Ang Tekstong Ekspositori Ang tekstong ito ay may layuning magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon at ideya(Tingnan ang diagram ni Tara Felder ukol dito). Katangian ng Tekstong Ekspositori: -obhetibo ang pagtalakay sa paksa -Sapat na mga kaalamang ilalahad -Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya -Analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at datos
Ang mga Hulwarang Organisasyon ng tekstong Ekspositori A. Depenisyon- ito ay may layuning ipaliwanag o bigyan ng kahulugan ng isang termino o parirala. 2 uri ng pakahulugan: • Intensibong pakahulugan-Maaaring ibigay ang kasingkahulugan o sinonimo ng salita o kaya ay pagbibigay ng uri na kinabibilangan ng salita at katangiang ikinaiba nito sa iba.
•Ektensibong pakahulugan-pinapalawak dito ang kahulugang ibinigay sa intensibong pakahulugan sa paraang patalata.
B. Paghahambing-may layuning ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, pangyayari o ideya.(mga panandang salita: samantalang, at, habang, ngunit, subalit, sa kabila ng, kahit na, sa kabaliktaran, sa kabilang banda at iba pa)
C. Enumerasyon o Pag-iisa-isa-ang hulwarang ito ay maaaring maglahad ng mga halimbawa na nabibilang sa isang uri o klasipikasyon. May 2 Uri ito: siple at kumplikadong pag-iisa-isa.
D. Sanhi at Bunga-nagpapakita ito ng mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang kaugnay na epekto nito.(mga salitang maaaring gamitin: sa dahilang/kadahilanan, dahil, kung kaya, upang, at iba pa).
E. Kahinaan at kalakasan-inilalahad dito ang positibo at negatibong posibilidad kaugnay ng isang sitwasyon o pangyayari. (mga salitang maaaring gamitin: gayunpaman, sa kabilang banda, ang mga kahinaan, mga negatibong dulot, mga positibong dulot, dahil sa, bunga ng at iba pa) F. Pagkakasunud-sunod o order-nagpapakita ito ng serye ng mga pangyayari na maaaring humantong sa isang konklusyon o pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Maaari din ang hakbangin o proseso. (mga salitang gagamitin:una, pangalawa. . ., matapos, habang, sumunod, ang susunod na, sa ngayon at iba pa).
Uri ng pagkakasunud-sunod: • Sikwensyal-kronolohikal • prosidyural
G. Problema at Solusyon-paglalahad ito ng mga suliranin at paglalapat ng kaukulang solusyon • PAGLINANG SA MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA a.Pag-uuri ng mga ideya at detalye b. Pagkuha ng pangunahing ideya at pagpapalawak nito. c. Pagkilala sa paksa at pag-uuganay ng iba pang isyu o babasahin
d. pagtukoy at pagpapaliwanag sa layunin ng teksto. e. pagtiyak sa damdamin at tono ng teksto(damdaminpag-saloobin ng mambabasa. Tono-saloobin ng may-akda) f. pagkilala sa opinyon at katotohanan g. pagsusuri kung valid o hindi ang ideya h. pagbuo ng hinuha at paghuhula sa kalalabasan
i. pagbuo ng lagom o konklusyon j. pagbibigay ng interpretasyon sa grap, mapa, talahanayan at iba pang pantulong na grapiko.
Mabuhay ang matamang nakikinig!!!