History Of My Name.docx

  • Uploaded by: Geraldine
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View History Of My Name.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 317
  • Pages: 1
KASAYSAYAN NG AKING PANGALAN Noong ang aking ina ay dalaga pa , kinahihiligan niya ang magbasa ng pocket book. Halos araw-araw ay nagbabasa siya , mula sa pagpasok sa eskwelahan hanggang sa dumating siya ng bahay nila. Sa katunayan nga ay hindi na siya halos mautusan ng aking lola sapagkat buong araw na nagbabasa ang aking ina ng mga storyang pag ibig sa isang pocket book. Dumating ang araw na nakabasa siya ng isang pocket book na may pamagat na “MAGKARIBAL” na pumukaw sa kanyang atensyon dahil sa kagandahang pamagat at ang nilalaman ng storyang ito. Sa pocket book na iyon may tatlong magkakapatid, si sarah, gina at Geraldine. Masama ang ugali ni sarah at gina , samantalang kung ano naman ang ikinasama sa ugali ng dalawa iyon ay siya namang ikinaganda ng ugali ni Geraldine. Sa kanilang pamilya mas binibigyan ng atensyon si sarah at gina , palagi kasi nilang sinisiraan sa kanilang ina si Geraldine kung kaya’t ganoon na lamang ang kawalan ng tiwala , pagmamahal at aruga sa dalagang si Geraldine. Sa tuwing may isusumbong si sarah at gina patungkol kay Geraldine sa kanilang ina ay agad namang magagalit ang kanilang ina at sasaktan ng husto si Geraldine kahit na ang totoo ay gumagawa lamang ng di makatotohanang kwento si sarah at gina para paiyakin at pagtawanan si Geraldine. Sa punto ng pagbabasang iyon ng aking ina, napagtanto niya na hindi tama na sinasaktan ng husto ang isang anak , kaya nangako siya sa kanyang sarili na kapag siya ay nakapag asawa at nag ka-anak ng isang babae , ang kanyang ipapangalan ay Geraldine. Kung sa pocket book na kanyang nabasa ay hindi pinaramdam ng isang ina kay Geraldine ang totoong pagmamahal at aruga, sa aking ina naman ay aalagaan niya daw ito ng mabuti , mamahalin at palalakihin ng maayos na bukal sa kanyang puso. At ito po ang kasaysayan ng aking pangalan.

Related Documents


More Documents from "Johanna Granville"