A: Wika, isang salita na pwedeng maging susi sa kapayapaan, kaunlaran at pagbabago J: Hindi makukumpleto ang taon kung hindi natin maipagdidiriwang ang Buwan ng Wika, Sa araw na ito gugunitain natin ang kulminasyon ng Buwang ng Wika na pinamagatang S: Filipino: Wikang Mapagbago A: Magandang Buhay mga Kapuso, Kapamilya at mga Kapatid, J: Maligayang Panonood sa pagtatapos ng Programa ng Buwan ng wikang pambansa A: Tumayo po tayong lahat na magsitayo para sa panalangin na pangungunahan ng mga mag-aaral sa Prep J: Manatiling nakatayo para sa pambansang awit at school hymn A: inaanyayahan ko Si Ginoong Peter Delima para sa pambungad na mensahe J: Maraming salamat Ginoong Peter para sa makabuluhang mensahe A; T. Jovie, magabalik tanaw tayo noong nasa elementarya at High school ka pa paano nyo ba ipandidiriwang ang kulminasyon ng buwan ng wika J: Ipinagdidiriwang naming ang Kulminasyon ng buwan ng wika sa pamamagitan ng pagsout ng mga magaganda at makukulay na filipiniana at barong tagalog, nagkakaroon din kami ng patimpalak sa pagsasayaw kagaya ng carinosa, itik-itik, tinikling at iba pa, syempre hindi mawawala ang mga katutubong laro isa na rito ang kinagigiliwan ng lahat ang Palo Sebo. A; Talaga ngang mahalaga ang pagdiriwang ng Buwan ng wika sapagkat ito ang siyang nagbubuklodbuklod sa atin at nagpapa(remind) sa atin na tayo ay isang Pilipino. J: tama ka nga T. April, at ngayon bilang pagunita natin sa ating Kumlinasyon ng Buwan ng Wika, tunghayan natin ang ating mga mag-aaral sa kanilang mga magagnda at makukulay na damit. A: Ating iisa-isahing tawagin ang mga mag-aaral sa kanilang kasuotan. Playgroup Sped Nursery Prep Kinder Functional J: Bigyan natin ng masigabong palakpalakan ang ating mga mag-aaral sa kanilang malikhain at magandang kasuotan! At mamaya-maya ay ating paparangalan ang mag-aaral na siyang may pinakamagandang kasuotan A: sa puntong ito ay lalaruin natin ang Larong Pinoy.
J: T. April alam mo ba na maymagandang maidudulot ang Larong Pinoy? A: Oo t. Jovie dahil sa larong pinoy ito ay naghuhubog sa atin sa