Sa English, autism ang tawag sa espesyal na kondisyon ng taong may di-normal na pag-unlad. “May sariling mundo” ang bansag naman sa Tagalog bilang paglalarawan sa autism. Ang manipestasyon kasi ng ‘di normal na kalagayang ito ay kilos na parang walang kaugnayan sa paligid ng tao at mistulang gumagalaw siya sa sariling kapaligiran.Kakaiba ang batang may autism. Hindi nga siya normal gaya ng mga ibang bata. Ang mga may batang autism ay dapat bigyan ng pagmamahal ng mga taong nasa paligid niya. Ngunit ano nga ba ang autism? Bakit may mga ibang bata ay meron ito. Saan nakukuha ito? Ang Autism Ang Autistic Spectrum Disorder ay isang komplikadong kapansanan na may kaugnayan sa pag-unlad o paglaki ng bata, na may mahalagang epekto sa paraan kung paano ang isang tao ay nakikipagtalastasan, nakikisalamuha sa ibang tao at makapagsaad ng emosyon at/o idea. Ang mga salitang autistic spectrum ay kalimitang ginagamit sapagkat ang ganitong kalagayan ay nagkakaiba-iba sa mga tao. Ang autism ay isang sakit kung saan nahihirapan ang utak sa pagpoproseso sa mga nakalap nitong impormasyon o pakiramdam. Ito ay nagdudulot ng suliranin sa isang batang autistic dahil apektado ang kanyang pakikisalamuha at, pagkatuto. Laganap ang sakit na ito sa buong mundo at karaniwang makikita ang mga sintomas nito sa unang tatlong taon ng isang bata. Sa Pilipinas, tinatayang may hanggang 300,000 na Pilipino ang may autism. Sa bilang na ito, tanging limang bahagdan lamang ang natukoy na may ganito silang kondisyon. Ang malungkot pa rito ay tanging dalawang bahagdan lang ng maliit na limang bahagdan ang nakakatanggap ng pagpapagamot. Sanhi, Sintomas at LunasIpinapalagay na ang autism ay isang genetic disorder kung saan posibleng may diperensya sa genes o chromosomes ng isang bata bago pa siya isilang. Ibinilang rin sa mga posibleng sanhi ang teoryang “bad parenting” kung saan hindi naging maayos ang pangangalaga at pagtrato sa sanggol habang ito ay nasa loob pa ng sinapupunan. Gayundin, sinisisi rin ang maduming kapaligiran lalo na ang mga lason sa hangin na posibleng pumipinsala sa immune system at utak ng bago at pagkatapos itong ipanganak. Normal ang hitsura ng isang batang autistic. Gayunpaman, may problema ito sa maraming aspeto. Kabilang sa mga pangunahing katangian ng ganitong kondisyon ang matinding kaibahan sa pakikisalamuha sa lipunan, sa pakikipagtalastasan, masyadong mahirap ang proseso ng pag-iisip at mga may ritwal na balangkas ng pag-uugali. Natatangi sila dahil sa kanilang kakaiba, inosente at hindi naaangkop na pakikisalamuha sa lipunan, mahabang bulol-bulol at putol-putol na pananalita, kahinaan sa hindi-berbal na pakikipagtalastasan, mababaw na mga interes at mahinang kakayanan sa koordinasyon sa pagkilos ng katawan at sa pag-iisip. Inilarawan din sila na nahihirapan sa paggamit ng kasanayan sa isang paraang maaaring baguhin at kapaki-pakinabang.
Hindi pa
natutukoy ang sanhi nito. Ngunit nalulunasan ang mga sintomas sa pamamagitan ng therapy tulad ng music therapy, physical therapy, vision therapy, dietary interventions at pagbabago ng kilos o behavioral treatment kung saan itinuturo sa mga autistic ang mga bagay na dapat nilang ikilos at gawin sa araw-araw. Papel ng Paaralan
Ang Autism Consciousness Week na itinakdang
ipagdiwang tuwing ikatlong linggo ng buwan ng Enero sa bawat taong-aralan. Pinamunuan ng Autism Society of the Philippines ang pagdiriwang nito. Layon ng selebrasyon na imulat ang madla sa iba’t ibang anyo ng kapansanang ito. Sa pagmulat ay nais ding makuha ang simpatiya ng publiko at pag-unawa sa akmang pakikitungo at pagkalinga sa mga may autism. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng paaralan sa pagpapataas ng kaalaman ng mga bata kaugnay sa autism. Alinsunod sa kautusan ng DepED, isinasagawa ang iba’t ibang gawain tulad ng film viewing, mga paligsahan sa pagguhit at slogan-making. May ilang organisasyon naman na kumikilos upang ipabatid sa publiko ang mga bagay na dapat malaman hinggil sa autism. Kabilang dito ang Autism Society Philippines sa Quezon City, Center for Autism and Related Disorders (CARD) sa Las Piñas City at ang DavaoAutism Intervention Center Foundation Inc.(DAC). Bukas ang mga institusyong ito sa pamamahagi ng impormasyon ukol sa autism, mga proyekto at programang kanilang isinasagawa para sa mga kabataang autism. Maaari rin namang dumulog sa Philippine General Hospital at Philippine Children’s Medical Center. Awstimo (Autism)-Ang sumusunod na teksto ay kinuha sa 'Report of the Task Group on Autism' na ganap nang makukuha sa ibaba. Ano ang Awstimo? Ang Autistic Spectrum Disorder ay isang komplikadong kapansanan na may kaugnayan sa pagunlad o paglaki ng bata, na may mahalagang epekto sa paraan kung paano ang isang tao ay nakikipagtalastasan at nakikisalamuha sa ibang tao. Ang mga salitang ‘autistic spectrum’ ay kalimitang ginagamit sapagkat ang ganitong kalagayan ay nagkakaiba-iba sa mga tao. Ang Asperger syndrome ay isang kalagayan na nasa hulihang bahagi ng spectrum kung saan mas maayos ang kalagayan o "more able end". Sa bahaging hulihan ng spectrum kung saan hindi gaanong maayos ang kalagayan o "less able end" ay ang Kanner's syndrome o pinagsama-samang sintomas ng sakit na ito, na tinutukoy na 'klasikong awtismo'. Ang mga kondisyon at balangkas ng pag-uugali kaugnay ng "early infantile autism" o "maagang awtismo na nagmula pa sa pagkasanggol" ay unang inilarawan ng psychiatrist sa bata na si Leo Kanner (1943). Ayon kay Kanner, kabilang sa mga pangunahing katangian ng ganitong kundisyon ang matinding kaibahan sa pakikisalamuha sa lipunan, sa pakikipagtalastasan, masyadong mahirap ang proseso ng pag-iisip at mga may ritwal na balangkas ng pag-uugali. Sa halos kasabay na panahon sa Europa, isang halos katulad na grupo ng mga bata ang inilarawan no Hans Asperger (1944) at natatangi sila dahil sa kanilang kakaiba, inosente at hindi naaangkop na pakikisalamuha sa lipunan, mahabang bulol-bulol at putol-putol na pananalita, kahinaan sa hindi-berbal na pakikipagtalastasan, mababaw na mga interes at mahinang kakayanan sa koordinasyon sa pagkilos ng katawan at sa pag-iisip. Inilarawan din sila na nahihirapan sa paggamit ng kasanayan sa isang paraang maaaring baguhin at kapaki-pakinabang. Ang ginawa ni Leo Kanner (1943) at ni Hans
Asperger (1944) ang siyang bumuo ng batayan ng ating pagkaunawa sa Autistic Spectrum Disorder sa kasalukuyan. Habang marami pang mga debate tungkol sa kahulugan ng awtismp, at lalong-lalo na sa Asperger Syndrome, tanggap na ngayon sa pangkalahatan na ang awtismo pati na ang Asperger syndrome ay kabilang sa isang mas malaking grupo ng mga sakit na may kaugnayan sa pakikisalamuha at pakikipagtalastasan sa lipunan, na karaniwang kilala bilang Autistic Spectrum Disorders (ASD). Isa sa pinakamahalagang kontribusyon sa kaalamang klinikal tungkol sa awtismo bilang spectrum disorder, ay ang kayLorna Wing (1979). Pagkatapos na magsagawa ng isang masusing pag-aaral sa epidemiyolohiya, ang naging konklusyon ni Wing ay, ang kakaibang pakikisalamuha o pagkilos sa lipunan o social impairment ay isang sakit na may kaugnayan sa paglaki o pag-unlad ng isang tao, at ang iba't-ibang mga nakikita dito, tawagin man ang mga ito na sintomas o hindi, ang lahat ay bahagi ng isang "spectrum" ng mga kaugnay na sakit. Napag-alaman ni Wing na may 3 larangan ng paglaki o pag-unlad sa tao na may kaugnayan sa kaibhang ito ng pagkilos o pakikisalamuha sa lipunan, na lumilikha ng isang nakagapos o isang cluster ng mga katangiang magbibigay ng m ga kriteryang magagamit sa pagtingin (diagnostic criteria), upang matukoy ang awtismo. Ang cluster na ito ay tinutukoy na tatlong bahagi ng impairment:impairment ng Social Interaction, impairment ng Social Communication, impairment ng Social Understanding and Imagination.