Ang Kahalagahan at Mekanismo ng Pagsusulat Ulat ni:Wilkinson Chan
Ang Kahalagahan ng pagsusulat
Mahalaga ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay napananatiling buhay sa amamagitan nito.
Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay natututuhan natin ang kasaysayan ng ating lahi; ang mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno; at ang mga pagbabago at paglusong ng ating bansa.
Mga pamantayang dapat sundin sa pagsusulat:
Kailangan ang kaisahan, kaugnayan, kawilihan, at wastong pagbigay-diin sa pahayag. Kailangang malinaw, makatwiran at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan. Kailangan maingat ang susulat sapagkat- ang anuman kamalian ay nakikita ng bumabasa.
Mga pamantayan…
Kailangang may sapat na kaalaman sa wika, gramatika at retorika. Dapat na may lubos na kabatiran sa mga mekanismo sa pagsusulat gaya ng: pagbabaybay, pagbabantas, paggamit ng malaking titik, paggamit ng italika, pagsulat ng tambilang at pagpapaikli ng mga salita at talata.
A.Talataan
Ang Talata y lipon ng mga pangungusap na paunlad na binubuo at nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. Ang isang talata o magkakasunod na talata ng isang akda ay may kaisahan, kaugnayan at kaanyuan.
1. Kaisahan
Upang matawag na talata ang pangkat ng mga pangungusap, kailangang ito’y umiikot sa iisang pangkalahatang ideya. Kailangang may pangungusap na pampaksa na siyang nagsisilbing giya o patnubay sa pagbuo ng susuportang mga pangungusap.
Halimbawa:
Matagal nang nakatayo si mang Lope sa tabi ng kanyang bintana ay hindi pa rin siya mapalagay. Dumukot siya sa kanyang bulsa at nagsindi ng sigarilyo. Pagkatapos, naupo siya sa bangkong dahilig.
2. Kaugnayan
Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa buhat s simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kailangan nakaayos sa pagkakahanay ang mga pangyayari o ang diwang ipinahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay.
Pamantayan sa kaugnayan
Paggamit ng tradisyonal na mga salita o mga pangatnig gaya ng: at, kapag, disin sana, dahil sa, sapagkat, ngunit, bagaman, samantala, anupa’t, kung gayon, samakatuwid, gayon pa man, sa kabila noon, at marami pang iba.
Halimbawa:
Kung hindi kabibe ang pinagkakaabalahan nila sa dalampasigan, naghuhukay sila ng halamis sa talpukan, o kaya’y gmagawa ng kastilyong buhangin.
B. Paggamit ng panghalip
Kung pangngalan ang ginamit sa unang pangugusap o sugnay, panghalip ang maaring gamiting kahalili ng pangalang nabangit. Sa mga sumusunod na pangungusap. Ginagawa ito upang hindi ulit-ulitin ang atensyon ng bumabasa ay magbalik sa tinutukoy na panghalip.
Halimbawa:
Sa pagiging pastol o anulwagi, hindi niya alam ang pipiliin. Kinawiwilihan niya ang pagpapastol ng tupa.
C. Pag-uulit ng salita upang magbigay-diin at magugnay diwa
Halimbawa: Patuloy ang hagupit ng hangin. Patuloy ang pagyanig ng lupa. Patuloy ang pagpapalahawan, ang, gulo at inlay, ang mga panawagan, ang pagsungit ng panahon.
D. Paralelismo o paggamit ng magkakatulad na balangkas pangramatika
Halimbawa: Tingnan mo si tonyo, oy! Pinapagsibak ko ng kahoy, nang sabihin kong liitan ang tilad ay ayun, hindi mapakinabangan.. Puro tatal ang ipinanhik. Nang sabihin kong laki-lakihan ay malaking-malaki naman. Hindi mo naman maigatong.
3. Kaanyuan o kabuuan
Ang mabuting talata ay naglalaman ng kumpletong kaisipan. May pagbigaykatuturan, paliwanag, pangangatwiran, at patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon, halimbawa, pagwawangis, pagtutulad at pag-iiba, pagsusuri, mungkahi, tagubilin, talinghaga, mahahalagang sipi at iba pang pamamaraan upang maging buo o ganap. Ang isang akda ay may panimulang talata, magkakapanunod na talata(Transitory) at may pangwakas na talata.