PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig
EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAGTUTURO NG PANITIKANG POPULAR
Isang Pananaliksik na iniharap sa Departamento ng Filipino sa Paaralan ng Pamantasang Lungsod ng Pasig
Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan sa Asignaturang Panitikang Popular Taong Panuruan 2018-2019
Gaebrielle Mae O. Manosca Angie C. Piscador Joyce L. Berongoy Laurice Hermanes Rojelyn F. Recana Jean B. Sema
BSED-FILIPINO
Ipinasa kay:
Prof. Rodelio T. Ison Jr.
Marso 22, 2019
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Panimula
Bunga ng mabilis na pag inog ng mundo. Nagkaroon ng tinatawag na panitikang popular. Ang pagkakaroon ng panitikang popular, ay nagbibigay depinisyon na ito ay tinatangkilik dahil ito ang katanggap tanggap sa lipunan. Sa madaling salita, ito ay hindi permanente dahil ang pagkakaroon nito sa ating lipunan ay base sa tumatangkilik. Kung mawawala ang tumatangkilik, maaaring mawala na din ang isang spesipikong panitikang popular.
Dahil sa pagkakaroon ng panitikang popular nagkaroon din ng ibat ibang lunsaran kung paano ito mas madaling matututunan ng mga mag-aaral. Isang sistema ang naipanukala na kung dati ay nagiging tagatanggap lamang ng impormasyon ang mga estudyante ngunit ngayon ay maari na siyang magbahagi ng kaalaman. Hindi na lamang sa guro nanggagaling ang estratehiya kung paano mas mauunawaan ng estudyante ang isang aralin. Kung babalikan din ang tradisyunal na pinagmumulan ng kaalaman ng mga estudyante, silid aklatan lamang ngunit ngayon dahil globalisado na ang mundo nariyan ang mga Social Media sites na nagbibigay ng mas mabilis na impormasyon.
Sa patuloy pamamayagpag ng panitikang popular ay nagkakaroon ng mas madaling pamamaraan sa pagkalap at pagbabahagi ng mga impormasyon kasabay ng mga pagababagong ito, umusbong ang mga lunsaran na kung saan ay magagamit ng mga mag-aaral. Masasabing ito ay isang indikasyon na ang nakararami ay aktibong nakikilahok sa post-modernong daigdig at ang lantarang pakikisangkot nito sa mga pangglobal na gawain. Sa huli dahil sa panitikang popular nagkaroon ng mga lunsaran na maaring mapagkunan ng mga impormasyon na maaring magamit ng mag aaral sa kanilang pag-aaral at dito papasok ang social media na makakapagbigay ng agarang impormasyon na maghahatid sa maayos at dekalidad at na edukasyon. Ang social media na ito ay
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig maaaring gawing kasangkapan ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga natutunan at sa pamamagitan nito mas mapagyayabong pa ang kanilang pag iisip at paghahatid ng mga kaalaman na kanilang natutunan.
Maraming maka-bagong teknolohiya ang naimbento at nagbago sa paraan nang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa na dito ang Internet, at sa pagdaan ng panahon, nauso ang mga Social Networking Sites na kung saan ang pangunahing mithiin ng mga websayt na ito ay ang mapabilis ang komunikasyon ng mga tao mula sa kanilang pamilya, kaibigan, at iba pang tao na malayo man o malapit.
Dahil nga sa modernisado na ang mundo, masasabing na ang "Social Networking Sites" ang pinakatinatangkilik ng mga mag-aaral at guro , sapagkat sa maraming salik na nakakapag-udyok sa mga ito, napapadali ang pagpapalitan ng impormasyon at kaalaman ng mag-aaral mula sa guro, gamit ang mga popular na websayt , tulad ng Facebook, blog, Twitter, at Instagram na kung saan ito rin ang ginagamit na lunsaran ng mga guro upang mailahad o maipakilala ang panitikang popular sa mga mag-aaral.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig Mga Kaugnay na Literatura
Sa isang banda, isang instrumento upang mapabilis ang pagtuturo at pagaaral ay ang paggamit ng Social Media. May mga pahayag ang mga dalubhasa hinggil dito.
Ayon kay Santos (2011) Noon, nakakabasa lamang tayo ng tula sa mga aklat ngunit ngayon nababasa na natin ito sa modernong paraan sa pamamagitan ng Facebook. Pinatunayan ito ng isang patimpalak sa Facebook "Tulaan sa Facebook 2011: Rizalstrasse" isang pampanitikang patimpalak na pumapatungkol sa buhay ni Rizal. Naging inspirasyon ng Tulaan sa Facebook ang mga naging patimpalak noon gaya ng "Dalitext", "texttanaga" at "Dionatext". Isa sa layunin ng patimpalak nito ay ang edukasyon, upang mas lalong tumatag ang interes ng mga kabataan sa Panitikan.
Dagdag pa nito, isa sa Programa ng Pambansang Edukasyong Pampanitikan ng Lira na maturuan ang mga nakatira sa lalawigan ngunit hindi naman lahat ng lalawigan ay mapupuntahan upang turaan at hindi din lahat ng gustong matuto ay hindi makakapunta sa maynila kung kaya't pinili ng Lira na gamitin bilang midyum sa pagtuturo ang makabagong teknolohiya o ang mga social networking upang makapagturo sa mas madaming bilang.
Ayon pa rin kay Santos (2016), dahil sa internet mas naging malapit o accessible ang mga akda, tula at sulatin ng mga manunulat sa maraming mambabasa. Katulad na lamang ng mga kuwento sa Wattpad na kalaunan inilimbag bilang mga aklat. Nariyan ang mga social networking site na nagsisilbing plataporma ng mga manunulat. Halimbawa na lamang dito ang unang aklat ni Joselito Delos Reyes na iStatus Nation, lupon ng kaniyang mga istatus sa Facebook na tumatalakay sa iba’t ibang mukha ng buhay: masaya, masalimoot, mapolitika, “ma-ano-ano.”
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig Sinang ayunan naman sa pag-aaral ni Pascual (2016), na may pamagat na “Ang epekto ng social media sa mag-aaral at edukasyon”, mas pinaliit ng sosyal midya ang mundo dahil inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito. Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng mga makabagong ideya.
Mula naman sa pananaliksik ni Zuckerberg at Lunden (2012), higit sa isang bilyon ang gumagamit ng Facebook, sumunod ang Twitter na may higit na may 500 milyong user, sinundan ng Yahoo, Tumblr, at marami pang iba. Natukoy sa pananaliksik ng University of Minnesota angmga benepisyong dulot ng Social Networking Sites. Lumitaw sa kanilang pag-aaral na hindi lamang nakakapadulot ng ligaya ang SNS o upang makakonekta lamang sa ibang tao ang SNS kundi nakakadagdag ito ng kaalaman sa digital o sistema ng teknolohiya at mga kasanayang panteknolohiya, nakakatulong din ito sa paghahanap ng mga oportunidad, may kapakinabangang edukasyonal tulad ng pagiging malikhain halimbawa sa tula at paggawa ng film, pagsasaalang-alang sa mga responsibilidad sa paggamit ng IT (Information Technology).
Malawak na ang saklaw ng modernisasyon, lumaganap na ito mula sa ating lipunan hanggang sa mga komunidad. Ang institusyon ng edukasyon ay hindi ligtas dito at nakikinabang sa teknolohiya kung saan ang information technologies (IT) na may taglay na pananagutan ng pagbabago ng pagtuturo, pag-iisip, at pagkatuto. Mas nagiging maunlad ang kaisipan ng mag-aaral kung pati ang sistema ng edukasyon ay makikisabay sa modernisasyon. (Halverson at Smith 2009-2010).
Sa kabilang banda, lumabas sa pag-aaral ni Shaulis (2011) ang isa sa negatibong epekto ng Social media bilang katuwang sa pagtuturo ay nakakabawas ito sa pagiging produktibo ng mga estudyante.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig
Katuturan ng mga Talakay
1. Rizalstrasse- ito ay isang tulaan na patimpalak sa facebook na pumapatungkol sa buhay ni Rizal. 2. Dalitext- ito ay naging inspirasyon na tulaan sa facebook upang mas lalong tumatag ang interes ng mga kabataan sa pampanitikan na edukasyon. 3. Internet- ginagamit ito upang mas maging accessible ang akda ng mga manunulat sa mga mambabasa. 4. Information Technology (IT) - ay ginagamit sa eduksyon para sa pagbabago ng pagtuturo, pag-iisip, at pagkatuto ng mambabasa. 5. SNS o Social Networking Sites – Ito ay ang naging kapakipakinabang na plataporma mula sa pagkakaroon ng mas madaling pangangalap ng datos. Ito rin ay nagbibigay aliw sa mga gumagamit nito. 6. Facebook- Ito ay isang midyum sa pampanitikang patimpalak sa edukasyon.
Paglalahad ng Suliranin Layunin ng pag aaral na ito na mabigyang kasagutan kung ano ang epekto ng Social media sa pagtuturo ng Panitikang Popular.
Tinangka ring sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:
1. Paano nakaapekto ang paggamit ng social media bilang lunsaran sa pagaaral ng mga estudyante sa panitkang popular? 2. Ano ang maidudulot ng social media bilang midyum pagtuturo sa mga estudyante? 3. Ano ang madalas na ginagamit na lunsaran sa social media sng mga guro sa pagtuturo?
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig
Balangkas Konseptuwal
Epekto ng Social Media
Pagtuturo ng Panitikang Popular
Interbyu Obserbasyon Pansariling ulat
Kongklusyon at Rekomendasyon
Pag aanalisa ng datos
Paradaym 1. Epekto ng Social media sa pagtuturo ng Panitikang Popular
Batay sa Paradaym 1, makikita ang epekto ng social media sa pagtuturo ng panitikang popular at upang malaman kung ano ang epekto nito, gumamit ang mga mananaliksik ng interbyu, obserbasyon, pansariling ulat ng sa gayon mabigyan ng linaw kung may positibong epekto baa ng pagtuturo ng panitikang popular gamit ang social media. Matapos mangalap ng impormasyon ito ngayon ay i-aanalisa at magbibigay na ng kongklusyon at rekomendasyon ang mga mananaliksik.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay maaring magiging kapaki-pakinabang at makatutulong sa mga sumunod:
Sa mga mag-aaral Matutulungan ang mga mag-aaral na malaman o maintindihan kung ano ang epekto ng social media sa kanilang pag-aaral patungkol sa panitikang popular. At dahil sa kaalamang ito,matututunan nilang maglagay ng limitasyon sa paggamit.
Sa mga magulang Makatutulong din
ang pag-aaral
na ito
sa
mga
magulang,
upang
magabayan nila ng mabuti ang kanilang mga anak sa wastong paggamit ng sosyal midya sa pag-aaral.
Sa mga guro Magiging daan ito upang maging kawili-wili at mas epektibo ang pagtuturo ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral. At dahil dito mas lalawak pa ang maaaring makuhanan ng mga impormasyon sa naturang na paksa.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang saklaw sa pag-aaral na ito ay ang pagalam kung papaano nagagamit bilang midyum sa pagtuturo ng Panitikang Popular ang Social Media sa paaralan. Nakatuon ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral at mga guro ng Tipas National High School na siyang gumagamit ng social media hindi lamang upang magbigay aliw sa kanila kundi ginagamit nadin ito upang gamiting pangturo sa Panitikang Popular, dahilan upang magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral patungkol dito.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig Sakop din ng pag-aaral ang dahilan kung bakit sa panahon ngayon ay ginagamit na ang social media sa pagtuturo ng guro at ang epekto nito sa mag-aaral sa kanilang pagkatuto.
Ang maaaring maging limitasyon sa pag-aaral ng mga mananaliksik ay: Paghahanap ng mga respondante na magbibigay ng maayos na sagot o impormasyon, dahil hindi naman lahat ng mapipiling respondante ay seseryosohin ang pagsagot kaya't mahirap para sa mananaliksik ang makahanap ng isang karapat dapat na respondante. Sumunod ay ang pagkakaroon ng maraming gawin ng mga respondante dahil ang pangunahing respondante sa pag-aaral na ito ay ang mga guro at estudyante na siyang kilala bilang maraming ginagawa lalo na sa paaralan, kaya't mahirap ito dahil sa hindi pagkakaroon ng sapat na oras para sa pakikipanayam. Sumundo ay ang pagiging mahiyain, kahit na mayroon namang kaalaman tungkol sa isang bagay nagiging hadlang ito sa pagbibigay ng datos, dahil sa nahihiya ang iba tumatanggi sila.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral ay nasa disenyong disenyong deskriptib-kuwalitatib. Kwalitatib sapagkat nais ng mga mananaliksik na makapagbigay ng detalyadong karanasan ang mga mag aaral kung ano ng aba ang epekto ng social media sa pagtuturo ng panitikang popular at deskriptibo sapagkat inilalarawan ang mga epekto nito.
Ang deskriptibong pananaliksik ay karaniwang ginagamit sa mga pag iimbestigang isinasakatuparan sa sistema ng edukasyon. Inilalarawan ang mga nakalap na impormasyon hinggil sa kasalukuyang kalagayan at kalakaran sa sistema ng pagtuturo. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay makapagbigay ng isang tiyak na larawan ng epekto ng social media sa pagtuturo ng panitikang popular.
Lugar ng Pananaliksik
Ang Lungsod ng Taguig ay isa pinakamagandang lungsod sa Pilipinas dahil sa nagdadamihang atraksyon gaya ng Bonifacio Global City, McKinley Lands, SM Aura Mall, Market Market Mall at iba pang mga pasyalan.
Sa lungsod na ito nakapaloob ang lugar ng Tipas na may iba't ibang paaralan na nakatayo, mayroong pampubliko at pribadong paaralan gaya ng Tipas National High School.
Ang mataas na paaralan ng Tipas ay hindi gaanong
madaling matunton at mapuntahan sapagkat tago ito at malayo sa kalsada. Naitayo ang paaralang ito taong 2000 na pinamunuun ng iba't ibang punong guro, kabilang dito ay sina Gng. Nelica Abad (2003-2004), Ginang Guia Dela Cruz
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig (2004-2008), Ginoong Gil Teodoro (2008-2018) at Ginang Nida Dela Cruz sa kasalukuyan.
Napagkasunduan ng mga mananaliksik na sa Paaralan ng Tipas ganapin ang pananaliksik sa kadahilinang narito ang mga mag-aaral na kinakailangan sa pag-aaral, kabilang din ang mga gurong nagtuturo.
Bukod dito madali na
mangalap ng mga datos at impormasyon sapagkat malapit lamang ang lugar na ito sa mga mananaliksik.
Mga Kalahok sa Pag-aaral
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa Senior High na nasa ika-labing isang (11) baitang na siyang mag-aaral ng Tipas National High School na may edad na 16-18 taong gulang. Sila ang mga napili bilang maging kalahok sa nasabing pag-aaral sapagkat sa baitang na ito naituturo na ang Panitikang Popular at sa ganitong baitang laganap na ang paggamit ng Social Media. Sila ang makakatulong upang magbigay ng impormasyon tungkol sa epekto ng Social Media sa pagtuturo ng Panitikang Popular.
Kabilang din sa mga kalahok ay ang guro na siyang nagtuturo sa Paaralan ng Tipas. Napabilang ang guro sapagkat sila ang mga responsable sa pagtuturo ng Panitikang Popular sa mga estudyante.
Instrumento
Ang mga instrumenting pang riserts na ginamit sa pangangalap ng mga datos ay ang mga sumusunod: 1. Sound Recorder – Ginamit para maidokumento ang mga panayam.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig 2. Patnubay na palatanungan- Naglalaman ito ng mga tanong na nagsisilbing gabay sa mga talakayan sa interbyu.
Pagbuo Bumuo muna ang mga mananaliksik ng palatanungan na syang gagamitin sa interbyu at mga sulat na syang naglalaman ng paghingi ng permiso sa paaralang pagdadausan ng pnanaliksik.
Paghahanda Pakikipag ugnayan ng mga mananaliksik sa punong abala ng paaralan. At pagkakaroon ng maiksing oryentasyon sa mga makakapanayam. Pag tatray awt ng pagteteyp, obserbasyon at paghahanda ng pansariling ulat.
Nilalaman Ang nilalaman ng patanungan ay may dalawang bahagi. Una ay ang personal na profile ng mga makakapanayam. Naglalaman ito ng pangalan (hindi obligado), edad, paaralang pinasukan, tirahan at kasarian. Ang ikalawang bahagi naman ay ang mga katanungang naglalaman na kung ano ang epekto ng Social media sa pagtuturo ng panitikang popular.
Proseso ng Pangangalap ng mga Datos
Ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang palatanungan na kung saan ito ay nahahati sa dalawa. Ang unang bahagi ay ang “personal profile” ng mga mag aaral at ng mga guro. Ang ikalawang bahagi ay ang mismong mga katanungan na naglalaman ano epekto ang paggamit ng social media sa pagtuturo ng panitikang popular.
Bago magkaroon ng panayam sa mga guro at estudyante nagsagawa muna ng maiksing oryentasyon sa kanila, na anumang impormasyon na
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig makakalap mula sa kanila ay magiging pribado. Habang nagkakaroon ng interbyu, ang isa sa mga mananaliksik ay nag rerecord ng usapan, iba ay nag oobserba at ang ilan ay nagsusulat ng pansariling ulat. Pagkatapos ng interbyu ay sinuri at binigyan ng interpretasyon ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos.
Mga Sanggunian:
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig
Halverson, R. at Smith, Annette. (2009-2010). How new technologies have (and have not) changed teaching and learning in schools. Journal of Computing in Teacher Education. p. 49-54.
Pascual L. (2016). Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral at Edukasyon mula sa
https://www.coursehero.com/file/19654749/mga-pag-aaral-sa-epekto-ng-
social-media-sa-academic-performance-ng-mga-mag-aaral/
Santos T. (2011, November 15) Panitikan sa Panahon ng Social Networking mula sa https://varsitarian.net/filipino/20111115/panitikan_sa_panahon_ng_social_networ king
Santos T. (2016, April 28) Panitikan SA Panahon ng Internet mula sa https://varsitarian.net/filipino/20160428/panitikan_sa_panahon_ng_internet
Halverson, R. at Smith, Annette. (2009-2010). How new technologies have (and have not) changed teaching and learning in schools. Journal of Computing in Teacher Education. p. 49-54.
Shaulis, M. (2011, November 16). Facebook has negative effects on college students. Nakuha October 12, 2012, mula sa California University of Pennsylvania: http://sai.calu/caltimes/index/2011/11/16/facebook-has-negative-effects-on college-students/
Zuckerberg, M. (2012, October 4). Newsroom. Nakuha October 10, 2012 mula sa Facebook: 1c9.aspx
http://newsroom.fb.com/News/One-Billion-People-on-Facebook-