Histo Paper

  • Uploaded by: Rai
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Histo Paper as PDF for free.

More details

  • Words: 1,451
  • Pages: 5
II. mga pagbabagong naganap sa pamayanang Filipino na nagdulot sa kanila upang magpalit ng tirahan… (err… mas tama ata to…) Nagkaroon din ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao dulot ng pagbabago ng kanilang tirahan. Subalit kung tutuusin, hindi naman talaga ganap na nagbago ang tirahan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Nanatili pa rin ang mga bahay kubo sa ilang mga pamayanan sa bansa kahit na mayroon nang bahay na bato ang ilang mga Pilipino. Mas nararapat pa ngang sabihin na ang pagbabagong naganap sa tirahan ng mga Filipino ay ganap na mapapansin lamang sa mga pamayanang reduccido sapagkat ang pamumuhay ng mga taong nakatira sa mga nasabing lugar ay labis na naapektuhan ng kolonisasyon ng mga mananakop. Gaya nga ng nabanggit na, nakatira ang mga katutubo sa mga bahay na gawa sa kahoy bago pa dumating ang mga Kastila. Ang bahay kubo ang pinakamagandang ehemplo ng nasabing mga bahay. Kadalasang makikita ang mga ito sa tabi ng dagat o ilog kung saan halos magkakaparehas silang lahat sa kanilang pamayanan (vol. 16, 117)Mayroong dalawang bahagi ang bahay na kubo, ang itaas na bahagi at ang nasa ibaba nito. Nakatira ang mga katutubo sa itaas na bahagi ng bahay kubo samantalang ginagamit naman ang ibabang bahagi pasa sa mga iba pang gawain ng pamilya tulad ng pag-aalaga ng manok at baboy (vol. 12, page 208). Ilan pang dahilan kung bakit tinitirahan ng tao ang nasa ibabang bahagi ay ang init na mula sa lupa at ang mga naglalakihang daga sa pamayanan (vol. 16, 117). Maliban sa hindi angkop tirahan ang ibabang bahagi ng bahay kubo, tumitira ang mga katutubo sa itaas na bahagi dahil mas maayos ang daloy ng hangin sa bahaging ito kaysa sa ibabang bahagi. Mula sa mga deskripsyon ng mga bahay kubo sa mga pamayanan ng mga katutubo, mapapansin na naisasalamin ng mga bahay na ito hindi lamang ang kanilang pamumuhay. Masasabi sa unang tingin pa lamang ng mga bahay na ito na ang mga nakatira dito’y nasa komunal pamayanan kung saan walang espesyalisasyon ang mga tao. Karamihan sa kanila’y magkakaparehas ng ginagawa tulad na lamang ng pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng tirahan. Kung mayroon mang naiibang bahay kubo sa pamayanang katutubo, madalang lamang ang mga ito at kakaunti lamang.

Maliban sa pamumuhay ng mga katutubo, naisasalamin din ng mga bahay kubo ang pamayanan ng mga katutubo. Dahil nga isa sa katangian ng mga katutubo ang pagtira sa itaas na bahagi ng bahay kubo sanhi ng maayus na sirkulasyon ng hangin, masasabi na hindi dikit-dikit ang mga bahay na ito sa isa’t isa sapagkat kung magkakatabi man ang mga ito’y mahirap mangyare na maayus ang daloy ng hangin sa mga nabanggit na tirahan. Mula dito, masasabi na kakaunti lamang ang mga miyembro sa mga katutubong pamayanan kung kaya’t maari silang hindi magdiki-dikitan. Isa ring pwedeng dahilan ng hindi pagkakadiki-dikit ng mga bahay kubo ay dahil mayroon silang ibang pinaggagamitan ng lupang nakapalibot sa mga bahay na ito. Maaaring ginagamit nila ang espasyong ito para sa kanilang kabuhayan tulad ng pagtatanim na ipapakita sa katutubong kantang “bahay kubo” kung saan nilalarawan dito ang iba’t ibang tanim na makikita sa palibot ng nasabing bahay. Nang dumating ang mga kastila, dinala nila ang kanilang karunungan sa pagtatayo ng mga bahay na yari lamang sa mga bato. Di kalaunan, napansin nilang hindi angkop ang mga nasabing bahay dahil sa mga madadalas na lindol sanhi ng heograpikal na lokasyon ng Pilipinas. Dahil dito, gumawa na lamang sila ng mga bahay na yari sa bato at kahoy at tinawag nga itong bahay na bato (Gardner). Bagaman ang bahay na bato ang tinuturing na makabagong bahay ng mga Pilipino noong panahong iyon, kailangan tandaan na hindi lahat ng Pilipino ang tumira sa mga bahay na tulad nito. Karamihan sa mga tumira dito ay mga taong nasa itaas na bahagi ng hirarkiya sa bansa tulad na lamang ng mga Kastila at ilang indio principal sa lipunan. Maliban dito, hindi lamang basta basta makikita ang mga bahay na bato sa kahit anong pamayanan noong panahon ng mga Kastila. Makikita lamang ang mga bahay na ito sa mga pueblo o kung hindi man ay sa mga pamayanan na mayroong malaking impluwensya ang mga Kastila. Tulad ng bahay kubo, maaari din tayong makakuha ng ideya sa mga pamayanang Pilipino noong pananakop ng mga Kastila. Kung ikukumpara ang bahay na bahay kubo, mapapansin na mas bukas ang bahay kubo kaysa sa bahay na bato. Tila may pang seguridad na kadahilanan ang pagkakagawa ng mga bahay na ito kung kaya ganoon na lamang ang istruktura nito. Kung iuugnay ito sa mga pamayanan noong panahong iyon, masasabing mayroong matinding

pangangailangan sa seguridad ang mga nakatira dito kung kaya hindi na lamang nagkumpyansa ang mga ito sa simpleng bahay kubo. Sanhi ito marahil ng matinding diskriminasyon at kaisipang hirarkikal noong mga panahong iyon dala ng matinding pagkakaiba-iba sa mga klaseng kinabibilangan ng mga kasapi ng pamayanan. Maliban dito, mayroon ding maling representasyon sa mga indio noong mga kapanahunang iyon tulad ng pagiging barbaro (vol. 51, page 89) kung kaya ganoon na lamang ang pagtingin nila sa kanilang seguridad. Isang pang katangian ng pamayanan noong panahon ng mga Kastila na maiuugnay sa istruktura ng mga bahay na bato ay ang pagusbong ng mga pueblo. Sa mga pueblo,mayroon nang espesyalisasyon ang mga tao. Mayroon nang rseponsibilidad ang bawat kasapi sa pamayanan. Halimbawa, ang mga mangangalakal ay makikita na lamang sa palengke at ang mga kasapi sa pamahalaan ay makikita na lamang sa kanilang opisina sa pueblo. Dahil dito, tila nagiging tirahan na lamang ang silbi ng mga bahay sa mga nasabing pamayanan. Di tulad sa bahay kubo, wala nang bahagi ang bahay na bato na pinaggagamitan para sa pag-aalaga ng hayop kasi nga naman hindi na komunal ang pamayanan kung kaya mayroon nang ibang kasapi ng pamayanan na gumagawa ng mga tungkuling ito para sa lahat ng kasapi. Maliban sa mga nabanggit, isa pang masasabing sanhi ng pagtira ng ilan sa mga mamamaya ng Pilipinas sa mga bahay na bato ay ang pagpapakilala sa bansa ng kulturang Europeo. At dahil nga naging modelo ang kulturang Europeo nung mga panahong iyon, ipinasok ito sa Pilipinas kung kaya naman kahit na hindi epektibo ang mga bahay na gawa sa purong bato ay gumawa pa rin ng paraan ang mga mamamayan sa Pilipinas na kahit papano’y gayahin ito kung kaya naman naimbento ang mga bahay na bato. Ngayong nasuri na ang mga epekto ng pamumuhay ng mga tao noon sa istruktura ng kanilang bahay, suriin naman natin kung ano nga ba talaga ang nasa loob ng mga bahay na ito at tignan natin kung mayroon tayong makukuha mula sa mga ito. Makakatulong ditto ang puntong ginawa ni Augusto Villalon sa isa sa kanyang mga sanaysay ukol sa pagtingin ng mga Pilipino sa ideya ng espasyo. Ayon sa kanya, hindi malakas ang pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang pribadong esasyo ‘di tulad ng mga taong nagmula sa mga bansang kanluranin. Sinabi din nya

na ang mga Pilipino ay tulad ng ibang bansa sa Asya na sumusunod sa konsepto ng shared space at limited privacy. At makikita ang mga ito sa istruktura ng mga sinaunang bahay sa Pilipinas ayon sa kanya. Maliban sa mga nabanggit na, isa pang katangian ng mga bahay kubo ang pagiging isang malaking kuwarto lamang nito. Sa loob ng espayong ito’y naninirahan ang kadalasa’y tatlo o higit pang henerasyon ng bawat pamilya at pinaghahatian nila ang limitadong espayong ito para sa pang araw-araw na pangangailangan ng bawat isa tulad ng pagkain at ng pagtulog. Mapapansin na tila walang ibinibigay na privacy sa bawat miyembro ng mag-anak. Lahat ng miyembro ng pamilya’y naghahati-hati sa isang bubungan lamang. Sabi pa nga ni Villalon na isang kurtina lamang ang ginagamit kung mayroong miyembro ng pamilya ang gustong magkaroon ng pribadong panahon. Taliwas naman ang mga katangiang ito sa kulturang kanluranin. Kung ihahambing ang mga kanilang bahay sa mga Asyanong bahay, mapapansin na mayroong binibigay na importansya sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga bahagi ng bahay kasi mayroong silang ideya na ang bahay ng isang tao ay ang kanyang kaharian (Villalon). Nang magawa naman ang mga bahay na bato sanhi ng kanluraning impluwensya, napanatili pa rin sa mga ito konseptong tinalakay ni Villalon tungkol sa mga Pilipino. Sabi pa nga ni VIllalon na bagaman tila kuihang kuha na ng bahay na bato ang mga katangian ng mga kanluraning bahay, mayroon pa ring ibang bahagi dito kung saan makikita ang nabanggit kaninang katangian ng mga Pilipino. Nanatili pa rin ang konsepto ng pagsasama sama sa isang bubong ng buong maganak. Sa katunayan nga’y taglay pa hanggang ngayon ng karamihan sa mga pamilyang Pilipino ang katangiang ito.

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/art_news_and_features.ht m From bahay kubo to bahay na bato by Robert gardner http://www.aenet.org/photos/bahay.htm

Related Documents

Histo Paper
June 2020 20
Histo Paper Tejeros
June 2020 9
Histo
May 2020 29
Histo Resueltos.pdf
April 2020 14
Histo Kornea.docx
October 2019 25
Histo Uro.docx
June 2020 3

More Documents from "last"

Histo Paper
June 2020 20
Dfg.docx
May 2020 16
May 2020 19