BNHS SENIOR HIGH INTRAMURALS 2017
Ilang beses ng muntik di matuloy ang aming Intramurals ito ay dalawang beses naurong ngunit noong September 22, 2017 Friday ay ginanap na ang unang araw ng aming Intramurals. Lahat ay nanabik sa Intramurals dahil nga ilang beses na itong muntik di matuloy. Noong umaga ay umuulan ngunit rain or shine ay tuloy na tuloy na ito. Laking pasasalamat namin dahil di nagtuloy tuloy ang ulan. 6:00am ang call time dahil magkakaroon ng parade. Lahat ay nagtipon tipon muna sa Magsaysay Gym at pagtapos ay lumakad na ang parade papuntang annex upang doon na official na buksan ang aming Intramurals 2k17. Nagkaroon ng Zumba Contest bawat Strand. Lahat ay todo bigay sa pagsayaw at paghataw upang maitanghal na panalo. Mapa teachers o estudyante man ay todo sa paghataw. Nagdasal at inawit ang pambansang awit. Nagkaroon ng performance ang AND students, nagbigay ng maikling mensahe ang Presidente ng PES maging ang kanilang adviser. Pagtapos nito ay official ng binuksan ang Intramurals sa pamamagitan ng pagpapalipad ng balloons kada Strand. Nagsimula na rin ang iba’t ibang contest. Back to back ang contest at simultaneous na ginaganap. Ipinakilala muna ang mga hurado na huhusga sa bawat contestants at maging ang criteria for judging. Unang lumabas ang mga kandidato at kandidata para sa Bebot at That’s my Tomboy. Pagtapos nito ay sinimulan na ang official contest. Lahat ng estudyante ay naghihiyawan para sa mga kani kanilang pambato. Sa bawat paglabas at paglakad ng mga kandidato at kandidata ay nababakas ang saya sa mga mata ng manunuod. Lahat sila ay nakangiti at tumatawa at halatang nageenjoy sa aming Intramurals. Sa paligid naman ay mga iba’t ibang booths na nakatayo may food, photo at videoke para sa gusto kumanta. Bebot-That’s my Tomboy-Spoken Word Poetry-Doble Kara ang naging sequence ng contest. Bawat isa sa kanila ay ipinakita ang kani kanilang talento at galing sa pagperfom at pagpapasaya. Lahat ay confident at nageenjoy lang. Lahat sila ay magagaling at karapat-dapat na manalo ngunit sa isang contest ay may itatanghal talagang panalo at may matatalo at ang desisyon ay nasa kamay ng mga judges. Manalo matalo ay ang mahalaga ay binigay nila ang best nila at ang pinaka mahalaga ay nagenjoy at nakapagpasaya sila ng tao. Nang matapos ang contests at pagrampa ng Bebot at That’s my Tomboy suot ang iba’t ibang damit ay itinanghal na ang panalo. Mula sa Stem ang nanalo sa Bebot. ABM naman sa That’s my Tomboy. STEM sa Spoken Word Poetry at ABM sa Doble-Kara at sa Zumba Contest. Lahat ay masaya at nagenjoy. Lahat ng itinanghal na panalo ay deserving. Natapos na ang program sa umaga at nagtanghalian na ang bawat isa. Nagkaroon din ng palaro para sa mga teachers. 2:00pm ng simulan ang program sa hapon mayroon pang tatlong contests na gaganapin. May Dance Craze, Battle of the Bands at syempre ang di mawawala na contest sa Intramurals ang MR. & MS. INTRAMURALS 2017. Sinimulan na ang contest. Alternate ang Mr. & Ms. Intramurals at Dance Craze. Naggwagwapuhan at naggagandahan ang mga kandidato at kandidata ng Mr. & Ms Intramurals. Lahat naman ay todo sigaw at hiyaw para sa kani kanilang pambato. Ang mga kandidato at kandidata naman ay confident sa paglakad at pagdadala ng ibat’ ibang damit. Sa Dance Craze naman ay kanya kanyang konsepto at todo bigay at paghataw sa pagsayaw. Nang matapos ang pagrampa ng iba’t ibang damit ay ang Question and Answer Portion. Lahat ng kandidato’t kandidata ay matalinong sinagot ang tanong na kanilang nabunot. May mga ilang nahirapan ngunit naitawid naman. Pagkatapos ay inanunsyo na ang panalo. AND ang itinanghal na panalo sa Dance Craze sunod ang STEM. Sa Mr. & Ms. Intramurals naman ay parehong galing sa STEM ang itinanghal na panalo. Lahat ay masaya at natuwa lalo na kaming STEM students dahil ang pambato namin ang nanalo at isa pa kaibigan ko din ito. Pagtapos nito ay ginanap na ang Battle of the Bands. Lahat ay masayang nagkakantahan at enjoy na enjoy sa tugtugan. Tinawag nga itong After Party gabi na ng matapos ito.
Lahat ay umuwing may ngiti sa labi, masaya at nagenjoy. Tunay ngang naging masaya ang unang parte ng aming Intramurals. September 25, 2017 Monday ang ikalawang araw ng aming Intramurals. Sa araw na ito ay gaganapin ang contest sa iba’t ibang sports. Simultaneous din nagaganap ang contest. May Basketball, Volleyball, Badminton, at Table Tennis. Bawat isang manlalaro ay ipinakita ang kani kanilang galing sa kani kanilang sports. Proud na lumalaro upang irepresent ang kanilang strand. Lahat ay halatang nageenjoy di lang silang manlalaro maging ang kanilang mga manunuod at supporters lalo na ang may mga crush na player. Pagtapos ng iba’t ibang contest ay nagsiuwi na rin ang bawat isa. Bakas ang pagod ngunit sulit naman ang pagod dahil halatang naenjoy nila ang Intramurals. Lahat ay umuwing masaya at may mga ngiti sa labi. At pagtapos ng pageenjoy ay back to normal na ulit. Balik sa pag-aaral at pagfofocus sa academics. At kanya kanyang gawa na ng mga requirements na dapat ipasa. Tunay ngang naging napakasaya para sa akin ng Intramurals 2017. First time na Intramurals ko ito ngayong ako’y senior high na. Ako’y nananabik sa susunod na Intramurals nawa ito rin ay maging masaya at nakakenjoy.