ANG EBOLUSYON NG BAHAY Masasabi na sinsalamin rin ng tirahan ng tao ang kanyang paraan ng pamumuhay. Totoo iyan ngayon, at totoo rin ito dati. Tignan na lamang ang mga bahay ngayon, ginawa sa ilalim ng konsepto ng kamurahan at kakulangan ng espasyo, subalit kaialngan komportable pa rin. Tignan naman ang mga makalumang bahay ng kastilla, ginawa upang maipakita ang kapangyarihan, habang pinapansin pa rin ang kakailanganan ng bentilasyon, at proteksyon mula sa araw at ulan. Tinawag itong bahay na bato, na masasabing ang pagsasama ng bahay na kubo, at ng Europeong arkitektura. Ang bahay na kubo naman ay ang sinuang mga bahay na tinirahan ng mga Pilipino, at maikita rin na ginawa ito ayon sa kanilang semi-nomadikong kabuhayan. Ang ebolusyon ng istruktura ng bahay ng Pilipino ang tatalakayin sa parte na ito. Hahatiin ang talakayan ng bahay sa tatlong panahon: bago ang 1565, 1565-1810, at 1810-1896. Itong mga panahon na ito ang masabing mga puntong nagkaroon ng importanteng pagbabago sa paraan ng arkitektura. BAGO ANG 1565 Bahay kubo ang malimit na tinitirahan ng mga tao bago dumaitng ang mga espanyol. Sa kakulangan nila ng teknolohiya at kaalaman sa arkitektura noon, masasabi na ingenious ang pagkakagawa ng bahay kubo. Magkapareha sa maraming bagay ang paraan ng paggawa ng bahay kubo kung ikukumpara sa paggawa ng isang basket. Tulad ng pagkakagawa sa basket, ang mga parte ng bahay kubo ay tinahi, tinali, at ikinabit sa isa’t isa upang magawa ang istukutura ng bahay. Kung titignan nga ang loob ng iang bahay kubo, magmumukha itong looban ng isang basket. Karaniwang gawa sa apat na kilo ang bubong ng bahay kubo, at kolektibong tinatawag ito na kilo mayor, na bumubuhat sa palupo. Upang hind imaging magalaw ang mga kilo, sinasamahan ito ng sikang, na nagcrocross sa mga kalagitnaan ng slope ng mga kilo, at ng kahab-an, na nagdidikit ng mga dulo ng kilo sa isa’t isa. Palatpat naman ang ginagamit bilang pangunahin supporta ng bubong, at rattan ang ginagamit na pangtali sa mga ito. Damong kogon,
dahon ng tubo, at dahon ng nipa ang ilan sa mga ginagamit sa pagtakip nila ng bubong. Sunod naman sa bubong ang mga haligi ng bahay. Karaniwang rin makikita na may apat na haligi ang bahay kubo. Malilimit na ginagamit ang molave sa paggawa ng haligi, subalit kung wala ito, ginagamit rin ang mga kahoy ng ipil at BABMBOO. Upang maitayo ang haligi, gumagawa ng butas para dito tapos inilalagay sa butas at papaligirang ng mga bato para hindi tumumba. Kapag nailagay na ang mga haligi, sunod ng gagawin ang lapag ng bahay,na kung mapapansin ay elevated upang maiwasan ang init ng lupa at mga insekto. Unang ginagawa ang yawi, na nag sisilbing marka ng dulo ng lapag. Nakakabit ito mula sa isang haligi hanggang sa katabing haligi. Sunod na inilalagay sa yawi ang patukuran, na inilalagay sa yawi sa pakaliwang anggulo. Ito an ang bumubuo sa permineter ng bahay kubo. Inilalagay naman sa ibabaw nito ang soleras, na magbubuhat sa sahig. Tulad ng sa ibang parte ng bahay, rattan o kaya palatpat ang ginagamit na pangtali dito. Pagkatapos sa pagbuo ng sahig, sumunod na ang pinaka huling parte ng bahay, ang pader. Sa tulong ng rattan at bamboo ikinakabit ang mga pader sa mga ulo nito, na initatayo ng mga posting yari sa bamboo. Bilang resulta, hindi nakakabit ang pader sa haligi. Ang mga pader mismo ay gawa sa iba’t ibang kalse ng mga sangkap, tulad ng nipa, bamboo, cogon, anahaw, at buko. Iba rin ang paraan ng pagkakagawa sa mga pader. Kung mapapansin, may bahid na ng espanyol ang mga terminong ginamit sa pagsalaysay ng pagkakagawa sa bahay kubo. Dahil ito sa pananatili ng bahay kubo bilang isang tirahan kahit sa pagdating ng mga kastilla, at kaya hindi maiwasan maiba sa tunay o naunang tawag sa mga parte ng bahay kubo. Malimit nga na makikita ang mga kubong ito sa mga barrio at tabing ilog kung saan palaging umaapaw ang tubig. Masasabing nagkaroon lamang ng pagaayos o pagrerefine sa istruktura ng bahay kubo, subalit nandito pa rin ang esensyal na mga prinsipyong sinunod ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.Nag resulta ito ng pagdami ng klase ng bahay nang
nagsimula ang pagsakop sa Pilipinas. Tulad ng sabi kanina, nanatili ang bahay na kubo, subalit lumaganap na rin ang bahay na bato bilang tirahan sa Pilipina, lalo na sa mga poblacion. 1565-1810 Ang panahon na ito ang masasabing simula ng transpormasyon ng Pilipinas o kung gustuhin maging mas accurate, ang transpormasyon patungo sa pagiging Plilipinas. Nagsimula ang pananakop ng kastilla sa pagdating ni Migiel Lopez de Legazpi. Nang dumating sila sa Maynilad, nakita nila ang isang lansangan na yari sa Madera y cana, o kahoy, bamboo at nipa. Nasakop nila Legazpi ang Maynilad, at pinalitan ang pangalan na ito bilang Maynila. Noong una, sinunod ng mga espanyol ang estilo ng arkitektura ng mga native, dahil alam nila ang klima at estado ng kapaligiran sa Maynila. Kahit nga ang mga sibahayn ay gawa rin sa kahoy, subalit dahil dito, nasunog ang buong siyudad ng maynila ng ilang oras lamang dahil sa sunog na nagsimula sa libing ni General Ronquillo noong 1583. Sa puntong ito, sinabi ng mga kastilla na yari dapat sa bato ang buong siyudad at kung hindi gawa sa bato, huwag na lang gawin. Dito na nagsimula ang paglaganap ng Europeong arkitektura. Madali nagging yari sa purong bato ang Maynila, salamat sa tulong ng mga Tsino at minahan sa kabundukan ng Pilipinas. Talagang nagging maganda nga ang Maynila, masasabi nga na maaring nang maisama ang mga bahay sa mga mayayamang mediteranyong daungan tulad ng Seville, Valencia, at Barcelona. Mula sa bubong an yari sa nipa, naging yari an ito sa mga tiles na tinaguriang azotea. Bukod dito, nagkaroon rin ng paglalaganap ng mga patio at nakasabit na beranda na nagbibigay ng proteksyon mula sa araw sa mga naglalakad sa ilalim nito. Makikita naman sa loob bang isang napaka Espanyol sa inobasyon, ang isang nakalabas na hagdan. Hindi ito tulad ng sa midyebal na Europa, kung saan palaging nakatago ang hagdanan. Inilabas ng Espanyol ang hagdanan upang masmaipakita ang ganda ng suot ng mga bisita nila habang pumaparada paakyat ng bahay. Subalit hindi nagtagal, naguho ang mga bahay na ito
dahil sa lindol noong 1645. Ang mga sumunod pang lindol noong 1658 at 1677 ang nag direkta sa patutunguan ng arkitektura ng Maynila. Nagkaroon ng transpormasyon ang bahay na bato. Lumiit sa dalawang palapag na lamang ang mga bahay, at hindi na bato ang ginagamit sa ikalawang palapag kung hindi kahoy. Ang mga patio at nakasabit na mga beranda ay naging mga maliliit na mga bintana na tinwag nilang ventanillas. Ang mga bubing ay yari azotea pa rin, subalit binigyan pansin rin ang alternatibo, ang hindi nasusununog na nipa. Bumalik na rin ang paggamit sa haligi, na talagang siguradong proteksyon mula sa lindol. Upang tumayo, pinagdikitdikit ang mga poste sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga kahoy na girders o viga, na inilagay ng pa-krus na angulo sa iba pang poste. Dahil kailangan supportahan ng mga viga ang ikalawang palapag, karaniwang halos kasing kapal na rin nito ang mga haligi, na mga isang third ng metro ang kapal. Mapapansin sa nagkaroon na ng pagsasama ng Plipino at Europeong arkitektura na nagbigay bunga sa panibagong klase ng bahay: ang bahay na bato. Tulad ng haligi sa mga kubo, molave rin ang karaniwaang o pinapagustong gamitin sapaggawa ng mga haligi sa bahay na bato. Kapag hindi makikita ang molave, ginagamit rin ang mga ibang kahoy tulad ng guijo, ipil, at narra. Bansalaguen naman ang ginagamit sa paggawa ng pako at wedges. Pagdating sa mga bato, malimit na ginagamit ang volcanic tuff, na mayroon lamang kakaunting clay at tubig sa komposisyon nito, at kaya lubos itong matibay. Bukod dito, ginamit rin ang mga puti ang pink na marble. Sa cebu at Iloilo naman, dahil sa dami ng kanilang mga coral reefs, nakakagawa sila ng mga kakaibang klase ng baton, na tinawag na tablilla. Ginagamit rin ang clay sa mga tiles ng bubong, na parang cones na hinati sa kalahati. Habang tumagal ang panahon, mas lumaganap ang bahay na bato, at masnarefine na ang paraan ng pagkakagawa dito. 1810-1896
Sa panahong ito, wala nang naging pagbabago sa pundamental sa prinsipyo ng paggawa sa mga bahay na bato. Nagkaroon na lamang ng mga pagbabagong maging masefficient ang paggawa sa mga bahay. Maestro ang tawag sa mga taong nagdidirekta sa paggawa ng bahay. Tulad ng karamihan ng tao noon, pati ang maestro ay wala masyadong pinagaralan, at ayon lamang sa mga nakikita at naririnig niya sa ibang maestro ang basehan ng kaalaman niya sa paggaawa ng bahay. Walang alam ang maestro sa mga kalkulasyon ng sukat, at kailangan na kagamitan para sa bahay, at nagdagdag pa ito sa tagal ng paggawa ng mga bahay. Lubos na madami din ang mga pagkakamali sa paggawa ng bahay dahil dito. Wala pang konsepto ng remodelling noon, kaya’t kailangan tiisin na lamang ng nagpagawa ng bahay ang pagkakamali ng maestro. Upang maayos naman ang sitwasyon na ito, gumawa ang Espanya ng isang paraaralang pang arkitektura,ang Escuela de Artes y Oficios, na gumagawa ng mga lisensyadong maestros de obras. Ang ganitong kalse ng maestro ay marunong nang gumawa ng bahay na nakabatay sa mga kakluasyon. Bumlis na ang paggawa ng bahay, at lumiit na ang mga pagkakamali sa paggawa ng bahay. Bukod dito, nagkaroon din ng ilang pagbabago sa paggawa na nagbigay ng daan sa pagkakagawa ng mga bahay na magtatagal ng mahabang panahon. Mayroong mga pagbabago sa paraan ng pagalagay ng pundasyon ng bahay. Upang magkaroon ng proteksyon ang bahay mula sa mga lindol, inaasahan ng mga manggagawa ang lalim at bigat ng inilalagay nila na pundasyon upang hindi ito maging magalaw sa lindol. Karaniwang inaabot ng dalawa hangang tatlong metro ang laliim. Sa kasamaang palad, hindi nagtagal at naguho ang pundasyon noong lindol ng 1880. Mula dito, nagdesisyon na ang mga manggagawa na damihan ang mga nagdidikit na parte sa ginta ng isang haligi sa isa pang haligi. Nagresulta ito sa pagkakaroon ng madami, at manipis na mga bricks bilang pundasyon. Dinamihan ng mga arktiekto ang mga joints ng bahay upang maging stable ito. Makikita ang grabita, mga malilit na batong ilog, sa ilalim ng pundasyon. So loob naman ng pundasyon
makikita ang mga soleras, na strips ng kahoy na nakadikit sa mga haligi na lalo pang nagpapatibay ito. Sumunod naman ang mga pagbabago sa protekson ng mga kahoy mula sa kabulukak kapag nadikit ito sa lime na nagmumula sa mga bato. Tulad ng sabi kanina, molave at ipil lamang talaga ang hindi nabubulok kapag idinikit sa bato, kaya’t hindi nagtagal, nagsimula nang kumonti ang mga kahoy na ito. Kapag walang molave o ipil na magagamit para sa kahoy, ginagamit na lamang ang kaunting mayroon sa mga kahoy na ito bilang panakip sa ibang kahoy na masmadaling mabulok. Bukod pa rito, pinipinturahan ng pitch, o brea na may nakahalong sebo. Ang lahat ng mga paraang ito ang lubos na nagpatagal sa buhay ng isang bahay na bato.