Grap I

  • Uploaded by: shayne
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Grap I as PDF for free.

More details

  • Words: 1,759
  • Pages: 8
Grap I Nalaman sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na porsyento at impormasyon sa bawat grap. Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Pitumpu’t apat (74%) sa kanila ay mga babae at dalawampu’t anim (26%) ay mga lalaki. Grap II Labing dalawa (12%) sa mga respondente ay nasa edad 14-15. Ang dalawampu’t walo (28%) sa mga respondente ay may edad 16-17. Ang mga sumusunod naman ay labing walo (18%) ay nasa edad 18-19. Ang natitirang apatnapu’t dalawa (42%) ay pawang may edad 20 pataas. Grap III Limampu (50) lahat ang respondente, animnapu’t walo (68%) ang nagsasabing abnormalidad ang autism. Dalawampu’t anim (26%) sa kanila ang nagsabing sakit ito. Ang apat na porsyento (4%) naman ang nagsabing walang pakialam. Ang dalawang porsyento (2%) ay may iba pang mga opinion. Walang porsyento (0%) ay nakakahawa ang autism. Grap IV Sa palagay ng limampu’t anim (56%) na respondente, resulta ang autism ng hindi maayos na pagbubuntis ng mga ina nito. Ang tatlongpu’t dalawa (32%) naman ay nagsabing namamana ito. Ang walong porsyento (8%) ay may ibang kasagutan at ang apat naman na porsyento (4%) ay walang kaalaman sa autism. Walang porsyento (0%) ang nagsabing virus ito. Grap V Inalam ng mga mananaliksik ang saloobin ng mga respondente sa sakit na autism. Walumpu’t apat (84%) ang nagsabing naaawa sila sa mga taong may autism. Sampung porsyento (10%) ang may iba pang opinyon hinggil sa saloobing ng mga respondente. Dalawang porsyento (2%) ang nandidiri sa autism. Dalawang porsyento (2%) rin ang nagsabing natatakot sila sa mga taong may autism. Ang natitirang dalawang porsyento (2%) ay walang pakialam sa mga may autism. Grap VI Hinggil naman sa kung saan nagmula ang kaalaman na ito ayon sa nakalap ng mga mananaliksik, limampung porsyento (50%) sa aming respondente ang nagsabing nagmula sa telebisyon ang kanilng kaalaman at labing walong porsyenro (18%) naman sa paaralan nila ito nalaman. Ang labing dalawa (12%) ay sa libro at walong porsyento (8%) ang may iba pang kasagutan. Ang apat (4%) ay nagsabing sa internet at ang natitirang

apat na posyento (4%) ay sa mga dyaryo. Walang porsyento (0%) naman ay sa radio ito naririnig. Grap VII Hinggil sa palagay ng mga respondente sa tanong na pansariling asesment, apatnapu’t anim (46%) sa kanila ay may katamtamang kaalaman sa autism, apatnapu’t apat (44%) ang nagsabing kaunting kaalaman sa autism, apat na porsyento (4%) ang walang kaalaman at apat na porsyento (4%) ang sumagot ng iba pang kaalaman. Ang natititrang dalawang porsyento (2%) ang nagsabing alam na alam nila ang autism. Walang porsyento (0%) ang sumagot ng walang pakialam. Grap VIII Inalam rin ng mga mananaliksik ang damdamin ng mga respondente hinggil sa posibilidad ng pagkakaroon ng may autism sa kanilang pamilya. Limampu’t dalawa (52%) sa kanila ang nababahala. Samantalang labing walo (18%) ang hindi nangangamba. Labing apat (14%) ang nagsabing nakakaramdam ng takot at ang natitira pang sampung porsyento (10%) ay nagsabing iba pang damdamin. Grap IX Sa palagay ng limampung porsyento (50%) kaunti ang ginagawa ng ating pamahalaan sa autism. Tatlongpu (30%) naman ang nagsabing walang naitulong ang pamahalaan. Ang walong porsyento (8%) sa kanila ay sapat lamang ang nagawa ng pamahalaan at ang walong porsyento (8%) ulit ay walang espesalisasyon. Ang natitirang apat (4%) ay may iba pang sinabi. Walang porsyento (0%) ang nagsabing sapat na sapat ang tulong ng gobyerno. Grap X Animnapung porsyento (60%) ang sumagot sa kaunti lamang ang kanilang pananaw ukol sa pondo ng ating pamahalaan. Walong porsyento (8%) ay sapat na daw ang ibinibigay ng pamahalaan. Anim (6%) ang nagsabing walang pakialam. Ang natitirang apat na porsyento (4%) ay iba pang pananaw. Walang porsyento (0%) ang sapat na sapat na ang pondo ng pamahalaan para sa autism.

APENDIKS D Marso 5, 2009 Francisco Sosa Jr., RN. MAN Dekana, Kolehiyo ng Narsing University of Perpetual Help System-Dalta Ginoo, Mabunying Pagbati! Kami po ay isang pangkat ng mga mag-aaral ng BSN I-A na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino 2, sa ilalim ng pamamahala ni Propesora Sylvia Gollayan. Isa po sa mga pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang papel-pampananaliksik. Sa kasalukuyan po. Kami ay naggsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa “Kahulugan, Sanhi, Lunas at Pananaw ng mga mamamayan hinggil sa Autism”. Kaugnay po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kami’y makapamahagi ng sarbey-kwestyoneyr sa ilang mag-aaral ng University of Perpetual Help System-Dalta Molino Campus. Ang mga datos ng aming makakalap sa sarbey ay makatutulong po nang lubos sa aming pag-aaral. Inaasahan po naming ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.

Lubos na gumagalang, __________________ Shayne Marie C. Apon Lider ng Pangkat Binigyang-pansin: __________________ Gng. Sylvia Gollayan Propesora

APENDIKS A Marso 5, 2009 Lupong Pampananaliksik Departamento ng Filipino University of Perpetual Help System-Dalta Mga Pinagpipitagang Myembro ng Lupon, Buong-paggalang naming ipinapasa ang sumusunod na paksa at mga tentatibong pamagat-pampananaliksik n gaming pamanahong-papel sa Filipino 2 para sa inyong ebalwasyon at pagsang-ayon. Larangan/Disiplina: BS Nursing

Paksa: Autism

Mga Mungkahing Pamagat: a.) Ang Mundo ng Autism: Kahulugan, Sanhi, Lunas at Pananaw ng mga Mamamayan b.) Autism: Sakit na hindi dapat pandirihan c.) Pananaw at Damdamin ng mga mamamayan sa sakit na Autism

Lubos na gumagalang,

Binigyang-pansin:

__________________ __________________ Shayne Marie C. Apon Lider ng Pangkat

Gng. Slyvia Gollayan Propesora

Pasya ng Lupon: __________ Tinanggap at sinang-ayunan ang pamagat __________. __________ Tinanggap at sinang-ayunan ang pamagat __________ nang may rebisyon. __________ Iminumungkahing magdisenyo ng ibang pamagat hinggil sa paksang napili. __________ Iminumungkahing palitan ang paksa at pamagat ng pag-aaralan.

APENDIKS B Marso 5, 2009 Bb. Kismette Cepe Propesora ng University of Perpetual Help System-Dalta Molino Campus Miyembro ng Autism Society of the Philippines Philippines Pinagpipitagang Propesora, Maalab na Pagbati! Kaugnay ng isinusulat naming pamanahong-papel sa Filipino 2 tungkol sa “Kahulugan, Sanhi, Lunas at Pananaw ng mga Mamamayan hinggil sa Autism” nais po sana naming humingi sa inyo ng pahintulot upang kayo ay aming makapanayam sa petsa, oras at lugar na inyong itatakda. Lubos po ang aming paniniwala sa inyong pagkadalubhasa sa nasabing paksa na aming pag-aaralan. Makakatulong po sa ito nang lubos tungo sa matagumpay na pagsulat ng aming pamanahong-papel. Dalangin po namin ang inyong pagpapahintulot sa aming pakiusap.

Lubos na gumagalang, __________________ Shayne Marie C. Apon Lider ng Pangkat Binigyang-pansin: __________________ Gng. Sylvia Gollayan Propesora

Instrumentong Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyuneyr na nalalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang damdamin, pananaw at kaalaman sa autism ng mga respondente. Nagsagawa rin ng mga pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklat, proposal, pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet. Bukod sa mga nabanggit, nag-interbyu ang mga mananaliksik ng isang guro sa University of Perpetual Help System. Siya ay membro ng isang organisasyong, Autism Society of the Philippines. Kinapanayam naming siya upang makakuha ng mga datos at detalye tungkol sa autism.

Tritment ng mga Datos Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginagawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamgitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipiliang aytem sa kwestyuner ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik. Limampu lamang ang dami ng respondente kaya nagging madali para sa mga manananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa konti lamang ang nasabing bilang. Kabanata V Lagon, Kongklusyon at Rekomendasyon 1. Lagom Ang pag-aaral ba ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin, pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa University of Perpetual Help System-Dalta Molino Campus (UPHS) at ng ilang mga kaibigan o kakilala ng mga mananaliksik sa labas ng institusyong nasabi hinggil sa “Autism”. Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey-kwestyuneyr na pinasagutan sa limampung (50) respondente na nag-aaral sa UPHS at ng ilang mga kakilala ng mga mananaliksik. 2. Kongklusyon

Batay sa mga nakalap na datos, humantong ang mga mananaliksik sa sumusunod na kongklusyon: a. Ang kaalaman ng mga respondente hinggil sa autism at katamtaman lamang. b. Ang kaalaman ng mga respondente hinggil sa sanhi ng autism ay kaunti lamang. c. Karamihan sa mga respondente ay nababahala kung sila ay magkakaroon ng kamaganak na may autism. d. Telebisyon ang pinaka-karaniwang hanguan ng impormasyon hinggil sa autism. e. Karamihan sa mga respondente ay naaawa sa mga taong may autism. 3. Rekomendasyon Batay sa mga napormulang kongklusyon, buong inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod.

pagpapakumbabang

a. Para sa pamahalaan, paigtingin pa ang pagbibigay ng impormasyon hinggil sa sanhi at paunang lunas sa autism upang maturuan ang mga mamamayan ng pag-iwas dito. b. Para sa mga namumuno sa mga ospital at klinika, magsagawa ng mga seminar na maaring pamunuan nga mga dalubhasang mga empleyado sa ospital upang higit na mabigyan ng kaalaman ang mag tao hinggil sa autism. c. Para sa mga propesor sa bawat kolehiyo, lalo na sa mga nagtuturo ng mga may kinalaman sa kursong narsing, nawa’y maging instrumento sila sa pagpapalaganap ng mga impormasyong kaugnay sa autism. d. Para sa mga mag-aaral, mas palawakin pa ang kaalaman sa autism upang maging mas epektib na nars sa hinaharap. e. Para sa mga magulang, mas palawakin pa ang inyong mga kaalaman sa mga sanhi at paunang lunas sa autism upang maiwasan ang pagkakaroon ng may autism sa pamilya.

Kabanata III Disenyo at Paraan ng pananaliksik 1. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptibanalitik na pananaliksik. Sa pag-aaral na ito inilarawan at sinuri ang sanhi, lunas, damdamin, pananaw at kahulugan ng autism ng mga napiling respondente ng mga mananaliksik. 2. Mga Respondente Ang mga mananaliksik ay nagpasyang maghati sa pagbibigay ng mga kwestyuneyr sa mga napili nilang respondente. Sa pag-aaral na ito pumili ng limampung (50) respondente ang mga mananaliksik. Sampung respondente sa bawat isang mananaliksik. Higit sa kalahati ng mga respondente ay mag-aaral ng narsing sa University of Perpetual Help System-Dalta Molino Campus. Dahil sila ang higit na magkakaroon ng kaalaman hinggil sa autism. Ilan pa sa mga respondente ay mga kaibigan at kilala ng mga mananaliksik sa labas ng institusyong nasabi. Sa limampung respondente tatlongpu’t pito ay babae at labing tatlo ay lalaki. Pansinin ang kasunod na talahanayan para sa distribusyon ng edad ng mga respondente: Talahanayan 1 Distribusyon ng mga respondente ayon sa edad. Edad

Dami ng Respondente

14-15 16-17 18-19 20 pataas Kabuoang Dami

6 14 9 21 50

Porsyento ng Kabuoang Dami 12% 28% 18% 42% 100%

Related Documents

Grap I
December 2019 19
Grap Indonesia.docx
June 2020 2
! I I ! I I
June 2020 67
I
November 2019 59

More Documents from ""

Autism
December 2019 36
Apendiks H
December 2019 24
Survey On Autism
December 2019 26
Jessicasohofil
December 2019 20