Komparatibong Pagsusuri Ng Pares Minimal Ng Mga Salita Gamit Ang Mga Saluwikain Ng Mga Bikolano.docx

  • Uploaded by: Jeremie Purog
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Komparatibong Pagsusuri Ng Pares Minimal Ng Mga Salita Gamit Ang Mga Saluwikain Ng Mga Bikolano.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,678
  • Pages: 15
Jeremie M. Purog ABF 3-1

KOMPARATIBONG PAGSUSURI NG PONEMANG SUPRASEGMENTAL NG MGA SALITANG BICOLANO AT FILIPINO GAMIT ANG MGA PILING MGA BIKOLANO

PANIMULA

Ang Wikang Bicolano ay isa sa mga wikang umiiral sa ating bansa. Maraming varayti ang wikang ito dahil na rin sa mga lugar sa rehiyong Bicol. Ang mga varayting ay mayroong ibat-ibang katangian. Ito rin ay isang wikang Astronesyano na ginagamit sa Pilipinas tangi sa Tangway ng Bikol. Ang Pares Minimal ay nasa ilalim ng pag-aaral pang-wika na Ponolohiya. Ang “pono” ay galing sa ingles na “phone” na nangangahulugang tunog at ang “lohiya” nangangahulugang pag-aaral. Samakatuwid, ang ponolohiya/ponoloji ay pag-aaral ng mga tunog ng ating wika. Ang tunog ay tinatawag na ponema bilang yunit ng tunog na nagpapaiba ng kahulugan. Nakapaloob sa Uri ng Ponema ito ay ang Ponemang Suprasegmental, ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa pag-aaral ng makabuluhang yunit ng tunog. Hindi ito tinutumbasan ng letra sa halip ay sinasagisag nito ang notasyong ponemik upang mabanggit ang paraan ng pagbigkas.

MGA SULIRANIN 1. Ano-anong mga salita sa Wikang Bicolano ang parehong baybay sa Wikang Filipino ngunit magkaiba nag kahulugan?

Jeremie M. Purog ABF 3-1

2. Ano-ano ang mga aspetong pangwika ang naging dahil ng pagkakaiba ng mga kahulugan ng salita sa Bicolano sa Filipino? 3. Paano napapakinabangan ang ganitong ayos ng mga salita sa ating mga hindi alam ang paggamit ng Wikang Bicolano?

LAYUNIN Layunin ng pag-aaral nito ang malaman ang mga salita ng mga Bicolano na may pagkakatulad sa Tagalog ngunit magkaiba ng kahulugan. Layunin din ng pag-aaral na magkaroon ng kaalaman ng mga may hindi alam ng Wikang Bicolano kung sakaling mapunta o makipagsalamuha sa mga Bicolano.

Jeremie M. Purog ABF 3-1

KOMPARATIBONG PAGSUSURI NG PARES MINIMAL NG MGA SALITANG BICOLANO AT FILIPINO GAMIT ANG MGA PILING MGA BIKOLANO

Pananaliksi sa Kagawaran ng Filipinolohiya Kolehiyo ng Artes at Literatura Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila

Bilang kahingian para sa asignaturang Wikang Bernakular II sa kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya

ni:

Jeremie M. Purog

2019

Jeremie M. Purog ABF 3-1

I.

KALIGIRANG NG PAG-AARAL

PANIMULA Ang wika ang nagsisilbing pagkaka-kilanlan nang isang pook o lalawigan. Sa wika nasasalamin kung anong kultura’t kasaysayan nang isang lugar na kinabibilangan ng tao. Wika ang nagsisilbing instrument upang magkaroon ng kaisahan ang mga tao dahil ito ang nag-uugnay sa kasamahan ng kanilang lahi. Mayroong iba’t ibang wika sa buong mundo, at bawat wika ay may di mapapantayang kahalagahan. Dahil sa taglay na di matatawarang kahalagahan ng wika, marapat lamang na ito ay pahalagahan, pag-usbungin, at pagyayamanin para na rin sa susunod na salinlahi. Ang wika nang isang kultura ay patuloy sa pag-usbong. Sa paglipas ng panahon, ag bokabularyo ng isang wika ay nadadagdagan o nababago dahil sa mga bagong kaisipan na natutuklasan. Sa mga araw na ito, isa sa sinasabing paliwanag kung anong paraan nagaganap ang pagbabago ay ang impuwensiya nang ibang kultura sa atin – tinatawag na asimilasyon. Isa sa halimbawa nito ay ang pagpapasok nang salitang Latin na salita sa Ingles o kaya naman ay salitang Kastila sa wikang Bikol.Sa bagong milenyong panahon, kung saan ganap ang globalisasyon, malaki ang impuwensiya nang malalaking nasyon sa mga maramig salita, habang ang mga teknikong salita ay nagmumula sa maliliit na nasyon na patuloy pang umuunlad at umuusbong dahi sa sensiya. Ang wikang Bikolano ang ginagamit nag mga taong naninirahan sa mga probinsya na matatagpuan sa tangway ng Bikol at nagsisilbi bilang Lingua Franca o pangunahing wika ng rehiyon. Ang Bikol ay binubuo ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay,

Jeremie M. Purog ABF 3-1

Sorsogon, Catanduanes at Masbate. Ang mga mamamayan dito ay nagsasalita ng Bikol ngunit iba’t-iba ang uri ng wikang bikolano ang ginagamit nila. Ang wikang Bikolano o Bicol ang pangkalahatang tawag sa wikang sinasalita sa rehiyon ng Bikol. Kabilang ang Bikol sa mga diyalekto ng Bisaya, isa rin ito sa sinuri ni MacKinlay (1904) kung saan siniyasat ang ilan sa mga minor na wika sa Luzon liban sa Tagalog. Sa mga literaturang sinuri sa papel na ito, ang Bikol aya kanilang kinasapika bilang isang hiwalay na wika sa Bisaya. Ang kadalasang hindi pag-tutugma sa mga kontemporaryong mga pag-aaral sa wika ay ang klasipikasyon ng mga wika o dayalektong nakapaloob at kabilang dito. Gagamitin ng pananaliksik na ito ang ilang mga salitang Bikolano upang mapag-aralan ang mg Pares Minimal na mga wika. Makabuluhan ang isang tunog kapag nagagawa nitong baguhin ang kahulugan ng isang kaligiran sa sandaling ito’y alisin o palitan. Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pares ng mga salita .

Ang mga ponemng suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin, intonasyon at hinto. Diin. Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin. Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig (Yenben 2012). Mayroong mga salita sa Bikol ang may pagkakatulad sa Tagalog ngunit magkaiba ang kahulugan.

Jeremie M. Purog ABF 3-1

SULIRANIN 1. Ano-anong mga salita sa Wikang Bicolano ang parehong baybay sa Wikang Filipino ngunit magkaiba nag kahulugan? 2. Ano-ano ang mga aspetong pangwika ang naging dahil ng pagkakaiba ng mga kahulugan ng salita sa Bicolano sa Filipino? 3. Paano napapakinabangan ang ganitong ayos ng mga salita sa ating mga hindi alam ang paggamit ng Wikang Bicolano? MGA KALAHOK Ang pananaliksik nagkaroon ng isang panayam o paraan ng pagtatanong sa mga taong may kaalaman sa Wikang Bicolano o di kaya ay isang Bikolano. Ang kanilang paraan ng pagbigkas ang naging basehan ng pananaliksik upang mabigyan ng kahingian ng pag-aaral. Ang paraan kung paano nila binibigkas ang isang salita ang binigyan ng pansin. Ang mananaliksik ay humanap ng mga taong may kaalaman sa Wikang Bicolano. Ginamit ang teknolohiya, tulad ng facebook group page na ang mga miyembro ay mga bicolano gaya ng TAGA BICOL KAMI facebook group page at BICOLANO SOCIETY. Mayroon din personal na panayam na ginawa ang mananaliksik, isang kakilala ang ginawang korespondente ng pananaliksik upang magkaroon ng mga datos at matugunan ang mga suliranin ng pananaliksik. METODOLOHIYA Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng kwanlitatibong pamamaraan. Ayon kay Bryman at Bell (2007), ang kuwalitatibong pananaliksik ay isang estratehiya na naglalahad ng relasyon ng

Jeremie M. Purog ABF 3-1

teorya sa pananaliksik at kadalasang nagpapakita kung paano nabuo ang teorya. Batay dito, induktibo ang proseso ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng alternatibo sa numero, ginagamitan ito ng deskripsyon at interpretasyon. Ang mananaliksik ay gumamit ng Isahan o indibidwal na pakikipagpanayam, ito'y pagharap ng dalawang tao, ang isa'y nagtatanong na siyang kumakapanayam (interviewer) at ang isa'y kinakapanayam (interviewee). Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam ng isang Guidance Counselor sa isang mag-aaral upang malaman ang personal na datos tungkol sa kanya.

II. IBANG BAHAGI NG METODOLOHIYA

Paraan ng Pagsusuri/Paglalatag ng Datos Komparatibo ang paraan ng paglalahad ng datos. Ito ay uri ng pananaliksik na may layunin na ikumpara ang dalawang varyabol na pinag-aaralan sa pamamagitan ng pagtukoy sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga paksang pinag-aralan. Naglalayon din maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayat, at iba pa. Madalas na gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong uri ng disensyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at institusyon (Bautista 2012). Gamit ang paraang ito upang mabatid ang pinagkaiba ng Wikang Bicolano at Wikang Filipino.

Naghanap ang mananaliksik ng respondenteng tutugon sa mga kahingian ng

pananaliksik. Gumamit din ang mananaliksik ng mga salitang ipagkukompara at inunawa kung

Jeremie M. Purog ABF 3-1

paano ito binigkas ng respondent sa wikang Bicolano. Ang papel na ito ay isang pagtatangka upang mapagkumpara/kontrast ang dalawangpangunahing literaturang panggramar ng wikang Filipino. Ang dalawang pag-aaral na ito ay isinagawa sadalawang magkaibang panahon kung saan mayroong magkaibang nananaig na metodo o prinsipyonglinggwistiko. Batid ng awtor na sa mga pag-aaral na naisagawa, magmula sa klasik at structuralist na Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos (1939) hanggang sa mas inobatibong mga pag-aaralgaya nina Cubar & Cubar at Gonzales-Garcia (1977), ang usapin ng ortograpiya sang-ayon sa katangiangponetiko/ponemiko ay hindi pinagtuunan ng masyadong pansin. Sabihin ang indibiduwal na mga salita nang wasto. Ito’y nagsasangkot (1) ng paggamit ng tamang mga tunog upang bigkasin ang mga salita, (2) ng pagdiriin ng tamang (mga) pantig at, (3) sa maraming wika, ng pagbibigay ng wastong pansin sa mga tuldik. Ang wastong pagbigkas ay nagdaragdag ng dignidad sa mensahe na ating ipinangangaral. Itinutuon nito ang pansin ng nakikinig sa mensahe na ating ipinangangaral sa halip na sa anumang pagkakamali sa pagbigkas.

III. BATAYANG TEORETIKAL Nakabatay ang pag-aaral na ito sa teoryang variationist ni Lavov et al (1968), na ang wika ay lagi nang may pagbabago. Ang iba’t ibang paraan ng pagsasabi ng isang bagay ay maaaring makita sa lebel ng grammar, sa varayti ng wika, sa iba’t ibang istilo, dayalekto at rejister ng wika na gamit ng bawat indibidwal na tagapagsalita sa iba’t ibang lugar at panahon. Sabin ni Lavov, ang mga tagapagsalita ay gumagamit ng iba’t ibang porma upang masabi ang isang kahulugan.

Jeremie M. Purog ABF 3-1

Amg pagbabago sa wika ay bunga ng impluwensya ng sosyal at kultural na factormaaaring resulta ng kontak at panghihiram, o bunga ng imahinasyon ng isip ng tao para sa mga teoristang ito ay may kasaysayan din ang pagkakalikha ng mga salitang bumubuo sa isang wika. Ang pangunahing kaalaman na ang mga tao ay gumagamit ng iba’t ibang wika, at ng iba’t ibang varayti ng wikang iyon at ang paggamit ng wikang iyon ay nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan. Isa pang teorya na pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang speech accommodation theory ni Howard Giles na nagpapaliwanag sa motibasyon at kinalabasan ng mga pangyayari kung bakit ang ispiker ay nagbabago ng istilo o paraan sa pakikipagkomunikasyon. Ayon nga kina Giles at Clair (1979), ang wika ay hindi iisang uri o istatikong sistema. Ito ay may multi-tsanel , multi-varyabol, at kayang magkaroon ng malawak na modipikasyon ayon sa iba’t ibang kontekstong pinaggagamitan ng ispiker, kahit na maaaring mapansin ng nakikinig ang ilang maliliit na pagbabago sa pagsasalita ng ispiker na magbibigay ng ideya sa kalagayang sosyal ng nagsasalita. Ang ganitong kalagayan ay nagbibigay ng importansya sa teoryang akomodasyon. Nahahati sa dalawa ang speech accommodation theory- ang konverjerns at dayverjens. Sa teorya ng konverjens ang indibidwal ay nagpupursige na iakomodeyt o i-adjust ang sarili sa pakikitungo sa kapwa sa iba’t ibang aspektong sosyal, edad, kasarian, estado sa buhay, hanapbuhay, pananampalataya, lugar, edukasyon, at iba pa: at maging sa aspektong heyograpikal upang magkalapit o mapaliit ang agwat na nakapagitan sa kanya at nakakasalamuha. Samantala sa teoryang dayverjens naman kadalasan na ang isang indibidwal na nabibilang sa prestihiyosong grupo ay nagpapakita sa iba ng superyoridad. Kusa nitong inilalayo ang sarili sa nakakababa sa paningin niya dahil sa pagnanais na ihaylayt ang identidad. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang layunin ng indibidwal. Kung minsan sinasadya niyang mapaiba sa iba hindi upang maliitin ang iba kundi dahil nais nitong ipagmalaki ang sarili at grupong kinabibilangan bilang pagtutol pagdedeskrimina ng iba. Nais niyang ipakita

Jeremie M. Purog ABF 3-1

na wala siyang dapat ikahiya bilang indibidwal na nabibilang sa maliit na grupo o sa diprestihiyosong grupo. Karaniwang ipinakikita ito sa paggamit ng wika o punto/aksent ng wika. Ang mga nabanggit na teorya ang naging sandigan ng mga mananaliksik sa isinagawang pagaaral tungkol sa ponemang suprasegmental ng mga salita ng wikang bikolano.

IV. BALANGKAS KONSEPTWAL

TEORYANG VARIATIONIST NI LAVOV

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

WIKANG FILIPINO

WIKANG BIKOLANO

Figure 1.1 Iskima ng Paradaym ng Pag-aaral

Makikita sa unang kahon ang teoryang ginamit, pangalawa naman ang tiyak na batayan ng pag-aaral na magkokompara sa dalawang wikang nasa ibabang kahon.

Jeremie M. Purog ABF 3-1

V. PRESENTASYON NG PAGSUSURI Narito ang ilang salita sa Bicolano na pareho ang baybay sa Filipino ngunit magkaiba ang kahulugan: BICOLANO

FILIPINO

ảram “to know”

arảm “to be conscious”

dǔkot “to pull something out”

dukὀt “to glue or paste”

dὀot “grass, lawn”

doὀt “to feel, touch”

hảmak “lowly, humble”

hamảk “mat”

inả “to remove something”

inâ “mother”

kǔyog “to obey or comply”

kuyóg “small fish”

sảlog “river”

salóg “floor”

Nababago ang kahulugan ng isang salita sa diin o tono nito, nakabase sa kung paano ito binigkas ng nagsasalita. Sa kaso ng wikang Filipino at Wikang Bicolano, may mga salita na tulad nang sa Filipino ngunit iba ang nagiging kahulugan sa Bicolano. Nagkakatalo na lang sa tono at diin nito. Sa ilang wika, nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag nagpapalit ng tono. Ang hindi pagbibigay nang sapat na pansin sa aspektong ito ng isang wika ay maaaring magbunga ng pagtatawid ng maling mga ideya. Sa mga wikang may alpabeto, ang wastong pagbigkas ay humihiling sa paggamit ng tamang tunog para sa bawat letra o kombinasyon ng mga letra. Kapag

Jeremie M. Purog ABF 3-1

ang mga salita ng isang wika ay binubuo ng mga pantig, mahalaga na ilagay ang pangunahing pagdiriin sa tamang pantig. Maraming wika na gumagamit ng gayong kayarian ang may regular na kinagawiang paraan ng bibigang pagdiriin. Para sa mga eksepsiyon sa gayong kinagawiang paraan, ang isang tuldik ay maaaring maging bahagi ng nakasulat na salita. Nakatutulong ito upang maging madali ang pagbigkas. Gayunman, kung ang kinagawiang paraan ay pabagu-bago, nagiging mas malubha ang suliranin. Nangangailangan ng maraming pagsasaulo upang magawa ito nang matagumpay. Sa ilang wika, ang mga tuldik ay isang mahalagang salik na kailangang isaalang-alang. Ang mga tuldik ay maaaring isulat, o maaaring ang bumabasa ang inaasahang maglalagay ng mga ito batay sa konteksto na doo’y lumilitaw ang salita. Sa huling nabanggit, ang maingat na paghahanda ay malamang na kakailanganin kapag inatasan kang bumasa sa madla.

VI. KONKLUSYON Ang wikang Tagalog at Bikolano ay parehas na nabibilang sa wikang Austronesian. Kung mapapansin, parehas ang dalawang wika na maraming salitang hiram mula sa wikang Espanyol, gayunpaman ay iba ang tunog ng kanilang mga titik. Ang wikang Tagalog ay laganap sa bansa dahil ito an gating wikang pambansa, ngunit mas partikular itong ginagamit sa Luzon (Maynila) habang ang wikang Bikolano naman ay laganap sa lalawigan ng Bikol. Sa pag-aaral nang wikang Bikolano, marami tayong matutuklasan na pagkaka-iba nito at ilang pagkakapareha sa iba pang wikang ginagamit sa ating bansa. Masasalamin rin sa pag aaral nang wikang Bikolano ang kulturang nanalaytay sa lalawigan. Mahalaga ang pag-aaral nang mga wikang laganap sa ating

Jeremie M. Purog ABF 3-1

bansa, kagaya nang wikang Bikolano, upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa iba’t ibang wika. VII. MGA SANGGUNIAN

Santos, A. L. (2010). Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino. Sa mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino sa Iba Pang mga Wika (pp. 41-49). MSU-IIT, Iligan City Santos, A. L., Hufana, N. L.,Magracia, E. B. (2009). Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon Teksbuk sa Filipino I Malabon City: Mutya Publishing House. Wardhaugh, R. (1992). Language, Dialects and Varieties. An Introduction to Sociolinguistics 2nd Ed. USA: Blackwell Oxford UK and Cambridge. Fromkin, V. & Rodman, R. (1983). An Introduction to Language. New York: Holt, Rinehart and Winston. Lavov, W., Cohen, P., Robins, C. & Lewis, J. (1968). A Study of the Non- Standard English of Negro and Puerto Rican Speakers in New York City. Cooperative Research Report 3288, Vol. I Philadelphia: US Regional Survey. Giles, H. Clair, R. (1979). Language and Social Psychology. Oxford Blackwell Constantino, P. C. (2002). Varayti at Varyasyon ng Wika, Historya, Teorya at Praktika, Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyaston ng Filipino. Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino. Rubico, J. G. U. (2009). Linggwistiks para sa mga Mag-aaral ng Agham Panlipunan. Retrieved September 17, 2009. Lobel, J.W. (2000). An Satuyang Tataramon “A Study of the Bikol Language”. Naga City. Lobel and Tria Partnership , Co.

Jeremie M. Purog ABF 3-1

VII. DOCUMENTASYON

Ang mananaliksik ay may mga respondenteng sa sosyal midya kinausap. Ang panayam ay naganap/ nangyari sa pamamagitan ng video call, tawag at personal na mensahe. Narito ang ilan sa mga taong nakausap ng mananaliksik.

Manuela Villoria

Kathlene

Jeremie M. Purog ABF 3-1

Pagpopost sa isang facebook page ng mga bicolano

Pakikipag-usap gamit ang messenger

Related Documents


More Documents from "kaka alih"