Demo Teaching - Science 3 - Tagalog.docx

  • Uploaded by: Aneth Lubis
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Demo Teaching - Science 3 - Tagalog.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,102
  • Pages: 4
PINAGSUMILAN ELEMENTARY SCHOOL Asignatura: Agham 3 - IKATLONG MARKAHAN - Ikalawang Linggo Nilaang Oras ng Pagkatuto: 50 minuto Ginamit na Wika: Mother Tongue (Tagalog)

(1-2 araw)

I. Layunin: 1. Matukoy ang iba’t ibang pinagmumulan ng liwanag/ init na naaayon sa mga larawan o tunay na bagay 2. Matukoy ang mga halimbawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng liwanag/ init 3. Mauri ang mga pinagmumulan ng liwanag/ init likas man o artipisyal II. Paksang Aralin A. Mga Kasanayan 1. Pagtukoy ng iba’t ibang pinagkukunan ng liwanag/ init na naayon sa mga larawan o aktwal na halimbawa ng bagay 2. Pagtukoy ng mga halimbawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng liwanag/ init 3. Pagbubukud- bukod ng mga pinagmulan ng liwanag/ init B. Mga proseso Pagkilala, Pagtukoy, Pagmamasid, Pagbubukud-bukod C. Pagbubuo ng Konsepto 1. Ang araw, buwan, mga bituin, elektrisidad, “ flashlight”, kandila, lampara, lighter, posporo, baterya o apoy ay mga pinagmumulan ng liwanag o init. 2. Ang mga bagay na ito ay nakapagbibigay ng liwanag, init o parehong liwanag at init. 3. Ang araw ang pangunahing pinagmumulan ng liwanag at init. Ang liwanag at init ay maaari ring malikha sa pamamagitan ng “friction, elektrisidad o pagsusunog. 4. May dalawang uri na pinagmumulan ng liwanag/ initang likas at artipisyal na pinagmumulan. D. Mga sanggunian Growing with Science and Health 3 Cyber Science 3 pp. 215- 221 K to 12 Curriculum Guide 3 p.13 E. Mga Kagamitan Tunay na bagay/Larawan ng mga bagay na pinagmumulan ng liwanag at init F. Pagpapahalaga Maasahan

III. Pamamaraan A. Balik – aral Kumuha ng larawan ng bagay, sabihin kung pinaandar ng kuryente, bateriya O parehong kuryente at bateriya. Halimbawa : washing machine, plantsa, at iba pa

B. Pagganyak Pagbuo ng photo puzzle gaya ng larawan ng araw, siga, sulo at iba pa, pagkatapos buuin ang larawan sabihin ang pangalan nito. C. Paglalahad 1. Ipinakikita ng guro ang sagot ng mga bata. Araw buwan mga bituin

flashlight posporo siga

Pagtatalakay 1. Ano ang ibinibigay ng araw sa atin? 2. Ano ang kahalagahan ng liwanag at init na ibinibigay ng araw? 3. Ano ang ibang mga bagay ang makikita natin sa himpapawid kung gabi? Ano ang naibibigay ng mga ito sa atin? 2. Video Presentation sa pinagmumulan ng liwanag D. Pangkatang Gawain 1. Pamantayan/Rubric sa pangkatang gawain 2. Pangkatin ang klase sa tatlong pangkat. Pangkat 1 – I. Layunin: Matukoy ang mga halimbawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng liwanag/ init. II. Kagamitan : sikat ng araw, basang papel, bagay sa paligid III. Pamamaraan 1. Ang bawat isa ay magbasa ng papel at ibilad sa araw ng 5minuto. 2. Habang nakabilad ang papel magtala ang bawat isa ng mga bagay nanakikita sa paligid. IV. Obserbasyon 1. Ano ang pinagmulan ng init upang matuyo ang papel? 2. Bakit makapagtala ka ng mga bagay sa iyong paligid? 3. Ano- ano ang ibinibigay ng araw? V. Paglalahat Punan ang patlang. Ang _ _ _ _ ay pangunahing pinagmumulan likas na _ _ _ _ at liwanag. Tandaan : Gumamit ng payong o sombrero bilang proteksyon sa init ng araw. Hwag tumingin ng direkta sa sikat ng araw.

Pangkat 2 – I. II. III. 1. 2. 3.

Layunin : Matukoy ang mga halimbaawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng liwanag/ init. Kagamitan : malaking kahon, larawan flashlight, kandila at posporo Pamamaraan Gamitin ang flashlight upang makita ang mga larawan na nakadikit sa loob ng kahon Itala ang mga larawan na ito. Sindihan ang kandila gamit ang posporo upang gamitin upang makita ang mga bagay sa kahon

4. Itala ang mga bagay na ito. IV. Obserbasyon 1. Ano- ano ang ibinibigay ng flashlight upang makita ang mga larawan sa loob ng kahon? 2. Saan kumuha ngliwanag ang flashlight? 3. Bakit mabilis mong pinatay ang lighter o posporo? 4. Maliban sa liwanag ano pa ang ibinigay ng kandila at lighter? V. Paglalahat Punan ang patlang. Ang _ _ _ _ _ _ _ _ _ _, _ _ _ _ _ _ _, _ _ _ _ _ _ _ ay halimbawa ng artipisyal na mga bagay na pinagmumulan ng init at liwanag. Tandaan : Patayin agad ang posporo, kandila at lighter pagkagamit upang maiwasan ang sunog Pangkat 3 – I. II. III.

III. 1. 2.

Layunin : Matukoy ang mga halimbawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng liwanag/ init. Kagamitan : dalawang bato, larawan Pamamaraan 1. Gamit ang dalawang bato ikuskos ito sa isat isa. 2. Tingnan ang mga larawan pangkatin ang mga bagay na likas /artipisyal ang liwanag at init. Obserbasyon Ano ang ibinibigay ng pagkuskos ng dalawang bagay? talaan ng bagay na likas /artipisyal ang liwanag at init.

V. Paglalahat Punan ang patlang. 1. Ang _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ o friction ay maaaring pagmulan ng init at liwanag. 2. May _ _ _ _ _ at _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ na pinagmumulan ng liwanag/ init. E. Pag- uulat ng bawat pangkat at pagwawasto ng bawat rubrics. F. Pagpapahalaga Sagutin ang sitwasyon Nagsindi si nanay ng Christmas light, nakita mong nakatulog na siya, ano ang dapat mong gawin sa Christmas light na kanyang sinindihan. Bakit? G. Pagbuo ng konsepto Ipabigkas ang tulang Liwanag at Init Init at liwanag si Haring araw ang pinagmulan Na aking kaagapay sa aking paglalakbay Katuwang mo pa ni araw sina bituin at buwan Nasayo kumukuha ng lakas ng init at kinang. Sina sulo , kandila, kuryente, layter, posporo At kasamang iba pa, artipisyal man ang init at liwanag nila Malaking tulong sa kadilimang bumabalot sa bawat isa Kayat laging bitbit sa aking bulsa. Likas man o artipisyal ang pinagmumulan ng liwanag at init ika’y kailangan nitong daigdig.

H. Pagsasanay a. Pangkatin ang likas at artipisyal na pinagmumulan ng liwanag at init (larawan) b. Hanapin ang iba’t ibang pinagmumulan ng linawag at init sa maze. (Activity sheet)

IV. 1. 2. 3. 4. 5.

V. 1. 2. 3. 4. 5.

Iguhit ang araw buwan buwan Posporo fluorescent Bituin kandila

kung likas na pinagmumulan ng liwanag at init at kung artipisyal.

Pagtataya - Iguhit ang araw kung likas na pinagmumulan ng liwanag at init at buwan kung artipisyal. Christmas light araw Elektridad Sulo Layter

VI. Takdang – Gawain “Science notebook.” Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang konsepto. 1. Ang _________ ay pangunahing pinagmumulan ng init at liwanag. 2. Ang __________________ ay nagbibigay ng liwanag kung gabi. 3-4.Kung ang isang bagay ay nasusunog, nagbibigay ito ng __________________ at__________________ 5. Ang __________________ at artipisyal ay pinagmumulan ng liwanag at init.

Inihanda ni:

ROSA T. CABIGAN Grade III - Teacher

Note : Please check and improve…Thank you

Related Documents

Demo Teaching
August 2019 33
Nematodes - Teaching Demo
November 2019 33
Demo 3
October 2019 14
Demo 3
October 2019 7

More Documents from ""