MGA APO NI ABRAHAM “Of all our languages, the Tagalog has been adjudged the best by scholars. “I found in this language,” said Padre Chirino, eminent Jesuit-historian, “four qualities of the four greatest languages of the world – Hebrew, Greek, Latin and Spanish. It has mystery and obscurities of the HEBREW.. “History of the Filipino People”, page 24, by Gregorio F. Zaide
Sa ating panahon sa ngayon ay napakagulo na ng kaisipan ng ating mga Kababayan. Wala na tayong tyaga, wala na tayong respeto, wala na tayong tiwala, wala na tayong ginagalang, wala na tayong sinusunod, at lalong-lalo na, wala na tayo sa sarili nating orihinal na kaisipan, orihinal na kultura, orihinal na mithiin at orihinal na pagkatakot sa Lumikha. Ito ang dahilan ng ating mga kaguluhan dahil wala na sa atin ang orihinal na kaisipan at adhikain na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Tingnan mo ngayon imbis na humingi ng payo ang anak sa magulang, sa mga pastor ng relihiyon magtitiwala. Ang magulang naman ay hindi kasapi ng relihiyon ng pastor, kaya „one-sided‟ ang magigiging payo ng pastor sa bata. Ano na ang halaga ng payo ng magulang sa anak, ang magulang ay wala ng kwenta sa anak. Ito ay isang malaking kasiraan sa pundasyon na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno na igalang ang ating mga magulang. Kanya-kanyang relihiyon na ang lumabas, kanya-kanyang grupo ng politika ang lumabas, kanya-kanyang samahan ang lumabas, kaya ang resulta nito ay kanya-kanya na tayong lahat. Ito ay isa na namang malaking kasiraan sa pundasyon na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno na dapat tayo ay magka-isa. Bakit Ba Hindi Tayo Magka-isa Sa isang pamilya ay dapat ipaalam sa mga anak ang istorya ng nakalipas na mga ninuno upang mabatid ng anak ang kanyang pinanggalingang-lahi nang sa ganitong paraan ay mau-unawaan niya kung bakit ganoon ang kanyang ugali at kung bakit ganoon ang kanyang nais at mga adhikain. Sa kasalukuyan ay hindi batid ng bawat isa nating Kababayan ang orihinal na pinanggalingan ng ating lahi kaya litung-lito ang bawat isa sa paggaya sa mga gawi ng banyaga na hindi naman angkop sa ating panlasa at kapanatagan. Naniniwala ba kayo na kung orihinal kang pangkaraniwang magsasaka o manggagawa ay kahit patirahin ka sa Whitehouse ay hindi ka matutuwa, dahil hinahanap-hanap mo ang nakagawian mong orihinal na buhay. At
ang iba na may dahilan ay napipilitan lamang ngunit nais din nilang bumalik sa likas nilang ginagalawan.
Ano Ba Ang Likas Natin Mga Kababayan Likas tayong magalang sa ating magulang at sa mga matatanda, likas tayong nagtutulungan at likas tayong ma-awain sa mga banyaga. Katunayan kahit tuyo lamang ang ulam natin kapag may panauhin ay iyong alagang manok ang ipauulam. Ito ay siguradong minana natin sa ating ninuno at ito pala ay likas na kaugalian ni Abram sa Biblia ng paghandain niya ng pagkain si Sarai upang ihandog sa tatlo niyang panauhin, Gen 18:1-8. Si Abram ay tinawag na Abraham ay nagtuli at tinuli rin niya ang kanyang anak na si Ismael na 13 taong gulang na, at itong pagtutuli ay „walang-hanggang tipan‟ ni Abraham sa Lumikha na hanggang sa kadulu-duluhan ng lahi ni Abraham ay tutuliin alang–alang sa „walang-hanggang tipan‟ ni Abraham sa Lumikha. Nagkataon naman ang ating Kababayan ay mga Tuli, baka naman dahil sa pagdating ng mga Mohammedans sa ating lupain noong ika-14 na Siglo (1400 C.E) na kailangan na tuli ang mga kasapi nito. Ngunit bakit ang mga hindi kasapi nito ay mga tuli rin at ang mga Kababayan natin ay mga tuli, at katunayan kapag nabiro mo na hindi tuli ay pinaka-masamang biro na ito. Baka naman tayo iyong mga apo ni Abraham na may walang-hanggang tipan ? Tingnan nga natin baka nga ang ating Kababayan ang mga apo ni Abraham. Noong 1998 Centennial Calendar ng Shell ay ipinakita ang larawan ng Laguna Copperplate Inscription na natagpuan noong 1987 sa Laguna na may nakasulat sa lumang wika ng ating mga Kababayan na sulat „Kawi‟. Itong Kawi (kavi) ay nawala na (extinct), lumang wika ng mga taga Javan (Jakarta, Indonesia). Ito ay naisulat noong ika-9 na Siglo (April 21, 900 C.E.). Sa parehas na panahon ang umiiral na kaharian ay ang Sri-Visjaya Kingdom na mababasa sa „Colliers Encyclopedia‟ 1991 edition, vol 3 p.50, na natagpuan kailan lang ng mga Makabagong Eskolars noon lamang ika-20 Siglo (20th century). Ayon dito ang kaharian ng orihinal na Sri-Visjaya noong ika-7 Siglo ay nasa Palembang sa Sumatra na kumokontrol ng lahat ng nabigasyon sa karagatan sa Straits of Malacca. Katunayan natagpuan ang maraming kasulatan na naka-ukit sa bato na nag-uutos ang hari ng Sri-Visjaya sa pangkalahatang katapatan sa kanyang mga taga-sunod at sa kanyang interes at kanyang mga kalakal. Ang mga dumadaang mangangalakal ay napipilitang dumaan sa Sri-Visjaya upang magbayad ng buwis sa pagdaan sa Straits of Malacca na ipinatutupad ng Hari ng Sri-Visjaya. Ang orihinal na Sri-Visjaya ng ika-7 Siglo ay nakarating sa pangangalakal hanggang sa Borneo, Cambodia, Sulu Mindanao at
ang iba ay mga nanirahan na roon. Ang mga Mohammedans naman ay dumating noong ika-14 na Siglo (1400 C.E.) ay dinatnan na ang mga Sri-Visjaya sa Kabisayaan. Ang mga Sri-Visjaya na naiwan sa Silangan ng Sumatra na nasa Javan ay nasakop naman ng Kaharian ng Mataram noong ika–8 Siglo (800 C.E.). Ang lahi ng Sailendra na Mahayana Buddhist na siyang nagtatag nang Kaharian ng Mataram na nasa Javan ay tinalo naman ng mga Hindung sumasamba kay Shiva noong 856 C.E. Ang huling prinsipe ng Sailendra na isang Mahayana Buddhist sa Javan ay tumakas pumunta sa Sumatra at nanirahan doon ay siyang naging Hari ng SriVisjaya sa Sumatra sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang Sri-Visjaya na pinaghaharian ni Sailendra ay tuluyang dinurog ng mga Javanese (Hindung sumasamba kay Shiva noong ika-14 na Siglo (1400 C.E.). Ayon naman sa Maragtas na Balita sa Kabisayaan, si Datu Puti kasama sa sampung Datu ay nanirahan sa Panay. Dalawang Datu naman ang nagpunta sa Taal (Batangas) si Datu Dumangsil at Datu Balensusa na pinaniniwalaan na pinagmulan ng wikang Tagalog. Ang Sampung Datu naman sa Panay ay ang pinaniniwalaan namang pinagmulan ng wikang Bisaya ay tinawag silang Visaya na galing sa pangalang „Sri-Visjaya‟ na lahi ng orihinal na Sri-Visjaya ng ika-7 Siglo. Ang Sri sa Sri-Visjaya ay titulo na „PrinsipeKabanalan Kagalang-galang‟ kagaya ni „Si‟-Agu at ni Raha „Si‟-Lapu-lapu. Ayon naman sa Merriam-Webster-International Unabridged Dictionary na ang wikang Tagalog at ang wikang Bisaya ay nanggaling sa isang grupong wika na tinatawag na „TAGALA‟ na kapatid na wika ng sina-unang Malay-Javanese na wikang „KAWI‟. Ang salitang Tagalog at ang salitang Bisaya ay may malaking porsiento na magkatulad, na nagpapatunay na ang dalawang Datu saTaal at ang Sampung Datu sa Panay ay nagmula sa isang wika na ito ay ang lumang wikang „Kawi‟. Sa wikang Hebreo ang „Higaynon‟ ang ibig sabihin ay „Banal na tunog‟, ang tawag naman sa wika ng Kabisayaan ay Hiligaynon. Saan Nagmula Ang Salitang Datu At Sultan Ang Datu ay ang iginagalang na taga-payo at taga-hatol sa mga alitan. Ang Datu rin ang taga-pagturo ng mga aral sa batas at mga aral sa pananampalatayang pinaniniwalaan. Ang Sultan naman ay ang namamahala sa politika, palatuntunan at batas. Ang isang kagila-gilalas na pinagmulan ng salitang Datu at Sultan, ito pala ay isang salitang Lumang Hebreo. Sa wikang Hebreo, ang Dath ay „a royal edict or statute – commandment, commission, decree, law, manner‟. Sa Hebreo ang Sholtan naman ay „ruler, empire, dominion‟. Isa pang kagila-gilalas na natagpuan ay ang salitang Tagalog ay Lumang Hebreo. Ito ay natagpuan ni Padre Chirino na naisulat ni Gregorio F. Zaide sa aklat niyang „History Of The Filipino People‟ pahina 24 “Of all our languages, the Tagalog
has been adjudged the best by scholars. “I found in this language,” said Padre Chirino, eminent Jesuit-historian, “four qualities of the four greatest languages of the world – Hebrew, Greek, Latin and Spanish. It has MYSTERY and OBSCURITIES of the HEBREW,..”. Dahilan sa salitang „obscurities of the Hebrew‟ ay wala na tuloy nagsaliksik dahil „obscure‟ na nga. Iba ang patukoy na ginamit na terminong salitang “obscurities” na ibig sabihin ay “lumabo”, ang nagmula sa maliwanag na lumabo ay obscurity, ngunit kung inaasahang nagmula sa walang pinanggalingan ay madilim na nagkaroon ng liwanag ang tamang terminong ginamit. “Sa lahat ng ating wika, ang Tagalog ay ang pinakamahusay sabi ng mga eskolars. Aking natagpuan sabi ni Padre Chirino, na ang Tagalog ay may Misteryo at Pagkakahawig sa Hebreo”. Ang orihinal na lahi ng Israel kagaya ni Haring Solomon na mababasa sa „Awit ni Solomon 1:5‟ , ang kulay ng balat ay “KAYUMANGGI”. Paglipas ng panahon ni Haring Solomon ay nasakop ang mga Istraelita ng mga taga Assyria (2Hari 17:24) at nakapag asawa sila ng mga taga ibang bansa. Ganoon din ang mga Hudyo na nasakop ng Babylonia ay nakapag asawa ng taga ibang bansa kaya ang kanilang balat ay mistiso na at hindi na kayumanggi. Ngunit may Nalabing-Nakatakas (Escaped Remnant) mula sa Assyria at mula sa Babylonia (Isaiah 11:11 at Isaiah 66:19). Sa nabanggit na dalawang panahon na pagtakas ay parehas na ang kadulu-duluhang pinuntahan nila ay ang mga „pulupulong isla sa karagatan. Mas malinaw ang Isaiah 66:19 na bago makarating sa pulu-pulong isla sa karagatan sa Malayu ay nagmula muna sa JAVAN na inihula ni Propeta Isaiah. Ang JAVAN ay ang pinanggalingan ng ating mga Kababayan ayon sa Colliers Encyclopedia ang Sri-Vijaya Kingdom at ang wika ng JAVAN na „Kawi‟ ang pinanggalingan ng ating wikang Tagalog at Bisaya na pinatutunayan ni Padre Chirino na wikang Hebreo. Ang aklat ni Propeta Isaiah ay binasa ni Yahshu‟a Messsiah sa Lukas 4:17-19, samakatwid, isa sa mapagkakatiwalaang aklat ang mga sulat ni Propeta Isaiah. Sa mga binanggit ni Yahshu‟a ang tunay na pangalan ng Messiah, ay inaasahan ng mga nagbabasa ng Holy Biblia at nagbabasa ng Holy Koran na „Muling Babalik‟ ay nabanggit sa Biblia sa Juan (YahYah) 21:21-23 na kung naisin niya na manatili si Juan hanggang datnan niya sa muling pagbabalik, ay samakatwid daratnan si Juan sa pagbabalik ni Yahshu‟a Messiah. Ang pangalang Juan ay hango sa English na pangalang John na hango sa Aramaic na Yahya na hango sa orihinal na salitang Hebreo na „YAHYAH‟. Ang pangalang Yahya ay madaling mapagkakakilanlan sa ngayon na pangalan ng Muslim, ngunit bago pa makarating ang paniniwala ni Ahmud (Mohammad) (Peace be upon Him) sa mga Arabo noong 622 C.E. ay pangalan na ito noon pa ng mga Israelita o mga Hudyo. Katunayan si ZechariYah na
asawa ni Elizabeth sa Lukas 1:5 ay pinangalanan niya ang kanyang anak na YAHYAH. Sa kasalukuyan sa Israel ang tawag nila kay YahYah ay Yochanan, ito ay isang pamamaraan sa pag-iwas sa pagbanggit ng Banal na pangalan ni Yahweh. Katunayan maging ang pangalan ni Yahshu‟a ay ginawang Yeshu‟a (Ezra 2:1-2). Kung Yochanan ay taliwas na sa nakasulat sa Lukas 1:61 na wala pang ganoong pangalan sa kanilang lahi dahil noon pa man ay mayroon ng Yochanan sa kapanahunan ni Propeta JeremiYah (JeremiYah 43:4). Samakatwid ay YAHYAH ang tama at tunay na pangalan ni Juan. Ang „Sri‟ sa Sri-Visjaya ay isang titulo na ibig sabihin ay „Prinsipe‟, „Kagalang-galang‟ at „Kabanalan‟ na hanggang sa ngayon ay ginagamit pa sa India. Ito ay isang patunay na napadaan sa India ang mga SriVisjaya. Ayon sa Bible Dictionary ng Holy Bible 1864 ay binanggit na sinibat ni Haring Misdeus ng India hanggang sa mamatay ang Disipolo ni Yahshu‟a na si Tomas. Ang India ay nabanggit sa Ester 1:1 na dulung nasasakupan ng Kaharian ng Persia na lugar na pinuntahan ng mga Disipolo ni Yahshu‟a sa paghahanap sa mga Nawawalang Tupa ng Sambahayan ng Israel sa pagsunod sa iniutos sa Mateo 10:56 „ hanapin ninyo ang nawawalang Tupa ng Sambahayan ng Israel „. Ang „Vi‟ o „Vis‟ sa Sri-Visjaya ayon naman sa Samsi English Dictionary ay „Spirit‟. Alam naman natin na ang letrang „J‟ ay ang orihinal na tunog nito ay letrang „Y‟, samakatwid ang SriVisjaya ay ang tama ay SRI-VIS-YAHYAH na ibig sabihin ay “Prinsipe-KabanalanSpiritu ni YAHYAH”. Ang pagbabalik ni Yahshu‟a Messiah ay inaasahan ng mga nagbabasa ng Biblia at nagbabasa ng Koran ay daratnan ni Yahshu‟a Messiah si YAHYAH na nasa ngayong panahong ito ay nasa Sri-Visjaya na lahi ng mga Kababayan natin. Ang „ChabaYah‟ (Kabayan) ang ibig sabihin sa Hebreo ay „itinago ni Yahweh‟. Kung tutuo man ito ay may mapagkukunan na tayo ng ideya kung bakit ang ating Kababayan ay mga Tuli, mga makabayan, mga likas na hospitable, likas na magalang, likas na masunurin, likas na mapayapa, likas na may takot sa Lumikha, kumidlat lang “Dyos ko kaagad ang banggit ng bibig. Baka naman tutuo na tayo ang Nalabing-Nakatakas (Escaped Remnant) na binabanggit ni Propeta Isaiah sa 11:11 at Isaiah 66:19. Baka rin ang ating Kababayan ang ipinahahanap ni Yahshu‟a Messiah sa Mateo 10:5-6 „Ang labingdalawa ay isinugo ni Yahshu‟a (Jesus) at pinagbilinan na „Huwag kayong gagaya sa gawi ng mga Hentil (di-tuli - Epeso 2:11) o pumasok man sa alinmang bayan ng mga Samaritano (nagkukunwaring Israelita - 2Hari17:24). Sa halip ay puntahan ninyo ang mga Nawawalang Tupa sa Sambahayan ng Israel. Ganoon din sa ibinilin kay Apostol Saul at Apostol Bar-abba (Pablo at Barnabas) sa Gawa 13:47 „Inilagay kita na maging ilaw sa mga Hentil (di-tuli), upang maibalita ang Kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig‟. Mayroon bang dulo ang daigdig ? hindi kaya ang tinutukoy ay ang
dulo na pinuntahan ng mga Nalabing-Nakatakas na binanggit ni Propeta Isaiah sa Mga Pulo-pulong Isla sa Karagatan na nanggaling sa JAVAN na pinapupuntahan ni Yahshu‟a Messiah sa labing-dalawang Disipolo ? Ewan ko bahala na kayo, bakit masyado tayong maka Dyos. Tingnan mo ang ibig sabihin pala ng Bahala Na ay „Bathala Na‟, ayon sa aklat ni Ed Lapiz pahina 64 „Paano Maging Pilipinong Kristiano‟. Talagang maka Dyos nga tayo. Sabagay sa Visaya kapag sinabi mong „Yawa‟ ay dimonyo ito, kasi wala si „Yah‟, kasi ang „wa‟ ang ibig sabihin ay „wala‟, at ang „Ya‟ (Yah) ay ang pina-ikling pangalan na sinasamba ni Abrahan na si YAHWEH, Awit 68:4 Jah o „Yah‟. Hallelu-Yah ibig sabihin ay „Purihin-ka-Yah‟. Ang kabuuang pangalan na Yah ay YAHWEH ayon sa mga Hebrew Scholars sa Encyclopedia Judaica ay ang pinaka-banal na nag-iisang pangalan na sinasamba ni Abraham at ng mga orihinal na Israelita ay ang pangalang YAHWEH. Ang YA-WE naman sa Kabisayaan ay „Susi‟. Lukas 11:52 “tinanggal ninyo ang „Susi‟ ng karunungan”, sa Kawikaan 1:7 „ang pagkatakot kay YAHWEH ay pasimula ng karunungan‟. Ang tinutukoy na „Susi‟ ay si Yahweh. Sabagay relihiyon na iyan baka maka-Mike Velarde na tayo niyan, pero bakit sa buong mundo tanging ang mga Kababayan lang natin ang pinagkalooban na tumawag sa tanging banal na pangalan ng Lumikha na YAHWEH na sinasamba ni Abraham at ng mga orihinal na mga Israelita. Nakaharap ko noong 1993 ang High Priest ng Riyadh, Saudi Arabia si Profesor Doctor Sawalahadid, (sa pagpupulong sa Batha Riyadh ay inimbitahan kami ng mga Pilipinong Muslim, kaming lahat pati ang mga pastor ng Born Again at Catholic ay kinausap kami ng High Priest ng Riyadh dahil may Pilipino na nahatulang bitayin sa pagmumudmud ng mga religious tracks), matapos malaman ng High Priest na Yahweh ang sinasamba ng mga Pilipino ay sinabi ng High Priest ng Riyadh na “I wonder why you Filipinos pronounced that name and you never die, if I pronounced that name I will not wake-up tomorrow”. Dahil ang YAHWEH ay Napaka-Banal na pangalan ay walong beses lamang babanggitin ito ng High Priest sa Israel sa isang araw lamang ng Atonement na araw ng pagpa-pasting ayon sa Encyclopedia Judaica. Pagkatapos noon ay sa awa ni Yahweh ay pinakawalan na ang bibitayin sana. Ang tawag ng mga Israelita sa ngayon na nandoon sa Jerusalem sa kanilang sinasamba at tinatawag na Dyos ay „Adonai‟ naman, ngunit sabi ng kanilang mga eskolars ang YAHWEH ang orihinal at nag-iisang pangalan na sinasamba ni Abraham at ng mga naunang mga Israelita. Hay pagod na ako, panoorin nalang natin ang „Passion of Christ‟ ni Mel Gibson - ang tawag ni Mirriam (Maria) kay Jesus ay “YAHSHU‟A”. Samakatwid ang orihinal na pangalan pala ni Jesus ay Yahshu‟a. Sa Gawa 4:12 - „walang tanging pangalan na ibinigay sa silong ng langit na sukat nating ikaligtas kundi sa pangalang Yahshu‟a pala. Hay, lalo akong napagod, bakit
ba ibang-iba ang itinuturo ng mga Hentil (Epeso 2:11-di-tuli) sa ating mga Kababayan. Alam naman natin na ang mga relihiyong iyan ay ang mga nagturo sa ating Kababayan ay mga hindi-tuli (Pareng Espanyol o Pastor na Amerkano) kaya pala ang natutuhan natin ay ang kanilang gawi, ang gawi ng mga hindi-tuli (supot), kaya ang resulta kanya-kanya tayo upang bumagsak (Divided we fall). Ang turo ng mga hindi-tuli ay tinanggal naraw ang pagtutuli na “WalangHanggang Tipan ni Abraham kay Yahweh. Ang ibig sabihin ng „walang-hanggang tipan‟ ay „Forever Contract‟ na hindi pwedeng palitan kahit-kailan at hindi pwedeng palitan ng kahit na sino pang Apostol o si Pablo man. Dahil sa hindi naraw umiiral ang „walang-hanggang tipan‟ na pagtutuli ay pwede na ngayon ang mga hindi-tuli (supot). Sa ganitong aral ay binale-wala na nila ang Walang-Hanggang Tipan ni Abraham kay Yahweh (Genesis 17:7-10). Kasi nalito sila sa nabasa nila sa Gawa 15:1-2 na tinutulan ni Apostol Saul (Pablo) at Apostol Barabba ang mga Hudyo na nagsasabi na „kailangang magpatuli sa pamamaraan ni Moses kung hindi ay hindi kayo maliligtas‟. Ang pamamaraan ni Abraham ang dapat ipatupad kaya tinutulan ni Apostol Saul (Pablo) at Apostol Barabba ang mga Hudyong nagtuturo sa pagtutuli sa pamamaraan ni Moses. Katunayan hindi tutol si Apostol Saul (Pablo) sa Pagtutuli sa pamamaraan ni Abraham. Pagkagaling ni Apostol Saul sa pakikipag-usap sa mga Matatanda sa Jerusalem tungkol sa suliranin ng pagtutuli ay tinuli ni Apostol Saul (Pablo) si Timoteo sa Gawa 16:3-4 at ibinalita pa sa lahat ng lugar na pinuntahan nila ang naging desisyon ng mga Matatanda sa Jerusalem tungkol sa pagtutuli. Ang naging dahilan ng kalituhan ay ang pagtutol ni Apostol Saul (Pablo) at Apostol Barabba sa pagtutuli sa pamamaraan ni Moses at hindi sa pamamaraan ni Abraham na orihinal na pamamaraan ng pagtutuli. Pagkatapos na makunsulta ang mga Matatanda sa Jerusalem na huwag ng gambalain ang mga Hentil (di-tuli) na mananampalataya dahil binabasa naman tuwing Sabbath ang mga batas sa aklat ni Moses, samakatwid ay matututuhan din nila iyon, ay tumuloy na ng lakad si Apostol Saul (Pablo) kasama si Silas tumungo sa Syria at Cilicia at tumuloy sa Derbe at Lystra na nadatnan nila si Timoteo na mananampalataya kaya tinuli ni Apostol Saul si Timoteo. Isa pang kalituhan ay ang pagkakalagay ng chapter sa Gawa 15 ay inihiwalay ang chapter 16 ni Padre Hugo noong ika-12 Siglo ng pairalin at lagyan na ng Chapter at Verses ang Biblia. Paanong masasabi ng mga Hindi-Tuli (supot) na pwede na sila na makasama sa Tamang Pananampalataya na may Walang– hanggang Tipan ni Abraham kay Yahweh kung hindi sila magpapatuli ? Sa Genesis 17:14 ay sinabi ni Yahweh na „hindi kasama‟ ang mga di-tuli (supot) dahil sinira nila ang kontrata o tipan ni Abraham kay Yahweh. Ngunit sa I Corinto 7:18-19 at sa Galatia 5:2 at sa Galatia 6:13 ang konklusyon ni Apostol Saul ay “dahil ang mga taong „tuli‟ (masasamang Hudyo) na hindi naman sumusunod sa mga utos ni Yahweh ay hinihimuk pa silang mga (Hintil) hindi tuli na magpatuli upang magaya sa
kanilang mga tuli (masasamang Hudyo) na hindi sumusunod sa mga utos ni Yahweh”. Nasasainyo na iyan kung gusto ninyong sumunod kay Apostol Saul ay Pauline belief kayo o gusto ninyong sumunod kay Yahweh na sinasamba ni Abraham ay Abrahamic belief kayo. Ngunit ang sinulat ni Apostol Saul ay malalalim kaya nagbilin ang Disipolo ni Yahshu‟a na si Pedro sa 2 Pedro 3:15-16. Basta ang sabi ni YAHWEH ang Pinakamakapangyarihan sa lahat at sinasamba ni Abraham na „hindi kasama‟ ang mga di-tuli (supot) dahil sinira nila ang kontrata o tipan ni Abraham kay Yahweh. Kanser sabi ni Jose Rizal noon, pero ngayon ay may natagpuan ng pamamaraan sa pag-pigil sa kanser, nandiyan ang chemo-theraphy, operasyon at maraming gamot na herbal. Ganoon din ang binanggit ni Jose Rizal na kanser noon ay pwede ng gamutin ngayon at ang kagamutan ay ang totoo at tama na kaalaman sa ating pinanggalingang-lahi upang mabakas natin ang ating pangkalahatang naisin, hindi iyong pangsarili lamang na naisin. Ops, pasensya na kayo di ako marunong magenglish kasi baka maging malansang isda ang amoy sabi ni Rizal, at hindi naman para sa mga English ito kundi para sa mga Kababayan natin, baka dayain ng mga English ito at gumawa na naman sila ng History ng mga Kababayan natin na diktado at made in the West. Pero, ngunit, datapwat, subalit, pwede naman ang salita ay may halong Espanyol, halong English, halong Intsik basta nagkakaintindihan tayo. Hoy, iyong isinasaing mo nangangamoy sunog na. Ganyan tayo Kabayan kaya nating gumawa ng dalawa, tatlo at higit pa sa isang pagkakataon, habang nagbabasa ka nito - nagsasaing ka at nag-aalaga pa at namamalantsa, may yosi pa at tagay sa tabi, ok ka talaga para kang driber ng dyip binabantayan ang bayad, nagkukwenta at nagsusukli, binibilang ang pasahero tinatandaan ang nagbayad at di pa nagbayad, naka-abang sa pulis, alalay sa pasahero at nagmamaneho na may yosi at kakwentuhan pa sa tabi. Samakatwid kung kaugalian pala natin na kayang gumawa ng higit pa sa dalawang gawa sa isang pagkakataon, kaya nating i-short cut ang pagbalik sa dati nating kaugalian na magalang, makabayan, mapagtiis, mapagmahal, maawain, masunurin at may takot sa Lumikha na ang pangalan ay YAHWEH. Natirang-Nakatakas (Escaped-Remnant) Ano ba ang naging buhay ng mga Natirang-Nakatakas sa panahon na sila ay madaan sa ibat-ibang lugar hanggang makarating sa dulong destinasyon na mga pulu-pulong isla sa karagatan na inihula ni Propeta Isaiah. Una ay napanatili nila ang kanilang orihinal na lahi dahil hindi sila nakapag-asawa ng mga taga-ibang bansa, hindi kagaya ng mga naiwan sa lupain ng Israel na mababasa sa Nehemiah 13:2327. Samakatwid napanatili nila ang kulay ng kanilang balat na „Kayumanggi‟ na
mababasa sa Magandang Balita Biblia „Mga Awit ni Solomon 1:5‟. Ang orihinal nilang wika ay ang Lumang-Hebreo dahil sila ay hindi nahawa sa salita ng mga sumakop na mga Assyrian at mga Babylonian. Ang wika nila ay kagaya ng sinasalita ni Haring Solomon, ni Haring David, ni Moses, ni Yahcoob, Isaac at Abraham. Sa pagdaan nila sa mga lugar na naihula ni Propeta Isaiah, sila ay nanirahan doon ng ilang panahon, samakatwid sila ay nahawa ng pamamaraan ng pagsulat ng wika ayon sa lugar na kanilang tinitirhan, ngunit ang salita nila ay napanatili ang tunog na Lumang-Hebreo ngunit sa pagsulat ay nagaya sa pagsulat sa mga taga roon na tinirahan nila. (Kagaya ng Tagalog na salita ay isinusulat sa sulat na letrang Kawi noon, ngunit ang tunog o pagsasalita ay ang lumang-Hebreo). Mapapansin na ang „stroke‟ ng pagsulat ng „Kawi‟ ay halos kagaya ng lumang pagsusulat na matatagpuan sa India, na nagpapatunay na napadaan sila sa India. Sa Sri-Visjaya ang „Sri‟ ay galing sa India na ibig sabihin ay „Prinsipe-Kabanalan-Kagalang–galang‟. Ang mga dinatnan ng mga Kastila ay sina „Si‟-Agu, Datu „Si‟-Lapu-lapu, „Si‟Maganda, „Si‟-Malakas, iyan ay nagpapatunay na ang „Sri‟ ay ang „Si‟ na idinudugtong sa pangalan ng mga kagalang-galang na mga tao noong panahon iyon. Ang Orihinal Nating Mga Datu Mababasa natin na ang Kaharian ng Sri-Visjaya ay tuluyan ng nadurog ng mga Javanese noong ika-14 na Siglo (1400 C.E.). Ito ang naging sanhi ng pagkawala at pagkalimut sa kahariang ito, pati ang kanilang Sholtan ng Sri-Visjaya ay kinalimutan na, ito ay naging tawag nalang sa mga lugar kagaya ng Sultan Kudarat, at ala-ala na lang kay Raha Sulayman ng Tundun (Tondo, Manila), Raha UrduYah ng Kabalonan (Pangasinan), pati ang mga Datu ng Sri-Visjaya ay mga nagkubli na at tinawag na sila sa titulong nagmula sa mga Hindung tumalo sa mga Sri-Visjaya sa Javan. Ito ay ang mga titulo na dinatnan ng mga Kastila noong 1521 na may titulo na Raha „Si‟Lapu-lapu, „Si‟-Agu. Lalo itong pinatindi ng tinalo ni Raha „Si‟ Lapu-lapu ang pangkat ng Kastilang pinamumunuan ni Fernando Magallanes (Ferdinand Magellan) sa Mactan na kinamatay ni Magellan. Sa pagbabalik ng mga Kastila, lahat ng may pangalang Lapu-lapu ay pinag-uusig at pinag-hahanap kaya napilitang mag-ibang pangalan at ibang titulo ang maraming Raha at Datu. Ang ibang Datu naman na sumang-ayon sa palatuntunan ng mga banyagang hindi-tuling Kastila ay napanatili ang kanilang katayuan. Samakatwid ang mga orihinal na mga Datu at Sholtan ay nagtago sa ibang lugar na hindi sila kakilala kaya nanatili silang mahirap upang huwag mapapansin ng mga humahanap sa kanila. Ngunit ano ang palatandaan na sila ay ang mga anak at apo ng mga Datu na nagsitakas at nag-iba ng pagkakakilanlan. Una ang kanilang pananampalataya ay mainit at taos-puso sa Lumikha sa kahit ano pa mang napasukan nilang pananampalataya na may relasyon
sa ninunong Abraham na dala ng mga dayuhan na sumakop sa kanila, ngunit sila ay mahihirap lamang upang huwag silang mapansin, ngunit ang kanilang kaisipan ay mapapansin na malusog at ka-iba at higit sa mga pangkaraniwang mamamayan, at ang pag-big at malasakit nila sa kanilang kapwa Kababayan ay matindi at higit sa pangkaraniwan. Ang kanilang mga sinasabi ay nagkakatutuo at may lumabas na mga manghuhula, at may lumabas na manggagamot, may lumabas na mga manghihilot, may lumabas na gumagawa ng mga kababalaghan, may lumabas na may anting-anting, at may lumabas din naman na mga matatalino sa paggawa ng kabutihan sa kapwa at mangmang sa paggawa ng kasamaan, lalong lalo na may malaking takot sa sinasambang Lumikha kahit hindi pa nila kilala o alam ang pangalan ng Lumikha na si Yahweh at ang darating na Tagapagligtas na si Yahshu‟a Messiah. Ano ang mga Datu Sa kasaysayan ng mga Israelita sa kapanahunan bago sila masakop ng mga banyagang Assyria at Babylonia, sila ay may mga Pari ni Yahshear (Yahshear ang pangalang itinawag ni Yahweh kay Yahcoob kaya ang mga Paring Levita ay tinawag na Yahshear-Dath o SESER-DOTE)(Dath sa lumang-Hebreo) na mga lahing Levita at mga Propeta ni Yahweh at ang iba ay namamahala sa tabernakulong sambahan. Ang mga namamahala sa tabernakulong sambahan ay mga lahing Levita ayon sa aklat ni Moses ngunit ng nahati ang kaharian pagkamatay ni Haring Solomon sa dalawang Kahariang Israel at Kahariang Yahuwdah, ang hari ng Israel na si Jeroboam ay nagtalaga ng mga Pari na hindi nanggaling sa lahi ng Levita (1Hari 12:31). Sa ganitong masamang gawain (1Hari 13:33) ni Haring Jeroboam ay nagalit si Yahweh at ipinasakop sila at ipinatapon sa banyagang bansang Assyria (2 Hari 17:24). Ang mga hindi tunay na mga Levita na nagsisilbi sa tabernakulong sambahan ay nakarating hangang sa kapanahunan ni NehemiYah sa Nehemiah 7: 61-65. Sa kapanahunan naman ni Yahshu‟a ay ang High Priest na si Caipas ay hindi Levita bagkus ang tama at ang tunay na High Priest ni Yahweh ay si ZechariYah na asawa ni Elizabeth na ama ni YahYah the Baptist na tyuhin naman sa pinsan ni Yahshu‟a Messiah. (Lukas 1:5, 1:36). Ang mga kamag-anak ng Dath o ng mga Levitang Pari na kasama sa mga Nalabing-Nakatakas ay mga pangkaraniwang Levita lamang, kaya ang kaalaman sa kabuuan ng pananampalataya ay mga pangkaraniwan gawa (basic) lamang. Sa ganitong dahilan kaya nawala ang pagbigkas nila sa pangalan ni Yahweh dahil wala silang High Priest na babanggit ng pangalang Yahweh sa araw ng Atonement o araw ng pag-aayuno o pagpapasting. Ang naiwan sa kanilang pangkaraniwang aral na bawal banggitin ang banal na pangalang YAHWEH at ito ay pinalitaw na „susi‟ ang ibig sabihin, na pinatutunayan sa Lukas 11:52. Ang „Susi‟ ay si Yawe na dala nila hanggang sa makarating sila sa
dulo ng pulu-pulong isla sa karagatan at tinawag silang Bisaya at Tagalog. Sa kanila ang „wa‟ ay „wala‟ kaya kapag „wala si Yah‟ (Yahweh) ay demonyo, kaya ang YA-WA ay demonyo ang ibig sabihin. Ang pinakamahalaga ay hindi nawala ang pagkatakot nila sa Lumikha kahit na nagdatingan ang ibat-ibang pananampalataya ng Mahayana-Buddhist, Hindu, at dumating ang Mohammedans at ang pananampalataya ng Kastilang Romano-Katoliko at Protestante at iba pa. Sa ibinilin kay Apostol Barabba at Apostol Saul (Apostol Barnabas at Pablo) sa Gawa 13:47 na aralan ang mga Hintil (hindi-Tuli) upang paratingin ang “KALIGTASAN” na si Yahshu‟a Messiah sa dulo ng daigdig na pinuntahan ng mga Nawawalang Tupa ng Israel na pinahahanap sa labing-dalawang Disipolo ni Yahshu‟a Messiah (Mateo 10:5-6). Ngunit pinalitan ng mga Hentil (di-tuli) na Translators ang pangalan ng Kaligtasan (Gawa 4:12) na si Yahshu‟a ay ginawang Issa, Iesus, Jesus. Dahil ngayon ay nasa panahon na upang makilala ang darating na Messiah ay lumabas na ang Catholic Digest vol.32 no.6 noong January 1992 (How Yeshua become Jesus), „Passion of Christ‟ ni Mel Gibson noong 2004, ang pagkatagpo ng Laguna Copperplate Inscription noong 1987 na sulat Kawi na tunog lumang Hebreo na pinatunayan ng Historiang si Gregorio F. Zaide na ang Tagalog ay may „Mystery at obscurities ng Hebreo‟ at ang Strong‟s Exhaustive Concordance Hebrew Dictionary, Ang Magandang Balita Biblia sa Awit ni Solomon 1:5, na “kayumanggi” ang kulay ng orihinal na lahi at apo ni Abraham. Ang pagkakatagpo ng mga Modern Scholars sa Sri-Visjaya Kingdom noong ika 20 Siglo (20th century), ang pagpapatunay ng Merriam-Webster International Unabridged Dictionary na malaking porsiento na magkatulad ang Tagalog at ang Bisayang Hiligaynon (Banal na Tunog). Ang balita na Maragtas sa Kabisayaan at ang tawag na Bisaya ay galing sa Sri-Visjaya. Ang Binabanggit ng Biblia Sa aklat ni Gregorio F. Zaide “History of the Filipino People”sa pahina 2, ang mga manunulat na mga taga Kanluran ay tinawag ang ating lupain sa pangalang Maniolas, Ophir, Islas del Oriente, Islas del Poniente, Archipelago de San Lazaro, Islas de Luzones (Isla ng Mortars), Archipelago de Magallanes at Archipelago de Legaspi. Tinawag ang ating lupain na Ophir na nakasulat sa Biblia 1 Hari 22:48, 9:28 at 22:49, Awit 45:9, Isaiah 13:12, Job 22:24, 28:16, 1Chron. 24:4, 1:23, Genesis 10:25-26. Sa Genesis 10:25-30 “ Si Heber ay nagkaanak ng dalawang lalaki: ang pangalan ng isa ay Peleg, dahil sa araw na iyon ay nagkaiba-iba ang wika sa daigdig at ang kanyang kapatid ay tinawag sa pangalang Joktan. Si Joktan ay nagkaanak, sina Almodad, at Sheleph, at Hazarmaveth, at Jerah, at Hadoram, at Uzal, at Diklah, at Obal, at Abimael, at Sheba, at Ophir, at Havilah, at Jobab. Lahat ng mga ito ay anak
ni Joktan at sila ay nanirahan mula sa Mesha, na patungo sa Sephar na kabundukan sa Silangan”. Ang wika ni Heber ay kagaya ng wikang ginamit ng ninuno niyang si Adam at si Noah, at nang ang wika ng mga Anak ng Tao ay nagkaiba-iba, tanging si Heber lamang ang nakapag-ingat ng wika ng kanyang ninunong sina Noah at Adan at ito ay tinawag na Hebreo, hango sa pangalang Heber. Samakatwid ang naging wika ng kanyang mga anak na sina Peleg at Joktan ay kagaya ng wika niya na Hebreo at ang naging wika ni Ophir na anak ni Joktan ay Hebreo rin. Ang wika ni Heber ay ang Lumang-Hebreo (pagsulat ay paleo-Hebrew) at nang lumipas na panahon ang naging wika ng mga naging lahi ni Heber kay Peleg na tinawag na Israelita ay nahawa sa wika ng mga bansang nakasakop sa kanila ang bansang Assyria na wikang Aramaic at bansang Babylonian na wikang Chaldean. Katunayan noong bago sila masakop ng mga Babylonia ang unang buwan sa lumang-Hebreo ay tinatawag na „Abib‟ ay napalitan ng wikang Chaldean-Hebrew naging „Nissan‟ nang nasakop na sila ng mga Babylonia at ganoon parin hanggang sa ngayon. Ang „stroke‟ ng pagsulat ay nabago mula sa Paleo-Hebrew ay isinusulat na sa tinatawag na Chaldean-Hebrew o Makabagong Hebreo sa ngayon. Kung ang mga inapo ni Ophir ay ang mga Pilipino, dapat ang salita ay ang wikang Lumang-Hebreo hindi ang Makabagong-Hebreo. Ito ay pinatunayan ni Padre Chirino na naisulat ni Gregorio F. Zaide „History Of The Filipino People‟ pahina 24 “Of all our languages, the Tagalog has been adjudged the best by scholars. “I found in this language,” said Padre Chirino, eminent Jesuit-historian, “four qualities of the four greatest languages of the world – Hebrew, Greek, Latin and Spanish. It has MYSTERY and OBSCURITIES of the HEBREW,..”, ang wikang Tagalog ay may misteryo at pagkakahawig sa wikang Hebreo. Natirang-Nakatakas Tungkol sa Yahuwdah (Hudyo) sa Jerusalem, si Propeta Isaiah ay nagkaroon ng pangitain sa panahon ni Uzziah, Jotham at Hezekiah ang Hari ng Yahuwdah na ang Yisraw-ale (Israel) ay hindi kinikilala at hindi pinapansin si Yahweh, sila ay naging makasalanang bansa. Malibang mag-tira si Yahweh ng kakaunting Natira (Isaiah 1:9) ang Israel ay magagaya katulad ng Sodom at Gomorrah. Sa panahon ang Yisraw-ale (Israelites) ay ipatapon sa Assyria, si Propeta Isaiah ay humula na may Natirang-Makakatakas mula sa Assyria, Egypt, Pathros, Cush,
Elam, Shinar, Hammath, at Isla sa karagatan, Isaiah 11:11. At sa iba pang panahon na may mga Natirang-Nakatakas mula naman sa Babylonia ay naihula ni Propeta Isaiah na magmumula sa Tarshish, Pul, Lud, Tubal, JAVAN, mga pulu-pulong isla sa malayu, Isaiah 66:19. mapapansin na ang pangalawa sa huling lugar ay ang JAVAN. Itong Javan ay ang Matandang Kaharian sa Javan ng Mataram ay nasa Indonesia lugar ng mga Sri-Visjaya. Mula doon sa Javan ay lumakbay sila patungo sa pulu-pulong isla sa malayu (kilalang-kilala ng mga Nabigador sa tawag na Ophir) na ngayon ay tinatawag na Pilipinas. Sa Istorya ng Pilipinas ay may binanggit na may dalawang panahon ng Malay immigration sa Pilipinas. Ang Messiah na si Yahshu‟a ay nag-utos sa labing-dalawang Disipolo niya sa Mateo 10:5-6 „Ang labing-dalawa ay isinugo ni Yahshu‟a (Jesus) at pinagbilinan na „Huwag kayong gagaya sa gawi ng mga Hentil (hindi tuli) o pumasok man sa alinmang bayan ng mga Samaritano (nagkukunwaring Israelita). Sa halip ay hanapin ninyo ang mga Nawawalang Tupa sa Sambahayan ng Israel. Ganoon din sa ibinilin kay Apostol Saul at Apostol Barabba (Pablo at Barnabas) sa Gawa 13:47 „Inilagay kita na maging ilaw sa mga Hentil (hindi tuli), upang maibalita mo ang Kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig‟. Mayroon bang dulo ang daigdig ? hindi kaya ang tinutukoy ay ang dulo na pinuntahan ng mga Nalabing-Nakatakas na binanggit ni Propeta Isaiah sa Mga Pulo-pulong Isla sa Karagatan na nanggaling sa JAVAN, na kailangang ibalita si YAHSHU‟A ay ang Kaligtasan ? Sa Bible Dictionary of the Holy Bible of 1864 ay nabanggit na ang Disipolo ni Yahshu‟a na si Tomas ay nasa India ay sinibat hanggang sa mamatay ng Hari ng India na si Misdeus. Ang mga Disipolo ay naghahanap sa Nawawalang tupa ng Sambahayan ng Israel sa India dahil ang India ay nabanggit sa Ester 1:1 na dulong sakop ng Persia bago dumating ang mga Romano. Sa Gawa 4:12 ay walang tanging pangalan na sukat nating ikaligtas kundi sa nag-iisang pangalan ni Yahshu‟a, ngunit ang Yahshu‟a ay pinalitan ng mga Translators naging Yehsoos, naging Yaysus, naging Issa at Iesus at naging Jesus. Ang utos ni Yahshu‟a ay ituro ang kaligtasan na pangalan ni Yahshu‟a hanggang sa dulu ng daigdig sa dulong pinuntahan ng mga Natirang-Nakatakas. Ang balita sa aklat ng dalawang Apostoles ay nakarating sa pulu-pulong isla sa karagatan sa pamamagitan ng Mohammedans na dala ang balita na si Yahshu‟a (Issa) ay dumating na sa Jerusalem, at ganoon din ang aklat ni Apostol Saul (Pablo) sa Katoliko na si Yahshu‟a (Iesus) ay dumating na sa Jerusalem. Ang Ophir ay kilala na sa matagal na panahon ng mga nabigador ay tinawag ni Ruy Lopez de Villalobos na Felipinas o Pilipinas para sa karangalan ni Prinsipe
Felipe II ng Espanya na naging hari ng Espanya. Ang pangalang Felipe ay hinango sa pangalan ng isa sa mga Disipolo ni Yahshu‟a Messiah na si Felipe. At sa kasalukuyan sa buong mundo ay tanging ang Pilipinas lamang ang pangalan ng bansa na hango sa pangalan ng Disipolo ng Messiah na lumakad sa mundong ito 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Israelita ay may 12 tribo, kagaya ng Pilipinas na may 12 region at ang ika-13 ay ang NCR (National Capital Region ang Metro Manila). Lahat ng Israelita ay mga Tuli, kagaya rin ng mga Pilipino na mga Tuli, at ito ay isang malaking kahihiyan sa isang Pilipino na tawaging hindi-tuli (supot). Sa Isaiah 14:2 “At ang bayan ay dadalhin sa kanilang lugar at ang Sambahayan ng Israel ay aariin sila sa lupain ni Yahweh bilang tagapaglingkod at katulong, at sila ay masasakop, na sa pagkasakop nila ay sila ang mamumuno sa mapang-api”. Ang OFW (Overseas Filipino Workers) ay tinatawag na tagapaglingkod at katulong at kilalang-kilala sa ngayon na tagapaglingkod sa buong mundo. Ang mga Israelita ay ginawang sundalo ng Assyria sa panahon ng pagkakatapon nila sa Assyria (2 Hari 18:26) ay kagaya rin sa panahon ng una at ikalawang digmaang pandaigdig ang mga Pilipino ay ginawang sundalo ng mga Amerkano. Katunayan ang magiting na General Douglas McArthur ay nabanggit niya sa Digmaan sa Korea noong 1951 na “bigyan mo ako ng 30,000 sundalong Pilipino at aking sasakupin ang buong mundo”. Isa pang kagila-gilalas na pangyayari sa Labanan sa Bataan na tumagal ng apat na buwan bago isuko sa mga lumulusob na mga sundalong Hapon. Ang mga sundalong Hapon ay patuloy na umaabante sa Timog-Silangang Asia ay nasa Singapore at Indonesia na, ngunit ang Bataan ay hindi pa napapabagsak. Ayon sa mga nakatira sa Bataan na maraming opisyal ng Hapon ang nag-hara-kiri dahil sa hindi nila magapi ang mga Pilipino at Amerkanong sundalo sa Bataan sa kaniyang itinakdang araw. Ang kahalagahan ng Bataan ay ang umaabanteng mga sundalong Hapon ay naantala sa pag-abante patungong Australia na kung saan nagsasagawa ng pagsasanay ang mga sundalong Amerkano at Pilipino na siya ring mga sanay na sundalong iyon ang tumalo sa mga Hapon sa Pacific sa pamumuno ni General Douglas McArthur. Sa tagumpay na ito ng mga sundalong Pilipino at Amerkano ay natapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Sa unang digmaang pandaigdig pa lamang ay maraming Pilipino ang naging sundalo ng Amerika, ngunit ang ibang sundalong Pilipino ay nagpalit ng kanilang pangalan na tunog Kanluranin kaya hindi na masundan ang kanilang kasaysayan. Sa ngayon ang sundalo ng Amerika ay may mga Pilipino na kasama sa Digmaan sa Gulpo at Digmaan sa Iraq, kagaya ni General Taguba at marami pang dugong Pilipino na tinatayang 30 porsiento sa mga sundalo ng Amerika ay mga kababayan nating Pinoy. Tanging Bansa Na Tumatawag sa Pangalan ni YAHWEH
Ang pangalan ng Lumikha ay tinatawag ng mga Muslim na Allah, ang RomanoKatoliko naman ay Lord, God, Dyos, ang mga taga Israel naman ay Adonai, ngunit sa tanging Bansang Pilipinas lamang si YAHWEH ay ang pinupuri at sinasamba (nag-iisa at pinaka-banal na pangalang sinasamba ni Abraham, Isaac, at Jacob) ng grupo ng Yahweh El-Shaddai na pinamumunuan ni bro. Mike Villarde. May maliliit na grupo kagaya ng Assembly of Yahweh sa Medalla building sa Cubao, Assembly of Yahweh in Yahshu‟a Messiah, Yahweh‟s New Covenant Assembly sa Girlscout Novaliches, Yahweh‟s Assembly in Messiah at marami pa ang tumatawag at sinasamba ang pangalang Yahweh at ang tunay na pangalan ng Messiah na Yahshu‟a ay nagpupulong sa pagsamba kay Yahweh tuwing araw ng Sabbath (Sabado) na iniutos ni Yahweh na palatandaan sa lahat ng inyong henerasyon, Exodus 31:13. Sa JeremiYah 10:25 „Ibuhos mo ang iyong galit sa mga tao na hindi nakikilala ang iyong pangalan at sa mga pamilya na hindi tumatawag sa iyong pangalan‟: Sa Isaiah 4:2 „Sa araw na iyon ang Sanga ni Yahweh ay magigiging hitik sa bunga sa pagpapala, at ang bunga ng daigdig ay magigiging masagana na darating sa kanila na mga Natirang–Nakatakas ng Israel‟. Ang mga propetang sumulat nito ay mga pinagkakatiwalaan ni Yahshu‟a dahil binanggit ni Yahshu‟a ang kanilang mga sinulat noong nagtuturo siya sa mundong ito 2,000 taon na ang nakakalipas, kaya mapagkakatiwalaan natin na mangyayari ang mga hula ng mga propetang ito.