Daily Lesson Log Teacher: GAY L. LATABE School: Baluan National High School Teaching Week: 3rd Week Date: November 13, 2018
Grade & Section: 8 – Bonifacio Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter: 3rd Quarter Time: 7:30-8:30
I. LAYUNIN A . Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pasasalamat. B.
Performance Standard: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa isang pangkatang gawain ng pasasalamat.
C.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pasasalamat EsP8PB-IIIb-9.4
II. NILALAMAN Modyul 9: Pasasalamat sa Kabutihang Ginawa ng Kapwa III. LEARNING RESOURCES: A. SANGGUNIAN:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro : 2. Mga pahina sa KM:
129 - 135
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 p. 227 - 255
3. Mga pahina sa Teksbuk: 4. Karagdagang Kagamitan sa portal ng Learning Resource: B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO: https://www.youtube.com/watch?v=l8udMkneUiI https://www.youtube.com/watch?v=j5oBGOPj7Ns IV. PAMAMARAAN: A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.
-
Pagbabalik aral sa pamamagitan ng pagsusulit 1. Ang entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. 2. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng kalooban 3. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong ay isang halimbawa ng entitlement mentality.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin. -
Ipagawa ang Gawain 1, “Puso ng Pasasalamat”
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 - Pagbibigay ng mga pamprosesong tanong
1. Ano-ano ang iyong natuklasan tungkol sa pasasalamat? 2. Ano-ano ang mga paraan ng pasasalamat? 3. Bakit mahalaga ang magpasalamat? Ano ang nagagawa nito sa ating kapwa? E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 - Video presentation - Pagtalakay ng guro tungkol sa pasasalamat F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment) G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay - Ipagawa ang Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat? Ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahulihulihan ay biyaya ng Diyos. Ito ay kabaligtaran ng entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi ito naglalayong bayaran o palitan ang kanilang kabutihan kundi gawin sa iba ang kabutihang natanggap mula sa kapwa. I. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang mga tanong 1. Ano ang kabutihang dulot ng pagiging mapagpasalamat? 2. Sa iyong palagay, ikaw ba ay isang taong marunong magpasalamat? Paano mo nasabi? 3. Paano mo maipapakita ang iyong pasasalamat sa ibang tao? J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation Gumawa ng isang liham pasasalamat para sa isang taong iyong nais pasalamatan. Gumawa ng repleksyon patungkol sa liham na nagawa.
V. MGA TALA:
VI. PAGNINILAY:
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation. C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong mga suliranin ang naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Inihanda ni: GAY LATABE-LACNO Guro Sinuri ni: ARLYN J. ZAPANTA Academic Head
Noted by: ROSIE T. DIAZ Principal