3.2 - Ukol Sa Wika At Kulturang Pilipino [balangkas Na Detalyado]

  • Uploaded by: Scheibe Vanity
  • 0
  • 0
  • August 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 3.2 - Ukol Sa Wika At Kulturang Pilipino [balangkas Na Detalyado] as PDF for free.

More details

  • Words: 554
  • Pages: 2
Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino ni Bienvenido Lumbera

Tesis Hindi hiwalay ang may akda sa lipunang kanyang ginagalawan. Nakapaloob rito ang proseso ng kanyang paglikha at sa kung paano ito binibigyang kahulugan ng kanyang mga mambabasa. Nasasaklaw nito ang buo at pinagsamang kamalayan ng indibidwal at ng madla. Buod at Balangkas ng Nilalaman 1) Mula sa kanyang sariling kamalayan, hinahango ng manunulat ang mga danas na pinagdaanan niya at hinuhugisan niya ang mga ito hanggang maging mensaheng ipararating niya sa mambabasa at tagapakinig. a. Mga naging kritisismo: i. Pangingibabaw ng elitismo – ang proseso ng paglikha ay nasa pagitan lamang ng awtor at ng mga salita ii. Naisasantabi ang madla 2) Ang madla ay buhay, may sariling pandama at pag-iisip at may kakayahang mamili kung alin ang akdang kanilang pahahalagahan. a. Taliwas ito sa pangingibabaw ng elitismo. b. Kabilang ang madla sa pag-usisa ng mensaheng ito. 3) Naigpawan at humulagpos ang mga nabanggit na akda sa orihinal nitong layunin: a. “Joycelinang Baliwag” i. Papuri at paghanga sa isang babae ii. “Kundiman ng Himagsikan” b. “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas i. Pagpapatunay na kayang sabayan o higitan pa ang mga akdang banyaga noong panahon ng Kastila particular na ang mga romance ng mga makatang Peninsular ii. Pahiwatig ng pagtutol sa sistemang tinututulan – lalo na sa politikalisadong kamalayan ni Rizal at ng iba pang kasamang ilustrado 4) Malalim ang kaugnayan at dayalekto ng may-akda at kamalayan ng katutubong Pilipino. a. Tula ni Amado Hernandez para sa “Occupation Day” Inihanda ni: Queeny C. Rublico 2008-22822

i. Muling binuhay ang damdaming mapaghimagsik laban sa bagong porma kolonyalismo at pyudalismo sa Panahon ng Amerikano

Konklusyon Taliwas man sa orihinal nitong layunin, ang isang akda ay may kakayanang pumukaw ng damdaming mapanghimagsik ng masa dahil ang kamalayan at mga karanasan ang nagpapalaman at nagbibigay-kahulugan sa mga ito. Mga Repleksyon, Tala at Kritisismo 1) Ukol sa pamagat ng sanaysay, marahil ay kinikilala ni Lumbera na mayroon tayong katutubong Wika upang maipahatid ang ganitong mensahe bago pa man nagkaroon ng pormal at opisyal na kinikilalang wikang pambansa. 2) Mapapansing sa paglipas ng panahon ay umunlad at nagkaroon ng ebolusyon ang paglikha ng akda -- mas naging mas mapangahas ang istilo ng panulat at hindi na ikinukubli sa metapora at mga malalalim na pananalita ang mensahe ng paghihimagsik at paglaban. 3) Sana ay nagdagdag pa ng pagpapaliwanag ukol sa: •

kung ano ang relevance nito sa kasalukuyang panahon o naisulat ito noong 1997 at sa nabanggit niyang “ating panahon”, ang binigay niyang halimbawa ay isang akda na nalimbag pa noong dekada ‘30



anu-ano ang mga naging pagbabago hinggil sa partisipasyon ng madla sa pagbibigay kahulugan ng mga kontemporaryong akda o kung mayroon mang naging pagbabago o kung ganoon pa rin tulad ng dati



sa larangan lamang ba ng rebolusyon at himagsikan nakapaloob ang partisipasyon ng madla sa pagbibigay-kahulugan at importansya sa mga akda o mayroon pang iba? o Hal. Pag-unlad ng sining at musika, kaisipan at sikolohiyang Pilipino, iba pang temang pampanitikan na danas ng kababaihan, kabataan at LGBT etc.

4) Tunay sinasalamin ng mga akda ang kamalayan ng isang lipunan. Sa kasalukuyan, makikita at maoobserbahan pa rin ito sa mga malikhaing katha – mga tula, nobela, pelikula, dula, sanaysay, dagli at ang pinaka-modernong porma sa internet age ay mga memes. Inihanda ni: Queeny C. Rublico 2008-22822

Related Documents


More Documents from "Erico Nyll Magpale"