3rd-periodical-filipino-g7.docx

  • Uploaded by: Timmydipsy Azelav
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 3rd-periodical-filipino-g7.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,300
  • Pages: 4
DIVISION OF CITY SCHOOLS –VALENZUELA Pansangay na Pagsusulit sa Filipino 7 IKATLONG MARKAHAN TP 2017-2018 Pangalan:________________________________ Baitang at Pangkat:________________________ I.

Piliin ang angkop na salita ayon sa intensidad ng kahulugan batay sa sitwasyong inilahad. Piliin ang letra ng tamang sagot.

A. tampo

B. hinanakit

C. galit

________1. Palagi na lang siyang nagdadahilan na hindi makadadalo sa inihahanda niyang pagkikita nila. ________2. Nakaligtaan siyang sabihan na dumalo sa gaganaping pagdiriwang. ________3. Itinuring niyang kaibigan ito subalit nabalitaan niyang sinisiraan pala siya nito kapag nakatalikod siya.At ang masakit pa, tinulungan niya ito noong oras na nangailangan ito ng tulong.

A. gusto

B. . nais

C. ibig

________4. Matagal na niyang pangarap ang matagpuan ang kanyang ina. ________5. Natatakam siya sa ibinebentang kakanin sa labas ng paaralan. ________6. Ang pagkikita nilang magkakaibigan ay mangyayari na bukas. II.

Pangkatin ang mga salita sa pamamagitan ng pagtukoy kung saang kaisipan ito maiuugnay. Isulat ang letra ng tamang sagot. A. Damdamin B. Kayamanan C. Kalayaan D. Kariktan

________7. Pamilya ________8. Pag-ibig ________9. Pagkakaisa ________10.Pagkalinga ________11. Pilak III.

A. Piliin ang angkop na motibo o pakay ng nagsasalita ukol sa mga pahayag na nakatala.

________12. Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad , mahinhin at maliwanag na napatatanaw sa paningin. A. Lubos na nakalulungkot ang pagkakaroon ng mga taong palalo sa lipunan kaya naman mainam na maging maingat sa pakikisalamuha. B. Kalimitang natatakpan o nababalutan ng kinang ng kasikatan at pagbabalatkayo ang mga taong namumuhay nang matuwid at ang

Marka:__________________________ Guro: _____________________________ puspos ng pag-ibig ay walang itinatago o pinagtatakpan. C. Madaling mahalata ang taong masama at palalo dahil siya ay laging nagkakanlong sa kinang ng kanilang mabubuting gawa ngunit ang mga taong namumuhay nang matuwid ay nahihiyang lumantad sa liwanag. D. Laging kaakibat ng kapalaluan at kasamaan ang pagbabalatkayo upang hindi mapansin ng mga tao ang kasamaang kanilang ginagawa samantalang ang mga taong namumuhay nang matuwid ay tunay na puspos ng pag-ibig. ________13. Ang ningning ay madaya. A. Hindi lahat ng bagay na kumikinang ay tunay at totoo. B. Marami ang nahuhumaling sa mga bagay na nagniningning. C. Madalas nadadaya ang tao sa mga bagay na kumikinang. D. Napaaalipin ang mga tao sa mga bagay na nagniningning tulad ng pag-ibig. ________14. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. A. Ang kasagutan sa buhay ay hanapin natin upang malaman natin ang tunay na kahulugan nito. B. Sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga gawa ng kasinungalingan at kapalaluan. C. Mamuhay tayo sa liwanag upang ang pagkahumaling sa kinang ng sanlibutan ay mapagtagumpayan. D. Huwag magpadala sa mga kinang at ganda ng mga bagay na panlabas sa halip ang ating pahalagahan ay ang kadalisayan ng hangarin ng isang tao. B. Tukuyin ang angkop na hinuha batay sa kahulugan ng salitang/pariralang may salungguhit. ________15. Matalas ang pag-iisip ng kanyang kaklase. A. Tumutulong siya sa nangangailangan. B. Siya lamang ang paborito ng kanilang guro. C. Naglalakbay siya sa ibat-ibang lugar upang tumalino. D. Laging kinatawan sa quiz bee ang kanyang kaklase. ________16. Sa magkakapatid, siya ang may pinakamagandang mukha. A. Tinapos niya ang kanyang pag-aaral. B. Mahigpit ang pagpapalaki ng magulang sa kanya. C. Ampon lamang siya ng kanyang mga magulang. D. Sumasali siya sa mga patimpalak sa kagandahan.

________17. Palaging nilalapitan ng mga tao ang pulitikong iyon dahil may busilak na puso ito. A. Aabusuhin ng mga tao ang kanyang kabaitan. B. Magwawagi ulit ito sa darating na eleksyon. C. Iba na ang iboboto ng mga mamamayan. D. Magtatampo ang pulitiko kung hindi na ito lalapitan ng tao. ________18. Nag-aaral nang mabuti ang kanyang anak. A. Mapapariwara ang buhay ng anak. B.Tatahakin ng anak ang di wastong landas. C. Susulitin ng anak ang baong ibinibigay ng magulang. D. Malaki ang pagpapahalaga ng anak sa kanyang kinabukasan. C. Kilalanin ang salita o pahayag na ginamit sa paghihinuha. ________19. Di malayong matupad ang kanyang pangarap dahil sa kanyang pagsisikap. A. dahil sa C. pagsisikap B. kanyang D.di malayong ________20. Ang taong buwayang tulog ay maaaring walang tunay na kaibigan. A. tunay C. maaaring B. walang D . buwayang tulog ________21. Pagkahumaling sa paglalaro ng computer games ang sapalagay kong pangunahing dahilan ng pagbaba ng kanyang marka. A. dahilan C. computer games B. pagkahumaling D. sa palagay kong ________22. Marahil hindi siya sumunod sa payo ng kanyang mga magulang kaya naman napahamak. A. marahil C. napahamak B.sumunod D. kaya naman nin D. Pagsusuri sa sanaysay na Ang Ningning at Ang Liwanag. ________23. Ang sanaysay na nabasa ay nagtataglay ng makatotohanang impormasyon, piling mga salita at pahayag na maingat na tinalakay. Sa anong anyong sanaysay ito nabibilang? A. pormal C. di-praktikal B. di- pormal D. sosyo-historikal ________24. Ito ay naglalayong ilarawan ang naging kasaysayan ng lahing Pilipino sa kamay ng mga mananakop na Espanyol na nagbunsod sa mithiing maikintal ang damdaming nasyonalismo. Anong uri ito ng sanaysay? A. editoryal C. makasiyentipiko B. nangangaral D. sosyo-historikal ________25. Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Paano sinimulan ang sanaysay? A. paglalarawan C. paghahambing B. pangangatwiran D. pagsasalaysay ________26. Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang kaapihan? Anong damdamin ang naghahari sa bahaging wakas ng sanaysay?

A.pagkalungkot B.panghahamon

C.pagsusumamo D. panghihinayang

V. Basahin at suriin ang mga piling taludtod o saknong na hinango sa mga piling tula. Tukuyin ang angkop na pangunahing ideya/ damdaming nakapaloob dito. ________27.Bakit kaya dito sa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran, Wala kang pag-asang makyat sa Lipunan -Panambitan, Myrna Prado A. Marami ang mga taong nasisilaw ngayon sa pera. B. Dumarami ang mahihirap kaysa mayayaman sa lipunan. C. Ang mga taong maraming pera ay napupunta sa langit. D.Nakasisilaw ang kayamanan ng mga taong maraming salapi. ________28. May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo, May araw ding di na luha sa mata mong namumugto. Ang dadaloy, kundi apoy at apoy na kulay dugo, Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo; Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo At ang lumang tanikala’y lagutin monng punglo! -Lumuha Ka Aking Bayan,Amado V. Hernandez A. pag-asa C. paghihimagsik B. pagkagalit D. pagsusumamo ________29. Ang sariling wika ng isang lahi Ay mas mahalaga sa kayamanan Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat Mula sa henerasyon patungo sa iba. A. Ang sariling wika ay napakahalaga sa isang bansa. B. Ang sariling wika ay maituturing na pamana ng lahi. C. Ang sariling wika ay instrumento sa pagkakaisa ng bawat mamamayan. D. Ang sariling wika ay sumasalamin sa kultura at tradisyong ipinagmamalaki ng bawat bansa. VI. PONEMANG SUPRASEGMENTAL. Piliin ang letra ng tamang sagot batay sa isinasaad bawat bilang. _________30. Tumutukoy sa punongkahoy o “tree” sa Ingles A. PU.no B. pu.NO C. PUno D. puNO _________31. Nagpapahayag ng pagtatanong A. Umalis na ang batang lalaki. B. Umalis na ang batang lalaki. C. Umalis na ang batang lalaki. D. Umalis na ang batang lalaki. _________32. Tumutukoy sa “thief” A. /magna.na.kaw/ C. /mag.na.nakaw/ B. /magnana.kaw/ D. /mag.na.na.kaw/ _________33. Nangangahulugan ng pagbibigay ng suhesyon ng pagsama. A. Hindi ako sasama C. Hindi/ako sasama// B. Hindi ako/sasama// D. Hindi/ako/sasama// VII. Suriin at tukuyin kung anong uri ng tula ang nakalahad sa bawat bilang. _________34. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga. A. bugtong C. awiting panudyo B. palaisipan D. tulang de gulong

_________35. Batang makulit Palaging sumisitsit Sa kamay mapipitpit. A. elehiya C. palaisipan B. bugtong D. awiting panudyo _________36. Nang sumipot sa maliwanag Kumulubot ang balat. A. awit c. awiting bayan b. palaisipan d. tulang de gulong VIII. Basahin ang mga hinangong bahagi ng mito/alamat/ kuwentong bayan. Tukuyin ang kung saang elemento ito nakapaloob. A. Wakas B. Tagpuan C. Kasukdulan D. Pababang Pangyayari _________37. Mula noon, sa magandang tahanan na ng mga diwata na nanirahan ni Mangita samantalang si Larina naman ay nasadlak sa ilalim ng lawa. (Si Mangita at Larina) _________38. Maraming taon na ang nakalilipas, sa pampang ng Laguna de Bay, ay may naninirahang magkapatid na maagang naulila sa kanilang magulan. Sila ay sina Mangita at Larina. (Si Mangita at Larina) _________39. Napatay ni Panganoron si Pagtuga at dali-daling lumapit Magayon sa kanyang kasintahan ngunit isang ligaw na sibat ang tumarak sa likod ng dalaga na naging dahilan ng kamatayan nito. (Ang Alamat ng Bulkang Mayon) _________40. Nakita ng mga tao na ang puntod ng dalawa ay tumataas. At nang ito ay mabuo, isang walang kasinggandang tatsulok na naglalabas ng nagbabagang mga bato ang bunganga. (Ang Alamat ng Bulkang Mayon) IX.

Ang bawat bilang ay may dalawang pahayag- A at B. Suriin kung tama o mali ang isinasaad ng mga ito ayon sa katangian ng mito, alamat at kuwentong bayan. Gawing batayan ang sumusunod na pagpipilian.

A- Ang A ay tama. B. Ang B ay tama C. Parehong tama ang A at ang B. D. Parehong mali ang A at ang B. _________41. A. Ang kuwentong-bayan, alamat at mito ay halos may kaugnayan sa isa’t isa. B. Karaniwang paksa ng mga akdang ito ay tumatalakay sa kasaysayan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila. _________42. A. Isang halimbawa ng kuwentongbayan ang Pakikipagsapalaran ni Juan Tamad. B. Ang mito ay tumatalakay sa mga kuwentong may kinalaman sa diyos, diyosa, bathala, diwata at mga kakaibang nilalang. _________43. A. Ang kuwentong Si Mangita at Larina ay isang halimbawa ng mito. B. Wala pang panitikang Pilipino noon. Nagkaroon lamang noong panahon ng pananakop ng Kastila. X. Piliin ang tamang panandang kukumpleto sa diwa ng pangungusap.

_________44. Kailangan nating _______________ ang mga bagay na makatutulong para sa kababayan nating minorya. A. kasunod C. siyang tunay B. sa umpisa D. bigyang-pansin _________45. _______________ ng pagbibigaypansin ang pagpapaayos sa mga kalsadang nagdurugtong ng kanilang pamayanan sa pamilihan. A. saka B. kasunod

C. siyang tunay D. sa dakong huli

XI. Tukuyin ang kahulugan ng salitang binigyang-diin batay sa konteksto ng pangungusap. _________46. Habang malungkot na nag-iisip ang matanda dahil sa kanyang narinig ay tahimik lamang na nakatunghay sa kanya ang kanyang mga apo. A. nakikinig B. nakatulala

c. nanonood d. nakatingin

_________47. Pahalagahan natin at alagaan ang ating mga lolo at lola sapagkat sila’y tunay na nangangailangan ng ating pagkalinga. A. pansin B. pag-ibig

c. pag-aaruga d. pagsasakripisyo

_________48.Hindi niya naarok ang sinabi ng mananalumpati kanina. A. narinig B. natukoy

c. nalaman d. naunawaan

_________49. Hindi man lang natinag ang anak sa naging bunga ng kanyang ginawa sa kanyang ina. A. natigil C. naapektuhan B. nagsumikap D. nagbigay-pansin XII. Suriin ang katangian ng mga tauhan batay sa mga pangyayari sa piling maikling kuwento. Tukuyin kung anong uri ng tauhan sila nabibilang. _________50. Si Marcos na sa umpisa’y naging mapagtimpi sa kabila ng masasakit na pangyayari sa kanyang buhay ay nagplano laban kay Don Teong na ama ng kanyang nasawing kasintahan. (Walang Panginoon, Deogracias Rosario) A. antagonista B. protagonista

C. tauhang bilog D. tauhang lapad

_________51.Sa kabila ng malupit na katotohanan na hindi na umuwi ng bahay ang asawa ni Mabuti sa kanilang tahanan, positibo pa rin ang kanyang pagtingin sa buhay.(Kuwento ni Mabuti, Genoveva E.Matute)

A. tauhang bilog B. tauhang lapad

C.pangunahing tauhan D. pantulong na tauhan

patawad sa kanilang ina at nangakong aalagaan at mamahalin nila ito. D. Sinabi ng magkapatid na nasabi nila iyon dahil nalaman nila mula sa kanilang katulong na winawaldas nito ang kanilang salapi.

_________52. Si Don Teong na labis ang pagtutol sa pag-iibigan ni Marcos at Anita ay hindi nagbago kahit pa man namatay na ang anak na dalaga. A. bida B.kontrabida

C. tauhang bilog D. tauhang lapad

_________53. Ang malalakas na suntok ni Bruno sa katawan ni Adong ang nagpawala ng malay nito na sa simula pa lamang ay kinatatakutan na ng patpating batang lansangan.(Mabangis na Lungsod, Efren R. Abueg) A. bida B. tauhang bilog

C. tauhang lapad D.pangunahing tauhan

XIII. Tukuyin ang maaaring kahinatnan ng mga pangyayari. _________54. Maluwag na tinanggap ni Rey ang kanyang ina sa kanilang tahanan at pinag-ukulan niya ito nang sapat na pagmamahal at pag-aaruga. A. Natuwa ang katulong ni Rey dahil may aalagaan silang matanda. B. Naging maalwan ang pamumuhay ng ina sa piling ng kanyang anak. C. Gustong bumalik ng ina ni Rey sa poder ng Ramon, ang panganay nitong anak. D. Labis na nagalak ang ina ni Rey dahil naramdaman nito ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanya kahit ito ay mahina na. _________55. Nagpresinta si Tinay na kanilang katulong na siyang mag-aaruga sa matanda habang ito ay nabubuhay. A. Palaging inuutusan ni Tinay ang matanda. B. Natuto sa gawaing bahay ang matanda. C. Naging malapit ang katulong si Tinay sa matanda. D. Sinasamahan nito palagi ang matanda sa ibat-ibang okasyong dinadaluhan nito. _________56. Nalaman ng magkapatid na labis na nagdamdam ang kanilang ina sanhi ng masasakit na salitang narinig niya mula sa kanila. A. Nang malaman nila ito, agad nila itong dinala sa Home for the Aged. B. Humingi sila ng tulong sa ama upang paliwanagin ang isip ng kanilang ina. C. Labis ang paghingi nila ng

XIV. Gamitin ang wastong anaporik o kataporik upang mabuo ang pangungusap. _________57. Responsibilidad ng mga anak na alagaan ang kanilang mga __________ kapag ito ay tumanda na. A. mag-aaral B. magulang

C.mamimili D. mamamayan

_________58. Ayon sa Senior Citizen Act, kinakailangan na mapangalagaan ang kapakanan ng mga matatanda. _______ ay malaking tulong sa mga matatandang mahihirap ang buhay. A. Ito B. Kami

C. Sila D. Ganito

_________59. Masarap sa pakiramdam na makita ng mga magulang ang kanilang _______ na may magandang kinabukasan. A. anak B. bunso

C. panganay D. mag-aaral

_________60. Tuwing Disyembre maraming pumupunta sa mga Home for the Aged upang magbigay-saya sa mga matatandang nakatira dito. Ang _______ gawain ay nagpapatunay na malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga matatanda. A. kaming B. silang

C. ganyang D. ganitong

More Documents from "Timmydipsy Azelav"

Card.docx
October 2019 19
Ppe3rd.docx
October 2019 13
Lecture.docx
October 2019 22