Ang Estado Ng Wikang Filipino.docx

  • Uploaded by: arwin
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Estado Ng Wikang Filipino.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 550
  • Pages: 2
Ang estado ng wikang Filipino (The state of the Filipino language) Published on Aug 20, 2014 “Nakapanayam ng Rappler si Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, para kunin ang kanyang opinyon sa estado ng pambansang wika. Napag-usapan din ang mga hakbanging kailangang gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino.” Ayon kay Gng. Virgilio Almario ang kaniyang layunin ay iproklama ang isang wikang pambansa batay sa katutubong wika, dahil magiging daan ito sa pakakabuklod- buklod nating mga mamamayang Filipino. Naisip din niya ito sapagkat noong sila’y nagsagawa ng “Summit Conference for Peace” sa Bukidnon na kung saan ay kanilang inanyayahan ang mga etnikong grupo na dumalo doon nila natuklasan ang malaking suliranin ng mga Lumad na kung saan ayon sa kanila ay hindi nila lubusang naiintindihan ang mga dokumentaryo ukol sa kalayaan at maging mismo sa kanilang sariling kapakanan sa kadahilanang nakasulat ito sa wikang Ingles. Maging ang simpleng mga “form” ay nakasulat din sa wikang Ingles. Tama nga naman ang punto ng mga Lumad paano tayo magkakaroon ng tuwirang kalayaan kung nasa wikang Ingles ang midyum sa mga sulatin. Nangangahulugan lang ito na hindi tayo nagkakaisa. Ano na nga ba ang estado ng wikang Filipino sa ngayon? Ayon din sa kaniya ang wikang Filipino ay ginagamit na ng halos lahat ng mamamayan mula Batanes hanggang Tawi-tawi samakatuwid ang wikang Filipino ay tumatayong “lingua franca” halimbawa ang isang Bisaya at Ilokano ay nagtagpo mag-uusap sila sa wikang Filipino. Pagdating naman sa mga bagong salita ayon sa kaniya walang masama dito sapagkat kailangan nating paunlarin ang ating wika araw-araw, ang pagpasok ng mga bagong salita ay nangangahulugan lang na aktibo at buhay ang ating wika. Ngunit ang nakakalungkot ay mas maraming kolonyal na mga salita ang bago, ayon nga sa Konstitusyon ng 1987 dapat nating linangin at paunlarin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng katutubong wika, sa kadahilanang mas dominante ang wikang Ingles mas maraming bokabularyo ang nadadagdag sa wikang Ingles. Ang “reorientation” na kanilang isinasagawa upang mapalakas ang katutubong sa pamamagitan ng paglahok ng mga katutubong wika ng Pilipinas sa ating Pambansang wika. Ayon rin sa kaniya hindi ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang nagpapaunlad ng ating wika kundi tayo mismo, tayong mga mamamayan na gumagamit ng wikang ito. Ang gawain lang ng KWF ay pangasiwaan, kung may nakakalimutan katulad na lang ng mga katutubong wika ay agad silang magsasagawa ng mga hakbang upang mas paunlarin ang mga katutubong wikang ito. Mahalagang magkaroon ng ortograpiya ang isang bansa sapagkat nararapat na magkaroon ng istandardisong paggamit ng wika, at ang istandardisyong ito ay kinakailangan para sa tinatawag na intelekwalisasyon o kultibasyon ng isang wika, hindi magkakaroon ng mataas na yugto ang paggamit ng wikang Filipino kung hindi ito magiging istandardisado. Bilang mga mamamayan nararapat natin itong gamitin ng gamitin upang maramdaman natin ang diwa ng wikang ito, upang mapalinang natin ito, at maisapuso natin ang kasaysayan at sibilisasyon ng wikang ito. Hindi natin mabibigyang importansiya ang wikang ito kung pilit nating iwawaksi at patuloy na yakapin ang wikang kolonyal. Para sa susunod na henerasyon mananatiling buhay at maunlad ang estado ng wikang Filipino, at sana sa paglipas ng panahon makamtan natin ang tunay na kalayaan – ang kalayaan na hindi nababahiran ng sariling pagkakulong, at tuluyan ng masilayan ang gahum para sa wikang Filipino na matagal ng inaasam. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=K36PKvcEpV

Related Documents


More Documents from ""

Ramayana Of Valmiki
May 2020 13
Alibata.docx
April 2020 18
Lic Retsest.docx
April 2020 13
Intercom List.docx
July 2020 15