Acquisition-Learning Hypothesis Ano nga ba ang Acquisition-Learning Hypothesis? Ano ang nilalaman ng hypothesis na ito? Ano ang mabuti at hindi magandang dulot ng hypothesis na ito? Ano ang pagkakaiba ng Language Acquisition/Acquired system at Language Learning/Learned System? Ano ang mga halimbawa nito? Bakit tinuligsa ang mga teorya ni Stephen Krashen? Paano niya ito napagtagumpayan? Dito ay malalaman natin ang lahat ng iyan base sa paliwanag ni Stephen Krashen. Atin ding kikilalanin ang tao sa likod ng hypothesis na ito na si Stephen Krashen. Si Stephen Krashen ay isang linguist, educational researcher at activist. Noong 1990, habang ang estado ng California ay lalong ligalig sa usapin sa edukasyong bilingguwal, Si Krashen ay nakatulong sa pagtataguyod ng mga dapat isaalang-alang sa pag-aaral ng pangalawang wika. Ang kanyang Acquisition-Learning Hypothesis ang naging sentro ng kanyang gawaing pangakademiko. Ang Acquisition-Learning Hypothesis na ito ni Krashen ay umiikot sa konsepto ng “comprehensible input,” terminong nangangahulugang “messages that can be understood.” Ang Comprehensible Input ay mahusay na natatanggap kapag natutunan o narinig ng mag-aaral ang gusto o kailangan niyang malaman. Ipinagkumpara ni Krashen ang “language learning” sa “language acquisition,” binibigyang diin na ang learning ay isang pormal na proseso, isang halimbawa nito ay ang nangyayari sa loob ng silid-aralan. Ito ay binubuo ng isang conscious na proseso na nagreresulta sa conscious na karunungan tungkol sa lengguwahe o wika. Ito ay ginagamit sa pormal na sitwasyon, nakadepende sa aptitude at gumagamit ng grammatical rules. Halimbawa ay karunungan sa grammar rules. Samantalang kapag ang tao ay nakarelaxed ang acquisition ay nangyayari sa paraang impormal. Kinikilala niya ang “language acquisition” sa oras na kung saan ang mag-aaral ay nakikinig ngunit hindi komportable sa pagsasalita. Ito ay isang produkto ng subconscious na proseso na katulad ng pinagdadaanang proseso ng mga bata upang makuha o matamo ang kanilang unang wika. Ito ay nangangailangan ng natural na komunikasyon sa target na wika. Nakadepende sa attitude. Gumagamit ng grammatical feel. Kinikilala ng Acquisition-Learning Hypothesis na ang mga mag-aaral ay mas matututo kapag sila ay nabigyan ng mas maraming comprehensible input. Ang kakulangan sa comprehensible input ay nakakapagpabagal sa language acquisition. Halimbawa ang Total Immersion Language Teaching ay mahusay na nagtagumpay dahil sila ay nagbigay ng maraming comprehensible input. Kapag ang isang tao ay nabilang sa isang kultura kung saan hindi nila alam ang lengguwahe o wika sila ay may matinding pangangailangan at pagnanais na matuto at makapagsalita ng ganoong wika. Ang mga naturang mag-aaral ay hindi interesado sa araling gramatikal mula sa libro. Sa halip ay gusto nilang marinig ang “comprehensible input” tungkol sa
kultura na magtuturo sa kanila kung ano ang kailangan nilang malaman upang makasabay. Ang Acquisition-Learning Hypothesis ni Krashen ay may pagkakatulad sa The Communicative Approach to Language Study at Noam Chomsky’s Theory of Generative Grammar. Ang ideya na “comprehensible input” ay isang simpleng paraan ng pagsasabi na ang mga mag-aaral ay mas matututo ng iba’t ibang lengguwahe o wika kapag sila ay nag-aaral tungkol sa mga bagay na interesado sila. Ang ideyang ito ay ang kahulugan ng Communicative Approach. Ang Natural Order Hypothesis ni Krashen ay nagsasabi na natatamo natin ang rules of grammar sa pamamagitan ng logical order. Ito ay katulad sa Generative Grammar’s Hypothesis na ang pangunahing pundasyon ng human grammar ay malalim na nakatanim sa utak ng tao. Narito ang magandang dulot ng Acquisition-Learning Hypothesis: ang wika ay natututunan sa pamamagitan ng natural na komunikasyon. Samantalang ang negatibong dulot ay: ang ideya na “Language does not lead to acquisition” ay pinabulaanan ng karanasan ng sinumang nainternalize ang ilan sa grammar na kanilang sinaulo. Ikalawa ay mula sa pahayag ni Gregg na: ang kahulugan ng acquisition subconscious at learning conscious ay hindi malinaw. Si Stephen Krashen ay tinuligsa dahil sa hindi pagkakaroon ng sapat na ebidensiyang empirical na magpapatunay sa kanyang mga teorya. Inakusahan ni Gregg si Stephen Krashen na gumagamit ng “ill-defined terms.” Tinuligsa din ni McLaughlin ang mga teorya ni Stephen Krashen at sinabing ito ay mahina at hindi wasto. Gayunpaman, nagsagawa si Stephen Krashen ng malawakang pananaliksik upang matukoy at malaman na totoo ang kanyang mga teorya at ang dedikasyon niya sa pagtataguyod ng edukasyong bilingguwal ay hindi maitatanggi. Ang madalas niyang paglabas sa media ay nagtulak ng bilingualism sa harap ng pampublikong kamalayan. Sa loob ng higit 30 taong pananaliksik at daan-daang nailimbag na artikulo at mga libro si Stephen Krashen ay itinuring na tunay na linguistic theorist. Ang madamdaming mga gawa ni Stephen Krashen ay nag-iwan ng indelible mark sa hinaharap ng bilingual education sa America. Ang Acquisition-Learning Hypothesis ni Stephen Krashen ang pinakaimportanteng aspeto sa kanyang teorya sa Second Language Acquisition. Nagsasaad ito na mayroong dalawang independent na paraan upang mapaunlad at mahasa ang ating kasanayan sa wika: acquisition at learning. Ngunit ayon kay Stephen Krashen acquisition ang pinakaimportante kaysa sa learning.