ANG LOKAL NA PANANAW NG PAGPAPAGALING NG SUMANG SA SAN ILDEFONSO, ILOCOS SUR
Panimula Kaakibat na yata ng tao ang sakit sa pang‐araw‐araw na pamumuhay. Kahitanong pag‐iwas man ang gawin ng tao ay hindi mawawala ang mga karamdamansa ating paligid. Magmula pa man noong unang panahon, ang sakit ay bahagi nang pamumuhay ng tao. Ang iba sa mga ito ay nagagamot subalit ang ilan namanay tanging Poong Lumikha na lamang ang nakakaalam ng kagamutan. Subalit isalamang ang malinaw, may iba't‐ibang sanhi ang sakit na dumadapo sa katawanng tao. Nariyan na ang dala ng pagod, maruming paligid, walang kontrol sapagkain, hindi maususustansiyang pagkain, at ang iba pa nga ay sanhi ng hindi maipaliwanag na dahilan o mga sakit na dala ng mga nilalang na hindi nakikitang ating mga mata.Kaya naman bawat sakit na dumadapo sa bawat tao ay may kanya‐kanyang pamamaraan ng panggagamot. May makabagong pamamaraan gamit ang siyensya at may tradisyunal din, gamit ang paniniwala o kapangyarihang ibinigaysa tao mula sa kalikasan o matinding pananampalataya. Sa puntong ito, ang pag-aaral ng kasaysayang lokal ang nais ng may‐akda napagtuunan ng pansin upang bigyang importansya ang mga naganap o nagaganapna mga pangyayari sa labas ng Kamaynilaan. Kaya naman sa papel na ito, napiling mananaliksik ang kanyang kinalakihang bayan sa Lalawigan ng Ilocos Sur bilang lugar kung saan gagawin ang pag‐aaral, ang Bayan ng San Ildefonso. Upang maitaguyod ang kasaysayan at kulturang pumapaloob sa nasabing bayan binigyan pansin ng mananaliksik ang tradisyunal na pangggamot sa Bayan ng San Ildefonso. Subalit sa puntong ito, ang mga kababaihan lamang na nagsasagawang ganitong pamamaraan ng panggagamot ang kanyang pagtutuunan ng pansin upang mabigyang pagkilala ang mga kababaihan na magsisilbi ring pagbibigay lakas sa kanilang lahi. Ang mga nasabing kababaihang ito ay nagtataguyod ng tradisyunal na pamamaraan ng panggagamot gamit ang kanilang sariling pamamaraan na sa kanilang pananaw at paniniwala ay nakatutulong ng malaki sa kanilang mga kababayan at sa mga taong naniniwala sa kanilang kakayahan. Noong una pa man, malaki na ang naging gampanin ng mga kababaihan sa ating lipunan. Sa Pilipinas, naging kabahagi din ang mga kababaihan sa rebolusyonnoong 1896 at maging sa kasalukuyan ay kalahok pa rin ang mga kababaihan sarebolusyon ng CPP‐NPA laban sa pamahalan. Dalawang beses nang nagkaroonang Pilipinas ng babaeng pangulo sa katauhan nina Pres. Corazon C. Aquino atPres. Gloria Macapagal‐Arroyo. Patuloy ang paglakas ng kilusan ng mgakababaihan sa Pilipinas partikular ang GABRIELA na ngayon ay isa nang party‐list. Matatandaan din na may iba't‐ibang tungkulin na rin ginampanan ang mga kababaihan sa larangan ng panggagamot sa katauhan ng mga babaylan. Ayon kay Carlos Villa ang babaylan ay tumutukoy sa isang katutubong Pilipinang manggagamot (karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan na kinikilala ng mga kaibigan at pamilya na nagtataglay ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan at may kakayahang makita ang mga mangyayari sa hinaharap (http://www.babaylan.net/). Sa tradisyon ng mga Pilipino, isang taong may kakayahang gumamot ng kaluluwa at katawan ang mga babaylan; isang babaeng nagsisilbi sa pamayanan sa pamamagitan ng pagiging isang tagahilom ng mga mamamayanan, tagapagtago ng karunungan at bilang pilosopo; isang babaeng nagbibigay ngkatatagan sa istrukturang pang‐lipunan ng komunidad; isang babaeng maaaringpumasok sa mundo ng mga espiritu o iba pang katayuan ng diwa at maglabas‐masok ng walang sagabal sa mga mundong ito; isang babaeng may malawak nakaalaman sa pagpapagaling mga sakit. Bilang
karagdagan, isang taong namamagitan sa pamayanan at mga indibidwal ang babaylan at isa rin sa mg amismong nagsisilbi ( http://tl.wikipedia.org/wiki/Babaylan). Nais din ng pag‐aaral na ito na bigyang pansin ang mga tungkulin ng mga nasabing babaeng kilala sa tradisyunal na pamamaraan ng pangagagamot sa kanilang lipunang kinabibilangan. Ilan sa mga tradisyunal na pamamaran ng panggagamot sa nasabing bayan ayang mga sumusunod: 1. Pagsusuob Ang pagsusuob at pagbubuga ang kanyang espesyalisasyon sa pagsasagawa ngtradisyunal na pamamaraan ng panggagamot. Ayon sa kanya ang ganitong kaalaman ay nakuha lamang nila sa pamamagitan ng “oral tradition” kung saan isinalin ng kanila ng mga namayapa. Ito ay isang uri ng panggagamot na matatagpuan rin sa Pagbilao, Quezon. Ayon kay Aling Basiling, ang eksperto sa ganitong larangan, ang pagsusuob ay isang tradisyunal na pamamaraan ng panggagamot na kanyang namana pa sa kanyang ama. Ito ay isinasagawa gamit ang iba't‐ibang bagay na pinaniniwalang makapagpapagaling sa may karamdaman gaya ng sumusunod: Tawas Insenso Bindita Kamangyan Para sa nanggagamot ang mga kagamitang ito ay nakapagpapaalis ng karamdamang dulot ng masasamang ispiritu sapagkat taglay nito ang bango at basbas ng simbahan. Dagdag pa niya, ang pagsusuob ay pamamaraan upang maalis ang masasamang ispiritu, lamang lupa at kung anumang hayop na sumanib sa katawan ng tao na pinaniniwalaang nakapagdulot ng sakit sa taong may karamdaman. Sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan, naalis ang mga naturang sanhi ngkaramdaman dahil sa mga kagamitang ginamit, lihim na dasal o bulong at matinding paniniwala sa Maykapal. 2. Hilot Marahil halos lahat naman ng Lalawigan at mga bayan sa ating bansa ay may kanya‐ kanyang pamamaraan ng paghihilot. Sa katunayan nga, ang paghihilot ay isa na rin sa mga serbisyong makikita sa mga naglalakihang mall sa bansa. Ayonsa ( http://interfused‐ inc.com/clients/garimot/system/hilot‐intro.htm) ang hilot ay isang sining ng panggagamot at itinuturing na pinakamatandang arte satradisyunal na pamamaraan ng panggagamot. Dahil nga ang ganitong pamamaraan ng panggagamot ay isang sekreto lamang, madalas sa mga kamag‐anak lamang ng taong marunong magsagawa nito ito ipinamamana.Sa San Ildefonso ito ay isa sa pinakamabisang pamamaraan ng panggagamot. Kung ang isang pasyente ay nais makaramdam ngkaginhawahansa katawan dala ng maghapong pagod, kaagad sumasangguni ang mga ito sa “manghihilot”.
3. Herbal (Pagbubuga sa mga Kulebra at Balis) Ang herbal medicine na yata ang pinakapalasak na uri ng panggagamot sa atingbansa. Ang isang herbalist ay gumagamit ng mga iba't‐ibang uri ng halamang gamot na nakapagpapagaling sa taong may karamdaman. Ayon sa (http://www.philippineherbalmedicine.org/) ang herbal medicine ay isang pamamaran ng panggagamot na gingamitan ng mga natural herbs upang gamutin o maiwasan ang isang karamdaman. Gayundin upang maitaguyod ang malusog na pangangatawan. Mapalad yata talaga ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng iba't‐ibang uri ng halamang gamot na isang praktikal na uri ng gamitin sapagkat ito ay matipid at maaring matagpuan sa kapaligiran. Ayon sa manggagamot, sa ganitong sitwasyon, mabisa ang luyang dilaw, ikmo at apog upangmapagaling ang ganitong sakit. Kailangang ihalo sa tubig ang tatlong nabanggit upang magsilbing gamot. Matapos ito, ipahid at i‐krus sa sugat habang binubulong ang mga katagang “Matunaw, Mawala” .Nariyan din ang gamot sa balis o pananakit ng tiyan na pinaniniwalaang nabati o nausog ng isang tao. Upang gumaling ito, kailangan lamang ang pagbubuga gamit ang luya. Itapal ito sa tiyan habang binabanggit ang mga katagang,“Matunaw, Mawala”. 4. Gamot sa kagat o tuklaw ng ahas Isa na siguro sa maipagmamalaki ng Bayan ng San Ildefonso ay ang pagkakaroon nitong albularyo na marunong manggamot sa tuklaw ng makakamandag na ahas na kinakailangan agad ng karampatang lunas upang maisalba ang buhay ng biktima. Ang ganitong panggagamot ay hindi biro. Kailangan ng masusing pag‐iisip at seryoso sa ginagawa. Base sa panayam, halos lahat ng ahas ay makamandag maliban na lamang sa sawa. Upang maisagawa ang ganitong pamamaraan ng panggagamot kailangan taglay din ng manggagamot ang pananampalataya sa Diyos. Kailangan ang matinding paniniwala. Paniniwalang kanyang pinaniniwalang mabuting gabay para sa kagalingan ng biktima. Kaya sa kanyang panggagamot, hindi mawawala ang lihim na bulong o dasal na nakasulat sa salitang Latin. 5. Gagamot sa laso o ugam Isa pa sa hindi pangkaraniwang tradisyunal na pamamaraan ng panggagamot na isinasagawa sa San Ildefonso ay ang panggagamot sa laso at ugam ng bata. Ayon sa mga mangagagmot ang ganitong uri ng panggagamot ay matagal ng nagsimula. Sa katunayan ito ay kanya pang namana sa kanilang ninuno. Ayon sa kanya ang laso/ugam ay iyong mga nakikitang puti sa labi ng bata/matanda na may dalang sakit na maaring makapagpawalang gana sa pagkain. Hindi naman daw ito sanhi ng mga ispirito o lamang lupa. Ito ay maaaring dala ng init ng katawan. Ilan sa kanyang mga kagamitan ay ang, telang puti, halamang gamot at ang bulong o lihim na dasal na binabanggit sa salitang Latin. Pinaniniwalaan niyang ang bulong na ito ay mabisang nakapagpapabilis sa paggaling.
LAYUNIN NG PAG-AARAL Tunay na mayaman ang bansang Pilipinas sa likas na yaman, tradisyon at kultura. Sa walumpo't dalawang pronbinsya na bumubuo rito hindi maikakaila na bawat isa ay may kanya‐kanyang tradisyon, paniniwala at kulturang pinaniniwalaan at kinagisnan. May kanya‐kanyang oryenstasyon sa bawat bagay kung minsan pa nga'y nagkakatulad. Kung saan, ito ay itinuring ng bawat miyembro ng mga nasabing lugar na mahalaga sa kanilang pamayanan sapagkat ito'y maituturing na kayamanan. Sa iba pa nga, ito ay isang sagradong bagay na dapat bigyang respeto at pagkilala. Kaya naman sa puntong ito, kabilang sa mga layunin ng pag‐aaral na ito ang mga sumusunod: 1. Itaguyod ang kulturang mayroon ang Bayan ng San Ildefonso; 2. Tuklasin ang mga tradisyunal na pamamaraan ng pangggamot sa Bayan ng San Ildefonso; 3. Maitaguyod ang folk medicine na isinasagawa ng mga ilang kababaihan ng San Ildefonso na magsisilbing alternatibong medisina; 4. Bigyang pagkilala ang mga ordinaryong kababaihan ng San Ildefonso na nagsasagawa ng ganitong tungkulin na layong makatulong sa kanyang mgakababayan; 5. Mapukaw ang mamamayan ng San Ildefonso sa kultura ng tradisyunal na panggagamot sa kanilang bayan; 6. Malaman kung bakit may mga Pilipino na naniniwala sa tradisyunal napamamaraan ng panggagamot.
METODOLOHIYA NG PAG‐AARAL Paraan ng Pagkalap ng Datos Ang isang pananaliksik o pag‐aaral ay magiging matagumpay kung mahusay ang pamamaraan sa pagkalap ng mga datos o impormasyon upang magkaroon ng kalinawan ang isang isinasagawang pananaliksik. Mahalagang malaman sa isang pananaliksik ang kaakmaan ng tamang pamamaraan sa pagkuha ng impormasyon. Bilang isang mahusay na mananaliksik dapat nating alamin ang tama at nararapat na pamamaraan upang makakuha ng isang makabuluhang impormasyon. Desinyo ng Pananaliksik Sapagkat ito ay pag‐aaral ng kasaysayan, historikal na metodo ang ginamit ng may‐akda para sa pag‐aaral na ito. Ayon sa (Practical Guide to Thesis andDissertation Writing, 1996) ang historikal pananaliksik ay isang kapaki‐pakinabang na disenyo ng pananaliksik kung saan kinapapalooban ng kritikal na pagsulat ng mga nakaraang karanasan, pangyayari, at pagbabago upang magsilbing pundasyon ng kaalaman para sa kasalukuyan at hinaharap. Samantala, binigyang kahulugan naman ni Kerlinger, 1986 ang historikal napananaliksik bilang isang kritikal na imbestigasyon ng nakaraang karanasan at pangyayari. Tumutukoy din ito bilang isang pagsusuri kung katanggap‐tanggapnga ba ang pinanggalingan ng ebidensya ng nakaraan, gayundin ang pagbibigayng interpretasyon sa mga ebidensya. Instrumentasyon sa Pananaliksik Upang ang pag‐aaral ay maging mahusay kailangan ang mahusay na instrument sa pagkuha ng datos o impormasyon. Ang isang mahusay na instrumento para sa isang pag‐aaral ay taglay ang mga sumusunod na katangian:
Dapat may bisa o pinagsasaligan o mapagkakatiwalaan o may panghahawakan; Dapat angkop sa isinasagawang pag‐aaral; Dapat malaya sa anumang uri ng pandaraya; Dapat mayroong malinaw na patutunguhan para sa ikakatagumpay ng pag‐aaral.
Sa pag‐aaral na ito ang pakikipanayam bilang instrumento sa pananaliksik ang napili ng mananaliksik na tumpak sa hinihingi ng pag‐aaral. Ayon sa (ResearchMethod, 2000) tumutukoy ang pakikipanayam (interview) bilang isang metodo upang makakuha ng sapat na datos o impormasyon sa pamamagitan ng direktang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik at kalahok gamit ang verbalna pamamaraan. Samantala, binigyang kahulugan naman sa librong (PracticalGuide to Thesis and Dissertation Writing, 1996) ang pakikipanayam bilang isangface to face verbal interaction sa pagitan ng mananaliksik at kalahok kung saanitinuturing na isa sa mabisang pamamaran sa pagkalap ng datos. Bilang gabay, ang mananaliksik ay gumamit ng interview guide upang maging makabuluhan ang pagtatanong at hindi magkaroon ng kalituhan. Ito ay isang uring paghahanda. Ayon sa (Research Method, 2000) ang interview guide ay isang listahan ng mga tanong na ginawa mismo ng mananaliksik kung saan nakabaseang mga tanong sa layunin ng pag‐aaral.
Upang matiyak na makuha ang mga tamang datos o impormasyon, gumamit din ang mananaliksik ng mga materyales na elektroniko gaya ng “tape recorder” o isang “video” at di‐ elektroniko kagamitan gaya ng papel at “ballpen” para sa tinatawag na “note taking”. Ang ganitong kahandaan ay naging mabisa para sa isinagawang pag‐aaral.
RESULTA NG PAPEL Base sa resulta ng pag‐aaral na ito marami pa rin ang naniniwala sa tradisyunal na pamamaraan ng panggagamot. Sa katunayan,marami pa rin ang tumatangkilik dito. Gayundin, buhay na buhay pa rin talagaang mga taong nagsasagawa ng ganitong pamamaraan ng paglunas sa mgakaramdaman. Lumabas sa pag‐aaral na ang ganitong tradisyunal na pamamaraan ay nagpasalin‐salin lamang mula sa kanilang mga magulang, kapatid at maging saasawa. Walang nakatalang sulatin subalit ang oral na tradisyon ay buhay nabuhay. Pansin din na halos kababaihan lamang naman talaga ang nagsasagawang ganitong pamamaraan ng panggagamot sa nasabing Bayan. Napatunayan din ng pag‐aaral na ito na hindi basehan ang katayuan sa buhay ng isang pasyenteng nais magpagamot sa mga albularyo. Hindi rin sukatan ang natamong diploma ng mga tumatangkilik dito sapagkat base sa panayam at obserbasyon ng mananaliksik, marami pa rin ang mga taong may‐kaya at nakapagtapos ng pag‐aaral ang naniniwala sa traditional / folk medicine. Sa Sikolohiyang Pilipino, ang pag‐aaral na ito ay nagpapatunay na iba talaga ang paniniwala at oryentasyon ng mga Pilipino kaysa sa mga Kanluraning bansa. Dagdag pa nito, ang Pilipino ay tunay na may sariling paniniwala at kinagisnan. May sariling pamamaran ng panggagamot. May sariling kultura. May sariling kasaysayan. Buhay na buhay ang kultura ng bansang Pilipinas, ng Bayan ng San Ildefonso.