talaga siyang dalhin ng lalaking nagkakagusto sa kanya. Naalala ni Rosa ang sinabi ng manggagamot na kapag nagpatalo siya at sumama sa lalaki ay tuluyang mamatay si Rosa, kaya pilit niyang nilabanan ang mga ginagawa ng lalaki. Nagdasal siya ng nagdasal sa mahal na Panginoon. Sa pakikipaglaban niya ay hinimatay sila. Sa umagang iyon, nadatnan na lamang ni Aling Condring na nakahandusay sa sahig at walang malay si Rosa. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa anak. Mula noon ay hindi parin sila tumigil sa pagpapaggamot kay Rosa. Binasbasan si Rosa sa manggagamot at patuloy parin si Rosa sa pakikipaglaban sa lalaking nagpapakita sa kanya. Wala rin silang magawa kundi ang sabayan din ng pagdarasal na sanay lubayan na si Rosa at huwag nang gambalain pa. ‘Di nagtagal, dininig naman ang diyos ang dasal niya. Hindi na muling nagpakita ang lalaki at si

Rosa ay namumuhay na ulit ng normal tulad ng dati.

(KWENTO NG TAUHAN) KABULUHAN NG BUHAY ni Emmar C. Flojo

Labis ang pagsisisi ni Jose habang kumakain sa hapag ng agahan. “Bakit! Bakit pa ba ako isinilang—kung ganito lamang ako sanay namatay na lang ako,” sambit nito sa kanyang sarili habang pilit na isinusubo ang kaning may ilang butil ng asin sa kanyang plato. Mariing pinagmamasdan ng kanyang inay na kararating pa lang upang kunin ang paglalabhan sa kabilang bahay. “Ano ba naman ‘yan Jose, ang kanin matatapon! Umayos ka, nagpapakahirap na nga ako sa paglalabada’y pinaglalaruan mo lamang ang kaning ‘yan. Tandaan mo anak, ang bawat grasyang nakahain diyan sa hapag ay galing sa aking pawis. Sanay maawa ka naman,” pagpapaliwanag ng kanyang magulang. Magkailang linggo na ring naririnig ang pangaral ng kanyang inay simula nang namatay ang asawa nito. “Ano ba naman ‘yan inay, sawa na ako sa buhay na ito. Sanay namatay na lamang ako ng pinanganak mo ‘ko, Boyset na buhay to oh!” “At ganun...! Pagkatapos kitang palakihin ganito pa ang isusumbat mo sa akin, wala ka talagang kwentang anak.” “Mas mabuti pa ang aking mga kaibigan naiintindihan ako, eh ikaw nay, neh wala ka ngang oras para sa akin. Basta lang mapakain mo lang ang iyong anak ay tama na yon sayo ‘yon.” Tumayo si Jose at kinuha nito ang bag sabay nilisan nito ang bahay papuntang eskwelahan. Labing-anim na taon na si Jose, nag-iisang anak ni Aling Lumen sa asawa nitong kamamatay pa lamang kamakailan lamang. Mag-isa na lang kumakayod siya kaya’t sa pagpapaaral nito sa kaisa-isa niyang anak sa kolehiyo ay masyadong napakahirap. Wala siyang maaasahan kundi ang sarili nyang pagpupunyagi sa buhay. Sa bukanan pa lamang ng eskuwelahan ay nakasalubong ni Jose sina Brando at mga kaibigan nito. “Hali kana pare, sumama ka na sa amin” wika ni Brando. Walang pag-aalinlangan tumugon siya sa paanyaya nito dahil sa nangyaring pagtatalo nito sa kanyang inay. Gusto niyang makalasap ng ibang ihip ng hangin na magdadala sa kanya ng pagkalimot sa nangyari sa kanilang mag-ina. “Teka, Saan ba tayo tutungo?” ika niya. “Basta sumunod ka na lang sa amin!” tugon ni Brando. Isang madilim at lumang establisyemento ang pinuntahan nila, nakita ni Jose ang mga nagsisipaghintay na mga lalaking nagsisipagkwentuhan. Madilim ito at malayo sa mga tao, sulung-sulo walang makaririnig sayo kundi ang mga taong naroroon lamang. “Brod! Nandito na pala ang ating hinihintay” wika ng isang kasamahan ni Brando. “Tamang-tama ‘yan, mabibinat na naman ang bisig ko” sambit ng isa pa. Nagulat na lamang siyang binigyang galang ng isa nilang kasamahan ang taong naroroon. “Master Magandang Umaga po” sabay yuko ng ulo nito. “Oh bakit ‘di ka nagbibigay-galang Jose kina Master” “Sino bang Master ang sinasabi mo?’’aniya. “Bakit, sino ba sila? Hindi naman sila mga magulang ko para bigyan ko ng galang.”

“Ah ganun ba! Ganun…”sabay suntok sa kanyang katawan.Napadapa ng tuwiran si Jose sa pagkakasuntok ng lalaking yaon. “Sige pahubarin na ninyo ang mga iyan.”Agad itong sinunod ng kasamahan ni Brando. Hinubad nito ang short at ang tira’y kanilang panloob na pananamit. “Pahubarin na rin ang isang ‘yan Brod!” “Oh bakit ganyan ang isang ‘yan, ‘di pa nga nagsisimula nahimatay na agad, pambihira! Tawanan ang mga kasamahan nito. “Sige pahubarin na ‘yan.” Piniringan ang mga mata ni Jose at saglit pa’y naramdaman na niya ang pagdampi ng matigas na bagay sa kanyang katawan. Paulit-ulit niya itong naramdaman hanggang humantong ito sa kanyang paghihina. Narinig niya ang mga kasamahan ni Brando nanagkikisay sa sakit na dulot ng paghagupit ng bagay na iyon. Doon siya natutuhan sa pagkakataong iyon, ang mga agam-agam at hinanakit niya sa buhay. “Masarap pa ring mabuhay kahit minsay naghihirap ka.” Iyan marahil ang pumasok sa kanyang isipan buhat ng maranasan niya ang sakit na idinulot ng pagsuway niya sa kanyang magulang. Naisip din niya ang mga bagay na mula noon na doon na naunawaan ang tunay na kabuluhan ng buhay. Ang paulit-ulit na panambitan ng kanyang isipan sa pagkakatayo na tinatahak niya ang daan tungo sa kamatayan.

(KWENTO NG SIKOLOHIKO) TATA SELO ni Rogelio R. Sikat Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamayari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo. Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa. Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito

makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".

MSF 110 ISINUMITE NI: LARA U. GERONIMO BSE-III

ISINUMITE KAY: MRS. EMILY CRUZ

Related Documents


More Documents from "Sheinna Barcelona"