Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON REHIYON IV-A CALABARZON Sangay ng Lungsod ng San Pablo BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG IKAWALONG BAITANG
I. LAYUNIN Matapos ang talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Natataya ang pagkakahati ng mga bansa sa daigdig sa hilaga at timog. 2. Nasusuri ang mga isyu at programang kaugnay ng mga suliraning pandaigdig. 3. Nakapagmumungkahi ng mabisang pamamaraan sa pangangalaga ng bawat suliranin pandaigdig. II. NILALAMAN A. Paksa: MGA ISYU AT SULIRANING PANDAIGDIG B. Sanggunian: : Kasaysayan ng Daigdig 8 Nina : Mark Cruz, Mark Fietas, Michael Mercado Pahina : 436-455 C. Mga Kagamitan: Laptop, Speaker, Pictures, LCD Projector III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagtala ng liban sa klase B. Balik-aral Sa pagbabalik-tanaw natin sa inaral natin kahapon, Paano nga ulit naisasakatuparan ang neokolonyalismo sa mga nagsasariling bansa? K. Pagtuklas/Explore/Discovery Gawain 1. Pictionary 1. Populasyon 2. Migrasyon 3. Kahirapan at Kagutuman 4. Global Warming Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang mensahe ang nais iparating ng mga larawan? D. Pagtalakay ng Paksang Aralin/ Explain Paksa: MGA ISYU AT SULIRANING PANDAIGDIG : Hahatiin ang klase sa apat na Pangkat ang una-ikatlong pangkat ay siyang maghahanda ng presentasyon. Pandaigdigang Populasyon - Ayon sa United Populations Fund (UNFPA), lumolobo ang populasyon ng daigdig. Mula dekada 1950 hanggang mga taong 2000 - tumaas
ang life expectancy mula 48 sa 68 taon. Bumaba naman ang fertility rate, mula anim na anak bawat babae sa 25 at bumaba ang infant mortality rate, mula 133 na namatay na sanggol sa bawat 1000 kapanganakan sa 46 na namatay na sanggol sa 1000 kapanganakan. Migrasyon - tumutukoy sa paglipat ng paninirahan ng tao, malimit para sa ikasasagana ng buhay. Ito ay maaring magdulot ng brain drain, o paglisan ng propesyonal at skilled na manggagawa Kahirapan at Kagutuman - isa sa pangunahing problema sa ilang bansa. Ayon sa pinakahuling datos, 870 milyong katao ang under nourished at may 22,000 bata ang namatay sa bawat araw dahil sa kahirapan. Global Warming - isang malaking bantang kinahaharap ng daigdig, mapanganib sa tao, sa kapaligiran at sa lahat ng kabuhayan na nilalang. Banta rin nito sa kabuhayan ng mga mamamayan. E. Paglinang na Gawain/ Engaged Gawain 2. Pangkatang gawain Panuto: 1. Hahatiin ang klase sa lima na Pangkat ang una-ikaapat na pangkat ay siyang maghahanda ng presentasyon samantalang ang ikalimang pangkat ang magsisilbing mga hurado. 2. Muling pumunta ang bawat pinuno ng pangkat dito sa unahan at kunin ang papel na aking ibibigay. 3. Ang mga papel na ibinigay ko sa bawat pinuno ng pangkat ay naglalaman ng iba’t-ibang presentasyon na ipapakita dito sa unahan ng bawat pangkat. Ang mga presentasyong ito ay maglalarawan o magpapakita ng mga kaganapan sa mga Isyu at suliraning pandaigdig. 4. Mayroon lamang kayong limang (5) minuto para maghanda. At tigdadalawang (2) minuto para ipakita ang presentasyon. 5. Mga nakahandang gawain sa bawat pangkat: A. Unang Pangkat : Pandaigdigan Populasyon B. Ikalawang Pangkat : Migrasyon C. Ikatlong Pangkat : Kahirapan at Kagutuman D. Ikaapat na Pangkat : Global Warming E. Ikalima na Pangkat : Hurado 6. Narito ang aking mga Pamantayan sa Pagmamarka. PAMANTAYAN Naipapakita ng mahusay at maayos ang kaangkupan ng mga eksena sa konseptong napatapat sa pangkat. Nagpakita ng pagkamalikhain at naaangkop sa tema ang inihatid na impormasyon sa manonood.
PUNTOS 5
5
KABUUAN
10
F. Pagpapalawak/Elaborate Video Presentation ( Mga Isyu at Suliraning Pandaigdigan) Pamprosesong Tanong : 1. Paano kinakaharap ng mga tao ang mga isyu at suliraning pandaigdig? 2. Paano nakikipag-ugnayan ang mga bansa tungo sa pangdaigdigang kapayapaan at kaunlaran? G. Aplikasyon Panuto: Pumili ng isang miyembro na syang magpapaliwanag sa sagot ng pangkat tungkol sa katanungang ito. Bilang isang mag-aaral at kasapi ng lipunan, sa paanong paraan ka makatutulong upang magkaroon ng maayos na kasagutan sa mga isyu at suliranin sa ating bayan? IV. Pagtataya/Evaluation Gawain 3. Crossword Puzzle. Kumpletuhin ang krosword sa pamamagitan ng pagpuno sa isang salita na umaangkop sa bawat bakas o clue.
Across : 2.Ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. 3.Panganib ito sa tao, kaniyang kapaligiran at lahat ng nabubuhay na nilalang. Isang banta sa kabuhayan ng mga mamamayan. 5.Paglisan ng propesyonal at skilled na mga manggagawa mula sa isang larangan o bansa. 8.Isang programang nilunsad upang tulungan ang mga pinakamahirap na bansa sa pamamagitan ng pagpapautang. Down : 1. Isang pangdaigdigang samahan laban sa climate change. 4.Isang kalagayan kung saan hindi nakakamtan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw.
6.Tumutukoy sa paglipat ng paninirahan ng tao, malimit para sa mas masaganang buhay. 7.Isang pang padaigdigang samahan na naglulunsad ng mga programa upang malutas ang suliranin sa kahirapan.
V. KASUNDUAN/TAKDANG ARALIN Panuto: Gumawa ng isang Advocacy Campaign Video na naglalayong kunin ang suporta ng mga tao upang bigyang kalutasan ang isang partikular na suliranin. Ang inyong video ay dapat ilagay sa ating FB Jupiter Group upang mapanood ng marami at malagyan ng kanilang opinyon at kumento. PAMANTAYAN Nilalaman - Mahusay na nailahad sa video ang advocacy na nais suportahan. Hindi lumagpas sa tatlong minuto ang video. Pagkamalikhain Mahusay ang pagkakabuo ng advocacy campaign video. Angkop ang mga ginagamit na larawan, musika at iba pang elemento ng video. Presentasyon - Gumamit ng angkop na terminolohiya sa presentasyon. Mahusay na naipakita sa video ang advocacy at ang mungkahing solusyon. KABUUAN
Inihanda ni, ANDREA HANA B. DEVEZA Guro sa Araling Panlipunan Binigyang Pansin ni. MA. RUBY A. MENDOZA OIC-Head Teacher III
Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON REHIYON IV-A CALABARZON Sangay ng Lungsod ng San Pablo
BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10 KONTEMPORARYONG ISYU GRADE 10-RIZAL
PUNTOS 10
5
5 20
Inihanda ni,
ERNESTO P. DORADO Guro sa Araling Panlipunan
Binigyang Pansin ni. MA. RUBY A. MENDOZA OIC-HEAD TEACHER III