Mga Tauhan Ng Noli And El Fili

  • Uploaded by: Era Baldago Ewa
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga Tauhan Ng Noli And El Fili as PDF for free.

More details

  • Words: 1,536
  • Pages: 10
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin Si Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin ay ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Nag-iisa siyang anak ni Don Rafael Ibarra. Itinuring siyang “eskumulgado” at idinawit sa naganap na pag-aalsa. Siya ay katipan ni Maria Clara. Maria Clara Ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra. Kilala si Maria Clara sa San Diego dahil sa kanyang angking ganda at kayumian. Anak siya ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso. Elias Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra. Anak siya ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo. Kapitan Tiyago o Don Santiago de los Santos Mangangalakal na taga-Binondo. Siya ang ama-amahan ni Maria Clara. Madalas siyang magpahanda ng salu-salo at kilala sa pagiging bukas-palad. Padre Damaso Verdolagas Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang magaspang kumilos. Siya ay dating kura sa San Diego na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga hindi banyaga. Padre Bernardo Salvi Ang paring pumalit kay Padre Damaso na mayroong lihim na pagtingin kay Maria Clara. Padre Hernando De La Sibyla Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Kapitan-Heneral Siya ang pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas. Siya ang lumakad upang maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra. Pilosopo Tasyo o Don Anastacio Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Ang tingin ng mga ‘di nakapag-aral ay baliw ang matanda ngunit para sa mga may alam ay isa siyang pilosopo. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at maagang nabalo kaya ginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat. Sisa Isang mapagmahal na ina na nabaliw. Siya ay may asawang pabaya at malupit. Pedro Iresponsableng ama at masamang asawa ni Sisa. Basilio at Crispin Magkapatid na anak ni Sisa. Mga napagbintangang nagnakaw. Pareho silang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang panganay at bunso naman si Crispin. Tinyente Guevarra Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. Alperes Siya ang puno ng mga gwardya sibil at kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. Asawa niya si Donya Consolacion. Donya Consolacion

Napangasawa ng Alperes. Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Katawa-tawa siya kung manamit at ikinahihiyang isama ng Alperes. Ipinapalagay niya na siya’y higit na maganda kay Maria Clara. Donya Victorina de los Reyes de Espadaña Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Asawa ni Don Tiburcio de Espadaña Don Tiburcio de Espadaña Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran. Asawa ni Donya Victorina at nagpanggap na doktor. Linares Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. Don Filipo Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin. Siya ang ama ni Sinang. Senyor Nol Juan Siya ang namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan. Lucas Taong dilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra. Tarsilo Alasigan at Bruno Alasigan Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila. Tiya Isabel Pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na maisilang ang anak. Iday Kaibigang maganda ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa. Sinang Anak ni Kapitan Basilio at masayahing kaibigan ni Maria Clara. Andeng Mahusay magluto na kinakapatid ni Maria Clara. Victoria Tahimik na kaibigan ni Maria Clara na kaintahan ni Albino. Neneng Isa sa mga kaibigan ni Maria Clara. Siya ay mahinhin at palaisip. Don Rafael Ibarra Ama ni Crisostomo Ibarra. Labis siyang kinainggitan ni Padre Damaso dahil mayaman ito. Tinawag din siyang erehe. Don Saturnino Ninuno ni Crisostomo Ibarra Don Pedro Eibarrimendia Lolo ni Crisostomo Ibarra. Siya ang naging dahilan ng matinding kasawian ng nuno ni Elias. Don Primitivo

Isang matandang lalaki na marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin. Siya ay pinsan ni Tinchang at taga payo ni Kapitan Tinong. Tinchang Ang matatakuting asawa ni Kapitan Tinong Mang Pablo Matandang pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. Kapitan Basilio, Kapitan Tinong, at Kapitan Valentin Ilan sa mga kapitan sa bayan ng San Diego Kapitana Maria Ang nag-iisang babaeng makabayan na pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. Albino Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. Siya ang kasintahan ni Victoria. Andong Napagbintangan na isang pilibustero. Balat Ang tiyo niElias na naging tulisan Carlicos Bayaw ni Padre Damaso na nanirahan sa Espanya. Leon Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad.

Ermana Rufa Kampi kay Padre Damaso

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Simoun Siya si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere. Nagpanggap siyang magaalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan. Naging kaibigan at taga-payo din siya ng Kapitan Heneral. Basilio Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kalaunan ay naging kakampi siya ni Simoun. Isagani Ang makatang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas. Kabesang Tales Naghangad ng karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga pari. Siya’y kasama sa mga naghimagsik na tinugis noon ng pamahalaan. Tandang Selo Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo. Juli Anak ni Kabesang Tales at apo ni Tandang Selo. Siya ang nobya ni Basilio na hinalay ng paring matagal nang may pagnanasa sa kanya. Kapitan Heneral

Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Siya din ay naging kaibigan ni Simoun. Placido Penitente Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga suliraning pampaaralan. Juanito Pelaez Ang kubang mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor at nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Siya ang nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli ng storya. Donya Victorina Tiyahin ni Paulita Gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina. Paulita Gomez Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. Don Tiburcio de Espadaña Pinagtataguan ang asawang si Donya Victorina. Ben Zayb Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita at laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ang katotohanan. Makaraig Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Pecson

Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa Panciteria Macanista de Buen Gusto kung saan kanyang tinuligsa ang mga pari. Sandoval Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral. Padre Camorra Ang mukhang artilyerong pari na gumahasa kay Juli. Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa bahay liwaliwan. Padre Fernandez Ang paring Dominikong may malayang paninindigan Padre Florentino Ang amain ni Isagani na pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya malagutan ng hininga. Padre Irene Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. Padre Millon Isang batang Dominikong pari na guro sa klase ng Pisika. Ginoong Pasta Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning ligal. Don Custodio (Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo) Kilala rin sa tawag na “Buena Tinta”. Sa kanyang mga kamay nakasalalay kung pahihintulutan ang Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas. Quiroga

Isang Intsik na mangangalakal na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Sa kanyang tindahan pansamantalang ipinatago ni Simoun ang mga sandata at pulbura na gagamitin sa himagsikan. Hermana Bali Humimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra na mapalaya ang kasintahang si Basilio. Hermana Penchang Ang mayaman at madasaling babae na pinaglingkuran ni Juli noong mga panahon na kaylangan niya ng pandagdag na salapi para may maipantubos sa ama na binihag ng mga tulisan. Ginoong Leeds Ang misteryosong Amerikanong nagtanghal sa perya. Imuthis Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds Kabesang Andang Ina ni Placido Penitente na taga-Batangas. Pepay Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. Siya rin ang hinilingan ng mga mag-aaral na kumumbinsi kay Don Custodio para suportahan nito ang paaralang nais nila. Camaroncocido Isang Espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. Tiyo Kiko

Isang matandang lalaki na sinasabing matalik na kaibigan ni Camaroncocido. Tano Kapatid ni Juli, anak ni Kabesang Tales, at apo ni Tandang Selo. Gertrude Mang-aawit sa palabas. Serpolette Isang mang-aawit sa palabas na kaibigan ni Padre Irene Paciano Gomez Kapatid ni Paulita Gomez. Tadeo Estudyanteng tamad mag-aral at nagdadahilang maysakit ngunit nakakapasa pa rin sa klase. Sinong Isa siyang kutsero na dalawang beses na nahuli dahil nalimutan niyang dalhin ang kanyang sedula at walang ilaw ang kanyang kalesa. Siya rin ang tanging dumalaw kay Basilio nang ito’y nakakulong pa at nagbalita ng tungkol sa pagkawala ni Tandang Selo at pagkamatay ni Juli. Mautang Isa sa mga Pilipinong gwardiya sibil na nagpahirap sa mga Pilipinong bilanggo. Carolino Nakapatay sa kanyang lolo na si Tandang Selo.

Related Documents


More Documents from "Ralph Waldo Sales Taylan"

October 2019 27
Next.2008.09
November 2019 24
Rtl Mmd.xlsx
June 2020 20
Minilok.docx
June 2020 17
Grafik Laba Laba.xlsx
April 2020 14