Book Report In Filipino

  • Uploaded by: ARLENE
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Book Report In Filipino as PDF for free.

More details

  • Words: 2,221
  • Pages: 10
CANAL DELA REINA ni Liwayway A. Arceo I.

Tema Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetong Sosyo-ekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay na kalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isang isyung napapanahon. Sa patuloy na “pag-iisang kahig, isang tuka” ng karamihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang ang kanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sa nobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita sa mismong kabuuan ng nobela pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas na kabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto. Isa pang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan pa rin ang naghahari.

II. Simula A. Mga Tauhan Pamilyang de los Angeles Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silang halimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya. 1. Salvador- ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at may lalim naman ito.

Madalas din siyang sumasang-ayon sa mga desisyon ni Caridad lalo kung sa tingin niya’y ito’y tama at para sa ikabubuti ng asawa.

na’t

2. Caridad- isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya. Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo na sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap. 3. Leni -panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor. Espesiyalidad nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical Board Exam. 4. Junior.- huling miyembro ngpamilya. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong Architecture sa isang unibersidad. Ang tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipag-usap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang kanyang mga magulang Pamilyang MarcialAng pamilyang ito ay puno ng kaguluhan. Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit na ayaw naman nito. 5. Victor - ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa kanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. 6. Gracia-asawang hinwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ng inang si Nyora Tentay 7. Gerry- anak ni Victor at Gracia

B. Tagpuan Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang nagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga lunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nadirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinakakalamnan ng nobela.

C. Suliranin Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa.

III. Gitna A.

Saglit na Kasiglahan Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal.

B. Tunggalian Nalaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga

pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa.

C. Kasukdulan Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahat ay nagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isang maayos at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuha ng abogasya at si Leni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasya silang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupa sa Canal de la Reina.

IV. Wakas A. Kakalasan Nagkaroon ng solusyon ang suliranin nang isang araw ay may dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulot nito ay ang pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at kasama rito si Nyora Tentay. Sa di inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas.

B. Katapusan Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang lupa sa tunay na nagmamay-ari.

V. Mensahe Maraming makikitang isyung-panlipunan sa nobela. Hanggang sa ngayon ay nagaganap pa rin ito sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Maliit man o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ng ating bansa. Makikita rito na ang tao ay maaaring magbago para sa ikabubuti nito. Hindi lahat ay isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sa

katangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan.

Ang Tundo Man May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz

I. Tema Ang panganay na nobela ni Andres Cristobal Cruz ay pinamagatang “Ang Tundo Man May Langit Din.” Kung mababasa ang aklat, mapapansin ang palagiang pagbanggit ng pangunahing tauhan sa pamagat ng nobela. Kung ang kabuaan ng isang nobela, o alinmang anyo ng sining pampanitikan ay sinasabing sagisag ng isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisipan at damdamin sa buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng tao at uring kanyang kinabibilangan. Ang Tundo Man May Langit Din ay maituturing na biyaya ng maraming ugnayan sa isang panahon ng pag-ibig. Narito ang maraming pagsubok, kabiguan at tagumpay, ang diwang ispiritwal, damdaming mapanghimagsik, ang pagkilos na makatao’t makabayan.

II. Simula A. Tauhan Victor Del Mundo – siya ay taga-Tundo na nangangarap na ang katulad niya ay may mahahanap na langit para sa kanyang Tundo. Alma Fuertes – siya ay mayaman ngunit mas pinipili niya ang buhay na simple lamang. Naniniwala rin siya sa paniniwala ni Victor na ang Tundo Man ay May Langit Din at ang langit ng kanyang daigdig ay si Victor Flor – siya ay kababata ni Victor at minsang naging mahal na mahal ni Victor, kaugnay ng kanyang buhay, sa isang panahon ng pangarap sa isang Looban sa Tundo. Ang panahong iyon ay nawakasan nang

hindi na makapagtiwala si Flor sa paniniwala ni Victor na “ang Tundo man ay may langit din.” Si Flor ay siyang maybahay, ang “misis” ni Tonyo ngunit napag-alaman niyang may ibang pamilya na ito bago pa siya magdalantao Tonyo – siya ang ama ng dinadala ni Flor ngunit sa kalaunan ng nobela ay malalaman ni Flor na siya ay mayroon ng pamilya at asawa bago pa sila magkakilala Chabeng – ang totoong maybahay at misis ni Tonyo na may malubhang sakit. Aling Sion – ina ni Victor na minsan lamang nila makausap ng maayos at laging tahimik Lukas – matandang kapatid ni Victor na kilala sa kanilang lugar Tatong Bamban, Paeng Gasti at Pilo - Mga matalik na kaibigan ni Lukas na laging tumutulong sa kanya Dolores – dating katulong nila Alma na nagawan ng hindi mabuti ng kanyang ama. Mister Fuertes – ama ni Alma na may itinagong lihim sa kanila tungkol sa anak nito sa katulong nilang si Dolores. Misis Fuertes – ina ni Alma na laging tinatambakan ng hairclips ang buhok Pocholo – kapatid ni Alma Monching – isang matalik na kaibigan ni Alma na mayroong matinding pagkagusto sa kanya. Minnie – pinsan ni Alma na lagi niyang pinagsasabihan ng kanyang nadarama

B. Tagpuan

Ang kwento ay umiikot lamang sa apat na sulok ng Tundo, partikular ang Torres High School.

C. Suliranin Ang bawat tauhan sa kwento ay may kani-kaniyang suliranin, si Flor ay nabuntis ni Tonyo na lingid sa kanyang kaalaman ay may sarili nang pamilya. Si Alma ay anak-mayaman na umiibig sa mahirap na si Victor. Ang ama ni Alma ay may anak sa katulong nilang si Dolores. Ngunit ang binibigyang diing suliranin sa kwentong ito ay ang pinaniniwalaan ni Victor na ang Tundo na may hindi magandang reputasyon, ay may langit din. Marami ang hindi naniniwala sa kanya ngunit buo ang kanyang loob na kaya nyang patunayan na Ang Tundo man ay may Langit Din.

III. Gitna A. Saglit na Kasiglahan Nagpaalam si Alma sa kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit niyang graduation. Inanyayahan ni Alma a ng kanyang mga kaklase at si Victor. Dumating ang araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod ng kanyang mga magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang mga kaklase ang magpaparty. Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya nitong dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagkait ang kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Alma at Victor.

B.Tunggalian Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng nagdadalantao. Nangangamba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng dinadala ni Flor. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor.

Nagkaroon ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at kay Dolores na dati nilang katulong.

B. Kasukdulan Nagkita muli sina Flor, Tonyo at Chabeng, sa araw na iyon, nakipaghiwalay na si Flor kay Tonyo dahil sa mas kailangan si Tonyo ng kanyang totoong pamilya. Hindi naman napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang ipagtapat na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dolores. Nasabi niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila ni Victor. Nagtatag si Victor ng isang adult education class upang maturuan ang mga matatanda sa kanilang lugar. Ang mga kabataang kasapi ng samahang Sikhay ng Kabataan ay naglinis ng estero kasama sina Victor at ang mga kumpare ni Lukas.

IV. Wakas A. Kakalasan Nakapagtayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama. Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.

B. Katapusan Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti lamang ang inimbitahan ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor ang araw ng kanilang pagiisang dibdib. At pagkaraan ng ilan pang sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo’y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa’t nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago’t matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala’y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.

V. Mensahe Minsan ay hindi maiiwasan ang tayo’y makagawa ng hindi tama. Minsan ito’y dahil sa silakbo ng damdamin o kaya’y dala ng kawalan ng pag-asa. Gayunpa man ang mahalaga ay ang ang makilalanatin ang ating mali at ang pagtutuwid nito tulad ng ginawa ni Flor. Tama lang na ipaglaban ang nadaramang pag-ibig kahit sinasabing kayo’y hindi bagay dahil hindi pantay ang estado sa buhay. Ang mahalaga ay wala kayong nilalabag na batas o nasasaktang damdamin. Napakagandang kaisipan ang magkaroon ng napakagandang pangarap sa kabila ng pagkontra ng iba. Ang pagiging masigasig sa pagabot ng parang imposibleng pangarap ay mahirap ngunit kapag ikawnaman ay nagtagumpay ay napakasarap. Kaya’t halinang mangarap at hanapin ang Langit sa ating buhay. Kung ang Tundo man ay may langit, alam kong ang Makati ay may Langit din.

Ipinasa ni:

VI- C.Aquino Ipinasa kay:

Related Documents

Book Report In Filipino
November 2019 19
Filipino
November 2019 31
Filipino
June 2020 24
Filipino
November 2019 34
Book Report
May 2020 7
Book Report
May 2020 8

More Documents from ""

Canal Dela Reina
November 2019 24
Inventions
November 2019 33
Book Report In Filipino
November 2019 19
Rainbow Words
December 2019 18
Picture Dictionary Page 1
December 2019 25