Group 2 Mapeh Iii

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Group 2 Mapeh Iii as PDF for free.

More details

  • Words: 677
  • Pages: 3
GROUP 2 MAPEH III STAGE PLAY SAN MIGUEL ARKANGHEL Comedy Play By: Rafael A. Pulmano - curtain MULTO: Ang susunod na palabas ay may temang hindi angkop sa mga taong sobrang seryoso. Bagama't may mga bahaging hango sa katotohanan, ang iba sa mga pangalan at pangyayari ay sadyang binago, at anuman ang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang likhang-isip lamang ng mga gawa, na wala namang isip, at wala ring magawa. Pinapayuhan ang mga magulang na humingi ng patnubay sa kanilang mga anak. ANNOUNCER 1: (Station I.D. jingle) Kayo ay nakikinig sa himpilang DZ-Extra Large. Ang himpilang hindi mapagkakatiwalaan. Sais-kwarenta sa pihitan ng inyong mga radyo. (Music) ANNOUNCER 2: Antabayanan ang susunod na palatuntunan. Ang oras sa hudyat, ganap nang ika-12 ng umaga. (Sound) ANNOUNCER 3: Oras hatid sa inyo ng Wigg Shampoo. Wigg Shampoo, the shampoo for people with more face to wash and less hair to comb. Mabibili sa inyong mga suking tindahan, hardware at supermarket. ANNOUNCER 2: At ngayon... narito ang inyong tagapagbalita � si Ernie Pulburon. ERNIE PULBURON: Magandang umaga, Bayan. Narito na naman po ang inyong lingkod, maghahatid sa inyo ng mga umuusok na balitang naganap sa loob at labas ng ating bansa, sa inyong paboritong programang pangradyo, ang "Hoy! Ka-hoy!" (Hoy! Ka-hoy! jingle)

At ngayon, sa ating mga headlines. (Music) President Ramos, hindi na tatakbo sa 1998 elections. Maglalakad na lamang. (Music) Sa ibayong dagat � President Clinton ng Amerika, walang hilig sa sayaw, kaya hindi makikialam sa isyu ng Cha-Cha. (Music) Sa sports � Gordon's Gin, magiging kampeon muli, kung matatalo lahat ang mga kalaban sa susunod na PBA Conference. (Music) Sa balitang artista... ANNOUNCER 4: Balitang pinupukpok... (Sound) Balitang nilalagari... (Sound) At higit sa lahat, balitang inaanay! (Sound) Hoy! Ka-hoy! (Hoy! Ka-hoy! jingle) ERNIE PULBURON: Carmina at Rustom, nagkabalikan na... ng singsing, tsokolate, bulaklak at iba pang regalo. (Music) Samantala, narito si Miss Amada Pineda ng Weather You Like It or Not para sa pinaka-latest na report hinggil sa kalagayan ng panahon. (Music) AMADA PINEDA: (Visayan accent) Salamat, Ka-Ernie. Ang buong ka-Maynilaan, kasama na ang Luzon, Visayas, at Mindanao ay makararanas ng maganda at kaaya-ayang panahon sa susunod na veinte-cuatro oras. Magkakaroon ng banayad na ihip ng hangin... kasunod ng malakas na bagyo, ipu-ipo, pagkulog at pagkidlat... na sasabayan ng paglindol, tsunami, tidal wave at pagdaloy ng lahar sa lahat ng panig ng bansa. Ang araw ay sumikat kaninang umaga, at lulubog mamayang hapon. At yan po ang pinakahuling ulat mula sa tanggapan ng Weather You Like It or Not. Have a nice day. (Commercial Break) MALE SINGER: The first time ever I saw your face...

MALE VOICE: Aaahhhh!!!! FEMALE: Mga kaibigan, kayo ba ay may problema sa inyong mukha? Kung gayon, gumamit ng Miracle Cream and Facial Lotion. Ang Miracle Cream and Facial Lotion ay nagtataglay ng pinakamataas na uri ng mga sangkap na pampaganda at pampakinis ng kutis gaya ng muriatic acid, toilet disinfectant at high grade formalin. For people whose face nature forgot to finish, Miracle Cream and Facial Lotion is the solution. Available at all leading department stores, pet shops and funeral parlors nationwide. (Music) ERNIE PULBURON: Sa ating pagpapatuloy... (Music). Pakinggan natin ang ulat ni kasamang Julius ng Radyo Patrol Number 5-1/2 na ngayon ay nasa Saint Michael's College of Laguna, Bi�±an, Laguna. Come in, Julius. JULIUS: Maraming salamat, Ka Ernie, at magandang umaga sa ating mga tagasubaybay sa programang Hoy! Ka-hoy! Narito po tayo ngayon sa Saint Theodore's Gym ng Saint Michael's College of Laguna, kung saan ipinagdiriwang sa araw na ito ang kapistahan ng patron saint at archangerl ng nasabing paaralan, si Saint Michael. Isang masaya at makulay na palatuntunan ang inihanda ng mga guro at mag-aaral sa kolehiyong ito sa panunguna ng kanilang dashing and debonair at indefatigable Cultural Affairs Chair Rizaldy Tenido, na mamaya ng kaunti ay sisikapin nating makapanayam nang live, dito lamang sa programang paborito ng lahat, ang Hoy! Ka-hoy! Ito po ang inyong tagapagbalita, Julius Mamaw ng Radyo Patrol Number 5-1/2. Magbabalik tayo in a short while. Meanwhile, back to you Ka Ernie.

Related Documents

Group 2 Mapeh Iii
May 2020 9
Mapeh-2-.docx
December 2019 15
Dll Sample Mapeh 2.docx
November 2019 5
Mapeh Project
May 2020 24
Group 2
November 2019 21
Group 2
May 2020 11