ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
KABANATA I – Ang Suliranin at Kaligiran nito Panimula Ang K-12 program ay sinumulang ipatupad ng pamahalaan noong taong panuruang 2012 na nag lalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa sa buong asya tanging ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampung taon na basic education kaya naman ipinatupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon ang K-12 cirriculum. Sa programang ito, ginagawang madatory ang pag pasok ng mga batang kindergarten, nagkakaroon din ng junior highschool (grade 7-10) at senior high school (grade 11-12) nag lalayong tulungan ang ating kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon hindi lamang sa buong asya, kung hindi sa buong mundo.
Isa sa mga layunin nito ay mas ihanda ang mga kabataan sa pag tatrabaho kapag sila ay nakapag tapos na sa senior high school makakakuha na sila ng certificate of compentency level 1 na igagawa ng tesda. Mag sisilbi itong pasaporte para makapag trabaho na sila, magandang balita ito lalo na sa mga kabataang walang pantustos sa kolehiyo para kay dating Pangulong Benigno Aquino III ang K-12 ay ang pag bibigay ng basuc compentencies na kailangan upang makapag trabaho ang mga kabataan, kahit senior high school pa lamang ay maari ng makakuha ng certificate of compentency level 1 basta mapunan ang mga kinakailangang papeles ng tesda at kapag nakapag tapos na ng senior high school ay maari na silang makapag trabaho.
Sa kasalukuyan, maraming tao ang nag tatanong kung ano na nga ba ang estado ng mga idibidwal na estudyante sa kanilang pag aaral malaki ba ang naidagdag ng kurikulum na ito sa kani kanilang kaalaman, pisikal, mentalidad at sosyal na aspeto.
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
Layunin Ang pag aaral na ito ay nag lalayong maipabatid sa mga indibidwal na mambabasa tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga senior high sa makabagong kurikulum at nag lalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano-ano ang mga kasalukuyang kalagayan ng mga senior high sa loob ng sampung buwan? 2. Ano-ano ang pangunahing problemang kinakaharap nila sa pang araw araw? 3. Ano-ano ang mga epekto sa kanilang akademikong pag ganap? 4. Magiging maganda kaya ang epekto nito sa kanilang pamumuhay? 5. Naging epektibo ba ito para mapa unlad ang kanilang sarili?
Kahalagahan ng pag aaral Mahalaga ang mga datos at impormasyong ang lalad dito sapagkat ito ay nakakatulong sa mga estudyanteng papasok pa lamang sa senior high school sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay malalaman din ng mga esdudyanteng papasok pa lamang sa senior high school kung saan at sa anong asignatura sila mahihirapan upang sa gayon mapag handaan na nila ang mga nasabing suliranin. Ang mga mananaliksik ay buong lakas at buong pusong isinagawa ang pag aaral na ito upang makapagbigay bahagi sa mga mambabasa kung anong suliranin ang kinakaharap ng isang mag aaral.
Saklaw at Limitasyon Ang panananaliksik na ito ay nakatuon sa kalagayan ng mga mag aaral sa senior high school. Saklaw nito ang mga estudyante sa ika-labing dalawang baitang ng senior high school sa ICCT College Main Campus Cainta Rizal.Nililimitahan ang pag aaral na ito sa mga mag aaral ng ika-labing dalawang baitang ng senior high school mula sa ICCT. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay kinakailangang mag karon ng ganitong pag aaral upang mag karoon ng sanggunian at masagot ang mga katanungan at makapag bigay ng karagdagang impormasyon at kaalaman sa mga susunod pang pananaliksik.
M-19