Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan nagpaphayag ng mga kaisipan o pala-palagay. Maaring tungkol sa tao, hayop,bagay,lugar at pangyayari. Ginagamitan ito ng makulay,mahuhugis at maaanyo at ibang mapapandamang (naaamoy, nalalasahan,naririnig) pananalita. Nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay Pagbibigay katangian ayon sa ibat’t ibang pandama Katangian ng paglalarawan: 1. malinaw na nailalarawan sa talukap-mata ang bagay o lugar na tinutukoy. Nagagawa ang bagay na ito sa tulong ng iba’t ibang pandama ng tao. Kabilang dito ang panlasa, paningin, pandinig at iba pang pandama. 2. taglay ng paglalarawan ang uring karaniwan o masining na paglalarawan. Sa kabatiran ng manunulat, ang dalawang uring ito ng paglalarawan ay naipapakita / nagagawa. 3. gumagamit ng mga salitang pang-uri, pang-abay, at pandiwa sa paglalarawan. Ang bahagi ng pananalita ay may malaking naitutulong sa gawaing paglalarawan. 4. nagagawang maisabay sa sariling imahinasyon ang daloy ng paglalarawan sa teksto. Sa mainam at maayos na paglalarawan ang bawat detalye ay inilalahad ng imahinasyon ng mambabasa. 5. ganap na kaalaman sa kakanyahan at kalikasan ng paksang inilalarawan.