Ang Filipino sa Agham at Mathematika ni Daniel Yanga
“Sitwasyon ng Filipino sa Agham at Mathematika” nina Jazhmin Claire L. Canete, Nikah Pauline F. Alcantara, Cielo Fay Rico, Paula Christina Enriquez, Carla Jane Tigas, Karen Jane Sonido, Romilene Recano, Jann Ashley Paguio, Paul Cedrick Magat, Jared Yambao, Kim Eiron Faina, Ralph Brandon Enriquez
Introduksyon: Sa panahon natin ngayon ay tanggap o ginagamit na ng maraming siyentista ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng asignaturang Agham at Mathematika. Ayon sa kanila ang paggamit ng Filipino ay nakapagdudulot ng mahusay at mabilis na pag-unawa sa pag-aaral ng asignaturang Agham at Mathematika. Maaari nga bang gamitin ang wikang Filipino sa mga asignaturang Agham at Mathematika? Hindi ba ito magiging mahirap unawain? At mas makakatulong ba ito upang mas maunawaan ang mga asignaturang Agham at Mathematika? Lubusan bang naisusulong at naitataguyod ang Filipino sa larangan ng Agham at Mathematika? Nilalaman: Para sa amin at sa iilan hindi ganoon kalaganap ang pagtataguyod at pagsusulong ng paggamit ng Filipino sa pagtuturo o pag-aaral ng Agham at Mathematika dahil marami pa ring mga problema na dapat pagtuunan ng pansin at solusyunan. Katulad na lamang sa iba’t ibang Unibersidad ay wala namang batas o patakaran na nagsasabi na kailangang gamitin ang Filipino sa kolehiyo halimbawa na lamang sa kolehiyo ng enhenyera at kolehiyo ng agham. Isa pang suliraning kinakaharap ay ang kakulangan ng sapat na aparato, pinansyal o maging physikal ng ating Komisyon ng Wikang Filipino. Kulang sila sa pondo at kagamitan upang puspusang maitaguyod ang paggamit ng Filipino. Ngunit tulad ng DLSU at ADMU ay may mga textbuk na silang nailimbag gamit ang Filipino halimbawa sa kimika, physika, biolohiya, mathematika at iba pa. Isa na itong malaking katagumpayan kung tutuusin ngunit kung mainam na susuriin at oobserbahan ang mga terminolohiya na ginamit ay di ito magkakapareho. Marapat na ang mga siyentista at mga nagtatrabaho sa paggamit ng Filipino ay mag-usap at magkasundo sa mga gagamiting salita at terminolohiya.sss Dapat ay iisa lamang sila ng mga salitang gagamitin upang
magkaunawaan. Mahirap kung magkakaiba pa ang salin ng siyentipikong termino sa Ingles. Isang halimbawa ay ang terminong acceleration, mas maganda siguro kung ang salin na gagamitin sa mga textbuk ay akselerasyon. Kahit na mas madaling maunawaan kung ang gagamiting salin ay arankada siguro dapat ay ang opisyal na salin na akselerasyon pa rin ang dapat gamitin at ilagay na lang natin sa ikalawang prioridad ang salitang arankada. Mayroon pang mas mabigat na dahilan kung bakit mas angkop na gamitin ang akselerasyon dahil sa physika, ay mayroong dalawang uri ng akselerasyon una ay ang postibo ang ikalawa ay negatibo. Kung postibo ang akselerasyon lumalaki o palaki ang kantidad ng tulin o bilis. Kung negatibo naman ay lumiliit o papaliit ang kantidad ng tulin o bilis; ang tawag dito ay akselerasyon. Parang hindi naman siguro maganda kung ang negatibong arankada ang gagamitin rito dahil una pa lang ay alam naman natin na kapag naririnig o ginagamit ang salitang arankada o umaarankada ang dyip, lumalaki ang tulin nito o bumibilis ang takbo. Katulad din ng terminong square root sa Mathematika. Hindi naman ito maaaring isalin ng kada salita sapagkat hindi na ito magiging wasto at maganda sa pandinig. Ngunit kung tutuusin, mas malaki ang tiyansa na maiintindihan ito ng karamihan kung makakahanap ng mas maganda pang termino. Marapat din na magkaisa sa salin ng mga terminong kagaya ng gravity, theory, philosophy, mathematics, at iba pa. Imbes na grabidad, teorya, pilosopiya, matematika bakit hindi gawing ang katumbas na salin ay gravidad, theorya, philosopiya, at mathematika dahil mas malapit ito sa orihinal na terminong Ingles. Konklusyon: Marami ang mga suliraning pang kinakaharap ng pagsusulong at pagtataguyod ng paggamit ng Filipino sa Agham at Mathematika tulad ng nabanggit kanina na kakulangan ng pondo sa pinansyal maging sa aparato at iba pa. Gayundin ang di pa nagkakaisang salin ng mga bawat terminolohiyang siyentipikoong Ingles. Para sa amin may mga salita talaga sa Wikang Ingles na walang katumbas na salita o salin sa Wikang Filipino kung kaya’t minsan ay ang spelling na lang ang iniiba o ilang mga titik upang masalin sa Filipino. Ngunit kung hindi talaga kayang isalin sa Filipino hindi naman masamang manghiram tayo ng salita basta ang lagi nating isa isip at tandaan na huwag nating kalilimutan ang ating Wikang Filipino. Dahil ito ang yaman at pagkakakilanlan natin. Ang Filipino din ang ating wikang kinagisnan at ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagusap nasa tahanan, paaralan, o trabaho man tayo. At kung talagang gusto nating itaguyod ang Filipino sa Kolehiyo at mga Unibersidad maging sa asignatura o sa larangan ng agham at mathematika ay nakasalalay ito sa kamay ng Komisyon sa Mataas na Edukasyon (CHED) mga mambabatas. Kailangan natin ng political will at programa upang maisakatuparan ang mga ito. At para sa aming opinion, kung may sapat lang sanang atensiyon na ibinibigay sa paksang ito,
maaaring magamit na ang wikang Filipino sa mga asignatura tulad ng Agham at Mathematika na Ingles ang ginagamit upang ituro magpasahanggang ngayon. Hindi ba’t mas makakatulong sa pagiging soberaniya ng bansa ang paggamit ng ating sariling wika sa pag-aaral? Napapaisip na lamang kami, kung ang mga Hapon ay hindi marunong mag-Ingles, sa anong lengguwahe nila inaaral ang Agham at Mathematika? Malamang ay sa wikang Nihonggo. Kung kaya nila, bakit hindi din tayo, hindi ba? Tutal naman ay nagiging laganap na rin ang wikang Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo, hindi na ito magiging mahirap para sa atin. Dapat ay sama sama nating itaguyod ang pag-unlad ng ating sariling wika sa anumang paraan mayroon tayo. Rekomendasyon: Ang mga rekomendasyon namin ay: dapat pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng pondong pinansyal, aparato, maging physikal upang mas maisulong at maitaguyod pa ang paggamit ng Filipino sa agham at mathematika. Dapat din na magpalimbag pa ng mga textbuk na nakasalin sa Filipino. Dapat magkaroon din ng usapin tungkol sa gagamiting mga salita o salin ng mga siyentipikong termino upang mas magkaunawaan ang bawat isa. Dapat din magkaroon ng mga programa at patakaran upang maisulong ang paggamit ng Filipino hindi lang sa kolehiyo o mga Unibersidad at sa larangan ng agham at mathematika maging sa pangkalahatan at sa buong bansa. Dapat din ay magkaisa tayo sa pagpapalaganap ng ating sariling wika dahil sino ba ang gagawa nito kundi tayo ding mga Pilipino. Tayo na ring mga Pilipino ang tumatapak at yumuyurak sa ating sariling wika kung kaya’t ang pag-unlad natin ay nahahadlangan at napag-iiwanan na tayo ng ibang bansa.