Sinasabing ang mga Sumerian ang unang sibilisasyon ng Mesopotamia (na ngayon ay Iraq) noong panahon ng Eneolithic at Bronze Age. Ang mga Sumerian ay bihasa sa pagpapalago ng iba't ibang mga pananim at iyon ang naging hudyat upang sila ay magtagal sa isang lugar. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Uruk, Eridu, Nippur, Kish at Lagash. Ang gusaling Ziggurat na itinatag sa lungsod ng Ur ay naging simbolo ng pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos. Ang mga Ziggurat o templo ay ang tahanan ng Diyos ng mga Sumerian. Mga Diyos ng Sumerian: AN - Diyosa ng kalangitan ENLIL - Diyos ng hangin ENKI - Diyos ng katubigan NINHURSAG - Diyos ng kalupaan Mga Ambag ng Kabihasnang Sumerian: Cuneiform Sinasabing ito ay umusbong noon pa lamang 3000 BC Ito ang naimbentong sistema ng pagsulat ng mga Sumerian. Ang Cuneiform ay gawa sa putik. Dito inilalagay ng mga Sumerian ang batas, epiko, dasal at kontrata ng negosyo. Sumerian Wheel Nabuo ito noong 3500 BC. Sa pagkatuklas nito ay nagawa nila ang pinakaunang karwahe. Ang gulong na ito ay gawa sa kahoy.Sa paggamit nila sa gulong ay napapadali ang kanilang pagpapadala ng produkto sa ibang lugar.Maging ang paggamit ng layag sa paglalakbay dagat ang pinangunahan din ng mga taga Mesapotamia. Cacao Ginamit nila ang cacao bilang pamalit ng kalakal at dahil dito, ang mga Sumerian ang nakaimbento ng unang paraan ng pakikipagkalakalan. Matematika Ang mga Sumerians ay nakabuo din ng komplikadong sistema ng metrology at dahil dito ay naimbento ang geometry at algebra. Gumawa din ang mga Sumerian ng multiplication table sa kanilang Cuneiform tablets.
Naniniwala ang mga Sumerian sa mga diyos- tinatawag itong politeismo. Umunlad ang pamayanang Sumer at naging malayang estado ito subalit hindi naglaon ay nagkaroon sila ng pag aaway. Ang pag aaway na iyon ay sinamantala ng mga taga Akkadian, kaya't nasakop ang mga Sumerian sa pamumuno ni Sargon na siyang nagtayo ng unang imperyo sa kasaysayan. Naging masaklap din ang pagtatapos ng Akkadian dahil sinakop din sila ng Babylon na pinamunuan ni Hammurabi na nagpatupad ng mga batas na hango sa "Code of Hammurabi"
KABIHASNANG AKKADIA