Ang Varayti Ng Wika Sa Navotas Na May Kinalaman Sa Register Ng Wika Sa Pangingisda

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Varayti Ng Wika Sa Navotas Na May Kinalaman Sa Register Ng Wika Sa Pangingisda as PDF for free.

More details

  • Words: 9,564
  • Pages: 42
Ang Varayti ng Wika na may Kinalaman sa Register ng Wika sa Pangingisda: ISANG PANGLINGGWISTIKANG PALALARAWAN

INTRODUKSYON 1.0 Panimula: Kaligirang Pangkasaysayan Ang Navotas na isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas ay nasa hilagang kanlurang bahagi ng Metro Manila. Isang makipot na sa paligid ng dagat na may sukat na 10.77 kilometro kwadrado. Sinasakop ng bayan ang isang makipot na mahabang lupa sa may silangang pampang ng Look ng Maynila. Nasa diretsong hilaga ng Maynila ang Navotas, kanluran ng Lungsod ng Malabon, at timog ng Obando, Bulacan. Ang Navotas ang tinaguriang “Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas”, na umaakit sa mga mamimili at mamumuhunan ng isda sa buong Kalakhang Maynila at sa mga kalapit na rehiyon nito. Ang pagiging sentro nito sa Industriya ng pangingisda ay dulot ng pagiging malapit nito sa katawang tubig na siyang may napakalaking kontribusyon sa kabuhayan ng mga mamamayan nito. Sa 2, 580 na establisimyento sa Navotas, 362 ang nabubuhay sa baklad at tahungan, 7 palaisdaan, 15 korporasyon ng pangingisda, at 23 sa mga barko at sasakyang pandagat. Nagpapakita lamang na sentro ng kabuhayan ng Navoteño ang pangingisda. Ayon sa Census of Population and Housing (Census 2007) ng National Statistics Office, ang populasyon ng Navotas ay 245,344. Tagalog ang wika ng karamihan. Dalawa sa bawat tatlo ay Tagalog (66.65%), ang iba ay Bisaya (22.23%), at ang iba ay mga dayuhan at migrante mula sa ibang bahagi ng bansa (11.12%).

Maaring karamihan sa mga pangunahing dialekto na ginagamit sa ating bansa ay ginagamit din sa Navotas, pagkat bahagi ito ng Metro Manila, at ang Cosmopolitan na siyudad na ito ay tumatanggap ng sarili nitong populasyon sa buong bansa. Marami ding dayuhang wika ang ginagamit rin, higit sa mga may mataas na katayuan sa buhay at sa kanilang mga negosyo. Ngunit nanatili pa ring Tagalog ang malawakang ginagamit ng 76.4% ng populasyon ng Navotas, 8.2% ay Ilokano at Samar-Leyte, Kapampangan (3.0%), Bikolano(2.8%), Cebuano (4.5%), Hiligaynon at Pangasinense(3.6%) at ang nalalabing 1.5% ay nagsasalita ng kahit ano sa mga wikang nabanggit. Ang wikang Pilipino ay nagagamit ng halos buong populasyon, 66.1% ang nakakagamit ng Ingles at 8.4% ay Kastila. Ang wikang Filipino ay naiintindihan ng halos lahat ng Pilipino dahil tinuturo ito sa mga paaralang elementarya at sekundarya sa buong kapuluan. Sa kasalukuyan, ginagamit din ito sa kolehiyo bilang wikang panturo at sa pagpapahayag alinsunod sa layuning maintelektwalays ang umuunlad na pambansang wika. Dagdag dito, Filipino ang wikang karaniwang ginagamit sa karamihan ng palabas at programa sa telebisyon. Kahit ang mga telenobela at mga seryeng dayuhan ay isinasalin sa wikang Filipino at napapanuod sa buong bansa.

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Ang Varayti ng

Wika Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan ngayon ng mga pag-aaral at pananaliksik ang tungkol sa pagkakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika. Kaugnay

ng

mga

pagpaplanong

pangwika

na

isinasagawa

sa

mga

bansa

na

multilinggwal ang mga tao, may mga isyung panglinggwistiko na kaugnay ng pagkakaroon ng varayti ng wika: paano nagkakaroon ng mga pangkat ng mga tao na may isang varayti ng wikang sinasalita? Kailan sila nagkakaroon ng karaniwang varayti ng wika? Ang mga teoistang neo-klasikal (Tollefson, 1991) ay nagbigay ng tepolohiya ng mga pangkat-wika batay sa mga katangiang istruktural ng mga varayti ng wika sa clergy ng pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga varyasyong ito (Kelman, 1971; Fishman, 1968; Kloso, 1968). Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga lingwist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika (Saussure, 1916) at "hindi kailanman pagkakatulad o uniformiclad ng anumang wika", ayon kay Bloomfield (1918). Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba't ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Sa pagdaan ng panahon nagiging ispesyalisado ang mga gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao (Roussean, 1950). Ang mga pagkakaibang ito ng sa wika ay nagbunga ng iba't ibang pagtingin, pananaw at atityud dito kaugnay ng dipagkakapantay-pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon (Constantino, 2000). Magsisilbing patnubay ang pagtalakay na ilalahad sa papel na ito para sa mga propesor, estudyante,

mananaliksik at mga nagpaplano ng wika sa edukasyon partikular sa varayti ng Filipino na ginagamit ngayon sa iba't ibang rehiyon ayon sa lugar ng taong nagsasalita (heograpiko) at ayon sa pangkat na kinabibilangan (sosyolek).

Layunin ng Pag-aaral: Pangkalahatang Layunin – Ang Pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang Register ng wika sa Pangingisda sa Navotas. Layunin nitong mailarawan ang barayti ng wiksa na ginagamit sa malawakang pangingisda sa Navotas at susuriin ang relasyon nito sa Tagalog batay sa morfosintaktik na kaayusan ng mga pangungusap o expresyon ng mga ispiker nito. Ang ispisipikong tatalakayin sa papel na ito ay ang wikang ginagamit ng mga mangingisda. Ito ang pinag-ukulan ng pansin sapagkat alam naman natin na pangingisda ang sentro ng pamumuhay sa Navotas. Ang wikang malayang ginagamit ng mga ispiker sa walang pag-iintindi sa mga lagda ng “wastong grammar” ng wikang Filipino na itinakda ng mga otoridad ng wika sa bansa. Dahil sa register na hinihingi ng sitwasyon, ang varayti ng wika na may kinalaman sa register ng mga salita sa pangingisda o ang mga salitang ginamit at may kaugnayan sa pangingisda ang sentro ng pamumuhay ng mga Navoteño. Ang datus na nakalap ng mga resertser sa fieldwok sa syudad ng Navotas noong ika-8 hanggang ika-25 ng Setyembre 2009 ay dinagdagan ng datus hango sa

publikasyon ng mga Navoteño sa internet - mga kolum sa diyaryong online, mga blog at palitan ng opinion sa iba’t-ibang grupo na may Kinalaman sa lugar at wikang ginagamit dito.

Mga Tiyak na Layunin: • Mapili at maitala ang mga salitang karaniwang ginagamit sa ✔ Pang araw-araw na Gawain ng mga mangingisda sa Navotas ✔ Mabigyan ng katumbas na salita sa o katawagan ang mga naitalang salita ng mga mangingisda ✔ Matukoy ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng mga katawagan ng mga salita o ng mga mangingisda sa Navotas

LITERATURA na May KINALAMAN SA PAG-AARAL Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangiang n nauugnay sa partikular na uri ng sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon o varayti ng wika. Ito rin ang ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika:

A. permanents para sa mga tagapagsalita / tagabasa Nabibilang dito ay: 1.dayalekto Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tationg dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal. Halimbawa: Tagalog-Bulacan Tagalog-Batangas Tagalog-Laguna

2. Idyolek

- Samantala ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. - Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas. - Ayon pa rin kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang. B. pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kasama rito ang register, mode at estilo: 1. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa: sayantipikong register panrelihiyong register pang-akademikong register 2. Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring formal, kolokyal at intemeyt o personal. 3. Ang mode ay ang varayting kaugnay sa midyurn na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.

Kahulugan at Uri ng Varayti ng Wika Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon o varayti ng wika. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri

at anyo ng salita. Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanents para sa mga tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga varayting permanente ay dayalekto at idyolek. Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tationg dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal. Maihahalimbawa rito ang mga dayalekto ng Tagalog na ayon sa iba't ibang lugar ng tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog-Rizal at Tagalog-Palawan. Samantala ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas. Ayon pa rin kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang. Ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika. Kasama rito ang register, mode at estilo. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay: sayantipikong register, panrelihiyong register, pang-akademikong register at iba pa. Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring formal, kolokyal at intemeyt o personal. Ang mode ay ang varayting kaugnay sa midyurn na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika sa parnamagitan ng: a.) mga taong bumubuo rito; b.) pakikipagkomunikasyon ng tao; c.) interaksyon ng mga tao; d.) sa mga katangian ng pananalita ng mga tao; at; e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.

Mga Teorya at Pananaw sa Varayti ng Wika Nasa kamalayan na ng mga pilosopo sa ika-18 siglo (Williams, 1992)ang pagkakaroon ng mga uri o varayti ng wika na nakikita sa katayuang panlipunan ng isang indibidwal. Dito nagsimula ang mga pag-aaral sa varayti ng wika na naging bahagi ng larangan ng sosyolinggwistika. At sa pagdaan ng panahon, nagbunga ito ng mga teorya at konsepto kaugnay ng pagtuturo at pagkatuto ng wika. Nangunguna sa mga teoryang ito ang sosyolinggwistikong teorya na batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech (langue) ay pangindibidwal. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga ralasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito. Para naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat. Gayundin makikita ang paghahalo ng mga varayti ng wika, dayalekto at register sa dalawang paraan: a) code switching o palit koda at b) panghihiram. Sa palit koda ang isang nagsasalita ay gumagamit ng iba't ibang varayti ayon sa sitwasyon o okasyon, Halimbawa nito ay ang mga usapan ng mga kabataan ngayon na nag-aaral sa mga kolehiyo: "0, how sungit naman our teacher in Filipino." "Hoy, na-gets mo ba sabi ko sa text ko?" "It's so hard naman to make pila-pila here." Ito ang tinatawag na conversational code switching kung saan ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang varayti o code sa iisang pangungusap. Dito naghahalo ang Ingles at Filipino. Mayroon ding palitkoda na sitwasyonal o ang pagbabago ng code ay depende sa pagbabago ng sitwasyon na kinalalagyan ng tagapagsalita. Isang magandang halimbawa nito ay ang pagbabago ng code ng konduktor ng bus patungong Baguio mula sa pakikipagusap niya sa mga pasahero na nagmula sa Metro Manila, Pampanga, Pangasinan, Tarlac at sa mga pasaherong galing Ilokos. Ginagamit niya ang mga wika ng taong galing sa lugar na sumakay sa bus. Ang panghihirarn ay isa

pang paraan kung saan nagkakahaio ang mga varayti. Sa paraang do, ang isang salita o higit pa ay hinihiram mula sa isang varayti tungo sa isa pang varayti dahil walang katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita. Tinatawag itong lexical borrowing. Halimbawa nito ay ang pangalan ng,pagkain na narito ngayon sa bansa na may kulturang dala mula sa pinagmulan nito (cultural color) tulad ng hamburger, pizza, taco, french fries; mga salitang dala ng pagbabago sa teknolohiya tulad ng CD, computer, diskette, fax, internet, e-mail at iba pa. Kaugnay pa rin ng sosyolinggwistikong teorya ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika o ang pagkakaroon ng ibat ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o mapasosyal man ang anyong ito. Dagdag pa sa pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ay lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyoekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika. Ito ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga varayti ng wika tulad ng pagkakaroon ng Tagalog Filipino, Ilokano Filipino, Ilonggo Filipino, Singapore English, Filipino English at iba pa. Tinatawag itong linggwistikong varayti ng wika. Mayroon ding varayti na ayon sa register o sosyal na kalagayan tulad ng Filipino ng mga nabibilang sa third sex, Filipino ng mga taong may iba't ibang trabaho tulad ng mangingisda, magsasaka, mga taong-pabrika, maging ang mga taong may iba't ibang dibersyon tulad ng mga sugarol, sabungero, mga namamahala ng huweteng at karera. Gayundin may Filipino ng mga kolehiyala, Filipino ng sosyal sayans, matematika, kemistri, at siyensiya na mga varayting pang-akademiko, Sa pagkakaroon ng ibat ibang varayti / register / anyo ng wika nagreresulta ito sa pananaw na pagkakaroon ng herarkiya ng wika. Tinawag ito ni Bernstein (1972) na Deficit-Hypothesis, na batay sa mga obserbasyon niya sa mga nag-aaral sa elementarya sa ilang paaralan sa England. Nakita niya na may magkaibang -katangian ang wika ng mga batang mula sa mahihirap na kalagayan. Nakita niya na may katangiang masuri at abstrak (elaborated code) ang

wika ng una at detalyado at deskriptibo (restricted code) naman sa huli. Ang pananaw na ito ay hindi sinang-ayunan ni Labov (1972) sa dahilang nagbubunga ng pagtinging di pantay-pantay sa wika ang ganitong pagtingin. Itinaguyod niya ang konseptong varyabilidad ng wika (variability concept). Sa paniwala niya, natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng varayti ng isang wika. At mahalagang tingnan nang pantay-pantay ang mga varayting ito – walang mababa, walang mataas. Ang paniwalang ito ay makabuluhan sa ating pagtuturo ng Filipino kaugnay ng iba pang wika sa iba't ibang rehiyon. Kaugnay ng pananaw ng varyabilidad ng wika ang Teoryang Akomodasyon (Accomadation Theory) ni Howard Giles (1982). Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral / pagkatuto ng pangalawang wika sa linguistic convergence at linguistic divergence. Nakafokus ito sa mga taong kasangkot sa sitwasyong pangwika. Sa linguistic convergence, ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o burnagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikipagpalagayangloob, pakikisama o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Sa kabilang dako naman, linguistic divergence naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad. Mahalaga ang pananaw na ito sa pag-aaral ng varayri ng wikang Filipino laluna kaugnay ng atityud sa paggamit ng inaakalang mas superior na varayti kompara sa mas mababang varayti depende sa katayuan ng kanilang unang wika sa lipunan. Bahagi (in ng Teoryang Akomodasyon ang tinatawag na interference phenomenon at interlanguage na nakafokus sa mga wikang kasangkot. lpinapakita ang pagkakaroon ng interference sa pagbuo ng mga varayti ng Filipino. Makikita ang impluwensya ng unang wika sa pagsasalita ng Filipino ng mga kababayan natin sa iba't ibang rehiyon. Tulad halimbawa ng CebuanoFilipino na mapapansin ang dipaggamit ng reduplikasyon o pag-uulit ng pantig sa salita. (Halimbawa: Magaling ako sa

pagturo ng Filipino.) Maibibigay ring halimbawa ang paggamit ng panlaping mag- kahit na dapat gamitin ng um- sa dahilang walang um- na panlapi sa Sebwano. Halimbawa: Magkain na tayo sa halip na Kumain na tayo. Ang interlanguage naman ang tinatawag na gramar o istruktura (mental grammar) ng wika na nabubuo o nakikintal sa isip ng tao sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Sa kalagayang ito nagkakaroon ng pagbabago sa gramar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas o pagbabago ng mga tuntunin sa wika. Halimbawa nito ang pagialagay natin ng mga panlapi sa mga salitang Ingles kahit na ito ay wala sa diksyunaryong Ingles sa ating pang-araw-araw na interaksyon tulad ng presidentiable, boarder, bed spacer, mailing. Gayundin naririnig na ng mga salitang Turung-turo na ako, Sayaw na sayaw na ako na dati ay hindi tinatanggap bilang pang-uri. Ang mga teorya, konsepto at pananaw na inilahad ay Han lamang sa mga batayang teoretikal sa pagtuturo / pag-aaral ng wika at sa pagtingin sa pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika (sa ating kalagayan, ng wikang Filipino).

Papel ng Filipino sa Pagkakaroon ng Magkakalbang Wlka sa Bansa Ano naman ang papel ng Filipino sa gitna ng magkakaibang wika sa bansa? Kung ating babalikan ang kahulugan ng Filipino ayon sa KWF Resolusyon 96-1: "Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang varayti ng vvika para sa iba't ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag... " Sa pagkakaroon ng kaalaman sa mga varayti ng wika, mgkakaroon ng pagbabago sa atityud ng mga Pilipino sa wikang Pambansa.

Mabubuksan ang kamalayan ng bawat isa sa atin na mayroon pala tayong bahagi o papel sa pagpapaunlad ng Filipino. Magiging aktibo ang partisipasyon ng lahat sa gawaing ito at mas lalago at madedevelop ang isang varayti o sariling varayti ng wika kung madalas gagarnitin at tatangkilikin ang Filipino ng iba't ibang tagapagsalita ng katutubong wika. Isang bagong larangan din ito, na kakikitaan ng mga paksa at gawaing kailangang saliksikin ng mga guro at mag-aaral sa anumang antas ng pag-aaral hindi larnang sa antas gradwado. Mula sa simpieng paglilista ng mga salita at diskurso, isagawa ang mas malalim na pagsusun ng mga smasalita at pasulat na anyo ng wika ng mga tao sa iba't ibang pangkat o grupo, sa iba't ibang lugar. Sa larangan naman ng pagtuturo, mahalaga ang pagkakaroon ng mga mag-aaral at guro ng malinaw na pananaw tungkol sa konsepto ng varayti at varyasyon ng wika. Sa gayon, makikita ng mga mag-aaral na bawat grupo, komunidad at rehiyon na gurnagarnit ng wika ay hindi iba o naiiba kundi kasali at kabahagi ng parnbansang wika at kultura. Mawawala ang mababang pagtingin sa mga wika ng mga taong hindi kapangkat o karehiyon. Makikita rin ang kontribusyon ng ibat ibang wika sa bansa sa pagpapaunlad ng Filipino. Mayarnang balon na mapagkukunan ang

mga

rehiyonal

na

wika

ng

mga

kaalaman

at

datos

mula

sa

kanilang

etnolinggwistiko, sosyal at komunidad na kinabibilangan. Dala dala ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa klase. At ibinabahagi nila ito sa mga interaksyon na nagaganap sa klase. Nabibigyang halaga rin nila ang kanilang sari-sariling wika at kultura bilang bahagi ng parnbansang wika at kultura.

Ang Papel ng Wikang Flipino sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa Bansa Lydia B. Liwanag

Ang sosyo-lingguwistika ay sangay ng lingguwistika na nakatuon sa mga pamamaraan kung paanong kabahagi o nakapaloob ang wika sa lipunan ng tao. 1 Sa obserbasyon ni John Spencer, isa itong malaki at lumalawak na larang ng mga gawaing interdisiplinaryo na nagtutuon ng pansin sa samutsaring paraan ng pagtatalaban ng mga penomenong lingguwistiko at panlipunan.2 Ayon kay Pamela C. Constantino, isa sa mga naging pokus ng larang na ito mula pa noong ikalabingwalong siglo ang pagkilala at pagsusuri sa mga varayti ng isang wika.3 Pagkat panlipunan, hindi naihihiwalay sa aktibidad ng mga tao ang gamit ng wika. Lagi nang may nag-iiba-ibang paraan ng pag-angkop ang wika sa sitwasyon ng paggamit dito. Ang varayti ay isang ekspresyong lingguwistiko na may gamit na natatakdaan ng mga nagbabago-bago at sitwasyonal na salik gaya ng rehiyon, hanapbuhay, o kinabibilangang uring panlipunan.4 Ang kinikilalang estandardisado o pambansang wika ay varayti lamang ng isang umiiral na wika.5 Binabansagan ding unibersal na anyo ng isang wika na may isang padron ng pagpapakahulugan, balarila, mga leksikon, at palatunugan, ang varayting ito na isang estandardisadong diyalekto ay nagagamit ng lahat ng nagsasalita ng iisang wika upang maunawaan ang isa’t isa bagaman pinaghihiwalay sila ng heograpiya o ng uring panlipunan o larang na kinabibilangan.6 Gayunman, sa isang lingguwistikong pananaw, walang varayti ng wika na itinuturing na nakahihigit o nakabababa sa ibang varayti. Ang nagiging estandardisadong varayti ay karaniwan nang nagmumula o itinataguyod ng isang sentrong pampolitika o pangkultura.7 Nakatuon ang papel na ito sa teoretikong pag-uusisa sa tinatawag na varayti ng wika. Isang pag-unawa ito hinggil sa pagkasangkapan sa mga teorya at kaalaman tungkol sa varayti ng wika sa layuning mabuo, mapatatag, at maipatanggap ang Filipino

bilang wikang pambansa sa lahat ng mamamayan sa buong kapuluan ng Filipinas. Nililinaw ko na sa bahaging ito pa lamang na hindi ito isang panunuligsa o pag-upasala sa masisigasig na teorista at tagapagtaguyod ng mga varayti ng wika bilang kadluan ng katwiran para sa Filipino. Isang akademikong ehersisyo ito na walang ibang hangarin kundi ang higit na linawin ang halaga ng ating pambansang wika bilang instrumento sa pagbubuklod ng isang lahi. Inaasahan na ang mga tanong na mailalatag dito ay makatutulong sa ibayong pagpapaliwanag at pagpapalalim sa mga pananaliksik at diskurso ng mga dalubhasang tagapagtaguyod ng wikang Filipino. Ang Varayti ng Wika Ayon kay William Labov, isang likas na pangyayari ang pagkakaroon ng iba-ibang anyo o varayti ng isang wika.8 Para kina Michael Gregory at Susanne Carroll, isang kategoryang kontekstuwal ang varayti ng isang wika na may mga lingguwistikong katangian na nakikipagtalaban sa mga paulit-ulit na katangiang sitwasyonal. Anila, “A language variety is a sub-set of formal and/or substantial features which correlates regularly with a particular type of socio-situational feature.“9 Sa madali’t salita, dahil penomenong panlipunan ang wika, ang mga taong nabubuklod sa iisang pook o nagkasama-sama dahil sa iisang gawain ay nakalilinang ng sari-sarili nilang paraan ng pakikiangkop sa paggamit ng wika. Tinatawag na diyalekto ang varayti ng wika na may balarila at bokabularyong nagbubunyag sa rehiyong pinagmumulan ng nagsasalita.10 Sa kabilang banda, sosyolek naman ang varayti na ibinubunga ng panlipunang kaligiran tulad ng antas na pang-ekonomiya, relihiyon, o anumang samahan o organisasyong kinabibilangan ng isang nagsasalita.11

Dahil sa heograpikong pagkakahiwa-hiwalay ng mga tao sa Laguna, Quezon, Cavite, Batangas, at Bulacan, bagaman pare-parehong Tagalog ang kanilang sinasalita, nagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa bigkas, morpolohiya, mga leksikon, at maging sa pagbubuo ng pangungusap sa wikang kanilang ginagamit. Ang mga salitang matamis at ngayon, halimbawa, ay binibigkas na /matam•is/ at /ngay•on/ sa Laguna, Quezon, at Batangas. Para sa mga taga-Laguna, Quezon, at Batangas, “Nakain ka baga ng isda?” Para sa mga taga-Bulacan, “Kumakain ka ba ng isda?” “Puyog na puyog” para sa taga-Laguna at Quezon ang isang taong “basang-basa ng ulan” para sa mga taga-Cavite o Bulacan. Pag sinabi mong “Ari po” sa Quezon, ang ibig sabihin, iinumin mo na ang tagay ng lambanog. Sa mga taga-Laguna, Batangas, Cavite o Bulacan, ang ibig lamang nitong sabihin ay “Narito po” o “Heto po” ang isang tao o bagay. Sa isang taga-Majayjay, Laguna, “nag-adyo” ang isang taong umakyat sa itaas ng bahay na para sa isang taga-Santa Maria, Bulacan ay “pumanhik.” Kapansin-pansin na ang mga diyalekto ng Tagalog ay hindi lamang alinsunod sa dami ng mga lalawigan mayroon sa Katagalugan. Bawat bayan sa bawat lalawigan ay may sari-sariling diyalekto. Hindi lamang sa pagkakaroon o kawalan ng ilang leksikon nagkakaiba ang mga mamamayan ng bawat bayan sa isang lalawigan. Nagkakaiba-iba rin sila sa tunog o punto. At walang nagsasalita na walang punto. Hindi lamang ito nahahalata para sa mga gumagamit ng partikular na punto na nagsisilbing pamantayan o higit na kinikilala dahil nagmumula sa sentrong politikal at pang-ekonomiya tulad ng Kamaynilaan. Ipagpalagay mang kapuwa sumusunod sa estandardisadong balarilang Filipino na itinuturo sa paaralan ang isang taga-Lipa, Batangas, isang taga-Malolos, Bulacan, at isang taga-Quezon City, magkakaiba pa rin sila ng bigkas sa pangungusap na, “Kumain ka na ba?” o “Dumating ka na pala.”

Pansinin din na dahil sa pisikal na katangian ng mga bayan o pook na pinagmumulan

ng

nagsasalita,

may

nagkakaiba-ibang

karanasan

kaya’t

may

nagkakaiba-ibang konsepto na inaangkupan ng salita. Sa mga bayang nasa paanan ng bundok gaya ng Majayjay, may dalawang pangunahing direksiyon na madalas gamitin sa pagtuturo ng kinaroroonan ng isang tao o bagay: ang ilaya at ibaba. Hindi ito maitutumbas sa hilaga at timog. Kung itatanong halimbawa, “Saan ho ang simbahan?” Ang magiging tugon: “Sa ibabang Blumentritt” kung ang kinaroroonan ng nagtanong at tinanong ay nasa mas mataas na bahagi ng bayan. Kung sa bandang ibabang bahagi ng bayan nagtanong, ang magiging tugon ay ganito: “Sa bandang ilaya ng munisipyo.” Mula rito, mahihiwatigan na higit na mababa sa kinaroroonan ng simbahan ang kinaroroonan ng munisipyo. Dahil matagal din akong nanirahan sa Majayjay, naging bahagi ng sistema ng aking pag-iisip ang ilaya at ibaba. Noong manirahan kami sa Lungsod ng San Pablo, sa Laguna pa rin, na isang kapatagan na katatagpuan ng pitong maalamat na lawa, nalito ako sa pagtuturo ng direksiyon sa pagsusulit na ibinigay ng guro ko sa Araling Panlipunan noong nasa unang baitang ako. Sa halip na hilaga at timog ang itumbas ko sa “north” at “south,” ilaya at ibaba ang aking ginamit. Hindi ko naisip na maaaring maging hilaga o timog ang alinman sa ilaya o ibaba dahil hindi naman nakabatay sa pinagmumulan ng hangin at posisyon ng araw ang mga panawag na ito sa direksiyon sa Majayjay. Batay lamang ang mga ito sa posisyong kinaroroonan ng sinuman o anuman sa paanan ng bundok. Bukod sa Tagalog, tinatayang may higit sa isandaang wika sa buong Filipinas. At bunga ng heograpikong pagkakahiwa-hiwalay ng mga gumagamit ng lahat ng wikang ito, tinatayang mahigit sa apat na raan ang kabuuang bilang ng mga diyalekto sa buong bansa.12 Kaya kung paanong may mga diyalekto ang Tagalog, gayundin, may mga

diyalekto ang Cebuano, Ilocano, Kapampangan, at iba pang wika sa iba’t ibang panig ng ating kapuluan. Sa kabilang dako, nabubuo ang sosyolek sa pagsasama-sama ng mga tao bunga ng pagkakaroon nila ng magkakatulad na gawain o hanapbuhay, relihiyon, at ng kung ano pang makapagbubuklod sa kanila. Kung biglang mapaumpok ka sa isang grupo ng mga doktor at nagkataong nag-uusap-usap sila tungkol sa isang sakit o uri ng gamot o paraan ng paggagamot, kahit pa nasa Filipino o Tagalog ang kanilang pagpapalitangkuro, mapapansin mong parang may hindi ka maunawaan sapagkat may mga salita o idyoma na tanging sila lamang bilang mga doktor ang nakaaalam. Para sa mga tulad kong hindi lumaking mahilig sa basketbol, nakahihiyang makihalubilo sa mga mananampalataya ng tila pambansang larong ito. Noong minsang mapasama ako sa outing ng klase namin sa kolehiyo, napaumpok ako sa mga lalaking masugid na tagahanga ng noon ay sikat na sikat na koponan ng Ginebra. Hindi ko nasakyan ang kanilang usapan na may kinalaman sa pagbubuslo, ley-ap, ringles, at bangko, at kung ano-ano pa. Pagpapasok ng bola sa ring ang “pagbubuslo,” isang paraan ng pagbubuslo ng bola nang nakalahad ang palad at may kasamang talon malapit sa ring ang “ley-ap,” pagpapasok ng bola na hindi sumasayad sa ring ang “ringles,” at hindi pagkakapasok sa laro o ang pananatiling nakaupo sa bangko ng manlalaro ang “mabangko.” Sa isang kolehiyong dati kong pinagturuan, madalas na nakakakuwentuhan ko sa pamamahinga sa faculty room ang dalawang kapuwa guro na parehong bading. Minsan ay sinita ng mas nakatatanda ang isa na halos kaedad ko lamang, “Hoy, naimbiyerna raw ang mga estudyante mo kanina. Wis daw nag-apir ang biyuti mo. Siguro nanghada ka na naman kagabi, no?” Dati ko nang naririnig ang imbiyerna na sa intindi ko ay

“nainip” o katumbas ng idyomang “namuti ang mata sa kinahihintay.” Nakapagtataka nga lamang kung paanong naging katumbas ng pagkainip ang nasabing salita na “winter” ang kahulugan sa orihinal nitong anyo sa Kastila. Kung sa bagay, nakaiinip, nakababaog, at nakamamatay naman talaga ang matagal na taglamig. Hindi na rin gaanong bago ang “wis” na katumbas ng wala o hindi at “apir” na tuwirang hango sa salitang Ingels na “appear.” “Hada” o “panghahada” ang tawag sa paghahanap ng makakatalik na lalaki. Sa dinami-rami ng pag-uuri-uri at pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa Katagalugan pa lamang, tiyak na ganoon din karami ang sosyolek ng wikang Tagalog. At ang mga sosyolek na ito, pati na ang mga diyalekto, ay nagkakasama-sama o nagkakaengkuwentro sa isang komunidad o pamayanan ng isang wika.13 Ang Wikang Filipino Nasyonalismo ang nagluwal sa wikang pambansa noong mga unang dekada ng siglo dalawampu. Isang pangangailangan ito

sa pagtataguyod ng pambansang

kapakanan at pagkakakilanlan, isang paraan ng pagkilala at paggigiit ng higit na awtentikong sarili ng mga Filipino sa harap ng mga mananakop na Amerikano. Ngunit para sa ilang kritiko, isang dominasyon o isang mapanlinlang na anyo ng pananakop ang pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa noong panahon ng Komonwelt. Isa raw itong imperyalistiko at di-makatarungang hakbang ng Pangulong Manuel L. Quezon na nagsaisantabi sa wika at kultura ng mga di-Tagalog. Sabi nga ni Aurelio Agcaoili: Sanhi ng kanyang pagmaniobra, ang makatarungang konsepto na nagtatatag ng ‘panlahat na pambansang wika na nakabatay sa umiiral na mga wika’ sa bansa ay naging di makatarungan nang ang batayang konsepto ay naging ganito: ‘pagpapaunlad

at pagtanggap sa isang panlahat na pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na mga katutubong (dialekto) wika.14 Dahil sa diumano’y hindi maluwag na pagtanggap ng mga mamamayan sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa, na paglaon ay tinawag na Pilipino, minarapat ng mga tagapagplanong pangwika na baguhin ang pagkilala rito. Sa pagtatakda ng mga konstitusyon ng 1973 at 1987, ang wikang pambansa ng Filipinas ay kinilala bilang Filipino. Nakasalig ang pagiging wikang pambansa nito sa pagiging pambansang lingua franca nito. Ito ang wikang ginagamit sa pagtatalastasan ng mga taong hindi nabibilang sa iisang rehiyon kung kaya’t may kani-kaniyang wikang sinasalita. Sa madali’t salita, ito ang pangkalahatang medium ng komunikasyon sa buong kapuluan.15 Sa ganitong pagsusulong ng bagong pagkilala sa Filipino bilang wikang pambansa natagpuan ng ating mga dalubhasa sa wika ang pakinabang sa mga teorya at kaalaman sa varayti ng wika. May bisang sikolohiko daw ito sapagkat makapagpapaiba sa damdamin at paraan ng pagtanggap ng mga mamamayan, lalo na sa mga di-Tagalog, sa wikang pambansa. Magkakaroon daw ang bawat isa ng kamalayan sa pagiging sangkot at may mahalagang papel sa pagpapaunlad ng Filipino.16 Ngunit totoo nga kayang ang Filipinong ito na ipinatatanggap sa mga mamamayan ng Filipinas ngayon bilang wikang pambansa ay hindi na ang Tagalog na itinalagang maging batayan ng wikang pambansa ni Manuel L. Quezon? Isang wika na nga ba ang Filipino na may mga varayti tulad ng Filipinong Tagalog, Filipinong Cebuano, o Filipinong Ilocano? Kung ang isang pambansang wika, gaya ng nabanggit na sa simula, ay isang estandardisadong varayti at isang varayti rin lamang talaga ng isang wika, ano o kanino ang estandardisadong varayti na pinagbabatayan o siyang kinikilalang Filipino?

Tagalog, Pilipino, Filipino Sa edisyon ng A Dictionary of Language ni David Crystal noong 1999, ganito ang nakatala tungkol sa pambansang wika ng Filipinas: Pilipino The name given to the national language of the Philippines, when the country became independent in 1946, now spoken by over 40 million people (c. 60% of the population). It is a standardized form of Tagalog, an indigenous Austronesian language spoken by c. 15 million people as first language in central and south-western parts of the islands of Luzon, which includes the capital, Manila, and parts of Mindanao. It is written in the Roman alphabet. It is now taught in schools, and has become a lingua franca throughout the Philippines (along with English). In the 1970s a further attempt was made to create a national language, based less on Tagalog, and this came to be called Filipino. However, this has not replaced Pilipino.17 Maraming dapat pansinin mula sa siping ito. Una, sa pagtingin ni Crystal, Pilipino pa rin ang kinikilalang pambansang wika ng Filipinas. Estandardisadong anyo ito ng Tagalog na kinikilalang isang katutubong wika sa bansa. Halos may kalahating siglo nang itinuturo ang wikang ito sa mga paaralan at naging lingua franca na sa buong kapuluan. Ang pagtatangkang lumikha ng isang wikang hindi gaanong batay sa Tagalog, ang Filipino, ay naganap noong dekada sitenta. Gayunman, ang pagsasabing hindi ito gaanong batay sa Tagalog ay hindi nangangahulugang hindi na talaga ito batay sa Tagalog. Bukas na tumatanggap daw ang Filipino ng mga ambag mula sa iba pang wika sa Filipinas at maging sa Ingles at iba pang wika, banyaga man o katutubo, na ginagamit o umiiral sa Filipinas. Kung lingua franca nga ito, naiiba kaya ito sa pagiging lingua franca ng Pilipino? Hindi kaya mas tumpak na sabihin o aminin na ang lingua franca na

kinikilalang Filipino ay ang varayti ng Pilipino na nalinang bunga ng patuloy na paggamit dito sa mga paaralan at sa radyo, telebisyon, pelikula, at sa mga awiting popular pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Kung totoong multilingguwal na bansa ang Filipinas, wala talagang maituturing na isang wika na magagamit sa pag-uusap ng mga tao rito. Sadyang mabubuo ang lingua franca sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang wika upang magkaroon sila ng magagamit sa pagtatalastasan. Ngunit bago pa man kilalanin ang pag-iral ng lingua franca na kung tawagin ay Filipino sa Filipinas, matagal nang nagtatalastasan ang mga tao rito. At dahil mula pa noong panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan ay Maynila ang sentro ng mga aktibidad na pampolitika at pang-ekonomiya, ang varayti ng wikang Tagalog dito ang naging batayan ng lingua franca sa buong kapuluan. Kaya hindi katakatakang ang Tagalog-Maynila na ito, hindi ang Tagalog ng Baler, Tayabas na siyang varayti ng Tagalog na alam ni Manuel L. Quezon, ang naging batayan ng wikang pambansa na idineklara noong kalagitnaan ng dekada tatlumpu. Nang

maitakdang

kinailangang

magkaroon

ituro

ang

ito

ng

pambansang

wikang

estandardisadong

ito

mula

anyo.

Dahil

noong

1940,

pambansang

pagtatalastasan ang layunin, isang mahalagang pangangailangan ang estandardisadong anyong ito. Lalo’t isasaalang-alang ang kalikasang pabago-bago ng pabigkas na wika at ng mga diyalekto nito, kinailangang magkaroon ito ng estandardisadong paraan ng pagbigkas at pagsulat. Sa obserbasyon ni E. D. Hirsch Jr., “Early grammarians and the makers of spelling books and dictionaries were often forced to choose from among several accepted possibilities, and in all cases had to freeze the then current form of the language, thus inhibiting

further

grammatical

or

phonetic

evolution.“18

Ngunit

hindi

ito

nangangahulugan na nagsara na ang isang wikang estandardisado sa mga sitwasyonal na pagbabagong dapat angkupan ng wika. Bilang buháy na wikang nakikisabay sa takbo ng panahon, patuloy itong tumatanggap ng mga bagong salita at gamit ng salita na ibinubunga ng modernisasyon at pagsalimuot ng mga karanasan ng tao. Muli, paliwanag ni Hirsch, “…standard languages are not conservative in evolving vocabulary. New words are constantly coming into use, and old ones are constantly disappearing. In short, though standard languages are created artificially, they continue to evolve naturally.“19 Pansinin, halimbawa, ang gamit ng wika sa isa sa mga tula ni Lope K. Santos, ang kinilalang “Ama ng Balarila” at laging binabalikan at binibira bilang may sarado o konserbatibong pananaw sa paggamit ng wika: Ganyan, ganyan araw-araw ang demonyong telepono, pahatiran ng pag-ibig at mesendyer ng magnobyo: sa halip na gamitin lang sa bisnisan at negosyo, hindi’t dahil sa sintahan, laging bisi’t okupado.20 Dekada singkuwenta na marahil sinulat ang akdang ito. Pansinin na hindi lamang tumanggap ng Ingles na salita (”mesendyer”) si Lope K.Santos, binanghay pa niya ayon sa panuntunan ng wikang Pilipino o estandardisadong Tagalog (”bisnisan”), bagay na karaniwan nang ginagawa lalo na ng mga kabataan sa kasalukuyan sa buong kapuluan. Maláy si Lope K. Santos na Tagalog ang kaniyang ginagamit, at gaya ng pinatutunayan ng tulang ito, hindi siya sarado sa mga posibilidad ng pagtanggap ng bagong salita. Ganito rin si Levi Celerio, Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika at Panitikan, na sumulat ng maraming awit na naging popular noong huling anim na dekada ng siglo dalawampu. Tingnan, bilang halimbawa, ang letra ng awiting “No Money, No Honey” na paksang awitin ng isang tanyag na pelikula noong dekada singkuwenta:

No money, no honey, Nawawala ang honey kung wala kang money. No money, no honey, Bakit kaya ganyan ang laging nangyayari? If you have much money, Hindi mabilang ang nagmamahal sa dami Subalit kung maghirap ka, Diyan ka na, dito kami, No money, no honey. May madalas na nangyayari Sa lalaki at babaeng may honey, Ang pagsinta dahil sa money, Kailan man ay indi nagiging happy. No money, no honey, Mabuti at sama ang dulot nitong money. Kapag naubos na ito sa araw man o gabi, No money, no honey.21 Nang sulatin ni Rolando S. Tinio, Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Panitikan, ang susunod na tula na isa ngayon sa mga kinikilalang mohon ng modernong tula sa Filipinas, Tagalog o Pilipino ang alam niyang ginagamit niyang wika: Sa poetry, you let things take shape, Para bang nagpapatulo ng isperma sa tubig. You start siyempre with memories, ‘Yung medyo malagkit, kahit mais

Na mais: love lost, dead dreams, Rotten silences, and all Manner of mourning basta’t murder. Papatak ‘yan sa papel, ano. Parang pait, Kakagat ang typewriter keys You sit up like the mother of anxieties. Worried na worried hanggang magsalakip Ang odds and ends ng inamag mong pag-ibig. Jigsaw puzzle. Kung minsan, everything fits. Perso sige ang pasada ng images Hanggang makuha perfectly ang trick.22 Kung tutuusin, ang wika ni Tinio sa tulang ito ay isang sosyolek. Varayti ng wika ito ng mga Filipinong taga-Maynila at edukadong babad sa Ingles kaya’t malaking bahagi na ng kanilang karanasan ang nasa wikang Ingles. Kaya sa paggamit nila ng Tagalog o Pilipino, malaya nang pumapasok ang bokabularyong Ingles sa kanilang pangungusap. Palibhasa’y dominado ng ganitong klase ng mga tao ang media, ganito ang wikang naririnig natin ngayon sa radyo, telebisyon, at pelikula. Taglish ito kung ituring noong araw, ngunit ang totoo, varayti ito ng Tagalog o Pilipino. Dahil ito ang wikang napalalaganap sa buong kapuluan sa pamamagitan ng media mula sa kalakhang Maynila, ito na nga ang ating pambansang lingua franca. Ito na ang Filipino, kung gayon. Ito na ang klase ng Filipino na ginamit nina Consuelo J. Paz, Viveca V. Hernandez, at Irma U. Peneyra sa kanilang aklat na Ang Pag-aaral ng Wika (2003). Pansinin ang isang sipi mula sa unang kabanata ng kanilang aklat: “Magbibigay ang chapter na ito ng oberbyu sa wika bilang isang atribyut na yunik sa tao at sa Linggwistiks bilang disiplin kung saan ang mga wika ang pinag-aaralan.”23

Higit na mahirap ang hinihingi ng ganitong lingua franca sa mga mamamayang gagamit nito. Kung ganito ang estandardisadong anyo ng lingua franca na kikilalanin bilang

wikang

pambansa,

kailangang

matuto

ng

Ingles

kahit

ang

karaniwang

mamamayan. Paano aasahang maintindihan ng tindera sa palengke o isang basurero na hindi nakatapos man lamang ng ikaanim na baitang ang mga salitang “oberbyu,” “atribyut,” at “yunik”? Kung sa bagay, hindi naman magbabasa o makikinig ang mga taong nabibilang sa gayong uri sa mga panayam nina Paz at mga kasama tungkol sa Lingguwistika. Kaugnay ng mga varyant na diyalektal, dahil nga sa napalaganap na ng mass media ang uri ng lingua franca na tinalakay sa itaas, karaniwan nang makarinig mula sa isang Cebuano ng ganitong pangungusap, “Nganu ka nag-doubt sa ginasulti ko?” O sa isang Ilonggo, “San-o ka mag-vacation sa province?” Ngunit varyant nga ba ito ng Filipino (na hindi na gaanong batay sa Tagalog) o varyant ng Cebuano at Hiligaynon mismo? Kung halimbawa kasing sasabihin ang nabanggit na pangungusap ng isang Cebuano sa isang Ilocano, kung nakauunawa ang huli ng Ingles, makikilala at maiintindihan nito ang salitang “doubt.” Ngunit malamang na mangapa ito sa kahulugan ng “nganu” at “ginasulti.” Gayundin sa kaso ng pangungusap ng Ilonggo. Kung halimbawa’y sabihin niya ito sa isang Kapampangan, maiintindihan tiyak ng huli ang “vacation” at “province” lalo’t nag-aral naman ito, ngunit tiyak na mahihirapan ito sa “san-o.” Ngunit kung sa halip ay ginamitan ng mga salitang Tagalog ang sinabi ng Cebuano, “Bakit ka nag-doubt sa sinasabi ko?” o ng Ilonggo, “Kailan ka mag-vacation sa province?”, tiyak na walang dudang magkakaintindihan sila dahil pasok na ang mga pangungusap na ito sa pamantayan ng pambansang lingua franca.

Ganito rin ang maoobserbahan kahit sa mga sinusulat ng ating mga dalubhasa sa wika. Bagaman may pagkilala sila sa varyant ng mga wika, diyalektal man o sosyolek, kailangan nilang umayon o sumunod sa isang sa wari ay “di-nasusulat” na pamantayan upang maintindihan. Pansinin ang isang siping ito mula sa isang artikulo ni Jovy M. Peregrino: “Hindi maaaring ituring na mali ang aksent ng mga rehiyonal na varayti dahil ito’y may sosyolingguwistikong katangian sa mga gumagamit ng partikular na wikang iyon.”24 Ngunit sa dulo ng sinipiang artikulo ni Peregrino, pinili niyang magtapos sa ganitong paraan: “Ha akon huna-huna, maupay ini nga tiempo para paupayon pa it konsultasyon tungod ha varayti hit national language ha iba-iba nga lugar ha Filipinas. Huna-hunaon naton nga it Filipino na Waray waray it primera nga language ha pagtutdo ha eskuwelahan.”25 Mabuti na lamang at pagtatapos na ang talatang ito, isang pagbubuod ng lahat ng kaniyang sinabi sa buong papel. Kung nagkataong sinulat niya sa ganitong paraan ang buong papel, na hindi naman niya talaga gagawin sa ngalan ng pambansang pagkakaunawaan, tiyak na tanging mga Waray ang makaiintindi sa kaniyang sinabi. Kailangan pa rin niyang magbalik sa estandardisadong varayti, sa varayti na nagmumula at itinataguyod sa sentro ng mga aktibidad na pampolitika at pang-ekonomiya—Maynila. May iba pa kasing isinasaalang-alang sa pasulat na wika, na hind isinasaalangalang sa harap-harapang pabigkas na pag-uusap. Pagdiriin nga ni E. D. Hirsch: An oral dialect cannot be transposed directly into a standard written language. The conventions of oral dialects evolved from using language in face-to-face situations, whereas written languages, which Haugen calls grapholects, must be adapted to anonymous situations in which the writer cannot be sure who the reader will be.26

Gayunman, napakahalaga ng puntong binigyang-diin ni Peregrino sa kaniyang artikulo: “Ang mga varayti ay magsisilbing varayti lamang sa isang lugar o grupo ngunit hindi mananatiling pangkanilang lugar lamang o grupo ang mga salita dahil sa oras na magkakontak ang dalawang varayti, hindi maiiwasang malaman o matutuhan natin ang kanilang varayti.”27 Ngunit kahit posible, hindi laging mangyayari ang ganito lalo’t isasaalang-alang ang teorya ng akomodasyon sa wika ni Howard Giles. Sa pakikipagugnayan ng tao sa ibang tao, gumagaya o nakikibagay siya sa pagsasalita ng kausap upang

bigyan

ng

halaga

ang

kaniyang

pakikiisa,

pakikipagpalagayang-loob

o

pagmamalaki na kabilang siya sa grupo. Ito ang tinatawag na speech convergence. Sa kabilang banda, tinatawag na speech divergence ang laging paggigiit ng isang tao ng sariling paraan niya ng pagsasalita sa isang pangkat ng tao. Sa ganitong paraan, manganganib na lagi siyang maisantabi o mapahiwalay sa nakararami.28 Ang totoo, manaka-nakang nakatutunghay tayo ng mga pagpasok ng mga varyant na diyalektal o sosyolek sa pambansang lingua franca sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mass media. Nitong nakaraang sampu hanggang dalawampung taon, naging maluwag ang pagpasok ng mga salitang “kuno,” “etching,” “suportahan ta ka,” na kung hindi naitampok sa programa o patalastas sa radyo at telebisyon ay nagamit naman sa pelikula. Gayon kalakas ang mass media kaya hindi mababalewala ang halaga nito sa pagbuo at pagkalinang ng wikang pambansa. At dahil sa bilis ng mga pangyayari, mahihirapan

ang

sinumang

manggagawang

pangwika

sa

pagtatala

ng

mga

pagbabagong nagaganap sa estandardisasyon at mga praktikal na gamit ng wika. Mahalagang bagay rin ang mga proyektong tulad ng taon-taong ginagawa ng Filipinas Institute of Translation, ang Sawikaan: Mga Salita ng Taon. Sa gawaing ito na idinaraos tuwing Agosto ng bawat taon mula pa noong 2004, nagtitipon-tipon ang mga eksperto o sinumang may malaking interes sa wika upang pag-usapan ang mga bagong

salitang nadagdag sa bokabularyong Filipino. Sa nalathalang pagsasaaklat ng mga pagtalakay sa mga bagong salita ng taon noong 2004, makikita ang mga salitang hiniram tulad ng fashionista at text o hinango mula sa mga umiiral nang salita sa ibang rehiyon sa Filipinas tulad ng salbakuta na galing diumano sa Bikolnon.29 Paglalagom Tinangkang usisain sa papel na ito ang konsepto ng varayti ng wika at kung paano ito makakasangkapan sa pagbuo at maluwag na pagpapatanggap ng wikang pambansa sa mga mamamayan ng buong kapuluan. Sa naging pagtalakay, naipakita kung paanong sa paraang teoretiko ay maigigiit na bilang lingua franca, ang Filipino ay varyant ng Pilipino na isang estandardisadong Tagalog. Ito marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi pa nababago ang pagkilala ng mga lingguwistang dayuhan sa ating wikang pambansa. Para sa kanila, ito pa rin ang Pilipino na estandardisadong anyo ng Tagalog. Ngunit kahit Tagalog ang pinagbatayan o kahit na sabihing di-na-gaanong Tagalog ang Filipino, malaki na talaga ang iniunlad ng wikang pambansa. Dahil sa pagtataguyod na iniukol ng mga paaralan at ng mass media, higit sa lahat, naging malaganap ang wikang pambansa na kung tawagin mang Tagalog o Filipino ay hindi na mahalaga pa sa mga mamamayang gumagamit. Obserbasyon nga ni Virgilio S. Almario, “Kailangan lamang tingnan ang paglusog ng komiks, pelikula, at awitin sa Filipino para makilala na tinatanggap at naiintindihan ito sa buong bansa.”30 Ang hindi ganap na pagtanggap dito ay higit na usaping politikal sa halip na lingguwistiko—nasa tao at wala sa wika mismo ang problema. Para kay Pamela C. Constantino, sa kabilang dako, makatutulong sa paglutas ng suliraning ito ang mga kaalaman sa varayti ng wika. Para sa kaniya, may bisang

sikolohiko

ang

pagkaalam

ng

mga

varyant

ng

wika

para

sa

mga

tao.

Makapagpapasimula ito ng pagbabago sa pagtanggap ng mga tao sa wika. Dahil dito, aniya, “Magkakaroon ng kamalayan ang mga tao na may bahagi siya o papel sa pagpapaunlad ng wikang pambansa.”31 Mula rito, tulad ng iginiit ni Jovy M. Peregrino, nasa pagtatagpo-tagpo ng mga varyant ng wika o ng lingua franca sa mga partikular na lugar at sitwasyon ang pagkamalay natin sa pagkakaiba-iba natin. Isang birtud pala itong maituturing sapagkat lumalabas na nasa pagkakaalam natin sa ating pagkakaiba-iba ang prinsipyo ng ating pagkakaisa. Kung sa bagay, mahalagang paalala nga ni E. D. Hirsch, Jr. para sa ating lahat: “every national language is a conscious construct that transcends any particular dialect, religion, or social class.“32

Metodolohiya o Pamamaraan A.

Setting ng Pag-aaral Ang pag-aaral ay ginawa ng mga mananaliksik sa buong bayan ng Navotas, kung saan kabilang ang mga lugar na kinatatagpuan ng mga mangingisda mula sa populasyong ito. Una ay ang pondohan o bagsakan ng mga isda sa bayanMalabon, Fishport sa Boulevard at maging ang konsignasyon sa Tangos.

B.

Mga Sabjek Ang ginamit na mga sabjek sa pag-aaral na ito ay ang mga mangingisda, na nasa pamilihan at bagsakan ng mga isda.

C.

Instrumento Gumamit ang mga mananaliksik ng survey questions at nagtanong sa mga mangingisda sa kanilang pagtratrabaho. Ang iba naman ay gumawa ng checklist, at ang iba’y itinala ang mga salita at expresyong sinasambit ng mga ispiker.

D.

Sakalaw at Limitasyon ng Pag-aaral Naging pokus o sentro ng pag-aaral ang mga wikang gamit ng mga mangingisda sa kanilang hanapbuhay. ANg pinagmulan t pagkakabuo niyto ay susubkang suriin ng mga mananaliksik. Sa pag-aaral na ito ay hindi na binigyang pansin ang mga diin o tono ng pananalita. Binigyang diin lamang ang kontsruksyon o pagkakabuo ng diwa ng mga expresyon.

E.

Mga Hakbang na Isinagawa Sa pagsusurvey ng mga mananaliksik, ionbserbahan nila ang mga diskurso na ginamit ng mangingisda. Sa kanilang mga Gawain ay nakasubaybay ang mga ito. Sa konsignasyon at Alamangan sa Tangos, pinasagutan ng mga researcher ang kanilang mga survey at nagtanong sa mga sabjek. Ang mga datos na nakalap ay inipon at pinagsama-sama upang masuri at mabigyan ng interpretasyon ng mga mananaliksik. Kaugnay ditto, bumuo ang mga mananaliksik ng isang register mula sa mga salitang ginamit ng mangingisda sa kanilang pang-arawaraw na Gawain.

Ang Varayti ng Wika sa Navotas na may Kinalaman sa Register ng Wika sa Pangingisda: Paglalahad ng Mga Datos Dahil sa register na hinihingi ng siwasyon, ang varayti ng wika na may kinalaman sa register ng mga salita sa pangingisda o ang mga salitang ginagamit at may kaugnayan sa pangingisda, ay siyang sinuri at hinanapan ng datus mula sa mga mismong mangingisda. Gamit ang register ng salita sa pangingisda, tinukoy at sinuri ang vareyti ng mga ito, dahil sa pagkakaiba ng katangian at kapaligirang pinagmulan ng mga ispiker nito. Dalawang varayti ng wika ang nasuri na ginagamit ng mga mangingisda. Isa nito ay ang halo o blend ng Bisaya at Tagalog. Tagalog na Binisaya ang tawag nito ng mga mamamahayag. Sa informal na huntahan, tinatawag din itong Bis(ayang) (Taga)log o BISLOG, at kung minsan TAGBIS. Halatang halata na ang wikang ito, sa pananaw ng mga ispiker nito, ay halo o blend ng Tagalog at Bisaya. Tunghayan ang mga pangungusap na hango sa “Tagalog na Binisaya” at ang mga hango sa diskurso ng mga mangingisda sa kanilang trabaho. Ang mga salitang italisado ay ang mga pormang hindi tumutugma sa sa Tagalog.

a. Dahil wala namang mahuling aring sakag , naglibang libang ako. b. Wag lang yung dagat na magtabok kami dahil takot akong sumakay ng

Bangka para tumabok. c. Inisip naming na mas mabuti kung muhawa na lang mi kay kusog lagi ang

ulan! d. Bakladin man natin yan? e. Bumabaldig ‘yong liteng. Pabangkisan muna kasi mo.

Ang susunod naman ay dayalog ng resertser (A) at ng isang mag-aalamang sa dulong Tangos, barangay sa dulo ng Navotas.

A: Saan ho ang sakayan papuntang Pulo? B: Medyo layolayo pa. A: Saan ho ba magandang dumaan? B: Ulas tayo. Bankerohan man ito. Kung dito ka magdaan, baha man gud ngayon. Pero mas ideal dito. Ang isa namang uri ng varayti ay mas medaling maunawaan sapagkat ito ay halo ng mga salitang Tagalog at iba pang probinsya sa Luzon gaya ng Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite. Ang varayti ding ito ay malapit sa Filipino na ginagamit sa pang-arawaraw na pakikipagtalastasan sa Metro Manila. Ito rin ay may konting batik ng Ingles. a. Sinalapang ni Juan ang dalag nang umanagat sa tubig.

b. Let’s go na, mambabakaw pa ako sa palengke ng ating pulutan

c. Aba’y balinggiyot namang itong nakuha mong isda! Ang Tagalog na Bisaya (na tinatawag ring BISLOG o TAGBIS). Balikan natin ang ilang pangungusap na ibinigay hanggang sa ibaba: a. Wag lang yung dagat na magtabok kami dahil takot akong sumakay ng bangka

para tumabok. b. Inisip naming na mas mabuti kung muhawa na lang mi kay kuso lagi ang ulan! c. Hindi ako makatu-o sa ginawa niya!

Pansinin natin ang halo ng mga salita sa loob ng pangungusap: sa unang pangungusap, ang verb sa Bisaya magtabok at tumabok (rutword: tabok, TAG. Tawid); sa ikalawang pangungusap, muhawi (rutword: hawa, TAG. alis) at ang freys kay kusog lagi (TAG. kasi talagang malakas) at ang personal pronawn mi (clip ng kami na ginagamit rin sa TAG sa kabuuang anyo nito); at sa ikatlong pangungusap, makikita ang bisayang pandiwang makatu-o (TAG. makapaniwala). Sa mga pangungusap na ito, mapapansin na sa pangkalahatan, mas kukunti ang mga salitang Bisaya kaysa tagalog. Masasabing code-switching ito. Ganunpaman, dapat unawain na bagama’t alam ng ispiker ang katumbas sa Tagalog ng mga salitang Bisaya na ginagamit niya, malamang pipiliin pa rin ng ispiker ang salitang mas madali o mas natural para sakanya. Isa pang kapansin-pansin na katangiang ng varayting ito ay ang pagsingit ng mga Bisayang partikel sa pangungusap. a. Mabigat bitaw gyud yang lambat sa huli daw.

TAGALOG: Sobrang bigat ng lambat dahil sa huli. b. Huwag lagi ba iangat ang sakag!

TAGALOG: Sinabi nang huwag iangat ang lambat! c. Galenga talaga niya gyud, uy!

TAGALOG: Ang galling-galing niya talaga! Maliban sa mga partikel, pansinin ang dalawang morpema ng galenga at galeng-a. Karaniwang inaafiks ang morpemang –a sa mga adhetibo sa Bisaya. Dagdag na mga eksampol: dakoa (ang laki), gamaya(ang liit o konti), sapiana o datoa (yaman) at iba pa. Makikita naman ang pag-aafiks ng mga salitang patanong upang maging pandiwa ang mga ito. Karaniwan itong ginagawa sa morpolohiya ng wikang Bisaya. a. Anohin man natin yan?

TAGALOG: Anong gagawin natin yan? b. Na-ano ung panti?

TAGALOG: Anong nangyari sa lambat? Ginawang verb ang ano sa pamamagitan ng pag-afiks ng –(h)in at na-. Ginagawa ito sa Bisaya. Unsa ang katumbas ng ano sa Bisaya. Samakatwid, ang anohin ay unsaon sa Bisaya at ang naano ay naunsa.

KONKLUSYON Nailarawan sa papel na ito ang barayti ng wika sa syudad ng Navotas, na may Kinalaman sa register ng wika sa pangingisda ay ang Tagalog-Bisaya at Tagalog ng mga mga Taga-Luzon(Bulacan, Rizal, Laguna). Ito ay sa dahilang ang mga mangingisda at ang mga taong may Kinalaman sa pangingisda ay pangkaraniwang may lahing Bisaya o di kaya naman’y hindi taal na taga Maynila. Dahil sa ito ang pangunahing hanapbuhay sa Navotas, karamihan sa mga manggagawa ay mangingisda at ganito ang kanilang pananalita. Nakikita natin ang barayti ng halong wikang tagalog Bisaya at tagalog ng mga taga-Luzon. Mas maramo ang salitang tagalog sa loob ng pangungusap. Ngunit masasabi bang salitang Tagalog talaga ang mga rutword ng Tagalog na linalapan ng mga afiks alinsunod sa lagda ng morfosintaks nito? Hindi ranngap sa gramatika ng wikang Tagalog

ang morfosintaks ng varayti ng wikang itong ginagamit ng mga mangingisda. Hndi rin aangkinin ng mga katutubong ispiker ng wikang Tagalog ang TAGBIS bilang tagalog dahil taliwas ito sa mga lagda ng grammar na itinakda at umiiral sa kanilang wika. Kaya hindi ito Tagalog! Ito ay Filipino.

Bal•díg pnr 1: tumatalbog, gaya ng batong pasadsad na ipinukol sa ilog o lawa 2: bumabalik ang pukol, gaya ng boomerang o eroplanong papel na bumabalik sa tao na nagpukol nito— BUMABALDIG. Bal•díg pdw 1: patalbugin o pasadsarin ang bato o kahoy sa tubig cf BALIBÁT. 2: pumukol sa paraang magbabalik sa tao ang ipinukol na kahoy o bagay, gaya ng boomerang o eroplanong papel— BALDIGAN, BALDIGIN, MAGBALDIG, MAGPABALDIG, NAGPAPABALDIG. Bang•kís png: paraan ng pagtali na paagapay sa dalawang pinagdurugtong na kahoy o kawayan, gaya sa katig ng b Bi•ga•tót png: hugis boteng sisidlan na yari sa nilalang kawayan, pahaba ang leeg at pabilog ang katawan, at ginagamit na panghuli ng dalag.angka—pdw BANGKISAN, BANGKISIN, IBANGKIS, MAGBANGKIS, NAGBANGKIS, PABANGKISAN. Ga•wá•ngan png 1: Sa Binangonan, uri ng malaking bangka na panlawa o pantubig-tabang 2: sa diksiyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, ambon o banayad na ulan. Mahirap nang matukoy kung ang ugat na salita ng gawangan ay gáwang na tumutukoy sa “pag-abot ng kamay.” Kung iuugnay ang gáwang sa mga pasahero ng bangka na inaabot ng kamay ng bangkero o sinumang nasa daungan ay maaari nga. Ngunit posible rin na may kakaibang pakahulugan ang gawangan ng Binangonan dahil natatangi ang bangka na panlawa kaysa pandagat. Há•sag png: uri ng ilawang de-gaas [na ginagamit sa pangingisda]. Ba•ling•gi•yót pnr: taguri sa tao, hayop, ibon, isda, o anumang bagay na napakaliit, halimbawa, “Aba’y balinggiyot namang itong nakuha mong isda!” Sa Bisaya Romblon, maitutumbas ito sa salitang isót na panuring sa anumang maliit o kakaunti.

Bi•rí•ring•kít [bi + ri + ringkit?] png 1: biya na ibinilad sa araw at ginagawang daeng. 2: uri ng maliliit na hipon o biya na pinagulong sa arinang hinaluan ng binating itlog, at tinimplahan ng sibuyas, asin, at paminta, at ipiniprito nang lubog sa mantika upang gawing parang okoy: BIRINGKIT. Bu•wí•li png, zoo: uri ng maliliit na susô na maitim ang talukab at ipinapakain sa mga itik cf: KUHÓL. Ga•ngó png: hipong ibinilad sa araw para patayuin: HÍBI. Kung paniniwalaan ang lahok sa diksiyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, ang “hibi” ay hango umano sa wikang Tsino. Kung gayon

nga,

maimumungkahing

gawing

pangunahing

lahok

ang

“gango”

at

gamiting

singkahulugan na lamang ang “hibi.” Ká•ring-ká•ring zoo png 1: ayungin na ibinilad sa araw at pinatuyo, gaya ng sa daeng. 2: paraan ng pagdaeng sa ayungin. Muling binuhay ni Raul Funilas ang terminong ito sa kaniyang mga tula, ngunit hindi pa nalalahok sa diksiyonaryo nina Jose Villa Panganiban at Vito Santos at ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino). Mam•ba•bá•kaw [mang+ba+bakaw] pdw 1: mangunguha o manghihingi ng isda o anumang bagay doon sa palengke o baybayin, halimbawa, “Mambabakaw muna ako sa palengke ng ating pulutan, hane?” 2: mangungupit ng isda o anumang paninda o bagay sa palengke o tindahan. Pi•na•lós [p+in+alos] png: kanduli o dalag na nilagyan ng dinikdik o ginayat na luyang dilaw at dinurog na biskotso, saka iniluto sa suka, bawang, sibuyas, at sinahugan ng gata, kangkong, at iba pang gulay, bukod sa tinitimplahan ng asin o paminta. May ibang paraan ng pagluluto ng pinalos, na hinahaluan ng mga siling labuyo, at nakalaan naman para sa mga tomador. Ang ugat ng salitang pinalos ay maaaring tumukoy din sa paraan ng pagluluto ng palos na ginataan na may halong mga sili, luya, at bawang, gaya ng ginataang pananglitan (sea eel) sa Romblon.

Ta•la•hi•sà [tala+hisà] png. 1: taguri sa halo-halong maliliit isda na nakatumpok at ipinagbibili sa palengke. 2: sa patalinghagang paraan, taguri sa mga maralita, kung hindi man bata o maliliit na tao na magkakasama o magkakakulumpon. Sa•la•páng 1 png: uri ng sibat na may pitong tulis at pitong sima, at ginagamit sa panghuhuli ng malalaking isda cf: TRIDENT 2 pdw: tao na magaling manghuli, mang-akit o mambighani ng ibang tao, upang pagkaraan ay isahan—MANANALAPÁNG, SALAPANGIN, SINASALAPANG, SUMASALAPANG, halimbawa, “Sinalapang ni Juan si Ester nang bumisita sa bahay.”

Sanggunian

Alonzo, Rosario 1. 1993 "Mga Pag-aaral sa Varyasyon at Varayti ng Wika." Papel na Binasa sa Pambansang Kumperensya ng Pambansang Samahan sa Wika. U. P.

Constantino, Pamela C. 1993. "Varayti at Varyasyon ng Wika: Historya, Teorya at Praktika" nasa Minanga, Sentro ng Wikang Filipino, UP, Quezon City.

Liwanag, Lydia B. 1993 - 1998. "Ang Register ng Filipino na Ginagamit ng mga Estudyante sa Pamantasang Normal ng Pilipinas." Papel na Binasa

sa

Pambansang Seminar ng Pambansang Samahan ng Wika, UP, 1993 at sa Internasyunal Kumperensya sa Filipino. 1998.

Victor, Florencia C. 1993. "Sarbey ng Varayti ng Filipino na Sinasalita ng mga Estudyanteng lbaloy at Kankanaey sa Benguet State University." Papel na Binasa sa Pambansang Kumperensya ng Pambansang Samahan sa Wika, UP.

Related Documents