Aralin 5 Mapeh 4.pptx

  • Uploaded by: Ferdinand Sunga
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Aralin 5 Mapeh 4.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 521
  • Pages: 10
ARALIN 5 : MGA KATUTUBONG DISENYO SA KASUOTAN AT KAGAMITAN

Kalinga

Ifugao

Maranao

Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at makasining. Ito ay minana pa natin sa ating mga ninuno. Sa ilang salin na ng lahi ay patuloy pa ring nakikita ang mga bagay na makasining na likha ng mga katutubo. Kaakit-akit ang mga disenyong gawa ng ating mga pangkat-etniko. Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa paggawa ng mga kagamitang pantahanan, palamuti sa katawan, kasuotan at iba pa.

Suriin ang mga disenyo na ginamit sa mga larawan.

Ano-anong mga hugis, linya, at kulay ang ginamit sa kanilang mga kasuotan at kagamitan? Paano ito nagkakatulad at nagkakaiba?

Makikita ninyo sa sumusunod na mga larawan ang mga halimbawang dibuho ng ibat ibang pangkat-etniko. Mga dibuhong araw ( Sun Motif )

Pag-aralan ninyong iguhit ang bawat isa dahil gagamitin natin ito sa paggawa ng ating likhang-sining.

Mga Pamantayan Pangkaligtasan sa Paggamit ng Matutulis at Matatalim na Bagay

• 1. Ilabas lamang ang mga kagamitan sa utos ng guro. • 2. Ingatan na hindi makasakit gamit ang matutulis at matatalas na kagamitan. • 3. Magpatulong sa guro kung hindi marunong gumamit ng matutulis at matatalas na kagamitan. • 4. Huwag laruin ang matutulis at matatalas na kagamitan upang maiwasan ang aksidente. • 5. Iligpit kaagad ang matutulis at matatalas na bagay kapag tapos na gamitin.

Paggawa ng Coin Purse o Jewelry Pouch na may Katutubong Disenyo

Kagamitan: retaso, lapis, gunting, karayom, sinulid, at pangkulay tulad ng oil pastel, krayola, colored pen/pencil Mga Hakbang Sa Paggawa: 1. Maghanda ng mga retaso na lalagyan ng disenyo. 2. Pumili ng dalawang disenyong etniko at iguhit ang mga ito nang salitan sa retaso upang makabuo ng kakaibang likhang sining. 3. Kulayan nang maayos ang ginuhit upang ito ay maging maganda at kaakit-akit. 4. Itupi sa gitna ang retasong may disenyo at tahiin ang dalawang sulok nito. 5. Itupi nang maliit at tahiin ang pinakabunganga ng supot. 6. Ipasok ang tali sa may bunganga ng supot na magsisilbing hawakan. 7. Iligpit ang mga ginamit pagkatapos ng gawain.

Ano-anong mga pangkat-etniko ang nabanggit sa ating talakayan? Anong disenyo mula sa kalikasan o kapaligiran ang inyong ginamit sa paggawa ng obra? Bakit ninyo napili ang disenyo?

Ano ang natutuhan ninyo sa aralin natin ngayon? Maaari ba nating ihalintulad ito sa ating pang araw-araw na gawain? Bakit? Paano mo magagamit ang inyong nalalaman sa pang araw-araw

na buhay? Makatutulong ba ang mga ito sa iyo bilang bata at sa iyong pamilya? Paano?

Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrics. MGA SUKATAN 1. Nakilala ang iba’t ibang disenyo sa mga kagamitan at kasuotan na mayroon sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

2. Nakaguguhit ng mga motif sa pagbuo ng disenyo sa retaso. 3. Nakasunod nang tama sa mga hakbang sa paggawa ng likhangsining. Napapahalagahan ang mga katutubong sining sa pamamagitan ng pagguhit ng disenyo sa lagayan ng barya (coin purse) o lagayan ng palamuti (jewelry pouch).

Higit na nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (3)

Nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (2)

Hindi nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (1)

Related Documents

Aralin 5 Mapeh 4.pptx
December 2019 13
Mapeh Project
May 2020 24
Aralin 1feedback
November 2019 4
Banghay Aralin
August 2019 21
Banghay Aralin
August 2019 13
Group 2 Mapeh Iii
May 2020 9

More Documents from ""