Mga Wika sa Pilipinas
Austronesya- Dito nagmula ang Wika sa Pilipinas - 1,268 na wika - Pangalawa sa angkang Niger-Congo - Sakop ang mga wika sa Timog-Silangang Asya at Pasipiko, Taiwan sa hilaga at Madagascar sa Kanluran. Austronesya- Nahahati sa dalawang sangay. Formosa- Eksklusibong mga wika na matatagpuan sa Taiwan. Malayo-Polinesyo- Lahat ng wikang sinasalita sa labas ng bansang (Taiwan) ito ay kasama sa Malayo-Polinesyo tulad ng Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Brunei at Singapore.
Halimbawa: Anak- Malayo, Java, Yami Anaka- Madagascar Mata- Malayo, Java, Maori, Chamorro, at Yami.
Iba’t ibang Wika sa Pilipinas
Ayon kay Ernesto Constantino, mayroong 100 wika, 400 diyalekto.
Ngunit, sa pagpapangkat naman ni Curtis McFarland, mayroong 110 wika ang Pilipinas. At sa huling pagtataya ng Komisyon sa Wikang Filipino, binubuo ng 160-170 wika ang Pilipinas. Gayunman, mayroong walong pangunahing wika na sinasalita sa iba’t ibang rehiyon: Iluko, Pangasinense, Kapampangan, Tagalog, Bikol, Cebuano, Hiligaynon at Waray.
Pangkalahatang Katangian ng mga Wika sa Pilipinas
Ponolohiya/ Palatunugan- Sistema ng pagsulat o baybayin. Mayroon itong tatlong makabuluhang tunog na Patinig: /a, i, o/ At 14 na Katinig: /b, d, g, h, k, l, m, n, ng, p, s, t, w, y/ Ngunit, nang dumating ang mga kastila, nadagdag ang tunog na /e/ at /u/.
Samantala, ang /c, f, j, ñ, q, v, x, at z ay hindi lamang sa banyaga nagmuka kundi mga titik na makikita rin sa Ibanag, Ivatan, Bontoc, Tausug, Yakan.
1. Sisyavak (biro) at quined (maikli)- Ivatan 2. Uffun (parangal/pagkilala) at kurameg (daliri)Ibanag 3. Vochong (usapang pangkapayapaan sa Kalinga)
4. Masjid (mosque) at Jimpaw (tuwalya) sa Tausug 5. Xoho (luha) at Texnan (lalamunan sa Itbayat) 6. Ustadz (guro sa Islam)
Mga halimbawa:
Ayon sa pag-aaral nina Virgilio Almario at Komisyon sa Wikang Filipino, may pagkakatulad ng wika sa Pilipinas sa pagkakaroon ng diptonggo na /aw, ay, uy, oy/ at may dagdag na /iy/ sa Tagalog at Pangasinense; /iw/ sa Tagalog Waray, Cebuano, Pangasinense, Iluko, Bikol, at /ey/ sa Tagalog at Bikol.
Sangayon din sa pag-aaral ni Cecilio Lopez na 50% ng mga salita sa mga wika ng Pilipinas ay may pagkakatulad at pagkakahawig. Halimbawa ang mga sumusunod:
1. Eye- Tag, Seb, Hil, Ilk, Bkl, P-neg, S-L, Png, Akl, Nbl, Tir, Bgb, Sbl, Ivt, Apa, Tao, Mar, Btk, Mgd, Cuy, Ilt- Mata
2. Roofing • Atip- Tag, P-neg, Nbl, Btk • Atep- Png, Sbl, Apa, Mar, Cuy, Ilt. • Atup- Seb, Hil, S-L, Tao, Mgd. • Atap- Pmp
3. Tooth • Ngipin- Tag • Ngipon- Seb, Hil, Ilk, Bkl, SL, Akl • Ngipan- Ibg
4. Buy • Bili- Tag, Png • Abli- Pmp • Bii- Tao
5. Hair • Buhok- Tag, Seb, Hil, Bkl • Bohok- S-L • Buhuk- Tao, Mgd • Bwek- Png • Bwak- Pmp
6. New • Bago- Tag, Ilk, Mar, Mgd • Bayu- Pmp, Ivt • Bado- Nbl
7. Vein • Ugat- Tag, Ilk, Mar, Mgd • Ulat- Png, Nbl, Ilt • Uyat- Pmp, Sbl, Ivt
8. Rice • Bigas- Tag • Bugas- Seb, Hil, SL, Akl, Tao • Bagas- Ilk, Bkl • Begas- Mar
9. Flow • Agos- Tag, S-L, Png, Pmp, Mar, Mgd • Ayos- Ilk, Ivt • Ayut- Cuy
10. Night • Gabi- Tag, Ibg, Apa, Mgd • Labi- Png • Yabi- Sbl • Rafi- Btk
MORPOLOHIYA
Morpolohiya- pagkakaroon ng kayariang maylapi, inuulit at tambalan.
a. Maylapipagsasama ng salitang-ugat at panlapi. • Unlapi- Pagkakabit ng panlapi sa unahan ng salitang-ugat. • Gitlapi- Pagkapit ng panlapi sa gitna o pagitan ng unang katinig at kasunod na patinig ng salitang ugat.
• Hulapi- Pagkabit ng panlapi sa hulihan ng salitang-ugat.
• • • • •
Mag+basa= Magbasa Mag+lakad= Maglakad Ma+ husay= Mahusay Um+asa= Umasa Ma+laki= Malaki
PAG-UUNLAPI
• • • • •
Um+kain= Kumain In+basa= Binasa Mu+punta=Pumunta Um+talon= Tumalon In+sagot= Sinagot
GITLAPI
• • • •
An+aklat= Aklatan An+tala= Talaan An+sulat= Sulatan In+aral= Aralin
HULAPI
b. Inuulit- May dalawang uri ito. • Pag-uulit na ganap- Pag-uulit ng buong salitang ugat. • Pag-uulit na ‘di ganap- Bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Halimbawa: • Kabit-kabit • Dala-dala • Araw-araw • Sino-sino • Ano-ano
Pag-uulit na ganap
Halimbawa: • Iinom • Tatakbo • Tatalon • Kakanta • Uulit • Susulat • Nagbabasa • Nagsusulat
Pag-uulit na ‘di ganap
c. Tambalan 1. Tambalang ganap- Makabubuo ng ibang kahulugan mula sa pagsasama ng mga salita. 2. Tambalang ‘di ganap- Mananatili ang kahulugan ng mga salitang pinagsama.
TAMBALANG GANAP: • Taingang-kawali • Hatinggabi • Pusong-mamon • Taos-puso • Hanapbuhay
HALIMBAWA
TAMBALANG DI GANAP: • Asal-hayop • Bahay-ampunan • Araw-gabi • Hatid-sundo • Taong-bayan
SINTAKTIKA
Sintaktika/PalaugnayanNagbibigay ng impormayon sa paksa: • Simuno/paksa at panagurihindi karaniwan ayos. • Panaguri at paksa- karaniwang ayos.
• Umakyat sa puno ang bata. • Kumain ng tsokolate si Mia. • Magaling kumanta si Hanna.
KARANIWANG AYOS
• Si Analyn ang tinanghal na panalo. • Bulacan State University ang pinagtapusan kong paaralan. • Star City ang pupuntahan namin nila nanay.
HINDI KARANIWANG AYOS
Miclat (1995)- Pandiwa ang pinakakumplikadong uri ng salita sa Filipino. Maliban sa wikang Chavacano. Nag-iiba ang anyo ng pagbabago sa panahon ng kilos at sa pokus nito.
INGLES
FILIPINO
to write
magsulat
writing
nagsusulat
wrote
nagsulat
Will write
magsusulat
HALIMBAWA:
POKUS SA UGNAYAN NG PANDIWA SA PAKSA
1.Pokus sa aktor o tagaganap- ang paksa/simuno ng pangungusap ang siyang gumagawa ng kilos. Halimbawa: • Kumain ng prutas si Ana. • Nagluto ng adobo si Nanay. • Tumakbo si Louis.
2.Pokus sa layon- ang paksa/simuno ng pangungusap ang layon ng pandiwa. Halimbawa: • Kinain ni Lando ang tinapay. • Nadulas si Kayla sa banyo. • Binili ni Carla ang kurtina.
3. Pokus sa pinaglalaanan ng aksyonang paksa/simuno ng pangungusap ang tagatanggap ng kilos. Halimbawa: • Pinakain ni Susan ang kanyang anak. • Pinatakbo ni Ian ang kanyang kapatid. • Pinapupunta si Aya sa tindahan.
4. Pokus sa ganapan- ang paksa/simuno ng pangungusap ang lugar ng pinangyarihan ng kilos. Halimbawa: • Pinagkainan ni Boyet ng pansit ang pinggan. • Pinagtapunan ni Marta ang kulay green na basurahan.
5. Pokus sa kagamitan- ang paksa/simuno ng pangungusap ang kagamitan o kasangkapan ng kilos. Halimbawa: • Ipinanglalaro ni Marie ang kanyang pera. • Ipinanliligo ni Francis ang sabon galing ibang bansa.