Banghay Aralin Friday, February 14, 2014
Mala- Masusing Banghay- Aralin Sa Filipino IV I.
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay :
a. Nabibigyang-kahulugan ang mga piling pahiwatig, pahayag na ginamit sa akda. b. Napipili ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng kaasalang dapat sundin ng isang tao. c. Nasusuri ang kabanata batay sa teoryang humanismo.
II.
Paksang- Aralin
Paksa : Pagbasa at Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Humanismo Akd :: “ Titser “ ( Kabanata I ) May- akda : Liwayway A. Arceo Genre : Nobela Mga Kagamitan : Laptop, USB w/ video clips at mga kgamitang biswal Sanggunian : Tagumpay IV ni Rolando A. Bernales Pahina 359-364 Halagang Pangkatauhan : Koopersyon, Pagkamalikhain at Pagtitiyaga
III.
Pamamaraan
A. Panimulang Gwain 1.Panalangin 2.Pagbati 3.Pagsasaayos ng silid 4.Pag uulat ng liban
B. Pagbabalik tanaw Ibuod ang binasang Kabanata 1 ng nobelang “ Titser “.
C. Pagganyak 1. Pagpapanood ng isang video clip na pinamagatang “ Si Ma’am ”. 2. No ang naramdaman ninyo matapos matunghayan ang video clip? 3. Paano ninyo maiuugnay ang video clip sa akdang ating binasa kahapon?
D. Paglalahad
Sa araw na ito ipagpapatuloy natin ang pagsusuri sa nobelang “ Titser “ ni Liwayway A. Arceo.
Ano ba ang Teoryang Humanismo Teoryang Humanismo- ito ay ang pananaw na nagbibigay diin dignidad at kahalagahan ng isang indibidwal. Isang basikong saligan ng humanism ang paniniwalang
ang tao ay may niikhang rasyonal na taglay sa kanilang sarili ang kapasidad para sa katotohanan at kabutihan.
·
Magbanggit ng bahagi sa nobela na nagpapatunay sa teoryang ito.
E. Pangkatang Gawain
1. Panunuring Panglingguwistika : Pangkat 1
a. Pagpili ng mga pahayag na nagtataglay ng pahiwatig. b. Pagbibigay ng kahulugan sa mga napili. c. Pagbibigay ng tiyak na halimbawa.
PAHAYAG
KAHULUGAN
HALIMBAWA
1.
2.
3.
4.
5.
2. Panunuring Pangnilalaman : Pangkat 2
Pagpapapili ng mga ispesipikong pangyayari sa kabanata na naglalantad ng tunay na katangian ng mga tauhan sa pamamagitan ng kilos at salita sa loob ng kabanata.( Isagawa sa pamamagitan ng duladulaan )
3. Pagsusuring Pampanitikan : Pangkat 3 a. Pagtukoy sa mga katangian, iba’t ibang damdamin at saloobin ng mga tauhan sa akda.
CHARACTER WEB O HABI NG TAUHAN 
  
F. Pangwakas na Gawain : Debate
· PAKSA : Dapat bang makialam ang magulang sa pagpili ng kurso o propesyon ng kanilang anak? Pangatwiranan.
IV.
Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin ang mga tauhan batay sa kanilang pahayag. 1. “ Bakit, ito bang ginagawa ko, e para sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kanya”? 2. “ Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo, Inang!” 3. “ O, e ano’ng ng nangyari’t ganyan na naman ang mukha mo? Hindi raw ba siya sasama?” 4. “ Inang, kailangang malaman ni Osmundo ngayon na…na hindi maaari….” 5. “ Talagang pinaka gaga ka sa lahat ng anak ko ang isang ‘to, oo! Maaari namang kumuha kahiyt anong mabuti- buting karera…nagpilit na maging titser lang!
V.
Takdang Aralin :
Gumupit ng larawan hinggil sa gusto mong propesyon. Idikit ito sa oslo paper at sa ibaba, isulat ang mga hakbang na gagawin mo para matagumpayan ito.
carthymar cruz at 12:36 PM Share  No comments: Post a Comment ‹ Home View web version About Me
 carthymar cruz  View my complete profile Powered by Blogger.