DECEMBER 24 Narrator:
Sa nakaraang walong Simbang Gabi ay natunghayan natin ang naging kwento ng ating mga kabataan at kung paano nila hinarap ang mga problema at pagsubok sa kanilang pamilyang kinagisnan. Ngayon, balikan muli natin ang pinaka-unang araw at tunghayan natin ngayong gabi kung sino nga ba ang tunay na liwanag ng pasko.
SCENE 1 Star:
Oh ayan, ayos na ha? Wala nang kulang.
Abby:
Anong wala? Wala pa kaya si Ryan.
Star:
Ay oo nga pala, jusko, asan na kaya 'yun?
Rina:
Ayan, kinakalimutan niyo kasi si Kuya e.
Kate:
Tawagan niyo na kaya.
(dadating ang mga bakla ng taon) Angel:
Wow, at may pa party. Bakit hindi kami invited?
Jessica:
Oo nga, hoy! Mina? Bakit naman hindi mo kami sinabihan?
Mina:
Nako, pasensya na. Ano kasi e..
Jessica:
Sus! Reason reason ka pa d'yan ha. Teka, Kate? Bakit nandito ka? Kilala mo pala sila?
Bobby:
Oh? Ano namang kinalaman ni Kate sa inyo?
Kate:
Nako, hindi ko 'yan sila kilala ha.
Jessica:
Wow, denial ate? E ikaw nga yung kasa-kasama namin noon sa pagtutulak ng drog---
Kate:
Pwede ba? Umalis na nga kayo. Nanggugulo lang kayo e.
Jessica:
ng droga!
Star:
Kate? Anong sinasabi nitong mga 'to? Akala ko ba papasok ka sa kumbento?
Angel:
Haynako, ayan na nga ba ang sinasabi ko. Magkakaibigan kayo pero ang dami niyong tinatago sa isa't isa. Halika na nga mama, umalis na tayo dito.
Kate:
Totoo, pero nagbago na ako.
Star:
Bakit hindi mo sinabi man lang samin?
Kate:
Para saan pa? Para husgahan niyo?
Abby:
Ganyan ba ang tingin mo samin Kate?
Kate:
E kasi naman oh, ngayon palang, grabe na ang mga titig n'yo. Parang ang laki laki ng kasalanan ko.
Bobby:
Ang samin lang naman Kate, sana hindi mo tinago. At saka 'di ba, malapit ka ng pumasok sa Kumbento, alam ba nila ang tungkol diyan?
Kate:
Oo naman, pwede ba, 'wag niyo naman sana akong ipagdiinan na parang ang perpekto niyo, ikaw star? Hindi ba't ayaw mo noon sa nanay mo? Kulang na nga lang kalimutan mo ng may nanay ka, hindi ba kasalanan din yun?
Star:
Oh? Bakit sakin napunta to? Teka, ako lang ba? Bobby? Diba, ikaw 'tong palaging nagsisinungaling sa nanay mo para lang mapagtakpan yang mga kapalpakan mo?
Bobby:
At least ako tanggap ako ng nanay ko. Tinanggap niya ang mga pagkakamali ko. E eto ngang si Abby, mas malala, biruin mo yun? Dahil sa kanya namatay yung nanay niya.
Abby:
Teka teka bakit ako nadadamay? E nanahimik na ako dito? At saka, bobby naman? Alam mong hindi ko ginusto yun. Seryoso kayo? Ngayon pa talagang magpapasko saka tayo magtatalo talo? Mina naman, ano ba naman kasi yung mga kaibigan mong 'yun. Kaibigan mo ba talaga sila para sirain tayong lahat ngayong gabi?
Mina:
Wala akong kinalaman d'yan. Hindi ko naman alam na manggugulo sila dito e.
Rachel:
Sus, palibhasa kasi hindi din siya matanggap ng tatay niya noon.
Mina:
May sinasabi ka Rachel? Alam mo, pwede mo naman sabihin sakin kung ayaw mo sakin no? Hindi yang ganyan na palagi kang may sinasabi kapag nakatalikod ako.
*mag aaway na ang lahat* Rina:
Huy tama na! Ano ba? Tumigil na nga kayo. Asan na ba kasi si Kuya. Jusko naman.
*dadating si Ryan na dala dala lahat ng mga star* Ryan:
Anong nangyayari dito? Bakit kayo nag aaway? Paskong pasko oh? Seryoso? Ngayon pa?
Star:
Eto naman kasing si Kate e.
*Isa isang iaabot ni Ryan ang mga Star* Ryan:
Star, nakalimutan mo na ba? Yang star na yan ang naging tulay para magkasundo ulit kayo ng Mama mo. Bakit hindi mo ulit gawin dito?
Kate:
Sinabi ko naman na kasi, na nagbago na ako. At desidido pumasok sa kumbento para pagsisihan ang mga kasalanan ko.
Ryan:
Kate, alam kong may dahilan ka kung bakit hindi mo sinabi sa amin, at naiintindihan ko. Pero katulad ng star na 'to. Diba dapat lang na maging kasing liwanag nito ang pang unawa mk na pamilya mo kami at kahit ano kapa noon, tatanggapin ka namin.
Abby:
Kate, sorry. Ayoko lang kasi talaga na sinisisi pa ako sa pagkawala ni Mama. Alam ng Diyos na hindi ko kailanman ginusto at alam ng Diyos kung gaano ako nagsisisi.
akong
Ryan:
Abby, alam mo, sa mata ng Diyos. Pantay pantay tayo, makasalanan tayong lahat pero isa lang ang gusto Niya. Ang humingi ng tawad sa lahat ng mga nagagawa nating pagkakamali. Kaya etong star na 'to, magsisilbi yang Liwanag at gabay mo, sayo at sa pamilya mo.
Bobby:
Ryan, tama ka, yang star na yan ang ibinigay ni nanay sa akin noon para mapagtanto ko na, isang tawag mo lang sa Kanya, paniguradong papakinggan ka N'ya. Hindi man sa paraan na gusto mo, pero sa paraan na mas alam N'yang makakabuti para sa 'yo.
Mina:
Yang Star din na 'yan, isa 'yan sa dahilan kung bakit ako bumalik sa amin at dahil sa pag babalik kong 'yun, natanggap ako ng tatay ko, na yun lang naman talaga ang gusto kong mangyari sa buong buhay ko. Ang matanggap ako ng mga taong mahal ko.
Rachel:
Pasensya kana Mina, hindi ko sinasadya na masabi yung mga yun kanina. Pero alam mo, hanga ako sayo. Nagawa mong maghintay para lang sa pagmamahal na matagal mo nang inaasam. Ako, sa pamilya ko, simula noong bumalik yung dating sigla at saya, sobra sobra ang pasasalamat ko sa Kanya.
Rina:
Kuya, nagpapasalamat pa din ako kasi nakilala kita bilang kapatid ko. Nagpapasalamat ako dahil sa star na to, nagkakilala tayo nina Nanay, alam ko ngayon, sobrang saya ni Nanay kasi sa wakas, natanggap na siya ng anak niyang matagal na niyang hinihintay.
Ryan:
Halos lahat tayo, isa lang ang gusto ngayong pasko. Ang matanggap ang pinakamagandang regalo. Hindi materyal, ngunit paniguradong ang regalong ito ang magiging daan upang magkaroon ng tunay na Liwanag ang Pasko
*MARY WILL KNOCK THE DOOR, THIS SCENE WILL BE THE CONTINUATION FOR PANULUYAN* Narrator: sa kanyang pagdating ang liwanag niya’y magniningning at ililigtas ang mga buhay natin, sa kanyang pagdating pag ibig niya’y makakamtan. Sa kanyang pagdating, sama-sama nating alamin na si kristo ang tunay na liwanag ng pasko.