Ang mga Tauhan ng El Filibusterismo Simoun: ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay, siya rin si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. Isagani: ang makatang kasintahan ni Paulita. Basilio: ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Julia. Kabesang Tales: ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle. Tandang Selo: ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo. Ginoong Pasta: Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal. Ben-zayb: ang mamamahayag sa pahayagan. Placido Penitente: ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan. Padre Camorra: ang mukhang artilyerong pari. Padre Fernandez: ang paring Dominikong may malayang paninindigan. Padre Florentino: ang amain ni Isagani Don Custodio: ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene: ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez:
ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila Makaraig: ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval: ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina: ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. Paulita Gomez: kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. Quiroga: isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Juli: anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Hermana Bali: naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. Hermana Penchang: ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. Ginoong Leeds: ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya. Imuthis: ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds