4th Pt.docx

  • Uploaded by: Jemmalyn Devis Fontanilla
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 4th Pt.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,897
  • Pages: 5
Republic of the Philippines Region I Department of Education Schools Division of Ilocos Norte SOLSONA NATIONAL HIGH SCHOOL Solsona

PAGSUSULIT SA FILIPINO 11 I. PAKIKINIG. PANUTO: Makinig nang mabuti sa babasahing seleksiyon ng guro. Piliin at isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang mga dapat isaalang-alang ng isang mag-aaral upang maging matagumpay sa pag-aaral? a. Pagsunod sa mga alituntunin ng paralan. b. Mahusay na paggawa sa mga proyekto. c. Pagkakaroon ng matataas na iskor sa lahat. d. Mayroong pansariling disiplina upang balansehin ang extracurricular at gawaing akademiko. 2. Ang mga sumusunod na pahayag ay ang mga nabanggit na extracurricular maliban sa isa. Ano ito? a. pakikilahok sa clubs b. isports c. kontes d. quiz bee 3. Ito ang magiging unang epekto kung walang pansariling disiplina ang isang mag-aaral. Ano ito? a. Maliligaw sa tamang landas ng pag-aaral. b. Hindi makakukuha nang mataas na grado. c. Maaaring magbigay sa kaniya ng panganib na may kaugnayan sa pag-aaral. d. Maaaring maubos ang kaniyang oras sa mga gawaing walang kaugnayan sa kaniyang ag-aaral. 4. Ano ang maaaring pamagat ng seleksiyong napakinggan? a. Ang Dapat Gawin ng Isang Mag-aaral c. Ang Dapat Itanim sa Isip ng mga Mag-aaral b. Tunay na Daan sa Tagumpay d. Ang Hiwaga ng pansariling Disiplina 5. “Ang pagkakaroon ng magagandang marka sa high school ay patunay na may pansariling disiplina ang isang mag-aaral.” Ano ang isinasaad ng kuhang pahayag na ito mula sa talatang napakinggan? a. Disiplina sa sarili ang kailangan. b. Igalang mo ang iyong kapwa sa lahat ng pagkakataon. c. Ang balanseng pag-uukol ng panahon sa lahat ng gawain ay mahalaga. d. Ang pagkakaroon nang mataas na marka sa pagsusulit ay ang tanging mahalaga. 6. Anong uri ng teksto ang iyong napakinggan? a. naglalarawan b. naglalahad c. humuhikayat d. argumentativ 7. Batay sa seleksiyon, saan nagtatagumpay ang isang mag-aaral kung siya’y mayroong pansariling disiplna? a. Elementarya b. Junior High School c. Senior High School d. Kolehiyo 8. Ano ang nais ipabatid ng nagsasalita sa teksto? a. seryosohin ang pag-aaral c. maraming ginagawa sa pag-aaral b. mahirap mag-aral d. balansehin ang panahon sa pag-aaral at iba pang gawain 9. Sino ang nagsasalita mula sa napakinggang teksto? a. mga guro b. mga magulang c. principal d. awtor 10. “Maliban kasi sa paghahanda para sa mga aralin sa silid-aralin, ang isang mag-aaral sa high school ay karaniwan ding sumasali sa iba’t ibang gawaing extracurricular tulad ng pakikilahok sa club, isports, kontes at iba pa.” Ano ang pinatutunayan ng pahayag na ito? a. Ang pagiging pinuno sa isang club ay mahalaga. b. Ang pakikisali sa mga laro ay nakatutulong upang maging malusog at magkaroon ng sigla sa pag-aaral. c. Anomang gawaing nauukol sa “bodily kinesthetic” ay nakapagbibigay ng ambag upang mapagana ang utak/isipan. d. Maglaan ng balanseng panahon sa mga gawaing extracurricular at akademik upang maging mabunga ag pag-aaral. II. TAMA o MALI. PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat ang LOVE kung Tama ang mga pahayag ayon sa binasa at kung Mali ay KITA. 11. Ang konseptong papel ay nagsisilbi ring proposal ng sulating papel. 12. Maaaring ang resulta o kalalabasan ng sulatin ay maiiba sa nakasaad sa konseptong papel. 13. Iisang metodo lamang ng pagkalap ng impormasyon ang maaaring gamitin para sa konseptong papel. 14. May iba’t ibang paraan sa pagsusuri o pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa makakalap na datos. 15. Ang bahagi ng konseptong papel kung saan mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik batay sa paksa ay ang layunin. 16. Ang pansamantalang balangkas ay isang istriktong gabay na dapat sundin sa pagbuo ng konseptong papel hanggang sa ito ay matapos. 17. Sa pamamagitan ng impormasyong taglay ng konseptong papel ay maaari nang magbigay ng paunang feedback, mungkahi, o suhestiyon ang guro. 18. Ang bahagi ng konseptong papel na nagsasabi tungkol sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa ay tinatawag na metodolohiya. 19. Ang rationale na bahagi ng konseptong papel ay naglalaman ng kalalabasan ng pag-aaral batay sa pangangalap na ginawa ng mananaliksik tungkol sa paksang kanyang tatalakayin. 20. Maaari pang magkaroon ng mga pagbabago sa binubuong konseptong papel na hindi nakasaad sa pansamantalang balangkas kapag may natuklasang bagong impormasyon o datos mula sa pangangalap.

III. MARAMIHANG PAGPIPILI. PANUTO: Basahin ng may pang-unawa ang mga pahayag na nasa ibaba. Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 21. Alin sa sumusunod ang hindi kailangan sa pagsasaayos ng nakalap na tala? a. Suriin ang mga talang isinulat sa mga notecard. b. Suriin kung ang mga nakalap na impormasyon ay sapat na o nangangailangan pa ng pananaliksik. c. Isantabi ang mahahabang talang nakalap sapagkat kakain lamang ito ng maraming oras o espasyo. d. Isulat o i-encode sa iyong computer ang anomang kaisipan, tanong o komentaryong pumasok sa iyong isip habang binabasa ang mga nakalap mong tala. 22. Alin ang pahayag na hindi tungkol sa isang burador? a. Ito ay ibinabatay sa panghuling balangkas. b. Pinal na ito at hindi na maaari pang magpasok ng mga ideyang iyong naiisip. c. Ipinakikita nito ang kabuoan ng iyong sulatin upang malaman kung may datos pa na kailangang idagdag. d. Nabubuo ito sa sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga nakalap na tala. 23. Sa pagsulat ng borador, alin ang tamang bigyang-halaga? a. ang kabuoan nito c. paraan kung paano mo ito ilalahad b. ang kawatuhan ng gramatika d. ang linaw at lohika ng paglalahad ng ideya 24. Alin sa sumusunod ang hindi makikita sa bahagi ng introduksiyon ng isang sulating pananaliksik? a. rekomendasyon ng may-akda c. kaligiran ng paksa at layunin ng mananaliksik b. ang pahayag ng tesis o thesis statement d. kahalagahan ng paksa o kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik 25. Alin ang kinakailangang gamitin sa katawan ng sulating pananaliksik upang maging malinaw ang paglalahad ng ideya at hind imaging putol-putol o magulo ang paglalahad ng kaisipan? a. bibliograpiya c. kahulugan ng mahihirap na salita b. headings at salitang transisyonal d. saklaw at limitasyon ng pananaliksik 26. Alin sa mga sumusunod ang katangiang dapat taglayin ng isang pananaliksik? a. subhetibo b. makaluma c. sistematiko d. ispesipiko 27. Sa pagbuo ng sulating pananaliksik, aling hakbang ang tumutukoy sa malawak o pangkalahatang paksa? a. Pagbuo ng tentatibong paksa c. pagsusuri sa mga itinalang ideya b. Paglilimita ng paksa d. alamin kung ano ag inaasahan o layunin ng susulatin 28. Bakit kinakailangang magsagawa ng isang sulating pananaliksik? a. upang may ipasa ang mga guro c. upang mapalawak at maragdagan ang ating kaalaman b. upang mag-aksaya ng pera d. upang magkaroon ng honor 29. Sa pagbuo ng mahusay na pahayag ng tesis, alin ang dapat bigyang-halaga? a. kailangang magsimula sa pagpili ng paksa c. kailangang magsimula sa pangangalap ng impormasyon o datos b. kailangang magsimula sa pagsulat ng layunin d. kailangang magsimula sa pagsulat ng bibliograpiya 30. Bakit ginamit ang salitang pansamantala sa balangkas ng gagawing sulating pananaliksik? a. dahil ito’y permanente na c. dahil ito’y hindi pa pinal b. dahil ito’y nabubura d. dahil ito’y napapalitan o nababago IV. PAG-UNAWA SA BINASA. Basahin ng may pag-unawa ang seleksiyon sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ang tamang sagot sa inyong sagutang papel. Para sa mga bilang 31-40 Maraming mag-aaral sa high school at kolehiyo ang nagtatrabaho ng part time para makatulong sa mga gastusin sa kanilang pag-aaral. Bukod sa salaping kinikita, may mas malaking pakinabang ang mga kabataang ito sa kanilang pagtatrabaho. Sa pamamagitan kasi nito’y nalilinang sa kanila ang mahuhusay na ugali sa pagtatrabaho o tinatawag na “work ethics”. Ayon sa obserbasyon ng mga employer, napansin nilang mas madaling matuto, mas may pokus sa trabaho, at mas mahusay makibagay sa mga katrabaho ang mga empleyado nilang nagtrabaho nang part time habang nag-aaral pa. Gayunpama’y napansin din nilang karaniwang ang marka nila ay hindi gaanong matataas at bibihira sa mga nagtrabaho habang nag-aaral ang nakatapos nang may mataas na karangalan. 31. Tungkol saan ang nabasang teksto? a. employer b. work ethics c. pag-aaral d.part time job 32. Ano ang dahilan kung bakit maraming mga mag-aaral ang nagtatrabaho ng part time? a. upang may panggimik c. upang makatulong sa mga gastusin sa pag-aaral b. upang may ipambili ng pagkain d. upang may ipanluho 33. Sa paglalarawang ginawa ng may-akda, sino ang tinutukoy nilang may malaking pakinabang? a. trabahador b. matatanda c. mga bata d. mga kabataan 34. Ayon sa obserbasyon ng mga employer, ang mga sumusunod ay ang kanilang napansin sa mga mag-aaral na nagtatrabaho ng part time maliban sa isa? a. mas madaling matuto c. ang marka nila ay matataas b. may pokus sa trabaho d. mahusay makibagay sa mga katrabaho 35. Anong aral ang mapupulot mo mula sa seleksiyon? a. hindi masama ang magtrabaho ng part time c. malilinang sa mga kabataan ang work ethics

b. nakakahiya ang magtrabaho

d. wala sa nabanggit

Naiwan ko ang smartphone ko sa bahay at pakiramdam ko’y hindi ako kumpleto dahil isang bahagi ng buhay ko ang wala sa akin. Halos hindi ko binibitiwan ang aking smartphone sa maghapon. Lagi nang nakadikit ang earphones sa tainga ko at nakikinig sa paborito kong playlist ng Maroon 5 habang nag-tse-tsek ako ng e-mail at nag-a-update sa aking Instagram at Facebook Account. Dahil hindi ako sanay magsuot ng relo ay sa smartphone din ako nakadepende sa pagtingin sa oras. Ditto rin nakalagay ang schedule ko sa maghapon. Sa mga oras na tulad nitong matrapik ay nililibang ko sana ang aking sarili sa paglalaro ng mga paborito kong app. Hindi rin ako mapakali dahil tiyak na marami nang nag-te-text o tumatawag sa akin ngayon. At mamaya sa klase, tiyak na wala akong magagamit na aklat dahil ang e-book ko ay naka-store din sa aking smartphone. 36. Tungkol saan ang nabasang seleksiyon? a. Social media accounts b. Instagram c. Facebook d. smartphones 37. Ayon sa seleksiyon, gaano kahalaga ang smartphone sa buhay ng may-akda? a. Kapag wala ang kanyang smartphone ay hindi siya kompleto dahil isang bahagi ng buhay niya ang wala. b. Ginagamit bilang pampalipas oras. c. Kapag wala ang kanyang smartphone, siya ay kompleto. d. Wala sa nabanggit 38. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? a. naglalarawan b. nagpapabatid c. nagsasalaysay d. argumentativ 39. “Lagi nang nakadikit ang earphones sa tainga ko at nakikinig sa paborito kong playlist ng Maroon 5 habang nag-tsetsek ako ng e-mail at nag-a-update sa aking Instagram at Facebook Account.” Ano ang nais ipakahulugan ng nagsasalita mula sa kuhang pahayag sa binasang teksto? a. Ang awtor ay abala sa pag-tse-tsek ng kaniyang e-book. b. Abala ang awtor sa pakikinig ng mga awitin ng Maroon 5. c. Wala ng ibang inaatupag ang awtor kung smartphone na ang hawak. d. Nakalilibang ang smartphone tulad ng pakikinig ng musika, pang-facebook at pang-instagram. 40. Ito ang nais ipahiwatig ng awtor sa binasang teksto. a. Labis ang pagyakap ng mga tao sa teknolohiya. b. Napapabilis ang pagpapadala ng mensahe sa tulong ng e-mail. c. Malaki ang naitutulong ng smartphone sa buhay ng tao. d. Hindi na mabubuhay ang tao kapag walang smartphone. V. PAGTAPAT-TAPATIN. Panuto: Hanapin sa HANAY B ang inilalarawan ng HANAY A. Isulat ang titik lamang. HANAY A HANAY B 41. Action Research a. populasyon 42. Basic Research b. solusyon 43. Applied Research c. nagagamit sa layunin 44. pansamantala d. background information 45. paunang impormasyon e. pinal 46. datos ng kailanan f. qualitative data 47. datos ng kalidad g. quantitative data 48. direktang sipi h. payak na salita ang ginagamit 49. presi i. isang bahagi ng akda ang sisipiin 50. hawig j. pruned or cut down VI. PAGTUKOY. PANUTO. A. Tukuyin kung saang bahagi ng pinal na sulating pananaliksik ang inilalarawan ng sumusunod na mga pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang titik at isulat sa inyong sagutang papel. a. Introduksiyon 51. 52. 53. 54. 55. 56. 57. 58.

b. katawan

c. kongklusyon

Ito ay nagtatampok ng kaligiran ng paksa. Ang bahaging ito ay tumatalakay sa layunin ng mananaliksik. Sa bahaging ito ng papel makikita ang resulta ng pananaliksik. Sa bahaging ito ng papel nilalagom at idinidiin ang mga ideya. Naglalaman ang bahaging ito ng buod ng nilinang na pangunahing ideya. May mga pagkakataong sa bahaging ito ipinaliliwanag ang saklaw at limitasyon ng pananaliksik. Makikita sa bahaging ito ang kahalagahan ng paksa ng pananaliksik o ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga impormasyong sumusuporta o kumokontra sa pahayag ng tesis o thesis statement. 59. Importante sa bahaging ito ang lohikal na organisasyon ng mga ideya na maaaring i-grupo sa pamamagitan ng mga heading. 60. Sa bahaging ito ng papel, ang manunulat ay gumagamit ng isa o higit pang prinsipyo sa pag-oorganisa ng papel upang maipaliwanag nang maayos at lohikal ang kanyang mga puntos.

VII. PAGTUKOY. PANUTO: Basahin ang mga nakalahad sa bawat bilang. Tukuyin kung ang mga ito ay maikakategorya bilang basic, action, o applied na pananaliksik. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 61. May epekto ba sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang sa paaralan ng San Rafael ang hindi nila pagkain ng almusal? 62. Paano maaakit ang mga mag-aaral sa unang baitang ng inyong paaralan upang maging mahilig sa pagbabasa? 63. May epekto ba sa pag-uugali ng mga batam-batang mag-aaral sa kinder ang pagpaparinig sa kanila ng mga tugtuging classical habang sila ay nasa recess? 64. Ano ang pananaw ng mga tao sa inyong barangay ukol sa mga taong nagpapa-tattoo? 65. Paano masusugpo ang cyberbullying sa inyong paaralan? 66. May epekto ba sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng kasintahan habang nag-aaral? 67. Ano ang pananaw ng mga tao sa inyong barangay ukol sa mga mag-aaral na madalas maglaro ng video games? 68. May epekto ba sa pagkatuto ng mag mag-aaral ang paggamit ng social media? 69. Ano ang pananaw ng mga guro sa mga estudyanteng hindi nagsusuot ng uniporme? 70. Paano maaakit ang mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang ng inyong paaralan upang maging mahilig sa pagbabasa ng e-book? VIII. PAGTUKOY. PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga paraan o tamang proseso sa pagbuo ng konseptong papel. Lagyan ng 1 ang rationale, 2 ang layunin, 3 ang metodolohiya at 4 ang inaasahang output o resulta. 71. 72. 73. 74. 75. 76. 77. 78. 79. 80.

May mga epekto ang paglalaro ng video games sa mga batang nasa preschool. Tutukuyin ang mga epekto ng paglalaro ng video games sa mga batang nasa preschool. Bubuo ng 20 pahinang sulating pananaliksik tungkol sa mga epekto ng paglalaro ng video games sa batang nasa preschool. Mag-iinterbyu at magpapasagot ng questionnaire sa magulang ng mga batang ito na madalas maglaro ng video games. Kakapanayamin din ang mga bata tungkol sa video games at oobsebahan sila sa loob ng isang buwan. Mangangalap ng tala sa Internet, aklat at journal at makikipanayam sa mga doktor. Ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang sakit ay ipinapanukala ng ilang eksperto. Susubuking alamin ang benepisyo at panganib sa paggamit ng marijuana bilang gamot o medisina. Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang brochure na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng paggamit ng marijuana bilang gamot o medisina. Aalamin ang pinagmulan ng spam messages. Magsasaliksik ukol sa pinagmumulan ng spam messages.

IX. PAGTUKOY. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat datos na nakalahad sa ibaba. Isulat ang MISS kung ito ay nagpapakita ng kalidad (qualitative data) at ang KITA kung nagpapakita ng kailanan (quantitative data)

81– 82.

Mga mag-aaral sa Grade 11

83. - 84.

85. – 86.

Ang Kapeng Barako

87. -. 88.

-itim dahil hindi ginamitan ng creamer -mainit at umuusok pa -amoy na amoy ang samyo ng matapang na kape 89. – 90.

Ang karaniwang silid-aralan

-puti ang pintura -maaliwalas ang paligid -may malalapad na blackboard -maliwanag ang ginagamit na ilaw

-135 na mag-aaral -75 ang babae, 60 ang lalaki -17 ang bumagsak sa matematika -25% ang pasok sa honor roll

Si Jose Rizal

-kilalang bayani -makabayan at matapang -mahusay na manunulat -matalino at matulungin

Ang Rehiyon ng NCr

-638.55 km2 ang lawak -11,855,975 ang populasyon -19,000/km2 ang density -16 ang lungsod -1 ang bayan o munisipalidad

X. PAGSULAT. PANUTO: Suriin at isulat sa inyong sagutang papel ang wasto at tamang paraan sa pagkakasulat sa

bibliograpiyang nasa ibaba gamit ang American Psychological Association (APA).

91. Isa lamang ang may-akda: Dayag, Alma M. Lakbay ng Lahing Pilipino 3. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2014. 92. Dalawa ang may-akda: Julian, Ailene b. at Nestor S. Lontoc. Lakbay ng lahing Pilipino 4. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2015. 93. Journal: Del Rosario, Mary Grace G. “Wikang Filipino.” Phoenix Publishing House EJ Forum (Agosto 2010): 1:16

94. Magasin: Bennet, Dahl D. “Coming Clean” Working Mom, October 2012, 107 95. Pahayagan: Beigas, Leifbilly. “Publiko kinokondisyon na sa disqualification ni Poe?” Bandera, 19 October 2015, 2 96. Manuskrito: Del Rosario, Adrian Paolo. “Harmful Effects of Computer Games to Teenage Students.” Di-nakalimbag na manuskrito. Nasa pag-iingat ng may-akda. 2008. 97. Pelikula: Quintos, Rory B., director. Anak. Kasama sina Vilma Santos at Claudene Barretto. Star Cinema, 2000. 98. Programa sa Telebisyon at Radyo: Soho, Jessica. “Mathinik na Bulilit.” Kapuso Mo, Jessica Soho. Jessica Soho, tagapagpadaloy ng programa. GMA 7, October 18, 2015. 99. Website: Clinton, Jerome W. “The Tragedy of Sohrab and Rostam.” December 5, 2014, galing sa http://www.heritageinstitute.com/zoroastrianism/shahnameh/ 100. Blog: Kahayon, Lisa. “Masbate Travel Diary.” Scenestealer (blog) October 14, 2015 (8:39 a.m.) http://www.lisakihayon.com/

(God Speed )

Inihanda nina:

CHRISLEN JOY B. RAMONES Teacher I JEMMALYN D. FONTANILLA Teacher II

Iwinasto nina: LOVELLA G. DESIDERIO Master Teacher I GULLERMA C. BARENG Head Teacher III

Ninotahan: RIZALINA T. MANZANO, Ed. D. School Principal IV

Related Documents

4th
May 2020 39
Chemistry 4th
July 2020 12
4th Precinct
June 2020 6
4th Pt.docx
April 2020 47
4th Tq.docx
November 2019 20
July 4th
August 2019 43

More Documents from "SAIDU YUSUF"