Buwan Ng Wikang Pambansa

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Buwan Ng Wikang Pambansa as PDF for free.

More details

  • Words: 257
  • Pages: 1
Buwan ng Wikang Pambansa Isang karangalan sa ating unibersidad ang maging bahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Ito’y isang

makabuluhang gawain sapagkat saan mang bansa ang katutubong wikaay tinataguyodat pinagyayaman.

Tunay nga na ang isang

katutubong wikang panglahat ay mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, unawaan, kaisahan at kaunlaran ng bansa. Bagama’t ang wikang banyaga ay ating itinataguyod din tungo sa epektibong pakikipag-ugnayang pandaigdigan, ang katutubong wika ay kahit kailan ay hindi maaaring maglaho sa ating sistema. Kaakibat ng ating sariling wika ay ang mga kaugaliang Pilipino na dapat nating ipagmalaki ay mapanatili.

Kabilang na rito ang

paggalang sa kapuwa, sa magulang, sa awtoridad at nakatatanda. Ito’y isang katangiang Pilipino na dapat nating buhayin sapagkat ito’y mahalagang pundasyon ng kaunlaran. Dapat din nating pahalagahan ang ating kahinahunan na tunay na nadarama sa pagbigkas ng ating sariling wika. Ito at iba pang mga mahahalagang katangian ng Pilipino ay tiyak na bibigyang kulay ng eksibit at mga aklat na ipapamahagi na kalakip sa pagdiriwang ng ating wikang pambansa.Sana ay mabigyan natin ng pansin ang kahalagahan ng disiplina sa pagdiriwang na ito. Ito ang pinakamagandang mensahe na ating maipaparating sa mga mag-aaral at iba pang saksi sa okasyong ito. Hindi sapat ang galling sa pagbigkas ng wikang Pilipino.

Mas

mahalaga ay maalala at maisabuhay natin ang mga katangiang susi ng pagsulong at pagbabago. Ako, ikaw, tayo ay Pilipino.

May

katutubong wika at may katutubong pag-uugali. Binabati ko ang mga namuno sa pag-oorganisa ng programang ito. Pinupuri ko ang inyong paglalaan ng panahon sa ganitong uri ng gawain. Mabuhay tayong lahat!

Related Documents