Epp%20lp.docx

  • Uploaded by: Roselyn
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Epp%20lp.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 797
  • Pages: 3
Republic of the Philippines Department of Education

REGION III – CENTRAL LUZON

Schools Division of Tarlac Province PANIQUI SOUTH DISTRICT

CARIÑO ELEMENTARY SCHOOL BANGHAY – ARALIN SA EPP Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Elektrisidad

I.

LAYUNIN 1. Nalalaman ang kahalagahan ng mga ibat-ibang materyales na makikita sa kapaligiran na maari pang magamit at pagkakitaan. 2.

Nakasusunod sa wastong pamantayan sa paggawa sa silid-aralan. Naiisa-isa ang mga materyales na ginamit sa ginawang proyekto.

3. Naipapkita ang kasiyahan sa pagbuo ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan (halimbawa: kahoy, metal, kawayan, atbp.) na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan Pagpapahalaga: Naisasapuso ang kahalagahan ng paggamit ng mga materyales na makikita sa pamayanan at ang magandang dulot nito sa paghahanap-buhay.

II.

PAKSANG ARALIN Paksa: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Elektrisidad. Sanggunian: EPP5IA-0d-4 Kagamitan: Powerpoint Presentation, larawan ng proyektong isasagawa, rubriks sa pagsasagawa ng proyekto, halimbawa ng proyektong gagawin, mga materyales sa paggawa ng proyekto.

III.

PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain 1. Paghahanda Gawaing rutin 2. Balik-aral Picture Reveal: Mga Kasangkapang ginagamit sa paggawa ng proyekto. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak 4 pics 1 word. Mga materyales na nakikita sa kapaligiran. 2. Suliranin Ano-ano ang mga materyales o kagamitan na nakikita niyo sa pamayanan? 3. Pag-aalis ng Balakid Tabla at kahoy Kawayan Metal 4. Karanasan sa Pagkatuto a. Talakayin ang proyektong ginagamitan ng elektrisidad tulad ng lampshade na yari sa kawayan(barbeque sticks), kahoy at metal b. .Paghahanda sa mga gagamiting kasangkapan sa paggawa ng proyekto

Mga kagamitan sa paggawa ng proyekto Pa sa lampara: Barbeque Sticks Glue gun Stick glue Utility Knife Pliers Contact cement Cardboard(base) Gunting

Para sa gawaing elektrisidad: wire socket plug light bulb Pliers Screw drivers electrical tape switch

c. Paggunita sa mga pamantayan C. Pangwakas na Gawain: A. Paraan sa Paggawa Para sa pailaw 1. Ihanda ang mga gagamiting materyales o kasangkapan. 2. Pumunta sa na itinalaga sa paggawa. 3. Ihanda ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad ng magkabilang dulo at balatan ang mga ito. 4. Luwagan ang turnilyo ng switch at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit. 5. Luwagan ang turnilyo ng bukilyat at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit. Ilagay ang pansara Para sa lampshade 6. Ihanda ang mga gagamiting materyales o kasangkapan. 7. Pumunta sa na itinalaga sa paggawa. 8. Gupitin ang barbeque sticks sa dalawang bahagi 9. Gamit ang karton, gumupit ng pattern para sa gagawing lampshade 10. Lagyan ng barbeque sticks ang bawat sulok ng pattern sa pamamagitan ng pagtusok nito sa karton 11. Kapag nabuo na ang skeleton ng lampshade ay maaari na itong dikitan ng barbeque sticks. 12. Para naman sa base ng lampshade gumupit ng 4 na pirasong karton na may habang 1 talampakan at 2 pulgada ang lapad. Pagdikit-dikitin ito upang makabuo ng stand para sa lampara. 13. Kapag natapos na ang stand ay maari na itong dekorasyunan ng barbeque sticks. 14. Pagsamahin ang ginawang pailaw at lampara atito ay sindihan.

Aktwal na paggawa nang lampshade ng mga mag-aaral Scorecard sa Paggawa ng Lampshade Mga Pamantayan A. Pagsunod sa Wastong Hakbang Ang mga kagamitan at kasangkapan ay inayos sa ibabaw ng mesa bago gumawa. Pagsusukat sa pagtatalop ng kawad. Paggawa ng pagkabit ng kawad sa switch ay wasto. Pagkabit ng kawad sa plag at bukilya. Naisagawa sa takdang oras. Paggamit ng Kasangkapan Gumamit ng wasto at angkop na kasangkapan sa paggawa. Sinuri ang kaayusan ng kasangkapan. Ginamit sa angkop ng gawain. Ibinalik sa pinagkunan matapos ang gawain ng maayos. Cariño, Paniqui, Tarlac I (045) 628- 1561 I [email protected]

Score

5 5 10 10

5 5 5 5

Pangkaligtasang Gawi Masigla at tuloy-tuloy sa paggawa. Ipinapakitang may sistema sa paggawa. Ipinakita ng pag-iingat habang gumagawa. Nilinis ang hapag gawaan matapos ang gawain at isinauli ang mga kagamitan at kasangkapan sa pinagkunan. Uri ng Natapos na Gawain Ang kawad na ikinabit sa plag at bukilya ay may wastong haba. Ang pagkagawa ng pailaw at ang pagkakabit ng kawad sa turnilyo ay wasto. Maayos at malinis ang pagkakabuo ng lampshade. Nasunod nang wasto ang Plano ng Proyekto total

IV.

5 5 5 5 5 5 10 5 100

PAGTATAYA: Isa-isahin ang mga materyales na kailangan sa paggawa ng lampshade? Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

V.

Takdang- aralin: 1. Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na maaaring gamitin sa paggawa ng mga proyektong ginagamitan ng elektrisidad. 2. Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaaring gawin. . Sa patnubay ni: EVELYN R. PARICA, Ph.D. Punong Guro Inihanda ni: CHRISTIAN DAN A. VINLUAN Guro

Cariño, Paniqui, Tarlac I (045) 628- 1561 I [email protected]

More Documents from "Roselyn"

Epp%20lp.docx
December 2019 26
Pt_esp 6_q4.docx
December 2019 7
Bow_esp 6_q3.docx
December 2019 5
Dlp%20filipino5.docx
December 2019 8
Bow_mapeh 6_q3.docx
December 2019 8