4th Tq.docx

  • Uploaded by: aquilino s. ediang jr
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 4th Tq.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,819
  • Pages: 3
BALUNO NATIONAL HIGH SCHOOL Baluno,Baluno Dimataling , Zamboanga del Sur Ikaapat na Markahan sa Aral. Pan. 10 Mga Kontemporaryong Isyu Pangalan:__________________________Taon at Seksyon:____________Petsa:___________Iskor:_________ Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang mapipiling tamang sagot. 1.Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal MALIBAN sa isa. A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon. B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon. C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa. D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan. 2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang-Batas ng 1987 ng Pilipinas? A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas. B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas. C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito. D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino. 3. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ng lahat ng karapatang pantao ng indibidwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kanikanilang saligang batas. A. Bill of Rights ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas C. Magna Carta ng 1215 B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen D. Universal Declaration of Human Rights 4. Ang sumusunod ay ang mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas MALIBAN sa isa. A. mamamayan ng Pilipinas C. nakatapos ng hayskul B. labingwalong taong gulang pataas D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon 5. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan. A. Civil Society C. Non-Governmental Organizations B. Grassroots Organizations D. People’s Organization 6. Anong Artikulo sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang mga batayan ng pagiging isang mamamayang Pilipino? A. Artikulo I B. Artikulo II C. Artikulo III D. Artikulo IV 7. Batay sa Facilitator’s Manual on Human Rights Education (2003), ano ang pinakamataas na antas ng kamalayan sa pagunawa at pagsakatuparan ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan? A. kawalan ng pagkilos C. militance at pagkukusa B. limitadong pagkukusa D. pagpapaubaya at pagkakaila 8. Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong sa mga programa ng mga grassroots organization. A. civil society B. non-governmental organization C. people’s organization D. trade union 9. Anong prinsipyo ng pagkamamamayan ng isang tao na nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang? A. Jus Sanguinis B. Naturalisasyon C. Jus Soli D. Jus Loci 10. Sino ang nagwika ng katagang” Ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang makabayan , may pagmamahal sa kapwa, may respeto sa karapatang pantao at may disiplina sa sarili? A. Alex Lacson B. Murray Clark Havens C. Yeban D. Mahar Mangahas 11. Sa isinagawang survey ng ISSP Citizenship Survey , pang-ilan ang Pilipinas sa mga bansang nagbibigay kahalagahan sa pagboboto? A. Pang-siyam B. Pangatlo C. Una D. Pang-anim 12. Anong dokumento ang nagpalaya sa mga alipin at nagkaroon ng pantay-pantay ang lahat ng lahi sa lungsod ng Babylon? A. Magna Carta B.Cyrus Cylinder C. Petition of Rights D. Bill of Rights 13. Kailan itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt? A. 1628 B.1948 C. 1789 D. 1864 14. Sino ang hari na sapilitang lumagda sa dokumentong naglalahad ng karapatan ng mga taga- England? A. Haring Cyrus B. Haring Louis XVI C. Haring Roosevelt D. Haring John I 15. Alin sa sumusunod na dokumento ang nagbibigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nairahan sa bansa? A. Petition of Rights B. Bill of Rights C. Magna Carta D. Petition of Rights

16. Kailan malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR at binansagan ito bilang “ International Magna Carta for all Mankind? A. Disyembre 10 , 1948 B. Oktubre 24 , 1945 C. Disyembre 15 , 1946 D. Oktubre 20 , 1945 17. Anong uri ng karapatan ang naglalaman ng karapatang mabuhay , maging malaya at magkaroon ng ariarian? A. Natural Rights B. Constitutional Rights C. Statutory Rights D. Civil Rights 18. Alin sa mga sumusunod na pandaigdigang organisasyon ang may motto na “ It is better to light a candle than to curse the darkness? A. Global Rights C. Amnesty International B. B. Human Rights Action Center D. Asian Human Rights Commission 19. Batay sa United Nations Convention on the Rights Of the Child( UNCRC), sa anong artikulo nakasaad ang pagbibigay -diin sa pagkakapantay-pantay ng bawat bata anuman ang kanyang lahi , kultura , relihiyon o kalagayan sa buhay? A. Artikulo 1 B. Artikulo 2 C. Artikulo 3 D. Artikulo 4 20. Ito ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas. A. Politikal na Pakikilahok B. Pagboto C.Eleksiyon D. Pagtakbo sa Kongreso 21. Sino ang dating Commissioner ng Commission on Elections na nagsabi na noong halalan 2016 ay naging talamak pa rin ang insidente ng pamimili ng boto? A. Fr. Joaquin Bernas B. M.S. Diokno C. Gregorio Lardizabal D. Horacio Morales 22. Anong sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos protesta ,mga lipunang pagkilos at mga boluntaryong organisasyon? A. NGOs B. Civil Society C. POs D. Voluntary Organization 23. Kaninong administrasyon sinasabing lumago ang bilang ng mga non-governmental organization sa Pilipinas? A. Ferdinand Marcos B. Benigno Aquino Jr. C. Cory Aquino D. Diosdado Macapagal 24. Alin sa sumusunod na uri ng NGO at PO ang binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya? A. TANGOs B. GUAPO C. GRIPO D. PACO 25. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng non-govermental organizations at peoples organization? A. Haribon Foundation B. Red Cross C. Philhealth D. A at B 26. Ano ang tawag sa isang malayang halalang nagaganap at nirerespeto ang mga karapatan ng mga mamamayan nito? A. Democracy Index C. Corruption Perception Index B. Flawed Democracy D. Global Corruption Barometer 27. Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan. A. Participatory Governance B. Participatory Budgeting C. Good Governace D. Repatrasiyon 28. Anong bansa ang unang nagpasimula ng participatory governance? A. Naga , Pilipinas B. Porto Alegre , Brazil C. United States D. Lahat ng nabanggit 29. Alin sa mga kasapi ng World Bank Group ang naglahad na ang good governance bilang isa sa apat na salik na nakaaapekto sa mabuting paggamit ng yaman o resources upang mabawasan ang bahagdan ng poverty o kahirapan ng isang bansa? A. OHCHR B. IDA C. World Bank D. CHR 30. Ito ay isang proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko at tiniyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao , maging malaya sa pang-aabuso at korapsyon at may pagpapahalaga sa rule of law. A. Democracy Index C. Good Governance B. Participatory Governance D. Participatory Budgeting 31. Sino sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987? A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation. B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon. C. Si Edward na ang kaniyang mga magulang ay parehong mga Pilipino. D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino. 32.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan? A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan. B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.

C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan. D. Si Michael ay lumahok sa isang non-governmental organization upang mabantayan ang kaban ng bayan. 33.Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. 1.Magna Carta 2.First Geneva Convention 3.Cyrus’ Cylinder 4.Universal Declaration of Human Rights A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234 34.Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan? A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa. B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay. C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi. D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao. 35. Alin sa sumusunod ang HINDI akma sa nilalaman ng Bills of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987? A. Karapatan ngtaumbayan bayan ang kalayaan sa pananampalataya. B. Karapatang ng taumbayan ang magtatag ng union o mga kapisanan. C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula. D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya. 36. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”Ano ang mensaheng nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy? A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin. B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan. C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pagunlad ng isang bansa. D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan. 37. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa? A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan . B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan. C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin. D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa. 38.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan? A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran. B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang itong tugunan. C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutuhan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran. D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran. 39.Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto? A. Maaaring mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto. B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon. C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan. D. Ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang ating mga interes. 40.Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance? A. Mas maraming sasali sa civil society. B. Mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan. C. Maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan. D. Mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan kung aktibong kasangkot ang mamamayan sa pagplano at pagpapatupad ng mga ito.

Related Documents

4th
May 2020 39
Chemistry 4th
July 2020 12
4th Precinct
June 2020 6
4th Pt.docx
April 2020 47
4th Tq.docx
November 2019 20
July 4th
August 2019 43

More Documents from "SAIDU YUSUF"