YUNIT 3 Pagmamahal sa Bansa Aralin 1: Bansa ay Uunlad kung Sama-samang Nangangarap Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Binasa Nasasabi ang katangian ng tauhan sa kuwentong binasa Wikang Binibigkas Natutukoy at nagagamit ang mga pinaikling salita(contractions) Kamalayang Ponolohiya Nababasa ang mga salitang may kambal-katinig Palabigkasan at Pagkilala sa mga Salita Natutukoy ang mga salitang may maling baybay sa isang pangungusap Pagsulat Naisusulat ang label ng mga larawansa paraang kabit-kabit
UNANG ARAW Layunin Nasasabi ang katangian ng tauhan sa kuwentong binasa Paksang Aralin Katangian ng mga Tauhan Kagamitan larawan ng batang nangangarap Paunang Pagtataya Pasagutan ang“Subukin Natin”sa LM, pahina 260. Tukoy-alam Pabigyang-kahulugan sa mga bata ang salitang pangarap. Paglalahad Ano ang pangarap mo sa buhay? Bakit ito ang pangarap mo? Ipakita ang larawan ng batang nangangarap. Ano kaya ang kaniyang pangarap sa buhay? Pagpapayaman ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng mga salitang maysalungguhit sa pangungusap. 1. Pangarap ni Nilo na magkaroon ng magandang buhay kapag nakatapos ng pag-aaral. a. nais b. wala sa isip c. ayaw gawin 2. Ang kapaligiran natin ay dapat malinis upang di tayo magkasakit. a. palibot b. malayong lugar c. lansangan 3. Marami ang namatay satrahedyang dala ng nagdaang bagyo. a. kapistahan b. pangyayari na nagdulot ng kamatayan c.tagumpay 4.Nais ng maraming bata ang makapaglibang pagkatapos ng isang taon 102
pagpasok sa paaralan . a. makapagtrabahob b. maging abala c. makapahinga nang maysaya Paglalahad Ipabasa ang “Basahin Natin”sa LM,pahina 260 Pasagutan ang “Sagutin Natin” na nasa LM, pahina 261. Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Ano-ano ang katangian ng bawat isa? (Igawa ng character map ang bawat isa) Ano-ano ang pangarap ni Nilo? Anong katangian mayroon si Nilo? Paano mo nasabi? Dapat ba siyang tularan?Bakit? Bakit hindi? Ano ang dapat nating gawin upang maabot ang ating mga pangarap? Kasanayang Pagpapayaman Gabayan ang mga bata sa sa pagsagot sa “Gawin Natin” sa LM, pahina 262 at ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 262. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipabasaang“Tandaan Natin” na nasa LM, pahina 264. Karagdagang Gawain Ipagawa ang“Linangin Natin”sa LM, pahina 264.
IKALAWANG ARAW Layunin Natutukoy at nagagamit ang mga pinaikling salita (contractions) Paksang-Aralin Ang Pinaikling Salita Tukoy-alam Ipabasa ang pangungusap. Siya’ysi Nilo ang batang may pangarap sa kaniyang sarili’t batang mahihirap. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit? Ano ang tawag dito? Paglalahad Ipabasa ang mga pangungusap sa“Basahin Natin” sa LM, pahina 265. Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 265. Ano-anong salitang pinaikli ang ginamit sa pangungusap? Paano ito pinaikli? Ano ang kinakatawan ng kudlit? Ipabasa at talakayin ang “Pahalagahan Natin.” Kasanayang Pagpapayaman Sagutin ang pagsasanay sa“Gawin Natin” at“Sanayin Natin”sa LM,pahina 266. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Basahin ang “Tandaan Natin”sa LM, pahina 267. 103
Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM, pahina 268.
IKATLONG ARAW Layunin Nababasa ang mga salitang may kambal katinigna -bl Paksang-Aralin Kambal Katinig na -bl Tukoy-alam Hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang nagsisimula sa letrang b at sa letrang l. Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Ano ang tunog ng letrang b?Letrang l? Paglalahad Ipakita ang larawan ng dalawang batang babae na masayang nag-uusap. Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga bata? Papiliin ang mga bata ng kapartner upang iparinig ang sa palagay nila ay naging usapan ng mga bata. Ipabasa angkuwento sa“Basahin Natin” sa LM, pahina 269. Ipagawa ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 270. Ano-ano ang salitang may kambal katinig ang ginamit sa kuwento? Anong kambal katinig ito? Paano bigkasin ang –bl na kambal katinig? Hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang may kambal katinig. Bakit kailangang isipin natin ang kapakanan ng ibang tao? Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 270. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang - “Gawin Natin” sa LM, pahina 271 - “Sanayin Natin”sa LM, pahina 271 Paglalahat Ano ang tunog ng bl? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 272. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa sa“LinanginNatin” na nasa LM, pahina 272.
IKAAPAT NAARAW Layunin Natutukoy ang mga salitang may maling baybay sa isang pangungusap Naisusulat ang label ng mga larawan o bagay sa paraang kabit-kabit Paksang-Aralin Pagsulat ng Label ng mga Larawan o Bagay Kagamitan dalawang parehong larawan na may maling makikita sa isat-isa 104
Tukoy-alam Magdikta ng 5 salitang natutunan mula sa mga nakaraang aralin. Ipasulat ang mga ito sa pisara. Alin-alin ang may tamang baybay? May maling baybay? Paglalahad Magpakita ng dalawang larawan.(Siguraduhin na pareho ang ipakikitang larawan. Ang isang larawan ay may mga kamaliang makikita) Basahin ang mga pangungusap sa “Basahin Natin” sa LM, pahina 273. Pasagutan ang “Sagutin Natin” Ano- ano ang salitang ginamit na may maling baybay? Paano ito isusulat nang wasto? Ipasulat ito sa mga bata sa kabit-kabit na paraan. Magpakita ng ilang mga larawan at mga tunay na bagay. Ipatukoy sa mga bata kung mali o tama ang pagkakabaybay ng mga label. Kung mali, isulat ito nang may wastong baybay sa kabit-kabit na paraan. Magpakita muli ng ilang mga larawan at mga tunay na bagay. Ipasulat ang label ng bawat isa sa kabit-kabit na paraan. Ipabasa ang“Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 273. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang pagsasanay sa“Gawin Natin” na nasa LM, pahina 273. Ipangkat ang mga bata at ipasagot ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 274. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipabasa ang“Tandaan Natin” sa LM, pahina 275 Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 275. Ipagawa ang“Sulatin Natin” sa LM, pahina 275.
IKALIMANG ARAW Layunin Nakasusunod nang wasto sa mga panuto Panimulang Gawain Ipahanda ang mga gagamitin ng mga mag-aaral sa pagsusulit. Ipaliwanag ang mga panuto. Gawaing Pagtataya A. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot. 1. Ang batang si Nilo ay may katangian na dapat tularan ng batang tulad mo. a. tama b. mali c. di tiyak 2. Alin sa grupo ng mga salita ang tumutukoy sa katangian ni Nilo? a. makakalikasan mapagmahal mapangarapin b. makakalikasan mayabang masipag c. makakalikasan masunurin tamad 3. Alin sa sumusunod na pares ng salita ang ginagamit sa pagpapaikli ng ng salita a.ng at g b. ay at at c.ang at ang mga 105
B.Pumili ng salita na nasa loob ng kahon upang magamit sa parirala at pangungusap . at
ay
4. ang basura trak 5. ang pala lupa 6. ang kawali mantika 7. Sila nagtatalakayan 8. Tayo nang gumawa mag-aral gumuhit. 9. Kami tutulong sa kapwa. 10. Magtatanim sila ng ampalaya kalabasa. C. Paikliin ang mga may salungguhit na salita. 11. maaamo at masunurin 12. matalino at madasalin 13. Magbasa at sumulat nang madalas para gumaling. 14. Ako ay nangangarap magtagumpay sa buhay. 15. Manonood lang ng pelikula atprograma sa TV na para sa edad mo. D.Isulat nang may wastong baybay ang mga salitang mali ang pagkakabaybay. 16. Makalikasan si Nilo kaya naes niyang huwag maputol ang mga puno. 17. Natunaw ang baluke ng yelo. E. Alin sa mga salita ang may kambal-katinig ? 18. a. basura b. bulsa c. blusa 19. a. balot b. basura c. braso F. Sipiin ang pangungusap sa paraang kabit-kabit. 20. Suot ni Nene ang dilaw na blusa.
Aralin 2: Paalaala ko Sundin Mo Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng nabasang kuwento Palabigkasan at Pagkilala sa Salita Nababasa ang mga babalang nakikita sa paligid Pag-unawa sa Binasa Napagsusunod- sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng larawan Gramatika Nagagamit ang tamang pandiwang pangnagdaanna naayon sa ginamit na pangngalan o panghalip Pagsulat Naisusulat ang caption ng larawan sa paraang kabit-kabit
106
UNANG ARAW Layunin Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng nabasang kuwento Nababasa ang mga babalang nakikita sa paligid Paksang Aralin Pagsasabi ng Mensahe Kagamitan mgababala/paalala na nakasulat sa istrip ng kartolina Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM, pahina 276. Tukoy-Alam Ano-anong paalaala ang nabasa mo sa iyong kapaligiran? Ano ang ginawa mo nang mabasa ito? Paglalahad Magpakita ng ilang babala/paalala na nakasulat sa istrip ng kartolina. Saan ito makikita? Ano ang ibig sabihin ng bawat isa? Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mo ito? Ano ang mangyayari kung hindi mo susundin ang kahulugan nito? Pagpapayaman ng Talasalitaan Piliin sa kahon ang kahuluguhan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. tinungo
napahinto
kaklase
leksyon
labis
1.Napatigil si Gina nang may nakita siyang bata na umiiyak sa daan. 2. Marami silang mga aralinna pinag-aralan ngayong araw na ito. 3. Si Rebecca ay aking kamag-aral. 4. Pinuntahan niya ang kaniyang kapatid sa paaralan. 5. Sobra niyang dinamdam ang pagkawala ng kaniyang alagang pusa. Ipabasa ang “Ang Paalala kay Arnel” sa“Basahin Natin” sa LM, pahina 276. Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa“Sagutin Natin” sa LM, pahina 278. Ano-anong babala o paalaala ang nabanggit sa kuwento? Saang lugar nakita ang mga ito? Ano ang ginawa ng mga tauhan nang makita ang mga ito? Hayaang bigyang – kahulugan ng mga bata ang ipakikitang mga babala o paalaala. Bakit dapat nating sundin ang mga paalaala o mga babala na makikita sa ating kapaligiran? Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang - “Gawin Natin” A , B , at C sa LM, pahina 279 Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? 107
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 279 Kasunduan Magtala ng limang paalala at babala na nakikita sa iyong pamayanan.
IKALAWANG ARAW Layunin Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tulong ng larawan Paksang Aralin Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari Kagamitan larawan ng buhay ng paruparo Tukoy-Alam Magpakita ng mga larawan ng buhay ngparuparo. Ipaayos ang mga larawan ayon sa kung paano nagiging paruparo ang uod. Sa tulong ng mga larawan, ipakuwento sa mga bata ang mga pagbabagong nagaganap sa isang uod. Paglalahad Ipaguhit sa mga bata ang ginagawa nila mula pagkagising hanggang sa makarating sila sa paaralan. Pag-usapan ang mga larawang iginuhit ng mga bata. Ipabasa ang kuwento sa LM, pahina 280 Ang icon sa pahinang ito na “Linangin Natin” ay hindi sinasadyang mailagay, Ang bahaging ito ay para “ Basahin Natin” na iyong ipababasa sa mga mag-aaral. Ipakita ang larawan ng mga pangyayari sa kuwento. Talakayin ang bawat larawan. Iayos ang mga larawan ayon sa tamang pagkakasunod-sunod sa kuwento. Isalaysay muli ang binasang kuwento sa tulong ng mga larawan. Bakit kailangang tangkilikin ang produktong atin? Ipabasa ang“Pahalagahan Natin”sa LM, pahina 281. Kasanayang Pagpapayaman Basahin: Si Rene ay isang masipag na bata. Tuwing Sabado at Linggo ay maaga siyang gumigising upang magtanim ng mga gulay sa kanilang bakuran. Dala-dala niya ang mga kagamitan sa pagtatanim. Binubungkal niya ang lupa. Pagkatapos nito, ay nagsimula na siyang magtanim. Dinidiligan niya ang kaniyang pananim bago siya umuwi. Gamitin ang kuwento sa pagsagot sa “Gawin Natin” sa LM pahina 281. Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 281. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang“Linangin Natin”sa LM, pahina 282.
108
IKATLONG ARAW Layunin Nagagamit ang tamang pandiwang pangnagdaan na naayon sa ginamit na pangngalan o panghalip Paksang Aralin Pandiwang Pangnagdaan Kagamitan larawan ng mga batang nakapila habang nagtataas ng watawat Tukoy-Alam Punan ng angkop na salitang kilos upang mabuo ang pangungusap. Si Lita ay ng tubig dahil sa sobrang pagkauhaw. Ako ay ng maruruming damit kahapon. Paglalahad Ipakita ang larawan ng mga batang nanakapila habang itinataas ang watawat ng Pilipinas. Pag-usapan ang ipinakita ng mga bata sa larawan. Ipabasa muli ang kuwentong “Ang Paalala kay Arnel” Ano-ano ang salitang nakasulat nang pahilis sa kuwento? Basahin ang mga ito. Ano ang ipinakikita nito? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Kailan ito ginawa? Paano ipinakita na tapos na o nagawa na ang kilos? Paano natin maipakikita ang pagmamahal sa ating bansa? Kasanayang Pagpapayaman “Gawin Natin”sa LM, pahina 283 - “Sanayin Natin”sa LM, pahina 283 Paglalahat Ano ang pandiwang pangnagdaan? Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM, sa pahina 284. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM, pahina 284.
IKAAPAT NA ARAW Layunin Nakakabuo ng payak na pagungusap gamit ang mga salitang kilos Paksang Aralin Paggamit ng mga Salitang Kilos sa Pangungusap Kagamitan larawan ng mga bayani Tukoy- Alam Ano-ano ang ginawa mo noong nagdaang Sabado? Isulat ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata. Ipatukoy ang mga pandiwang pagnagdaan na ginamit. 109
Paglalahad Magpakita ng larawan ng mga bayani ngating bansa. Kilalanin ang bawat isa. Ano ang nagawa nila para sa bansa? Basahin sa unang beses ang tula sa “Basahin Natin” sa LM, pahina 285. Talakayin ang tula sa sa tulong ng mga tanong sa “Sagutin Natin” sa LM, pahina 285. Ano-ano ang may salungguhit na salita sa tula? Linangin ang bawat salita. Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Magpakita ng ilang mga larawan na may kaugnayan sa tema ng tula. Pag-usapan ang bawat isa. Ano ang caption na puwedeng isulat sa bawat larawan? Paano ito isusulat? Palawigin ang kaisipan sa“Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 285. Kasanayang Pagpapayaman Sagutan ang “Gawin Natin” at “Sanayin Natin”sa LM, pahina 286. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Basahin ang “Tandaan Natin”sa LM, pahina 286. Karagdagang Pagsasanay Gawin ang “Linangin Natin”sa LM, sa pahina 287. Ipagawa ang “Sulatin Natin”sa LM, sa pahina 287.
IKALIMANG ARAW Layunin Nakasusunod nang wasto sa mga panuto Pamamaraan Ihanda ang mga bata sa pagsusulit na isasagawa. Ipaliwanag ang mga panuto. Pagtataya A. Iguhit sa sagutang papel ang bituin ( ) kung ang pahayag ay isang babala at bilog( ) naman kung ito ay paalala. 1. Bawal tumawid dito. 2. Ugaliing magsepilyo araw-araw. 3. Bawal umihi dito. 4. Itapon ang basura sa tamang lalagyan. 5. Panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng silid-aralan. B. Basahin ang kuwento. Ayusin ang larawan ayon sa tamang pagkasunodsunod ng mga pangyayari sa kuwento. Isulat ang bilang 6 - 10 sa sagutang papel. Tuwing Linggo, nakaugalian ng pamilyang Cruz ang pagsisimba. Sama-sama silang pumupunta sa simbahan. Tahimik silang nakikinig sa sermon ng pari. Pagkatapos ng misa, namasyal sila sa parke. Nang makaramdam ng gutom, sila ay kumain salabas. Tuwang- tuwang umuwi ang mag-anak sa kanilang tahanan. 110
6.
9.
7.
8.
10.
C. Piliin sa ulap ang angkop na pandiwa upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. tumakbo sumulat nawala ginawa pumunta 11. Si Nestor ay sa Maynila kaninang umaga. 12. Noong Linggo, ako ay ng tula. 13. Ang pusa ni Dina ay kahapon. 14. Marami akong kanina. 15. Ang aso ay nang mabilis. D. Sumulat ng isang pangungusap gamit ang mga salita. 16. natulog 17. kumain 18. nagsepilyo 19. tumakbo 20. gumuhit
Aralin 3:Lugar na Kinagisnan, Halina’t Pasyalan Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nakapaglalahad ng impormasyong natutunan mula sa napakinggan teksto Napag-uusapan ang mga personal na karanasan na may kaugnayan sa napakinggang teksto Kamalayang Ponolohiya Nadadagdagan, nababawasan o napapalitan ang isang letra ng salita upang makabuo ng isang bagong salita 111
Gramatika Nagagamit ang tamang pandiwa na naaayon sa ginamit na pangngalan o panghalip-pangkasalukuyan Pag-unawa sa Pinakinggan Naibibigay ang paksa ng kuwento/impormasyong napakinggan/nabasa Pagsusulat Naisusulat anglabel o caption sa paraang kabit-kabit
UNANG ARAW Layunin Nakapaglalahad ng impormasyong natutunan mula sa napakinggang teksto Napag-uusapan ang mga personal na karanasan na may kaugnayan sa napakinggang/ nabasang teksto Paksang-aralin Paglalahad ng Impormasyon Kagamitan larawan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin”sa LM. Tukoy-alam Ano ang napakinggan mong balita sa araw na ito? Saan mo ito napakinggan? Ano ang naramdaman mo nang mapakinggan mo ito? Paglalahad Anong lugar sa Pilipinas ang nais mong mapuntahan? Bakit? Ipakita ang larawan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas. Tukuyin ang ngalan ng bawat isa. Saan ito makikita sa bansa? Idikit ang larawan ng tanawin sa mapa ng Pilipinas. Hayaang magbahagi ang mga bata kung may karanasan sila na kaugnay ng mga ipinakitang larawan. Pagpapayaman ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita sa tulong ng mga larawan. - pagsasaka - parada - dalisdis - kumpol-kumpol - hanapbuhay Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Basahin sa mga bata ang “Kakaiba ang Camiguin” LM, pahina 288. Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng mga tanong sa “Sagutin Natin” sa LM, pahina 289. Ano-anong impormasyon ang natutunan mo sa napakinggang teksto? Ano-ano ang ginawa mo upang matandaan ang mga mahahalagang impormasyon sa teksto? Paano mo ito nailahad nang wasto? Paano mo maipagmamalaki ang ating bansa? Ipagawa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 290. 112
Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang - “Gawin Natin” sa LM, pahina 290 - “Sanayin Natin” sa LM, pahina 291 Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Basahin ang “Tandaan Natin”sa LM, pahina 291 Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM, pahina 292.
IKALAWANG ARAW Layunin Nadadagdagan, nababawasan o napapalitan ang isang letra ng salita upang makabuo ng isang bagong salita Paksang-Aralin Pagbuo ng mga Bagong Salita Tukoy-alam Anong salita ang mabubuo mo kung papalitan mo ang unang tunog sa salitang bola? Kapag tinanggal mo ang unang tunog sa salitang bibig? Kapag nilagyan ng s ang hulihan ng salitang bata? Paglalahad Ipawit ang Alpabetong Filipino. Ano ang tunog ng bawat letra ng alpabetong Filipino? Ipabasa ang mga salitang sa “Basahin Natin” sa LM, pahina 292. Sagutin ang mga tanong sa“Sagutin Natin” sa LM, pahina 292. Kumpletuhin ang talaan gamit ang mga salita buhat sa tekstong binasa. Salita
Dagdagan
Bawasan
Palitan
Ano ang magagawa mo para mapanatiling malinis at maganda ang isang tanawin sa bansa? Ipagawa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 293. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang “Gawin Natin”sa LM, pahina 293. Hatiin ang klase. Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 293. Paglalahat Ano ang natutunan sa aralin? Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 294. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang “Linangin Natin” saLM, pahina 294.
113
IKATLONG ARAW Layunin Nagagamit ang tamang pandiwa na naaayon sa ginamit na pangngalan o panghalip Paksang-Aralin Pandiwang Pangkasalukuyan Kagamitan larawan ng babaeng may sunong na bilao sa ulo Tukoy-Alam Magpatugtog ng isang masayang awitin. Pagalawin ang mga bata sa kilos na nais nila. Tumawag ng ilang bata upang sabihin ang ginagawang kilos ng mga kaklase. Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara. Ipabasa ang mga ito. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Paglalahad Ipakita ang larawan ng babaeng may sunong na bilao sa ulo. Bakit kaya siya may bilao sa ulo? Pagpapayaman ng Talasalitaan Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Hanay A Hanay B 1. tinig a. uri ng isda 2. ayungin b. boses 3. talaan c. tawanan 4. halakhakan d. listahan Gamitin sa sariling pangungusap ang mga bagong salita. Ipabasa ang kuwentong “ Si Nanay at Si Aling Doray” sa LM, pahina 295. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM pahina 296. Anong mga salita ang may salungguhit sa kuwento? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Kailan ito ginawa? Paano mo nasabi? Paano nabubuo ang pandiwang pangkasalukuyan? Paano natin ipapakita ang tiwala at pagpapahalaga sa ating mga kaibigan? Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”sa LM, pahina 296. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 297. Pangkatin ang klase at ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 297. Paglalahat Kailan ginagamit ang pandiwang pangkasalukuyan? Basahin ang “Tandaan Natin”sa LM, pahina 298. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Linangin Natinsa LM, pahina 298. 114
IKAAPAT NA ARAW Layunin Naibibigay ang paksa ng kuwentong nabasa Paksang Aralin Pagbibigay ng Paksa Tukoy-Alam Basahan ang mga bata ng isang maikling kuwento na hindi pa nila napapakinggan. Itanong sa mga bata kung tungkol saan ang napakinggang kuwento. Paglalahad Muling basahin ang “ Si Nanay at Si Aling Doray” Pasagutan ang “Sagutan Natin” sa LM, pahina 299. Tungkol saan ang kuwento? Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng isang tapat na kaibigan? Pasagutan ang“Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 299. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang - “Gawin Natin”sa LM, pahina 300. - “Sanayin Natin”sa LM, pahina 301. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM,pahina 301. Ipagawa at gabayan ang mga bata sa “Sulatin Natin” sa LM, pahina 302.
IKALIMANG ARAW Layunin Nakakaggawa ng collage ng magagandang tanawin sa Pilipinas Nakasusulat ng payak na pangungusap tungkol sa magagandang tanawin sa Pilipinas Paggawa ng Collage Pangkatin ang klase. Bawat pangkat ay gagawa ng collage ng magagandang tanawin sa Pilipinas . Sumulat ng impormasyon tungkol sa magagandang tanawin na inyong nagawa. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat sa pamamagitan ng paggamit ng rubrics. Magsagawa ng isang gallery walk.
115
Aralin 4: Katangian Mo Kalakasan Mo Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Naipahahayag nang maayos ang napakinggang teksto Pag-unawa sa Binasa Naibibigay ang diwa o kaisipang nakapaloob sa binasa Kasanayang Ponolohiya Nababasa ang mga salitang may kambal-katinig na -pl Gramatika Nagagamit ang tamang panahunan ng pandiwa na naaayon sa ginamit na pangngalan o panghalip Komposisyon Nakabubuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa isang kuwentong nabasa Pagsulat Naisusulat ang ngalan ng bagay sa paraang kabit-kabit
UNANG ARAW Layunin Naipahahayag nang maayos ang napakinggang teksto Paksang Aralin Pagpapahayag ng Napakinggang Teksto Kagamitan larawan ng gurong lalaki Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM, pahina 302. Tukoy-alam Ipalaro ang “Ipasa ang Mensahe”. Pangkatin ang mga bata. Ibulong sa unang bata sa pila ang mensaheng nais iparating. Ipapasa ng bata sa unahan ang mensahe sa kamag-aral na nasa likuran niya. Gagawin ito hanggang sa makaabot ang mensahe sa likod. Sasabihin ng bata sa hulihan ng pila ang mensahe. Ang nakapagsabi ng tamang mensahe ang mananalo sa laro. Bigyang halaga ang ginawang paglalaro. Bakit kayo nanalo? Natalo? Paglalahad Magpakita ng larawan ng isang gurong lalaki. Pag-usapan ang nasa larawan. Itanong sa mga bata kung sino ang nais maging guro at ang dahilan kung bakit nais nilang maging guro.
116
Pagpapayaman ng Talasalitaan Alin sa mga salita ang magkakasingkahulugan? 1. interesado a. estudyante 2. mag-aaral b. daan 3. kalye c. may pagnanais Gamitin ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Ipabasa ang “Si Ginoong John de la Cruz”sa“Basahin Natin”sa LM,pahina303. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 303. Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa. Saan naganap ang kuwento? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Ano ang suliranin sa kuwento? Paano ito nalutas? Gamit ang mga impormasyon sa binasang teksto, isalaysay muli ang napakinggang kuwento. Naisagawa mo ba ito nang wasto? Bakit? Paano mo pahahalagahan ang iyong guro? Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang “Gawin Natin”. Basahin ang “Ang Kamay “ at gawin ang “Sanayin Natin” sa LM,pahina 307. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Basahin ang “Tandaan Natin” ,sa LM pahina 308. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 308.
IKALAWANG ARAW Layunin Naibibigay ang diwa o kaisipang nakapaloob sa binasa Nababasa ang mga salitang may kambal-katinigna -pl Paksang-Aralin Kambal Katinigna -pl Tukoy-alam Ipangkat ang klase.Hayaang magparamihan ang bawat pangkat ng maitatalang salitang may kambal katinig. Ipatukoy ang kambal katinig sa bawat isinulat na salita. Paglalahad Ano ang ginagawa mo kapag pinupuri ka ng ibang tao dahil sa katangian mo o sa nagawa mo? Ipabasa ang “Basahin Natin”sa LM, pahina 309. Pasagutan ang“Sagutin Natin”, pahina 309. Tungkol saan ang binasang talata? 117
Alin sa mga pangungusap sa talata ang nagsasabi kung tungkol saan ito? Ano ang sinabi nito kay G. John De la Cruz? Ano ang ginawa niya nang pinuri siya? Ano-anong salita ang sa kuwento ang may kambal katinig? Maituturing bang isang bayani si G. Cruz? Bakit? Paano tayo magiging munting bayani ? Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM,pahina 310 at ang “Sanayin Natin” sa LM,pahina 310. Paglalahat Ano ang natutunan sa aralin? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 311. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Linangin Natin”sa LM, pahina312.
IKATLONG ARAW Layunin Nagagamit ang tamang panahunan ng pandiwa na naaayon sa ginamit na pangngalan at panghalip Paksang-aralin Pandiwang Panghinaharap Kagamitan istrip ng mga papel na may nakasulat na mga salitang kilos Tukoy-alam Tukuyin ang pandiwang ginamit sa mga pangungusap. 1. Naku! Nakalimutan ko, magluluto nga pala ako. 2. Sasabay daw siya sa iyo mamaya. 3. Matutulog ako nang maaga mamayang gabi. 4. Sasakay sila ng kotse papuntang bayan. 5. Nagwawalis si Ana ngayon. Paglalahad Hayaang bumunot ang mga bata ng istrip ng papel sa Mahiwagang Kahon ng mga Kilos. Isagawa ang nakasulat dito. Habang isinasagawa ang kilos, itanong sa mga bata kung ano ang ginagawa ng kaklaseng nasa harapan. Isulat ito sa pisara. Ipabasa ang mga salita na naisulat sa pisara. Ano ang ipinakikita ng mga salitang ito? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ipabasa ang mga pangungusap sa “Basahin Natin” sa LM, pahina 313. Ano-anong salitang kilos ang ginamit sa mga pangungusap? Kailan ito ginawa? Paano ipinakita na ang salitang kilos ay magaganap pa lamang? Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bansa?
118
Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang pagsasanay sa Gawin Natin A at Bsa LM, pahina 314 at “Sanayin Natin”sa LM, pahina 314. Paglalahat Ano ang pandiwang panghinaharap? Ipabasa ang “Tandaan Natin”na nasa LM, pahina 315. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM,pahina 315.
IKAAPAT NA ARAW Layunin Nakabubuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa isang kuwentong nabasa Paksang-Aralin Payak na Pangungusap Tukoy-alam Pumili ng isang bagay sa loob ng silid-aralan. Pasulatin ang mga bata ng pangungusap tungkol dito. Pagbabahaginan ng pangungusap na isinulat ng mga bata. Paglalahad Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap tungkol kay G. dela Cruz. Ipabasa ang isinulat na pangungusap. Magsagawa ng isang gallery walk upang makita ng bawat isa ang isinulat ng kanilang mga kaklase. Pagtuturo at Paglalarawan Ipabasa ang pangungusap sa“Basahin Natin” na nasa LM, pahina 316. Pasagutan“Sagutin Natin”na nasa LM, pahina 316. Ipabasa ang isang pangungusap mula sa “Basahin Natin.” Paano ito isinulat? Paano sinimulan?Tinapos? Ilang ideya o kaisipan mayroon ang pangungusap? Balikan muli ang isinulat na pangungusap sa simula ng klase. Surin kung tama ang pagkakasulat . Itama ang nakitang pagkakamali. Isulat na muli nang wasto ang ginawang pangungusap. Ipakitang muli sa pamamagitan ng gallery walk ang naitamang pangungusap. Ano ang dapat tandaan kung may isang gawaing ipinagagawa sa iyo? Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”sa LM, pahina 316. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa - “Gawain Natin”na nasa LM, pahina 317 . - “Sanayin Natin”sa LM,pahina 317. Paglalahat Paano isinusulat ang payak na pangungusap?
119
Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin”sa nasa LM, pahina 318.
IKALIMANG ARAW Layunin Naisusulat ang ngalan ng bagay sa paraang kabit-kabit Naipapahahayag nang maayos ang napakingang kuwento o teksto Paksang Aralin Maayos na Pagpapahayag Paglalahad Basahan ang mga bata ng isang teksto. Ipangkat ang klase. Hayaang maghanda ang bawat pangkat ng isang pagtatanghal na pagkakasunduan ng pangkat sa pagpapahayag ng mga kaisipan mula sa napakinggang teksto. Pagtatanghal ng bawat pangkat. Bigyang halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Magsagawa ng isang field trip sa loob ng paaralan. Magbigay at isulat ang ngalan ng 5 bagay na nakita sa isinagawang field trip. Ipagawa ang “Sulatin Natin”sa LM, pahina 319. Rubrics: Pagkukuwento: (Story Telling) Mga Pamantayan Puntos Lakas ng Boses at Pagbabago-bago 30% Kilos at Galaw ng katawan 20% Konsentrasyon 20% Pagsasabuhay sa Tauhan 30% Kabuuan 100% Dula-dulaan Mga Pamantayan Makabuluhan ang ipinakitang tagpo sa duladulaan Mahusay umarte ang bawat kasapi ng grupo Sumali ang lahat ng miyembro ng grupo Kabuuan
Puntos 40 % 40% 20% 100%
Aralin 5: Halika, Mamasyal Tayo! Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan Pag-unlad ng Bokabularyo Natutukoy ang mga di pamilyar o bagong salitasa pamamagitan ng 120
palatandaang nagbibigay ng kahulugan Kamalayang Ponolohiya Nakikilala at nabibigkas ang mga salitang may diptonggo (-ay,-oy) Gramatika Nagagamit nang wasto ang mga pang- uri sa paglalarawan sa tao, lugar o bagay Pagsulat Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra sa pagsulat ng mgasalitang natutunan sa aralin
UNANG ARAW Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan Natutukoy ang mga di pamilyar na salita sa pamamagitan ngpalatandaang nagbibigay ng kahulugan Paksang Aralin Mga Di-Pamilyar na mga Salita Kagamitan larawan mga batang nagbabakasyon sa probinsiya, puno ng hitik sa bunga,lungsod at baryo Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina 320. Tukoy- Alam Ano ang naaalala ninyo kapag naririnig ang salitang lungsod?Baryo? Ipaguhit ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang lugar. Paglalahad Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan na may kaugnayan sa lungsod/baryo. Saan ninyo nais tumira?Ipaliwanag ang sagot. Saan mo nais magbakasyon?Ipaliwanag ang sagot. Babasahin “Masayang Bakasyon” sa LM, pahina 321. Pasagutan ang “SagutinNatin”sa LM pahina 321. Ano ang pamagat ng kuwento? Saan naganap ang kuwento? Sino-sino ang tauhan ? Ilarawan ang bawat isa. Ano ang suliranin sa kuwento? Paano ito nalutas? Ano-ano ang salitang may salungguhit? Ano ang kahulugan ng bawat isa? Paano mo nalaman ang kahulugan nito? Ano-ano ang salita sa kuwento na hindi mo naunawaan? Linangin ang mga salitang ibibigay ng mga bata. Ano ang ginamit mong pamamaraan upang maibigay ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita sa binasang kuwento? Ano ang gagawin mo upang makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran? 121
Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang “Gawin Natin”sa LM pahina 322. Ipangkat ang klase.Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 323. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipabasa ang “Tandaaan Natin” na makikita sa LM, pahina 323. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM, pahina 324.
IKALAWANG ARAW Layunin Nababasa at nabibigkas nang wasto ang salitang may diptonggong -ay at-oy Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra sa pagsulat ng mgasalitang natutunan sa aralin Paksang Aralin Mga Salitang may Diptonggo Tukoy-alam Piliin ang mga salitang may diptonggo. sayaw sisiw anay baso sabon sasoy bahay kalabaw nanay Ano ba ang diptonggo? Paglalahad Kailan ang pinakamasaya mong bakasyon? Pagbabaginan ng sariling karanasan. Muling basahin ang “ Masayang Bakasyon”. Pasagutan ang mga tanong tungkol sa kuwento. Ano-ano ang salitang may salungguhit sa kuwento?Isulat sa pisara. Basahin ang bawat isa. Ano ang napapansin sa bawat salita? Paano mo ipakikita ang pagmamahal sa kapaligiran? Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang - “Gawin Natin” sa LM,pahina 325 - “Sanayin Natin” sa LM, pahina 325 Paglalahat Ano ang diptonggo? Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Tandaan Natin” sa LM pahina 326. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 326. Ipasulat ang mga salitang natutunan sa aralin na ginagamitan ng malaki at maliliit na letra.
122
IKATLONG ARAW Layunin Nagagamit nang wasto ang mga pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar o bagay Nakaklasipika ang mga pang-uri Paksang Aralin Paglalarawan ng Tao, Lugar o Bagay Kagamitan larawan ng Rizal Park Tukoy alam Hayaang pumili ang mga bata ng isang bagay mula sa Mystery Box. Ilarawan at pahulaan ito sa ibang kaklase. (Hindi ipakikita ng “it” ang kaniyang nabunot na bagay) Paglalahad Ipakita ang larawan ng Rizal Park. Ipakilala ito sa mga bata sa pamamagitan ng pagsasabi ng kahalagahan nito sa kasaysayan ng Pilipinas. Pag-usapan ang karanasan ng mga bata na nakapasyal na dito. Kung wala naman, tanungin sila ng ibang karanasan ng pamamasyal sa parke o plasa na nasa kanilang lugar. Ipabasa ang “Basahin Natin”sa LM , pahina 327. Pasagutan ang“Sagutan Natin”sa LM, pahina 327. Ipangkat ang klase sa apat. Pagawain ang bawat pangkat ng talaan ng mga salitang ginamit sa paglalarawan ng mapupuntang paksa sa pangkat. Paalalahanan ang bawat pangkat na ang ibibigay na mga salita ay batay sa binasang talata. - Rizal Park - paglubog ng araw - hangin -punongkahoy Pag-uulat ng bawat pangkat. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang ng “Gawin Natin” sa LMsapahina 327. Ipangkat ang klase at ipagawa ang“Sanayin Natin”sa LM, pahin 328. Paglalahat Ano ang pang-uri? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM pahina 329. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang “Linangin Natin”sa LM sa pahina 329.
IKAAPAT NA ARAW Layunin Naiuugnay ang sariling karanasan sa nabasang kuwento Paksang Aralin Pag-uugnay ng Sariling Karanasan saNabasang Kuwento Tukoy-Alam Ano-ano ang tradisyong ipinagdiriwang ng mga Pilipino? 123
Ipakita ang ilang mga larawan at ipatukoy ang ngalan nito. Paglalahad Magpaawit o magparinig ng isang awiting pamasko. Ano ang naalala mo sa tuwing maririnig ang awiting ito? Basahin “Ang Pasko.” Sagutin ang mga tanong sa“Basahin Natin” sa LM, pahina 330. Ano-ano ang ginagawa mo tuwing araw ng Pasko? Katulad din ba ito ng mga nabanggit sa talatang binasa? Bakit natin ipinagdiriwang ang araw ng Kapaskuhan? Ano ang diwa ng Pasko? Paano mo mapapasaya ang kapwa bata mo?Mga magulang mo? Mga kapatid mo? Ibang tao? Gawaing Pagpapayaman Ipagawa ang “Gawin Natin”sa LM,pahina 331at “Sanayin Natin” sa LM, pahina 331. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Karagdagang Pagsasanay Sagutan ang“Linangin Natin”sa LM,pahina 331.
IKALIMANG ARAW Layunin Nakasusunod nang wasto sa mga panuto Panimulang Gawain Ihanda ang mga bata sa gagawing pagsusulit. Basahin at ipaliwanag ang mga panuto. A.
Basahing mabuti ang talata at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Ang magkapatid na Roel at Joel ay masayang nagtungo sa tabing dagat. Mainit ang araw noon.Gumawa sila ng maliit na kastilyong buhangin. Nanguha sila ng mga kabibe na iba’t iba ang laki, kulay at hugis.Ganoon na lang ang gulat nila nang biglang lumaki ang alon.Kumaripas sila ng takbo. 1. Sino-sino ang nagpunta satabing dagat? a. sina Roel at Joel c. sina Rudy at Roel b. sina Roel at Joey d. sina Rey at Roel 2. Bakit sila nagulat? a. Uminit ang sikat ng araw. b. Lumaki ang alon sa dagat. c. Dumating ang nanay nila. d. Nasira ang kastilyong buhangin. 3. Kung ikaw si Roel, ano ang gagawin mo kung lumaki ang alon ng dagat? a. Maglalaro sa alon. b. Lalayo sa dagat. 124
c. Hindi ito papansinin. d. Magagawa pa ng mga munting kastilyo upang ipaanod sa alon. B. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat ang letra ng wastong sagot. 4. Mainit ang buhangin sadalampasigan. a. tabing ilog c. tabing bahay b. tabing daan d. tabing dagat 5. Ang Hari at Reyna ay nakatira sa malaking kastilyo. a. dampa c. bahay b. palasyo d. malaking bahay 6. Nadapa ang bata nang kumaripas ng takbo palayo sa dalampasigan. a. mabilis na tumakbo b. marahang tumakbo c. mahinang tumakbo d. dahan-dahang tumakbo D. Isulat ang angkop na pang-uri sa sumusunod na pangungusap. 7. (malambot, matigas) ang bulak na inilagay sa unan. 8. Ang tubig sa batis ay (malinaw,malinit). 9. (maunlad, malusog) ang bayan ng San Antonio. E. Piliin ang pang-uri sa mga pangungusap.Isulat ang letra ng tamang sagot. 10. Makukulay ang mga isda sa ilalim ng dagat. a. isda c. makukulay b. dagat d. sa ilalim 11. Mahal ang nabili kong gulay sa palengke. a. nabili c. palengke b. gulay d. mahal F. Pasalitang Pagtataya Basahin ang salitang may diptonggo sa bawat pahayag. 12. Ang nanay ay mahilig magtanim ng mga halaman. 13. Napuno ng makukulay na bulaklak ang hardin. 14. Sa itaas ng bahay ay matatanaw mo ang magandang hardin. 15. May tubig na dumadaloy sa mga halamanan.
Aralin 6: Produktong Gawa Natin, Ating Tangkilikin! Lingguhang Layunin: Wikang Binibigkas Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto Nakapagbibigay ng sariling hinuha tungkol sa napakinggang teksto Kamalayang Ponolohiya Nakikilala at nabibigkas nang wasto ang mga salitang may diptonggo (-aw, -iw) 125
Gramatika Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga salitang naglalarawan Pag-unawa sa binasa Napag-uugnay ang sanhi at bunga sa mga pangyayari sa binasang teksto Pagsulat Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga bantassa pagsulat ng mga salitang dinaglat UNANG ARAW Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol napakinggang teksto Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang teksto Paksang –Aralin Pagbibigay ng Hinuha Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina 332. Tukoy-Alam Magsagawa ng larong “ Ako ay Mamamalengke.” Maghanda ng mga bagay na maaaring bilihin sa palengke. Ipangkat ang klase at magsagawa ng pamamalengke. Papilahin ang mga bata. Ang unang bata sa pila ay magsusuot ng damit pamalengke at magdadala ng basket papuntang palengke. Kapag tapos na siya ilalagay niya ang kaniyang pinamili sa lagayan ng pangkat upang ang susunod naming kapangkat ang mamalengke. Isasagawa ito ng lahat ng bata sa pangkat. Gamit ang tsart , itala ang mga pinamili sa palengke. BAGAY
BILANG
Paglalahad Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa pamilihan. Pagpapayaman sa Talasalitaan Piliin ang tamang kahulugan ng mga salitang may salungguhit 1. Mahalaga ang paglilista ng mga kailangan upang walang makaligtaan. a.maalala b. makuha c. mapansin d. makalimutan 2. Dapat na binabadyet nang mabuti ang pera upang makatipid o di kaya ay makaipon. a. pamimili sa department store b. paraan ng paggastos sa pera c. pagbili ng mga di-kailangang bagay d. pagbili ng mga bagay na gusto ng pamilya
126
3. Mabilis ang kilos ng kahera kaya hindi mahaba ang pila sa pagbabayad. a. ang nagbabantay sa mga paninda b. ang nag-eempake ng mga pinamili c. ang empleyadong binibigyan ng bayad d. ang naglalagay ng presyo sa mga bilihin Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga bagong natutunang salita. Basahin ang kuwentong “Ang Pamimili ni Aling Sonia”. Ipagawa ang “Sagutin Natin” sa LM,pahina 334. Ano kaya ang sumunod na nangyari sa kuwento? Bakit natin dapat ibadyet ang ating pera? Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang“Gawain Natin”sa LM, pahina 335. Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 335. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 336. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM pahina 337. Basahin ang talata .Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Malapit na ang paligsahan sa pag-awit. Nagsasanay nang mabuti si Boboy. Naghahanda siya ng kaniyang isusuot para sa paligsahan nang makita niyang sira na pala ang kaniyang sapatos.Nagmamadali siyang pumasok sa kuwarto ng kaniyang ina. Nakita niya ang nanay niyang nilalagnat. 1. Sino ang sasali sa paligsahan sa pag-awit? 2. Bakit kaya siya pumasok sa kuwarto ng nanay? 3. Ano kaya ang nangyari kay Boboy?
IKALAWANG ARAW Layunin Nakikilala at nabibigkas nang wasto ang mga salitang may diptonggo (-aw at -iw) Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat Paksang Aralin Mga Salitang may Diptonggo Tukoy –Alam Ipabasa ang sumusunod na salita. Tukuyin kung alin ang mya diptonggo. dala palayan simoy tutubi kalabaw sabaw
127
Paglalahad Ano-ano kaya ang puwede nating gawin para sa palatuntunan sa pagtanggap ng isang bisita na darating sa paaralan? Hayaang magbigay ng suhestyon ang mga bata at kung paano nila ito gagawin. Pagpapayaman ng Talasalitaan 1. Natuwa ang mga panauhin sa magandang pagsalubong sa kanila ng mga tao sa paaralan. a. bisita c. magulang b. guro d. mag-aaral 2. Napakaganda ng kanilang katutubong sayaw. a. makaluma c. makabago b. sinauna d. makakalikasan Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Ipabasa muli ang kuwento sa mga bata. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 338. Basahin ang mga salitang may diptonggo sa talata. Paano natin dapat ipakita ang maluwag na pagtanggap sa ating panauhin? Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM pahina 338. Ipangkat ang klase at ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM pahina 339. Paglalahat Ano ang diptonggo? Paglalapat Sagutan ang “Linangin Natin” sa LM sa pahina 339. Pagsulat Isulat ang ilang mga salitang dinaglat sa flashcard. Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Paano ito isinulat? Magdikta ng ilang mga salitang dinaglat na wala sa flashcard. Tingnan kung paano ito isinulat ng mga bata. Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina 340.
IKATLONG ARAW Layunin Nagagamit nang wasto ang mga pang-uring pamilang Paksang Aralin Pang-uring Pamilang Tukoy-alam Punan ang tsart. Mga Bagay na Makikita sa Loob ng Bilang ng Bagay na Ito Silid-Aralan aklat
5
Ipakita sa mga kaklase ang natapos na tsart. 128
Paglalahad Gamit ang natapos na tsart , hayaang gumawa ang bawat isa ng pangungusap. Halimbawa: May 5 aklat sa ibabaw ng cabinet. Ipabasa “Ang Kaarawan ni Kim” sa “Basahin Natin” sa LM pahina 340. Ipagawa ang “Sagutin Natin” sa LM pahina 341. Ano-ano ang mga bagay na binanggit sa kuwento? Ilan ang bawat isa? Ano ang ginawa ng mga salitang ito sa bawat ngalan ng bagay? Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM pahina 341. Gawin ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 341. Paglalahat Ano ang pang-uring pamilang? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 342. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM,pahina 342. Basahin at tukuyin ang pang-uring pamilang na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Ang lolo ko ay nakabenta ng dalawampung manok. 2. Anim na upo ang napitas ni Tonyo. * Dagdagan pa ang mga pangungusap na ito. Iguhit ayon sa sinasabi. 3. tatlong ibon 4. limang mesa 5. anim na bola * Dagdagan pa ito
IKAAPAT NA ARAW Layunin Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa teksto Paksang Aralin Sanhi at Bunga Tukoy –Alam Iguhit ang maaaring mangyari kung mag-aaral kang mabuti. Pagbabahagi ng natapos na gawain. Paglalahad Ano ang kabutihang naidulot ng pagbabadyet ni Aling Sonia? Basahin muli ang kuwentong “Ang Pamimili ni Aling Sonia”. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 343. Ano-ano ang suliranin na nakita sa binasa? Ano ang sanhi ng bawat isa? Ano ang naging bunga ng bawat pangyayari? Bakit kailangang tipirin ang pera? Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM sa pahina 344 129
Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 345. Paglalahat Ano ang natutunan sa aralin? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 345. Karagdagang Pagsasanay Sagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 346.
IKALIMANG ARAW Layunin Nakikilala ang pang-uring pamilang Natutukoy ang sanhi at bunga ng isang pangyayari Paksang Aralin Pang-uring Pamilang Panimulang Gawain Ihanda ang mga mag-aaral sa gawain. Basahin at ipaliwanag ang mga panuto. Unang Gawain Ipangkat ang klase at ipagawa ang sumusunod. Gumawa ng mga pangungusap na maglalarawan ng makikita sa: Pangkat I – hardin Pangkat III – sa may gate Pangkat II – kantina Pangkat IV – silid-aklatan Pangalawang Gawain May mga sanhi at bunga na nakasulat sa istrip ng papel ang ibibigay sa dalawang pangkat .Hanapin at pagtambalin ang magkaugnay na sanhi at bunga. Pagkatapos, basahin ang natapos sa klase.
Aralin 7 : Kalikasan, Ating Alagaan! Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto Pag-unlad ng Bokabularyo Nababasa ang mga pamilyar na salita Pag-unawa sa binasa Nakapagbibigay ng sariling wakas sa kuwentong binasa Gramatika Nagagamit nang wasto ang mga salita sa paghahambing ng tao,bagay at lugar Kaalaman sa Aklat at Limbag Natutukoy ang kahalagahan ng bantas sa isang pangungusap Naisusulat ang mga pangungusap nang may wastong bantas Pagsulat Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala 130
UNANG ARAW Layunin Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong tungkol sa detalye ng napakinggang tula Paksang Aralin Pagbibigay Hula Kagamitan larawan ng kalbong kabundukan Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM, pahina 347 . Tukoy-Alam Magpanood ng isang video clip sa mga bata na hindi pa nila napapanood. Hayaang hulaan nila ang susunod na mangyayari. Ituloy ang video upang malaman ng bata kung tama o mali ang ginawang panghuhula. Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang nakakalbong bundok. Pag-usapan ang maaaring ibunga nito sa buhay at kabuhayan ng tao. Pagpapayaman ng Talasalitaaan Piliin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. 1. Ang maitim na usok ng mga sasakyan ay nagdudulot ng polusyon sa hangin. a. alikabok b. dumi c. tubig 2. Malalanghap mo sa hardin ang bango ng mga bulaklak. a. mararamdaman b. mamalalasahan c. maaamoy 3. Isang robot ang bagong imbensiyon ng mga mag-aaral. a. likha b. laruan c. awit Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Unang pagbasa ng guro sa tula. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM sa pahina 349. Paano binasa ang tula? Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbasa ng tula? Ikalawang pagbasa ng guro. Gabayan ang pagbasa ng mga bata ng tula. Isagawa ang echoing. Paano mapangangalagaan ang kalikasan? Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 349 Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 350. Paglalahat Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 350. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM,pahina 350.
131
IKALAWANG ARAW Layunin Nakapagbibigay ng sariling wakas sa binasang kuwento Paksang Aralin Pagbibigay Wakas sa Binasang Kuwento Kagamitan larawan ng mangingisda, dinamita, bangkang sumabog sa dagat Tukoy-Alam Iguhit ang mga produktong nakukuha natin sa dagat. Paglalahad Ipangkat ang klase. Maghanda ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng buhay ng isang mangingisda. Pag-usapan ang mga sitwasyon na nakita sa dula-dulaan ng bawat pangkat. Basahin “Ang Mangingisda” sa LM. Ipagawa ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 351. Ano ang nais mong maging wakas ng binasang kuwento? Bigyang-katwiran ang ibinigay na wakas. Paano natin mapangangalagan ang ating karagatan at iba pang anyong tubig? Magpagawa ng poster sa mga bata. Kasanayang Pagpapayaman Sagutan ang “Gawin Natin”,LM 352. Ipagawa ang “Sanayin Natin” na makikita sa LM , pahina 352. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 353. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 353.
IKATLONG ARAW Layunin Nagagamit nang wasto ang mga salita sa paghahambing ng tao, bagay at lugar Paksang-Aralin Paghahambing ng Tao, Bagay at Lugar Kagamitan larawan ng aso at pusa Tukoy-Alam Magpakita ng dalawang bagay. Ipalarawan ang bawat isa. Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na ipinakita. Paglalahad Hayaang gumawa ang bawat pangkat ng mga pangungusap na maghahambing ng aso at pusa batay sa larawang ipakikita. Ipabasa ang diyalogo sa “Basahin Natin” sa LM pahina 354. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 354. 132
Ano-ano ang pinaghambing sa diyalogo? Paano sila pinaghambing? Ano ang mga salitang ginamit sa paghahambing? Balikan ang ginawang pangungusap tungkol sa aso’t pusa. Gamitin ang mga natutunang salita sa paghahambing ng aso’t pusa. Ano ang dapat gawin sa mga alituntuning nakikita sa mga pook pasyalan? Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 355. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 355 at “Sanayin Natin” sa LM, pahina 355. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM,pahina 356. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang“Linangin Natin” sa LM, pahina 357. Hayaang pumili ng 2 larawan ang mga bata sa Magic Kahon (may lamang larawan ng tao, bagay, hayop at lugar). Paghambingin ang mga nakuhang larawan gamit ang mga natutunang salita sa aralin.
IKAAPAT NA ARAW Layunin Natutukoy ang kahalagahan ng bantas sa isang pangungusap Nagagamit nang wasto ang mga bantas sa pagsulat ng pangungusap PaksangAralin Wastong Pagsulat ng Pangungusap Tukoy-alam Pasulatin ang mga bata ng pangungusap na nagsasalaysay, nagtatanong, nagpapakita ng damdamin tungkol sa isang nasaksihan sa paaralan. Magsagawa ng isang gallery walk. Pag-usapan ang mga pangungusap na nabasa sa gallery walk. Paglalahad Ipabasa ang “Basahin Natin” sa LM, pahina 357. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 358. Ano-ano ang pangungusap na nabasa sa talata? Isulat ang sagot ng mga bata. Ano ang ipinahihiwatig ng bawat pangungusap? Paano isinulat ang bawat isa? Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 358 Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 359. Paglalahat Paano isinusulat ang pangungusap? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM. Pahina 359. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa sa mga bata ang Linangin Natin sa LM. 133
IKALIMANG ARAW Layunin Nakasusunod nang wasto sa mga panutong ibinigay Nakasasali nang may kawilihan sa mga pangkatang gawain Paksang-Aralin Sabayang Bigkas Pamamaraan Ipangkat ang klase. Ipaliwanag kung paano isasagawa ang sabayang bigkas at kung paano sila mamarkahan. Paghahanda ng sabayang bigaks ng “ Nagtampo ang Kalikasan.” Pagtatanghal at pagbibigay halaga sa ginawa ng bawat pangkat.
Aralin 8: Kalinisan, Panatilihin Natin! Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nasasagot ang mga tanong tungkol sa detalye ng napakinggangkuwento Nakapagbibigay ng maaaring sumunod na pangyayari Pag-unlad ng Bokabularyo Nasasabi kung ang mga salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat Nakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging tambalan Pag-unawa sa Binasa Napagsusunod- sunod ang mga detalye ng nabasang teksto Nagagamit ang pang-ugnay na salita tulad ng una, pangalawa susunod upang mailahad ng may pagkakasunod- sunodang nabasang teksto Gramatika Nagagamit nang wasto ang mga salita sa paghahambing Pagsulat Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsusulat na mga pangungusap
UNANG ARAW Layunin Nasasagot ang mga tanongtungkol sa detalye ng napakinggang teksto Nasasabi kung ang mga salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat Paksang Aralin Magkasingkahulugan at Magkasalungat na mga Salita Paunang Pagtataya Pasagutan ang mga tanong sa “Subukin Natin” sa LM. Paglalahad Ipakita at pag-usapan ang mga kaisipang ipinakikita ng larawan ng isang malinis at maayos nabarangay.
134
Pagpapayaman ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. 1. Ang lahat ng mga tao sa barangay aymakikilahok sa paglilinis ng paligid. a. magbibigay c. maghahanda b. makikiisa d. manonood 2. Ang maruming kapaligiran ang dahilan ng paglaganap ng sakit. a. pagtuklas c. pagpuksa b. pag-iwas d. pagdami 3. Ang tigdas ay sakit na nakakahawa. a. madaling gumaling c. naisasalin b. mapanganib d. nakamamatay Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga bagong salita na natutunan. Basahin ang usapan. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 364. Ano-ano ang salitang magkakasingkahulugan sa usapan? Magkasalungat? Pumili ng isang pares ng salitang magkasingkahulugan/magkasalungat. Pag-usapan kung paano ito naging magkasingkahulugan/magkasalungat. Magbigay ng ilang pares ng mga salita at hayaang sabihin ng mga bata kung ito ay magkasalungat o magkasingkahulugan. Paano tayo makatutulong sa paglilinis ng ating kapaligiran? Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 364. Ipangkat ang klaseat ipagawa ang “Sanayin Natin”sa LM, pahina 365. Paglalahat Kailan magkasalungat/magkasingkahulugan ang mga salita? Ipabasa ang “Tandaan Natin”sa LM, pahina 365. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 365.
IKALAWANG ARAW Layunin Nagagamit ang mga pang-ugnay na salita tulad ng una, pangalawa,susunod upang mailahad nang may pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari ng nabasang teksto Paksang Aralin Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari sa Nabasang Teksto Tukoy-Alam Basahan ng isang maikling kuwento ang bata. (Maghanda ng mga larawan tungkol sa kuwento) Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa tulong ng mga larawan. Ipasalaysay muli ang napakinggang kuwento sa tulong ng mga larawan. Paglalahad Sino ang ating pambansang bayani? 135
Gumawa ng isang concept map tungkol kay Dr. Jose Rizal. Basahin “ Dr.Jose P.Rizal” Ipagawa ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 367. Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Ipabasa ang mga pangungusap na nagpapakita ng mga pangyayari sa kuwento. Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Ikuwentong muli ang nabasang kuwento gamit ang mga pangungusap at ang angkop na pag-ugnay. Paano ka magiging munting bayani? Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 367. Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 368. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipabasa ang “Tandaan Natin” na nakasulat sa LM, pahina 368. Karagdagang Pagsasanay Sagutan ang pagsasanay sa “Linangin Natin” sa LM, pahina 369.
IKATLONG ARAW Layunin Nagagamit nang wasto ang mga salita sa paghahambing ng tao,bagay, o lugar Paksang Aralin Paghahambing ng Tao, Bagay, o Lugar Tukoy –Alam Pumili at ilarawan ang isang kamag-aral.Ihambing siya sa isang kamag-aral. Pagganyak Ano-ano ang kinakain mong prutas? Paghambingin ang mga ito batay sa kulay, laki, at lasa. Alin ang mas masarap para sa iyo? Bakit Basahin ang usapan sa “Basahin Natin” sa LM, pahina 369. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 370. Ano-ano ang inilarawan sa usapan? Paano ito pinaghambing? Ano-anong salita ang ginamit sa paghahambing? Ano ang gagawin mo kung ayaw ng kaibigan mo sa mga bagay na nais mo? Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang“Gawin Natin” sa LM, pahina 370. Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 370. Paglalahat Paano natin paghahambingin ang dalawang bagay? Ipabasa ang“Tandaan Natin” sa LM, pahina 372. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang“Linangin Natin” sa LM, pahina 372. 136
IKAAPAT NA ARAW Layunin Nakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging tambalang salita na nanatili ang kahulugan Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki, maliit na letra at bantas sa pagsulat ng pangungusap Paksang-Aralin Tambalang Salita Kagamitan larawan ng mga taong naglilinis ng barangay Tukoy-alam Tukuyin kung tama o mali ang ibinigay na kahulugan ng mga salita. bukas palad mapagkawanggawa anak pawis mayaman takip-silim madaling araw bantay bata yaya bukang liwayway paglubog ng araw Paglalahad Saang barangay ka kabilang? Ilarawan ang barangay na kinabibilangan. Pagtalakay Ipabasa angtalatang “Ang Huwarang Barangay” Talakayin ang binasa sa pamamagitan ng “Sagutin Natin” sa LM, pahina 374. Ipabasa ang mga salita buhat sa binasa. (kapitbahay, taos-puso, bukas palad, barangay tanod) Ano ang napansin sa mga salita? Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita sa bawat tambalang salita. Ano ang nangyari sa mga kahulugan ng bawat salita? Nagkaroon ba ito ng bagong kahulugan nang pinagsama at naging isang salita? Paano ka makatutulong upang maging huwaran ang inyong barangay? Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 374. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang “Gawin Natin”sa LM, pahina 375. Ipangkat ang klase at ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 375. Paglalahat Ano ang tambalang salita? Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 376. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang “Linangin Natin”sa LM, pahina 376. Ipabasa ang ilang mga pangungusap. Paano ito isinulat? Ipagawa ang “Sulatin Natin”sa LM, pahina 376.
137
IKALIMANG ARAW Layunin Nasasagot nang wasto ang mga inihandang tanong Nakasusunod sa mga ibinigay na panuto Panimulang Gawain Ihanda ang mga bata sa gawain. Ipaliwanag ang mga panuto. Pagtataya A. Basahing mabuti ang talata upang masagot ang mga tanong tungkol dito.Isulat ang letra ng tamang sagot. Ang magkakaibigan ay nagsasanay nang mabuti. Sila ay sasali sa isang paligsahan ng sayaw sa araw ng pista ng kanilang bayan.Bumili sila ng kanilang uniporme. Masigla silang nagtungo sa plasa kung saan gaganapin ang paligsahan. Tuwang-tuwang umuwi ang mga magkakaibigan. 1. Sino ang sasali sa paligsahan ng sayaw? a. ang mga mag-aaral c. ang magkakaibigan b. ang magpipinsan d. ang magkakapatid 2. Ano ang kanilang binili? a. uniporme sa paaralan c. uniporme sa pag-awit b. uniporme sa sayaw d. uniporme sa pagsisimba 3. Saan ginanap ang paligsahan sa sayaw? a. sa paaralan c.sa plasa b. sa simbahan d. sa palengke 4. Bakit tuwang- tuwang umuwi angmagkakaibigan ? a. nanalo sila sa paligsahan c. hindi sila natuloy sumali b. natalo sila sa paligsahan d. hindi natuloy ang paligsahan 5. Ano ang sumunod na pangyayarinang makauwi sila? a. natuwa ang mga magulang nila b. nalungkot ang mga magulang nila c. napapagalitan sila d. hindi sila pinansin B. Piliin ang wastong kahulugan ng mga tambalang salita. 6. Ano ang hanapbuhay ng tatay mo? a. trabaho c. pangalan b. natapos d. libangan 7. Malaki ang naitutulong ng Bantay Bata sa lalawigan. a. samahang nangangalaga sa mga bata b. samahan ng mga mang-aawit c. samahan ng mga barangay d. samahan ng mga bata C. lsulat ang M kung ang magkasalungat at S kung magkasingkahulugan ang pares ng salita. 8. makapal manipis 9. mahinhin mayumi
138
10. lugar pook D. Piliin ang letra ng salitang kasingkahulugan ng salitang nasa kanan. 11. matalino a.mahina b.marunong c. tamad 12. marungis a.maamo b.malinis c.marumi 13. tama a. mali b.pareho c.wasto E. Isulat ang letra ng salitang kasalungat ng may salungguhit na salita. 14.Ang simbahan ay malayo sa paaralan. Ang bahay ni Joey ay sa paaralan. a. mataas c. malapit b. matangkad d. malawak 15. Malamig ang simoy ng hangin kung Disyembre. naman kung Abril. a. mainit c.mahangin b. maaliwalas d. malilim F. Sumulat ng 5 tambalang salita
139