Epp V - Sining Pang-industriya.docx

  • Uploaded by: manilyn
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Epp V - Sining Pang-industriya.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,641
  • Pages: 6
Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon XII SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD __________ DISTRICT Lungsod ng ______________

Ika-apat Markahang Pagsusulit sa EPP V - Sining Pang-Industriya Pangalan: ________________________________ Gr.&Sec. __________________ Petsa _______________ Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero. ______1. Hindi maisara ang pintuan ng kabinet. Ano ang posibleng sira nito? a. barnis c. lock b. bisagra d. wala sa nabanggit ______2. Hindi umiilaw ang bombilya kahit may kuryente. Ano ang sira nito? a. pundido c. luma b. walang fuse d. wala sa nabanggit ______3. Ang upuan ay umuuga kapag inuupuan, ano ang maaaring gawin dito? a. pinturahan c. lagyan ng brace b. barnisan d. itapon ______4.Hindi bumababa ang tubig sa lababo dahil may nakabara.Ano ang maaaring gawin dito? a. alisin ang tubig at buhusan ng mainit na tubig b. huwag ng gamitin ang lababo c. palitan ang lababo d. wala sa nabanggit ______5.Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung gagamitin ang angkop na ________. a. kasangkapan c. kasuotan b. materyales d. wala sa nabanggit ______6. Anong kasangkapan ang ihahanda mo kung pakikinisin ang ibabaw ng tabla o kahoy? a. pala c. disturnilyador b. liyabe de tubo d. katam ______7. Puputulin ni Mario ang kahoy para sa gagawing proyekto. Anong klaseng pamutol ang gagamitin niya? a. palakol c. lagare b. gunting d. kikil ______8. Kung pagdidikitin ang dalawang kahoy gamit ang pako, anong kagamitan ang gagamitin mo? a. plais c. barena b. martilyo d. papel de liha ______9. Ano ang ilalagay sa katawan ng pako upang dumulas ito at madaling ibaon? a. sabon c. asin b. pulbo d. wala sa nabanggit ______10. Kung kukumpunihin ang sirang switch ng ilaw, ano ang dapat gawin bago magsimula? a. patayin ang pangunahing switch c. lumabas muna b. huwag ng patayin ang ilaw d. wala sa nabanggit ______11. Ano ang pang-ipit ng kahoy o bakal upang hindi ito gumalaw habang nilalagari? a. disturnilyador c. gato b. palis d. martilyo ______12. Sukating mabuti ang kahoy upang sakto sa paglalagyan. Ano ang gagamitin sa pagsusukat? a. metro c. zigzag rule b. ruler d. lahat ay tama ______13. Tiyaking iskwalado ang natapos na proyekto. Anong kagamitan ang gagamitin upang malaman kung iskwalado ang proyekto? a. ruler c. gato b. iskwala d. wala sa nabanggit ______14. Ano ang gagawin mo sa mapurol na lagari? a. itapon c. hasain b. ipamigay d. itago ______15. Ito ay isang paraan upang mapakinabangan pang muli ang isang bagay na nasira. Ano ito? a. pagbebenta c. paglilinis b. pagkukumpuni d. wala sa nabanggit ______16. Upang hindi mawala ang mga kasangkapan, saan mo ito ilalagay pagkatapos gamitin? a. kabinet c. banyo b. hardin d. wala sa nabanggit

______17. Kung napansin mong malapit nang masira ang kasangkapan sa gusaling pang-industriya, ano ang gagawin mo? a. hindi papansinin c. sasabihin sa guro b. itatago ang gamit d. itapon

______18. Anong uri ng gawaing pang-industriya ang upuang yari sa kahoy? a. gawaing kamay c. gawaing kahoy b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad ______19. Ito ay isang gawaing industriya kung saan binigyang pansin ang paggawa ng dust pan, gadgaran, habonera, kahon ng resipi at kuwadro. Ano ito? a. gawaing kamay c. gawaing kahoy b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad ______20. Anong uri ng gawain ang paggawa ng mga proyektong madaling gawin sa mga kamay? a. gawaing kamay c. gawaing kahoy b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad ______21. Ang gawaing ito ay humihingi ng dagdag na pag-iingat upang makaiwas sa sakuna na may kaugnayan sa kuryente. Ano ito? a. gawaing kamay c. gawaing kahoy b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad ______ 22. Kung gagawa ka ng proyekto, saan ka hahanap ng materyales na gagamitin mo? a. mula sa malayong lugar c. mula sa ibang bansa b. mula sa pamayanan d. mula sa malapit na lugar ______23. Upang madaling matapos ang gagawing proyekto, anong disenyo ang pipiliin mo? a. malaki c. maliit b. payak d. magarbo ______24. Wala kang pambili ng mga materyales para sa gagawing proyekto , ano ang maaari mong gawin? a. mag-recycle c. lumiban sa klase b. huwag gagawa d. wala sa nabanggit ______25. Alin sa mga sumusunod na proyekto ang gawaing pang-industriya? a. parol c. walis tingting b. basket d. lahat ng nababanggit ______26. Ano ang ginagamit na pambura kung nagkamali sa pagguhit? a. ruler c. pambura b. lapis d. papel ______27. Dito iginuguhit ang mga disenyong nais gawin. a. ruler c. pambura b. lapis d. papel ______28. Ano ang tawag sa guhit ng plano ng proyekto? a. ekis c. anyo b. marka d. krokis ______29. Upang maging tuwid ang mga linyang iguguhit, ano ang gagamitin mo? a. ruler c. pambura b. lapis d. papel ______30. Sa plano ng proyekto, saang hanay ilalagay ang halaga ng ΒΌ kilo? a. layunin c. halaga b. hakbang d. talaan ng materyales ______31. Aling bahagi ng proyekto ang nagpapaliwanag sa hakbang ng mga gawain? a. pamamaraan c. layunin b. pamagat d. materyales ______32. Ang isang papel de liha ay nagkakahalaga ng P10.00. Kung gagamitin mo ang kalahati nito, magkano ang halaga nito sa espisipikasyon mo? a. P3.00 c. P10.00 b. P5.00 d. P2.50 ______33. Ano ang dapat gawin upang hindi malimutan ang mga bibilhin mong materyales para sa gagawing proyeko? a. tandaan nalang c. sabihin sa magulang b. gumawa ng listahan d. wala sa nabanggit ______34. Ano ang katawagan para sa piraso, kilo, litro, bote at iba pa na makikita sa talaan ng materyales? a. uri c. yunit b. halaga d. wala sa nabanggit ______35. Saan nabibilang ang sukat ng bibilhing materyales? a. yunit c. espisipikasyon b. bilang d. wala sa nabanggit ______36. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng kasangkapan sa paggawa ng mga bagay na yari sa kamay? a. panukat c. pambutas b. pampukpok d. panghukay ______37. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang ginagamit sa pagkuha ng lapad, taas, at kapal? a. pang-ipit c. panukat b. pambutas d. pamputol

______38. Anong kasangkapan ang pambaluktot, pamukpok ng mga metal at pambaon sa pait at pako? a. katam c. martilyo b. liyabe d. iskwala ______39. Upang maiwasan ang pagkakuryente gumamit ng kagamitang tumitingin kung dinadaluyan na ng kuryente ang proyekto. Ano ito? a. plais c. disturniyador b. tester d. martilyo ______40. Ano ang isusuot mo kung ikaw ay magtatrabaho at ayaw mong marumihan ang suot mong damit? a. duster c. jacket b. kapote d. apron ______41. Alin ang nagpapahiwatig ng kaligtasan sa mga sumusunod? a. Iwasan ang paggamit ng mga mapupurol na kasangkapan. b. Gamitin ng may pag-iingat ang mga kasangkapan. c. Huwag paglaruan ang mga kasangkapan. d. Lahat ay tama. ______42. Upang hindi malito at magkamali sa paggawa ng proyekto, aling hakbang ang susundin mo? a. hakbang sa paggawa c. hakbang sa pagsumite b. hakbang sa pagplano d. lahat ay tama ______43. Upang maiwasang masaktan ang mga mata habang nagtatrabaho magsuot ng pananggalang sa mga mata. Ano ang isusuot mo? a. sumbrero c. bota b. goggles d. bakya ______44. Alin sa mga sumusunod ang hindi kailangan sa hakbang sa paggawa ng proyekto? a. pagsusukat c. pagpapakinis b. pagpuputol d. wala sa nabanggit ______45. Sa paglalagari ng kahoy makabubuting simulan ang paglalagari sa _______ na direksyon. a. pakabig c. mabilis b. pasulong d. wala sa nabanggit ______46. Kung pupukpukin ang ulo ng pako, saang bahagi ng hawakan ng martilyo ka hahawak? a. malapit sa ulo c. bandang dulo b. gitna d. wala sa nabanggit ______47. Tapos na ang proyekto mo, pintura o barnis na lang ang kulang. Paano ang wastong pagpahid ng pintura o barnis gamit ang brotsa? a. paikot c. kahit papaano b. isang direksyon lang d. wala sa nabanggit ______48. Ano ang gagawin bago pinturahan o barnisan ang proyekto? a. pakinisin c. ibilad b. patuyuin d. wala sa nabanggit ______49. Upang mapakinabangan ang natapos na proyekto, ano ang iyong gagawin? a. itapon c. ipamigay kahit kanino b. ibenta d. lahat ay tama ______50. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa sariling proyekto? a. pagdisplay sa tahanan. b. pagpapakita sa guro upang mamarkahan. c. pag-iingat na huwag masira o madumihan. d. pagwawalang-bahala saan man ito mailagay.

Department of Education Region III Division of City of San Fernando (P) Ika-apat na Markahang Pagsusulit sa EPP V - Sining Pang-Industriya Mga Sagot 1. b 2. a 3. c 4. a 5. a 6. d 7. c 8. b 9. a 10. a 11. c 12. d 13. b 14. c 15. b 16. a 17. c 18. c 19. b 20. a 21. d 22. b 23. b 24. a 25. d

26. c 27. d 28. d 29. a 30. d 31. a 32. b 33. b 34. c 35. c 36. d 37. c 38. c 39. b 40. d 41. d 42. a 43. b 44. d 45. a 46. c 47. b 48. a 49. b 50. d

Department of Education Region III Division of City of San Fernando (P) Ika-apat na Markahang Pagsusulit sa EPP V - Sining Pang-Industriya Talaan ng Ispesipikasyon

Layunin 1. 2. 3. 4.

Pagtukoy sa sirang hahagi ng kasangkapan Paghahanda ng mga kasangkapan at materyales Pagsunod sa wastong paraan ng pagkukumpuni Pagpapahalaga sa pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan 5. Iba't-ibang uri ng Gawaing Industriya 6. Pagpaplano ng pag-pili ng Gawaing Industriya ayon sa pangangailangan, kakayahan, at pagkukunan 7. Disenyo ng proyekto 8. Pagtatala ng dami, espesipikasyon, at halaga ng mga materyales 9. Pagpili ng mga kasangkapan at materyales na gagamitin 10. Panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa 11. Pagsunod sa mga hakbang sa paggawa ng proyekto ayon sa plano 12. Pagpapahalaga sa natapos na proyekto KABUUAN

Blg. ng Araw 3 3 4

Blg. ng mga Aytem 4 4 5

Bahagdan (%)

Kinalalagyan ng Item

7.5% 7.5% 10%

1,2,3,4 5,6,7,8 9,10,11,12,13

3 3

4

7.5%

14,15,16,17

4

7.5%

18,19,20,21

2 3

4

5%

4

7.5%

22,23,24,25 26,27,28,29

5

6

12.5%

30,31,32,33,34,35

3

4

7.5%

36,37,38,39

3

4

7.5%

40,41,42,43

4 4 40

5

10%

44,45,46,47,48

2 50

10% 100%

49,50

Related Documents

Epp
August 2019 28
Epp Table.xlsx
November 2019 31
Epp%20lp.docx
December 2019 26
Epp Facial.pptx
November 2019 30

More Documents from ""

Dividing Radicals.pdf
October 2019 28
Radical Equations 1.pdf
October 2019 17
Lesson Plan In Mtb-mle.docx
October 2019 19
Pricetag.docx
October 2019 17