Jessicasohofil

  • Uploaded by: shayne
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Jessicasohofil as PDF for free.

More details

  • Words: 355
  • Pages: 1
Pagsilip sa mundo ng may Autism Posted on 04 February 2009 by Kapuso Mo Jessica Soho admin by Arianne Betita Paano nga ba nakikipag-usap sa mga taong may sariling mundo? Tanong ko ‘yan sa sarili habang binubuo ang segment tungkol sa autism. Hindi kasi naging madali ang pagshu-shoot namin sa mga case studies. Kinailangan ko pang ikuwento sa mga magulang nila kung ano ang gusto kong mangyari upang sila na ang matiyagang magpaliwanag sa kanilang mga anak. Iyong isang batang case study namin, hindi namin makuhanan ng detalye ang mukha. Kung saan-saan kasi tumatakbo at kung anu-ano ang ginagawa. At para lang mapirmi siya sa isang lugar, sinuhulan pa siya ng kaniyang nanay ng candy. Iggy, a child with autism Napansin ko rin na kahit 8 years old na siya, para siyang baby kung kausapin ng kaniyang nanay at yaya. At dahil hindi rin siya puwedeng maiwang mag-isa, buong araw nakabuntot sa kaniya ang kaniyang mga bantay. Imagine, isang bata pa lang ‘yan. Paano pa kaya ‘yung paghihirap noong isa naming case study na dalawang anak ang may autism. Marami siguro sa atin, naaawa sa mga magulang ng mga batang ito. Pero matapos kong masaksihan kung paano sila magsakripisyo at kung paano nila ibinubuhos ang kanilang oras at atensyon sa kanilang mga anak, hindi awa ang nadarama ko para sa kanila… kundi paghanga. Paghanga dahil ibayong pagmamahal at pag-unawa ang kinakailangan upang mag-alaga ng mga batang may sariling mundo. At sa pamamagitan ng mga magulang na ito, nalaman ko rin sa wakas kung paano ipaliliwanag ang aking sarili sa mga batang may autism… Kailangang ako ang pumasok sa kanilang mundo. At sa aking pagsubok na intindihin ang kanilang isipan, marami silang naituro sa akin… Tinuruan nila kong makinig, makipaglaro na parang bata, maging mapag-pasensiya, at maging appreciative sa mga ibinahagi nilang talento – mula sa pag-do-drawing hanggang sa music, math at geography. Ipinakita rin sa akin ng case studies kong may autism, na hindi hadlang ang kanilang kondisyon upang matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay. At sa tulong ng mga taong nagmamahal at handang umintindi ng kanilang mundo, malayo pa ang puwede nilang marating.

Related Documents

Jessicasohofil
December 2019 20

More Documents from "shayne"

Autism
December 2019 36
Apendiks H
December 2019 24
Survey On Autism
December 2019 26
Jessicasohofil
December 2019 20