Alam mo ba, mare, na ganyan din ang naging problema ko noon bago namin natutunang mag-asawa ang tungkol sa OSHWIND sa isang seminar.
Na naman???!!! Noong isang linngo sabi mo hindi makalakad dahil natapakan niya ang basag na kuhol. Tapos ngayon nahilo dahil sa pagiisprey?
OSH-WIND*? Ano ‘yun? Tungkol saan ba iyon?
*Occupational Safety & Health—Work Improvement in Neighborhood Development (OSH-WIND)
Alam mo, ito ay proyekto ng Department of Agrarian Reform (DAR) upang maturuan ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na makaiwas sa sakuna at pagkakasakit na dulot ng maling pamamaraan ng paggawa sa bahay at sa bukid.
Madali siyang mahilo kapag sa hapon siya nag-iisprey tapos palagi pang nakapaa kapag nagsasaka.
“… ang dami ko ngang inaasikaso pati yang inaanak mong si Grace napaso dahil naglaro ng posporo at sinindihan ang isang kahon ng mga dyaryo. Muntik na nga kaming masunugan.”
Tamang-tama, mare, bukas may OSH-WIND Seminar na gagawin ang DAR diyan sa kabilang barangay. Kung gusto mo isasama ko kayong dalawa ni kumpare.
Parang maganda yata ‘yan, mare. Kailan ba uli may seminar tungkol sa OSH-WIND? Makadalo nga kami ng kumpare mo baka sakaling masolusyunan ang problema namin.