With Reference To Migs And Jv

  • Uploaded by: Rai
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View With Reference To Migs And Jv as PDF for free.

More details

  • Words: 1,601
  • Pages: 4
Ang Pagbabalot, at lipon ng mga konklusyon (kung maaari ay burahin na lamang ang linyang ito kapag ililikom na ang kabuuan ng papel. Ito lamang ay isang pagbibigay ng identidad sa parteng ito) Ung sources ko lang is ung paper ni jv at migs. Cguro gamit nalang tayo ng IBID dito sa footnotes dun s mga naka highlight ng yellow sa papers din nila galing un eh so namention na siguro before ung footnote or something.. Not sure ako sa red highlights Conclusion starts below !!! Ang istruktura ng mga bahay at ang mga pagbabago nito ay nagmula sa mga pangangailangan ng mga indibidwal na naninirahan dito. Ang pagbabago nito ay naitutulak ng kultura ng may kapangyarihan, ng mga pangkasalukuyang pangangailangang kailangang tugunan at ng mga likas yaman na mayroon o kaya’y madaling maipaparating sa lugar na kinasasangkutan. Ang pagbabago ay naging bunga ng kagustuhan ng Kastila na matugunan ang kanilang pangangailangang maipagtugma ang kulturang Europeo sa mga kalagayang heograpikal at kultural ng kapuluan. Ito ay dahil sa kahalagahan ng pagpapakalat ng kultura’t relihiyon ng Kastila sa kanilanag pananakop, at ang arkitektura ay isang mabisang paraan upang mabago ang mundo ng mga katutubo. Ang bahay kubo na ginamit ng mga katutubong Pilipino ay gawa lamang sa mga simpleng likas yaman na madaling makuha sa paligid lamang. Ito ay nakatugon sa pangangailangan ng tirahan sa konteksto ng mababang antas ng agham at teknolohiya sa mga panahong nagamit ito. Ang bahay kubong naabutan ng mga Kastila marahil ay nagbago na upang makatugon sa heograpikal na mga suliranin gaya ng mga lindol. Kung nakapagbago man ito o hindi, gumamit na ito ng mga haligi (Jv’s paper page 1 ) upang masuportahan ang bahay laban sa lindol. Noong dumating naman ang Kastila, hindi na nila pinaltan kagad ang mga bahay kubo dahil angkop na ang mga ito sa klima at kalagayan ng kapuluan. Noong nagsimula ang pananakop ni Legazpi noong 1565, kultura at Kristiyanismo muna at ng mga kandila. Hindi muna nila pinalitan ang mga bahay kubo(Jv’s paper page 2), at nagdagdag lamang sila ng mga kahoy na simbahan. Dahil sa mga kandilang ito, nagkaroon nga ng malawakang sunog sa libing ni General Ronquillo noong 1583(JV’s paper page 2 ). Hindi tugma ang pamumuhay ng Kastila sa pamamahay ng mga katutubo. Ang sunog na ito ay nagtulak sa bagong pangangailangan na pag-iiwas sa sunog. Kailangan nilang paltan ang mga istruktura dahil wala silang balak na palitan ang kulturang Kastila. Mas mainam sa kanilang layunin bilang mga mananakop kung maipapakalat nila ang kultura nila, at gawin na lamang nilang angkop ang mga istruktura ng mga katutubo sa kanilang kultura kaysa sa pagpapalit ng kanilang kultura upang maging angkop sa katutubo. Nagsimula na ang pagpapasok sa mga bahay na bato. Hindi rin agaran pinalitan lahat ng bahay kubo. Nagdagdag lamang sila ng bahay bato para sa makakapangyarihan.

Hindi ito masyado lumaganap kagad sa kung saan saan. Ito ay lumaganap muna sa sentro ng kapangyarihang Kastila. Ito ang naging bagong mukha ng lipunang nakatataas. Ito ang naging tahanan ng mga tagaloob. Sa mga bagong bahay na batong ito, hindi na gumamit ng mga haligi ang mga arkitekto. Ngunit noong 1645,1658, at1677, nagkaroon ng mga lindol na nagpaguho sa mga bagong bahay bato(JV’s paper page 3). Sa pagkakita ng bagong problema sa mga lindol, binalik ng mga arkitekto ang mga haliging inalis nila sa unang pagbabago. Nagkaroon ng pagbabago ang kabuoang istruktura ng bahay na bato. Hindi na ito purong bato at purong Europeong disenyo, napaghalo na ang arkitekturang Pilipino at Europeo(JV’s paper page 3) sa pagkakataong ito. At gaya rin ng sinabi kanina, mas sarado ito kumpara sa bahay kubo. Ang pangangailangan ng seguridad ay nagmula sa mga mayroon. Ito ay nagmumula sa mga taong may kapangyarihan, nakakaangat sa iba, at sa mga mawawalan. Ang pagkabukas ng bahay kubo ay nagpapakita ng pagtitiwala ng nakatira rito sa kanyang mga kasama sa barangay o pamayanan. Naipapakita rin nito na ang may ari ng bahay kubo ay walang takot mawalan, o kaya nama’y wala naman siyang pagmamay-ari sa simula kaya wala rin maaaring mawala sa kaniya. Gaya rin ng nabanggit kanina, itinuring na barbaro ang mga indio kaya ganito ang naging seguridad ng mga bahay na bato (Migs’ paper page 2, from vol 51 ata). Dito naipapakita ang mga konkretong aksyon na ginawa bunga ng mga kaisipang nagbibigay diskriminasyon at nakapagpapababa sa pagtingin sa mga indio. Ang tinitiran ng isang tao noon ang lantarang nagpakita ng paghahating hirarkikal ng pamayanan kung saan ang nakatataas lamang ang mga unang nakapamuhay sa mga bahay na yari sa bato. Unti-unting nagbago ang mukha ng kapuluan. Dahil na rin ito sa pagkaubos ng mga pronterang naging mga bagong pueblo. Lalo na noong panahong 1810 – 1896. Noong panahong ito, hindi lamang dumami ang mga pueblong mapagtatayuan, nagkaroon na rin ng paaralang pang arkitektura(JV page 4). Mas naging epektibo at mas bumilis ang pagpapatayo ng mga bahay na bato. Nagbago rin muli ang bahay na bato. Mas umunlad na ito at mas naipatatag pa ito laban sa panibagong lindol na naganap noong 1880(JV page 4). Dahil dumami na ang mga bahay na bato, mas nagmukha nang Europeo ang kapuluan. Sa paglaganap nito ay ito na ang naging bagong mukha ng Pilipinas. Kung dati ay bahay kubo ang karaniwang tanawin, ay ngayo’y humahabol na at sa paglao’y hihigit na ang mga bahay na batong mas moderno at mas Europeo. Nagbago ang itsura ng mga arkitektura’t pamayanan. Naging makaKastila ang pagkakaayos sa mga siyudad. Naging sentro ang simbahan ng kapwa posisyon at kapangyarihan. Pahina ng pahina ang mga naninirahan sa mga bahay na papalayo ng papalayo sa simbahan. Parehong sa oryentasyon at arkitektura ng mga pamamahay naipakita ang kulturang Kastila. Ang mga makapangyariha’y malapit sa simbahan, at magaganda ang tahanan. Sila ang mga unang nagkaroon ng mga bahay na bato. Ngunit kahit nag-iba na ang itsura at ayos ng mga pamayanan, kahit nag-iba na ang pamamahagi ng yama’t kapangyarihan sa pagpasok ng mga dayuhan, nag-iba rin ba ang pamumuhay ng mga tao dahil sa pag-iiba ng arkitektura? Kung dati ay pantay-pantay ang turingan at komunal ang pamumuhay ng mga katutubo, ngayo’y nagkaroon sila ng pagkaangat sa iba depende sa kanilang pagiging malapit sa simbahan at sa kulturang kastila. Natural na nag-iba ang pamumuhay ng mga

tao dahil sa pananakop. Nagkaroon ng bagong kapangyarihang Kastila, na tumaas sa kahit na sinong Pilipino. Nagkaroon ng loob at labas ang lipunan, naging tagalabas ang mga babaylang ayaw makisama sa Kristiyanismo. Naging manang naman ang mga nakiangkop sa pananakop. Ngunit kahit na nagbago ang ordinaryong pamumuhay ng mga tao, ang likas na asal ng mga Pilipino ay hindi nagbago. Isang halimbawa kanina ang pagiging malapit ng Pilipino sa pamilya(migs page 3). Ito ay patuloy na umiral kahit ano pa man din ang nangyari sa oryentasyon at arkitektura ng mga pamayanan. Kahit na nag-iba na ang arkitektura ng mga pamamahay ay hindi naman nawala ang pagkamalapit ng mga Pilipino sa kanilang pamilya. Maaaring nasa iisang bahay pa rin naman ang mga magkakamag-anakan kahit na iba na ang istruktura nito, o kahit na magkakaiba na sila ng mga tirahan, magkakalapit parin ang puso nila sa isa’t-isa. Sa kabuoan, nagbago ang itsura ng kapuluan. Naging mas moderno ito at nabahiran ng kulturang kanluranin ang itsura. Nagbago rin ang pamumuhay ng mga Pilipino bilang mga nasakop ng mga Kastila. Ang dating mga nakatataas na Pilipino ay napasailalim sa Kastila. Nagkaroon ng bagong hirarkiya sa lipunan at ang arkitektura ay isa lamang paraang nagpakita lalo at nagpalakas ng impresyon ng paghahating ito. Mas naipakita ang kapangyarihan ng mananakop, at naging mas malayo ang itsura at lokasyon sa mga sentro ng kapangyarihan ang mga tahanan ng mga indio natural. Dahil dito natural na magbabago ang pamumuhay ng mga tao, at ito na rin ay dahil sa pagbabago din ng lipunan sa kabuoan. Ang hindi nagbago ay ang mga likas na kaugalian ng mga Pilipino. Kung sinubukan ng mga Kastila na baguhin ang kapaligiran upang maging katulad ng kanilang kultura, hindi naman nila lahatang nasakop ang kaugaliang Pilipino. Sa katunayan, naisalin pa ng mga Pilipino ang mga kaisipan at arkitektura ng mga Kastila upang maging angkop sa kanilang kultura at kaugalian. Ang pagbabago na naganap ay naging paghahalo ng mga kultura na maaangkin ng Pilipino bilang atin sa pagdaos ng panahon. Ang mga bahay ay naging mas matatag kaysa noon. Naging handa ito sa mga lindol, mas hindi na itong madaling masunog, mas malalaki na ito, at mas moderno kaysa sa mga kubo. Sa pagbabago ng itsura ng mga tahanan ay hindi naman gaano nabago ang pagkaPilipino ng mga tao. Ngunit sa pagkakaroon ng makabanyagang hirarkiya sa lipunan, hanggang ngayo’y makikita parin ang bakas ng diskriminasyon at ng pagkaiwan sa pagbabago ng mga taga-labas noon, ang mga indio natural. Karamihan sa mga maralitang lungsod ngyaon ay naninirahan sa mga bahay na malayo ang kalidad kumpara sa mga taong may kaya. Kung noo’y nasa kubo pa sila habang ang iba ay nasa bahay na bato, ngayo’y minsa’y wala na silang tirahan, o kaya’y may kariton lamang sila sa lansangan. Dala na rin noon ng pagbabago sa arkitektura ang pagbabago ng antas sa hirarkiya. Ang mga taong nakapagpaunlad ng tirahan ay nakapagpaunlad narin ng puwesto sa lipunan. Ang mga naiwan noo’y lalo nang naiiwan ngayon. Ngunit kahit na ganito ang nangyari, pantay-pantay parin tayong lahat bilang mga Pilipino. Ang ating pagkaPilipino ay hindi nabago ng mga arkitekturang banyaga. Ang mga arkitekturang banyaga ang siyang nagbago upang umangkop sa atin. Tayo ang umangkin sa mga ito at hindi nagtagumpay bilang pamamaraang pananakop ang arkitekturang Kastila.

NOTE: I don’t trust my last paragraph hahahah patingin nlng ah lalo na ung last line.

Related Documents


More Documents from ""

Histo Paper
June 2020 20
Dfg.docx
May 2020 16
May 2020 19