Ap 10_contextualized Teacher Resource_by Ma. Andrea P. Fabillon.docx

  • Uploaded by: KC Reniva
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ap 10_contextualized Teacher Resource_by Ma. Andrea P. Fabillon.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,663
  • Pages: 12
Republic of the Philippines Department of Education Region VI - Western Visayas Schools Division of Roxas City Curriculum Implementation Division LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) Banica, Roxas City

Contextualized Teacher Resource in

Araling Panlipunan 10 Prepared by: Ma. Andrea P. Fabillon

LUNGSOD NG ROXAS: SEAFOOD CAPITAL NG PILIPINAS

Spearheaded by: Analee A. Magallanes, EPS, Araling Panlipunan of the Philippines Quality Assured by:Republic Dr. Noreen B. Buensalido, EPS, LRMDS Department of Education Enhanced by: Lourdes Eleanor Miranda, PDO II Region VI – Western Visayas CataloguedSchools by: Jackielyn Division ofCabangal, Roxas City Librarian II Curriculum Implementation Division LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) MARVIC S. MARTIREZ, Ph.D. FERDINAND S. SY, Ph.D., CESO VI Banica, Roxas City Chief, Curriculum Implementation Division Assistant Schools Division Superintendent Republic of the Philippines

FELISA B. BERIONG, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

Department of Education Region VI – Western Visayas Schools Division of Roxas City Curriculum Implementation Division LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) Banica, Roxas City Copyright 2018

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material has been developed through the Curriculum Implementation Division (CID) of the Schools Division of Roxas City. It can be reproduced for educational purposes and the source must be clearly acknowledged. The material may be modified for the purpose of translation into another language but the original work must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from any part of this material for commercial purposes and profit. CONTEXTUALIZED TEACHER RESOURCE IN ARALING PANLIPUNAN 10 WRITER MA. ANDREA P. FABILLON CATALOUGERS LOURDES ELEANOR M. MIRANDA Project Development Officer II

JACKELIN S. CABANGAL Librarian II

DIVISION QUALITY ASSURANCE TEAM MEMBERS ANALEE A. MAGALLANES EPS, Araling Panlipunan/Madrasah MA. ANDREA P. FABILLON Teacher III GRECIA C. CAPURCOS Master Teacher II PROJECT MANAGER NOREEN B. BUENSALIDO, Ph.D. Education Program Supervisor Learning Resource Management Approved for the use of the Schools Division: MARVIC S. MARTIREZ, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division FERDINAND S. SY, Ph.D., CESO VI Assistant Schools Division Superintendent

FELISA B. BERIONG, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

CONTEXTUALIZED TEACHER RESOURCE IN ARALING PANLIPUNAN 10 Isinulat ni: Ma. Andrea P. Fabillon, Teacher III, Congressman Ramon A. Arnaldo High School, Banica, Roxas City, Capiz Iniwasto ni: Analee A. Magallanes, EPS, Araling Panlipunan

Republic of the Philippines Department of Education Region VI – Western Visayas Schools Division of Roxas City Curriculum Implementation Division LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) Banica, Roxas City

CONTEXTUALIZED TEACHER RESOURCE IN ARALING PANLIPUNAN 10 (Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan) Ikaapat na Markahan I.

Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pagunawa sa kahalagahan ng pagkamamayaan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa B.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag- aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan

C.

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga karapatang pantao upang matugunan ang iba’t-ibang isyu at hamong panlipunan. (AP10MKP- IVe-5)

D.

Tiyak na Layunin: Natutukoy at nasusuri ang iba’t-ibang uri ng karapatan.

II.

Nilalaman A. Paksa: Katipunan ng Karapatan (Bill of Rights) B. Sanggunian: Learners Modyul 4, Grade 10 Araling Panlipunan C. Kagamitan: Mga larawan, Illustration Board, Crayon, Cartolina, Brown Envelope, worksheets D. Pagpapahalaga: kahalagahan ng mga karapatan ng isang mamamayan sa lipunan

III.

Pamamaraan A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin. Para malaman kung ang mga mag-aaral ay nakaunawa sa paksa na tinalakay noong nakaraang araw, ang mga mag-aaral ay sasagot sa Gawain 1 na nasa susunod na pahina.

Gawain 1: HUMAN RIGHTS DECLARED! Panuto: Punan ang lahat ng mga kahon ng mga karapatang pantao na ipinahayag sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR). Isang puntos ang bawat kahon.

Sanggunian: https://www.google.com.ph/search?q=universal+declaration+of+human+rights&source

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Bago magsimula ang panibagong aralin, magkaroon ang mga mag-aaral ng Balita-Suri na nasa ibaba. Bibigyan ang bawat mag-aaral ng kopya ng balita at sasagutin ang mga tanong pagkatapos mabasa ito.

Gawain 2: BALITA-SURI Panuto: Basahin at suriing mabuti ang balita na nasa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga tanong na makikita na nasa ibaba.

Mga Tanong: 1. Ano ang ipinahayag ng balita? 2. Makatarungan ba ang ginawa sa namatay na sanggol na nakita sa tabing ilog ng Banica, Roxas City? Bakit? 3. Anong karapatan ang nilabag ng mga magulang ng maliit na sanggol? 4. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin para maiwasan ang ganitong pangyayari?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Batay sa balita, tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kinalaman nito sa bagong aralin na tatalakayin. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong aralin Pangkatang-Gawain (Tiered/Differentiated Instruction) Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa tatlong grupo. Magtatanghal ang bawat pangkat na naaayon sa kanilang mga hilig at interes. Bigyan ang mga mag-aaral ng 10 minuto na maghanda ng kanilang presentasyon. Ang kanilang pagtatanghal ay 3-5 minuto lamang. 

Ang unang grupo ay magkakaroon ng isang Role Playing tungkol sa maagang pagbubuntis at pagkitil ng buhay ng sanggol sa sinapupunan ayon sa balita na nangayari sa barangay Banica, Roxas City, Capiz noong Pebrero 26, 2018.



Ang ikalawang grupo naman ay Poster Making tungkol sa Brgy. Ordinance # 015-2002 “An Ordinance Creating a Task Force to Prevent Truancy among School Children in Brgy. Banica, Roxas City, Capiz”.



Ang ikatlong grupo ay magkakaroon ng Jingle Writing tungkol sa hinihingi ng mga manggagawa ng lokal na mangagawa ng pamahalaan ng lungsod ng Roxas na pataasin ang kanilang sahod.

Rubrics sa Pagmamarka ng Pagtatanghal Nilalaman Impormasyon na inilahad Pagkamalikhain

40% 30% 30%

Kabuuan

100%

Pagkatapos ng pagtatanghal, ang mga mag-aaral ay tatanungin kung anu-ano ang kinalaman ng kanilang ginawa tungkol sa iba’t ibang uri ng karapatang pantao. E. Paglinang sa Kabihasaan

Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kinalaman ng kanilang pagtatanghal tungkol sa iba’t ibang uri ng karapatang pantao. Pagkatapos, susuriin ang mga ito.

Mga Uri ng Karapatan (Mula sa Learning Module ng Araling Panlipunan 10) Ang unang uri ng karapatan ay Natural Rights. Ito ay mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado. Halimbawa nito ay ang Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari-arian.

Ano ang isinasaad ng larawan? Ang ikalawang uri ng karapatan naman ay Constitutional Rights. Ito ay mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado. Ito ay may apat na klasipikasyon: Karapatang Politikal, Karapatang Sibil, Karapatang Sosyoekonomik at Karapatan ng akusado. Karapatang Politikal

kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.

Karapatang Sibil

mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.

Karapatang Sosyo-Ekonomik

mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.

Karapatan ng Akusado

mga karapatan na magbibigayproteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen.

Ang larawang ito ay halimbawa ng constitutional right.

.

Ang ikatlong uri ng karapatan ay Statutory Rights. Ito ay mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. Halimbawa nito ay ang karapatang makatanggap ng minimum wage.

Ano ang masasabi mo sa mga larawan?

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-Araw na Buhay Sitwasyon: Gusto ni Mary Jane na makapag-aral sa kolehiyo ngunit sa halip na pag-aralin siya ng kanyang ama ay pinagtrabaho pa siya nito sa isang restaurant.

Tanong: Anong uri ng karapatan ang nailabag ng ama? Kung ikaw si Mary Jane, ano ang iyong gagawin? G. Paglalahat ng Aralin Papangkatin sa tatlong grupo ang klase. Punan ng mga mag-aaral ang Fact Storming Web na nasa pisara tungkol sa tatlong uri ng karapatan. Pagkatapos nito, pipili sila ng isang tagapagpaliwanag ng kanilang ginawa. Ang unang pangkat ay magpapaliwanag sa natural rights, ikalawa sa constitutional rights, at ikatlo sa statutory rights. Bibigyan lamang sila ng dalawang minuto sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng karapatan sa fact storming web at dalawang minuto para sa kanilang pagpapaliwanag sa harapan ng klase. Gawain 3: Fact Storming Web

MGA URI NG KARAPATAN

H. Pagtataya Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na sitwasyon ayon sa mga uri ng karapatan. Piliin ang tamang sagot sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. A. Natural rights

B. Constitutional Rights

C. Statutory Rights

1. Ang pamilya ni Juan na kabilang sa mahirap ay nakatanggap ng mga benepisyo mula sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program). (B) 2. Ang pangkat ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan ng Banica, Roxas City ay sumali sa Capiz Provincial Meet noong nakarang taon. (A) 3. Ang SSG officers ng Milibili National High School ay inimbeta ng pamahalaang panglungsod ng Roxas sa isang Student Congress sa Pueblo de Panay. (B) 4. Ang pagbigay ng minimum wage ay naipatupad na sa mga manggawa sa lungsod ng Roxas. (C) 5. Ang Brgy. Banica ng Roxas City ay may bagong ordinansa na ipinatupad tungkol sa Curfew Nights for Children and Teenagers. (B)

I. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at remediation Slogan Making Panuto: Sa isang kalahating papel, gumawa ng slogan tungkol sa karapatan ng tao na nakabatay sa tema na: “Karapatan ko, Dignidad ko.” Rubrics sa Pagmamarka ng Slogan Making Nilalaman Impormasyon na inilahad Pagkamalikhain

40% 30% 30%

Kabuuan

100%

IV.

Mga Tala

V.

Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation. C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin. D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.

Inahanda ni: MA. ANDREA P. FABILLON Teacher III, Araling Panlipunan Cong. Ramon A. Arnaldo High School Banica, Roxas City, Capiz

Related Documents

Ma Electoral Ap
June 2020 1
Andrea
November 2019 24
Hotel Layout Ma P
June 2020 3
Treasure Ma P
May 2020 3
Andrea
November 2019 27

More Documents from ""