Phil-IRI Form 1 – Pretest
Pangalan: _____________________________________
Baitang at Pangkat: ___________
Pagganyak: Ano ang mga ginagawa mo sa mga basurang nasa loob ng inyong bahay? Basura: Isang Malaking Problema Inihahanda na ni Kune ang mga basura tulad ng plastic, bote, garapa at mga lumang magasin at dyaryo galing sa kanilang bahay na ipagbibili niya kay Mang Pedring na magbobote. Napatigil siya nang matawag ang kanyang pansin ng isang Editoryal tungkol sa Basura ng Pilipino Star Ngayon, na ipinalabas noong Nobyember 19, 2000. Ito ang ilan sa kanyang nabasa: Problema ang basura sa Metro Manila ngayon at lalo pang magiging ga-bundok sa hinaharap kung hindi kikilos ang pamahalaan. Nagbabala ang Greenpeace, isang international campaign group, na lulubha ang problema sa basura sa Metro Manila kung hindi gagawa ng estratehiya ang pamahalaan tungkol dito. Isinusulong ng grupo ang paraan ng recycling at composting kaysa sa tradisyonal na “dump, bury, burn”. Sa mga nakaraan naming editoryal, madalas naming sabihin na ang composting ay isang magandang paraan para malutas ang problema sa basura. Ang sapat lamang gawin ay katulungin ang Department of Agriculture upang maisulong ito at matiyak na makikinabang ang mga magsasaka. Matapos mabasa ang artiko, napaisip si Kune at tiningnang muli ang mga bagay na ipagbibili na sana niya. May ilan sa mga yun na maari pa nilang magamit sa ibang bagay. Dali-dali niyang ibinukod ang mga iyon at ibinalik sa loob ng kanilang bahay.
Gr. VI Bilang ng mga Salita: 204
Mga Tanong: Literal
1. Ano ang pamagat ng tekstong inyong binasa? Sagot: Basura: Isang Malaking Problema 2. Sino ang nagbabala tungkol sa lumulubhang problema sa basura? Sagot: Greenpeace
________
________
3. Saang pahayagan nabasa ni Kune ang Editoryal? Sagot: Pilipino Star Ngayon Pagpapaka- 4. Bakit kaya magiging malaking problema ang basura hulugan sa Metro Manila kung di ito masusulusyunan? Maaaring Sagot: Dudumi ang Metro Manila. SY 2012-2013
________
Maraming magkakasakit dahil sa basura. Babaho ang paligid sa Metro Manila. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.) 5. Bakit kaya mas maganda ang composting at recycling kaysa sa dump, bury, burn bilang solusyon sa pagtatapon ng basura? Maaaring Sagot: Dahil magiging pataba sa lupa ang mga nabulok na bagay mula sa compost. Hindi lahat ng bagay ay patapon na, maaaring magamit pa sa ibang paraan ang mga bagay sa tingin natin ay di na magagamit. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.) Paglalapat 6. Sa paanong paraan mo kaya magagamit ang mga gulong ng sasakyan ibang paraan? Maaaring sagot: Gagawing duyan. Gagawing taniman ng halaman. Gagawing bakod. (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.)
7. Magbigay ng mga bagay sa inyong bahay o dito sa ating silid-aralan na patapon na, pagkatapos ay umisip ng paraan kung paano pa ito maaaring pakinabangan upang di maitapon? Maaaring sagot: Mga balat ng kendi, gagawing artipisyal na mga bulaklak. Basyong bote, gagawing flower vase. Balat ng saging at iba balat ng gulay o prutas, ibabaon sa lupa upang maging pataba. (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.) 8. Nakita mong magsisiga ang iyong kaibigan sa kanilang bakuran, kabilang sa kanyang susunugin ay mga plastic na bote. Ano ang gagawin mo? Maaaring sagot: Tatawagin ko siya at sasabihing huwag niyang isamang sunugin ang mga boteng plastik. Makakasira ito ng ozone layer. Pagsasabihan ko siya at sasabihing pwede pang gamitin ang plastik ng bote bilang lagayan ng inumin o ipagbili para maging pera. (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot)
SY 2012-2013
________
________
________
________
Phil-IRI Form 1 – Pretest
Basura: Isang Malaking Problema Inihahanda na ni Kune ang mga basura tulad ng plastic, bote, garapa at mga lumang magasin at dyaryo galing sa kanilang bahay na ipagbibili niya kay Mang Pedring na magbobote. Napatigil siya nang matawag ang kanyang pansin ng isang Editoryal tungkol sa Basura ng Pilipino Star Ngayon, na ipinalabas noong Nobyember 19, 2000. Ito ang ilan sa kanyang nabasa: Problema ang basura sa Metro Manila ngayon at lalo pang magiging ga-bundok sa hinaharap kung hindi kikilos ang pamahalaan. Nagbabala ang Greenpeace, isang international campaign group, na lulubha ang problema sa basura sa Metro Manila kung hindi gagawa ng estratehiya ang pamahalaan tungkol dito. Isinusulong ng grupo ang paraan ng recycling at composting kaysa sa tradisyonal na “dump, bury, burn”. Sa mga nakaraan naming editoryal, madalas naming sabihin na ang composting ay isang magandang paraan para malutas ang problema sa basura. Ang sapat lamang gawin ay katulungin ang Department of Agriculture upang maisulong ito at matiyak na makikinabang ang mga magsasaka. Matapos mabasa ang artiko, napaisip si Kune at tiningnang muli ang mga bagay na ipagbibili na sana niya. May ilan sa mga yun na maari pa nilang magamit sa ibang bagay. Dali-dali niyang ibinukod ang mga iyon at ibinalik sa loob ng kanilang bahay.
1. Sino ang nagbabala tungkol sa lumulubhang problema sa basura?
________
2. Saang pahayagan nabasa ni Kune ang Editoryal? 3. Bakit kaya magiging malaking problema ang basura sa Metro Manila kung di ito masusulusyunan? 4. Bakit kaya mas maganda ang composting at recycling kaysa sa dump, bury, burn bilang solusyon sa pagtatapon ng basura? 5. Sa paanong paraan mo kaya magagamit ang mga gulong ng sasakyan ibang paraan?
SY 2012-2013
________